Thirty Eight
Dahan dahang napatayo si Mayumi sa kanyang inuupuan. Maging ang mga kasamang nandudun ay unti unting lumalapit sa malaking glass window. Kasalukuyan silang nasa conference room dahil sa isang mahalagang meeting ng mga bagong investors.
Kitang kita mula doon ang nangyari sa labas ng building. Ang kaninang maliwanag ay unti unting dumidilim. Bumilis ang galaw ng mga ulap. Nagtatakbuhang mga tao sa ibaba. Nagbabanggaang mga sasakyan.
Maging ang mga tao sa loob kasama niya ay nataranta. May iilang natigil bigla at parang nawalan ng buhay ang mga mata. Pagkaraay napapakurap ito ng dalawang beses. Napatakip ng bibig si Mayumi nang masaksihan iyon. Tatlo sa mga nandun ang gumamit ng eD Enhancer.
Tinawag niya ang mga ito at pinasunod sa kanya. Pumasok sila sa opisina ni Mayumi. Inutusan niya itong pumikit at sinipat niya kaagad ang mga itsura nito. Gamit ang salamin niyang suot ay makikita doon kung saang banda nakalagay ang chip. May isa sa bandang noo, ang dalawa ay nasa wrist nila.
Activated na ito pero hindi pa na kontrol. Dahil kung na control na ito, marahil ay kanina pa ito naghahasik ng lagim.
Hindi na din sila nagtaka kung bakit sila dinala dito at pinapikit. Wala nang kabuhaybuhay ang kanilang mga mata. Kaya iyon pinapikit ni Mayumi dahil pakiramdam nya, nakatitig sya sa mata ng mga patay.
Ngunit, alam nyang may masamang mangyayari kapag manatiling activated ang chip. Maaaring makagawa sila ng hindi kanais-nais. Hindi nito alam ang gagawin. Papatayin nalang ba niya ito o hahayaan nalang? Ngunit, kahit patayin ito ay muli lang din naman itong mabuhay. Tanging makakapatay lang naman sa kanila ang liwanag ni Light. Dahil nga binenta na nila sa kadiliman ang kanilang boung pagkatao, maging ang kanilang mga kaluluwa.
Ngunit paanong magkaroon ng liwanag ni Light kung hanggang ngayon, hindi pa bumabalik ang vessel nito. At isa pa, kadiliman na ang bumabalot sa sanlibutan.
Wala syang ibang choice kundi dalhin ang tatlo sa mansion at doon nalang niya ikulong ang tatlo. Kinailangan na din niyang umuwi para magbigay ng mga instruksyon sa mga nasasakupan ng LVP sa boung mundo.
Hinawakan niya ang tatlo. Gamit ang bigay ni Shineya sa kanya na isang fountain pen, pinindot niya ito at awtomatikong nagteleport sila papunta sa mansion. Kaagad namang sumalubong ang mga tauhan nila.
"Bring this three to the white room. Keep an eye on them and don't let your guard down." Utos niya sa lima na agad namang sinunod.
Ang white room ay parang detention room na kulay puti. Lahat puti, maging sa upuan at dingding. May ilaw din na kulay sobrang liwanag.
Mabilis na naglakad si Mayumi patungong control room. Dito namamalagi si Zero ngunit dahil nandun na iyon ngayon sa America ay ang dalawang tauhan nalang ang nadatnan niya.
"Trojan at Apollo, inform all the LVP mafias, assassins, ninjas, and gangsters all over the world to perform the code red." Utos niya sa dalawa.
Kapag code red, kinailangan nilang lumabas sa kanilang mga teritoryo at magmasid sa boung kapaligiran. Dito magsilabasan ang iba pa nilang malalakas na kaalyansa upang bantayan ang boung kapaligiran sa boung mundo sa maaaring gawin ng mga taong kampun na sa kadiliman.
Kapag sinabing code red, iisa lang ang ibig sabihin nyan sa mga miyembro ng LVP organization, bloody.
Ito lang ang tanging magagawa ng mga ordinaryong tao laban sa mga taong nagpapaalipin sa kadiliman. Ang LVP organization ay hindi lang binuo para sa kalaban kundi para maproteksyunan ang sangkatauhan sa oras na may mangyaring ganito.
Nasira ang connection at nawalan ng signal ang lahat ng mga gadgets. Yun ang lumabas sa mga monitor makalipas ang sampung minuto. Ngunit dahil may sariling satellite ang LVP ay hindi sila naapektuhan ng connection jam. Nagcrush ang signal ng lahat ng network worldwide. Ikinababahala na ito ng karamihan.
