Forty (Epilogue)

"Dark?" Tawag ni Shineya sa kanya. Parehas namang naalisto ang tatlong lalaki at naghanda na sa kung anuman ang mangyayari.

Nakasout ng purong itim ang kinikilalang Dark at nakahood pa rin ito. Samantalang kabaliktaran naman kay Shineya. Nakadamit itong puting tela. Nakalugay ang mahaba at kulay diamond nitong buhok. Ang boung anyo nya ay nagsisigaw ng liwanag.

"How are you my Queen?" Anito sa isang malalim at matigas na boses. "You look so beautiful as ever."

"Isang lapit mo pa at makakatikim ka na sa amin!" Sigaw ni Shin nang akmang lalapit pa ito sa kinalulugaran ng Prinsesa.

"Oh? Kayo pala yan." Sabi nito nang mapansin ang iba pang kasamahan ni Shineya.

"What do you want?!" Malutong na sigaw ni Hiro. Pinapakiramdaman ang simoy ng hangin. Ang mga alon nito. ang bawat hampas nito. Sumisigaw ng panganib at mga iyak ng sangkatauhan.

Mula kay Hiro ay tinutok nito ang tingin sa Prinsesa na ngayon ay tahimik lang na pinagmasdan siya.

"No! You will never get her!" Agarang apila ni Shin at humakbang upang proteksyunan ang si Shineya.

Malutong na tumawa si Dark. Kasabay nito ang paglakas ng hangin na pilit namang kinukontrol ni Hiro. Ang pagkulog at isang malakas na kidlat ang bumalandara sa kalangitan.

Nagsisigawan ang mga tao sa ibaba. Nagtatabukhan. Nag-iiyakan. Dumarami na ang mga kalaban. Habang patuloy pa rin na nakikipaglabanan ang ibang kasapi ng LVP. Ang ibang mga inosente ay pilit isinilikas ng ilang kasamahan ng organisasyon.

Sa pagtigil ni Dark ay isang turo niya lang kay Shin agad na itong nanigas at halos hindi na makagalaw.

"Shin!" sabay na sigaw nila Hiro, Kaname at Shineya.

Umabante si Shineya upang bigyan ng proteksyon ang binata. Napaubo ang huli at halos mawalan ng hangin. "Stop it Dark!" Sigaw ni Shineya.

"Shin, okay ka lang?" Ani Hiro na may hangin sa isang daliri na nagmistulang whirlpool upang matulungan ang kaibigan.

"I-im okay. Salamat. Ang Prinsesa. Kailangan maitakas natin ang Prinsesa." Anito na punong puno ng pag-alala ang mukha.

"Hindi na kailangan. Saan man siya magpunta, mahahanap at mahahanap pa rin siya ni Dark. Lalo na ngayong kilala na siya nito." Pagkuntra agad ni Kaname.

"Anong gusto mong gawin? Hahayaan nalang natin sya na kunin ng demonyong yun?"

"Please. Nakikiusap ako sa'yo. Itigil mo na 'to." Ani Shineya sa isang mababang boses. Ngayon lang nila ito narinig na nakikiusap. Kailanman ay ito lagi ang nasusunod at tila walang pakialam sa paligid.

Ngunit, ibang Shineya ang kasama nila ngayon. Siya na si Light Princess, ang prinsesang may taglay na kabaitan at ang tagapagligtas ng sangkatauhan na may puso.

"Alam mong hindi kita magawang saktan."

"Dahil hindi naman talaga nananakit si Light Princess, hindi ba?" Anito na may kasamang pangungutya sa boses. "Wala kang pinagbago." nagbago man ang anyo at katawan niya, nandun pa rin ang kabutihan sa puso niya.

"Pero pasensya na, nasimulan na e. You knew, this has been my plan ever since. Ang kunin sa'yo ang pamumuno. You're too weak for being the leader. You're vulnerable Princess. Not a good example for a ruler."

"Tangina mo ah, ayaw mo palang mapakiusapan ah." Bulong niya sa sarili. "I may be the Light Princess but I'm still the fearless Shineya, asshole!" Sabay pinatamaan ito ng isang nakakasilaw na liwanag.

Ngunit kaagad nakaiwas si Dark at pumunta ito sa likuran ni Kaname. "Kaname!" Sigaw ni Shineya at dali daling yumuko ang binata. Isang white flame ang pinatama niya sa kalaban ngunit katulad lang din ng nauna, mabilis din itong nakailag.

"Thank you!" Sigaw nito sabay winagayway ang remote na nakuha niya mula kay Kaname.

Tumulong na din si Hiro sa pagmamaniubra ng hangin. Kinulong niya ito sa isang malaking ipo-ipo ay sinamahan pa ni Shin ng mga bitak bitak na bato at simento.

Isang white potion naman ang binato ni Shineya sa ipo-ipo at nang bigkasin ang isang spell ay bigla itong nagliwanag hanggang sa maglaho ito. Tanging ang itim nalang na kapa ang naiwan.