Mga batang nag-iiyakan. Mga ginang na naghahanap ng kanilang mga nawawalang anak. Mga kababaehan na nagsisigawan dahil hinahabol sila ng mga mukhang goons na kalalakihan. Tulo ang laway at nakalabas ang dila. Animo'y mga asong nasasarapan sa isang pagkain.
Mga lalaking nagsisigawan at nagsusuntukan. Mga matatandang napapasign of the cross. May nagdadasal, may nagtatago, lahat takot.
Sa madaling salita, binalot na ng kadiliman ang mundo.
May mga ginagahasa at pinapatay. May pinaglalaruan. May pinagkatuwaan. Lahat ng tao sa mundo kung hindi nawala sa sarili ay mga nahihintakutan naman.
Dumating ang mga tauhan ng LVP. Ang mga mafias at tinulungan ang mga nabiktima ng karahasan. Pinagbabaril ang mga kampom ng kadiliman.
Maging ang mga LVP assassins ay pinagtutugis din ang mga taong halang ang kaluluwa.
Pilit mang nanlaban ang mga kalaban ngunit wala silang sapat na lakas upang mapantayan ang lakas ng mga miyembro ng LVP.
Lahat ng iyon ay nakikita ng matanda mula sa isang hologram. Ang hologram ng mundo. Ang kanina'y may araw at gabi ay naging purong dilim.
Hindi niya maiwasang mangamba para sa boung mundo. Bumabalik na naman sa dati ang lahat.
Habang nakatitig si Kaname sa hawak nyang remote naalala nito ang pag-uusap nila ni Shineya bago ito tuluyang umalis palabas ng mansion.
"Darating ang araw ng kadiliman." Biglang sabi nito kaya napatingin si Kaname sa kanya. "Sa araw na yun, may magbubunyag ng iyong katauhan." Sabay tingin niya dito. Magtatanong sana ang binata nang maunahan sya nito.
"Ang nilalang na iyon ay nagmumula sa unang panahon. Kailangan nyang kunin ang iyong kalooban dahil ikaw." sabay lingon niya ulit dito. "Ikaw ang magsisilbing daan upang magtagumpay ang sarili nyang plano. Ang sakupin ang boung mundo." Pagkatapos nun ay tuluyan ng umalis ang dalaga kasama ang Uncrowned Royals sa mansion.
Naguguluhan man ay hindi malilimutan ng binata ang sinasabi nito.
Isang gabi bago ang paglusob ng tauhan ni Khael, nagpakita si Light sa kanyang panaginip.
"Tanggapin mo ang patibong niya. Sundan mo sya at kunin ang remote. Tandaan mong maigi, huwag na huwag kang maniwala sa mga sasabihin ni Hades. Dahil siya si Hades, mapanlinlang at ang kaisa-isang nilalang ang hindi naniniwala kay Dark. Dahil para sa kanya, siya lang ang nag-iisang demonyo, ang kadiliman." Sabi nito sa kanya. Nakakasilaw man ay nakuha nya pa ring tingnan itong mabuti.
"Huling paalala, hindi ka niya anak. Hindi ka para sa kanya dahil sa akin ka. Ikaw ang nag-iisa kong kapatid sa unang panahon na ninakaw niya. Dahil alam niyang ikaw ang susi upang maisakatuparan ang kanyang nais."
"Sa pamamagitan mo, mapipilitan akong lumabas at umanib sa kanya dahil ikaw lang ang nag-iisang kahinaan ko. Ikaw nalang ang natitira kong kadugo."
Matapos nyang marinig lahat ng iyon ay nagising syang tulala at umiiyak. Unti unti na nyang naalala ang dati nyang buhay. Sa unang panahon.
Yumanig ang liberty at nawalan siya ng balanse. Muntik na syang mahulog pero ang hindi nito inaasahan ay ang lumitaw sa harapan niya. Si Hades. Kasing laki at tangkad na ito sa liberty.
"You can't kill me kid." Anito sabay tawa. Hahablutin sana sya nito ngunit agad siyang nakatalon patalikod na halos mahulog ulit. Muling tumawa ang kalaban sa nangyari. "You can't get away with me Kai!"
Tumakbo sya nang tumakbo nagbabakasaling makaiwas siya ngunit laking gulat niya nang paluuin ni Hades ang ulo ng liberty. Nawalan sya ng balanse at kasabay ng pagbagsak niya ang pagkasira ng liberty.
Tumalon siya pababa papunta sana sa isang malapit na building nang salubungin siya ng malaking kamay ni Hades.
Nanlalaking mata at hindi alam ang gagawin ngunit isang malakas na hangin ang humigop sa kanya palayo. "Thank God! I came on time! Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Hiro na may dalang kulay silver na espada.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top