"My! My! My!" May isang boses mula sa ibabaw ng Eiffel Tower ang kaagad nakaagaw ng atensyon nila. Hindi ito masyadong kita dahil sa sobrang dilim. May dala dala itong laptop.

"You missed it miserably." Sabi ng boses at unti unti na itong lumalapit. "Nakakatuwa kayong panourin na pinagtutulungan ang cape ko." Sabi nito na may malaking ngiti sa labi.

"ZERO?!" Hindi makapaniwalang bigkas nila.

Natawa ng bahagya ang binata. "Surprised?" Anito at muling tumawa ng malakas. Katulad ng tawa kanina ni Dark. Sumabay din dito ang matindig kulog ang kidlat. Muling nagsisigawan ang mga tao ng tumama ang kidlat sa isang building.

"I'm his vessel." anito na animo'y proud na proud. "Ah! I've been wanting this kind of freedom." Sabi nito at matalim na tiningnan ang dalaga.

"Everything happened according to my plan, don't you think, JZ?" Tanong nito na may mapang-asar na ngisi sa labi.

"Hayop ka!" Sigaw ni Shineya at nagsummon ng dalawang katana. Pinapaulan nito ang binata na umiiwas lang sa bawat atake nito.

"I guess you figured it out. Mula sa pagkawala ng vessel mo hanggang dito."

"Dahil alam mong hinding hindi ka makakapagplano ng maayos kapag nandito ako!" Sagot ng dalaga na halos masira na ang mga ngipin sa pagtitimpi.

"Exactly!"

"Bwesit ka! Papatayin kita!" Sigaw ni Shineya at tinira nya ito ng magkasunod na white flame.

"You're just wasting your time dahil ngayong nasa vessel ko na ako, hinding hindi mo na ako mapapatay o masasaktan man lang." Sabi nito sabay tawa.

Sa sobrang inis ni Shineya ay napaiyak siya. Alam naman niya yun. Dahil katulad din niya ay hinding hindi din sya masasaktan nito. Ngunit, magkaiba ang panahon noon at ngayon. Kung dati ang Light Princess and may kakayahang sirain si Dark at yun ay ang paibigin siya, ngayon ay iba na. Ang Dark na ang may kakayahang sirain siya at doon pa sa pinakamasakit. Betrayal.

"Ganyan nga Shineya. Umiyak ka hangga't may tubig ka pa sa katawan. Nasaan na ang tapang mo ngayon ha?"

Masakit tirahin patalikod ng tinuturing mong kaibigan. Masakit matraydor ng malapit na tao sa puso mo. Kapatid na din kasi ang turing ng dalaga sa kanya.

Maging ang tatlo ay hindi makapaniwala. Si Kaname na kinikilalang Kuya nito ang lubusang hindi makapaniwala. "Zero." Tanging bigkas nya lang. Nilingon sya ng huli. "Sorry, naging magkapatid pa tayo sa panahong ito." Anito sabay tawa.

"Anyway, tama na ang drama." Akmang may pipindutin sana sya sa laptop niya nang mapansin iyon ni Hiro at kaagad niyang pinalutang sa ere ang kanyang laptop. Nagalit si Zero sa ginawa ng binata kaya gamit ang isang kamay, sinakal niya ito. "Huwag kang makialam!" Mas lalong diniinan nito ang pasakal na halos lumusot na ang mata nito.

Dali daling humarang si Shineya at doon lang nabitawan nito si Hiro. "Ako ang harapin mo! Bwesit ka!" Sigaw niya rito at mabilis na lumipad papalapit sa binata at sinipa ito sa tiyan.

Abala naman si Zero sa pagkuha ng laptop niya kaya hindi agad ito nakailag. Tumilapon ito sa ibabaw ng isa sa mga twin tower. Humiyaw lang ito saglit bago umayos ng tayo. Nagpagpag at may pinindot sa laptop.

"Masakit yun ah." Sabi nito at muli syang nakatanggap ng magakasunod na sipa, tadyak at suntok ng dalaga.

"Nilalabanan mo na ako sa pisikalan ha? Alam mo namang dehado ako dyan." Anito na muling bumangon at napatingin sa paligid.

Maya maya lang ay mas lalong dumilim ang boung kapaligiran. May malaking itim na bilog syang pinalabas sa kanyang harapan. Ngunit ganun din ang ginawa ng dalaga. Mas hinigitan niya pa ito hanggang sa nilamon nito ang kadiliman.

Namangha ang mga tao sa pag-aakalang bumabalik na ang liwanag. Ngunit may sinabi si Zero na syang dahilan upang matigilan si Shineya.

"You're too busy making your way and giving them light. Kung tutuusin, lahat ng tao sa mundo ay kontrolado ko na." Seryosong sabi nito sabay ngumisi ng nakakaloko.

"Kill everyone." Isang hologram ang lumabas sa pagitan nila at pinapakita doon ang mga kaganapan sa lahat ng panig ng mundo. Magulo, nagpapatayan. Ang mga patay ay muling nabuhay. Katulad sa nangyari kay Shine dati.

"You failed once again Light Princess."

--End of Book Two--

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top