(Edited) Twenty Three
Shah's Point Of View
Tumahimik na lamang ako. Sya na nga ang tinulungan sya pa tong galit. Ang bait naman. Siguro kasalanan ko rin , bakit ba kasi ako nangingialam. Ayan tuloy.
Natigil ako sa pag-iisip nang may tumawag kay Shin. "Ano?" Bungad nya rito. Wala man lang hello.
"Fuck! Where are you?! Okay okay, I'm on my way." Nilingon ko sya bigla dahil sa sigaw nya. Anong nangyari?
"Anong nangyari Shin?"
"Sino yung tumawag?"
Sunod sunod kong tanong. Kinakabahan kasi ako bigla.
Hindi naman sya sumagot at kahit gustuhin ko mang mag tanong ulit ay di ko nalang ginawa. Baka lalo pa itong magalit.
"Saan ba ang bahay nyo?" I-uwi nya na ako? Meaning di nya ako isama sa kung saan man sya pumunta?
"Wait, si Shine yung kausap mo kanina di ba?" Parang may something na kakaiba kasi sa loob ko e.
"Bahay nyo?" Di man lang ako nilingon. Diritso lang ang tingin nya sa daan. Papasok na kami sa subdivisiong tinutuluyan namin.
"Ano ba kasing nangyari? Sabihin mo naman sa akin oh." Niyugyog ko pa sya. Baka may masamang nangyari sa kanila. Or worst, napalaban sila. Gusto kong tumulong. Kaibigan ko din sila.
He hissed. "Ang kulit mo! They're into a fight right now! Okay? And don't expect that I'll bring you there! Laban namin 'to ng gang. I don't want you to get involve again. Kaya bahay nyo?" Nganga lang ako sa sinabi nya. I knew it! Pero bakit ayaw nya? Gusto ko nga silang tulungan!
No choice, iginiya ko sya sa bahay namin. Nang matanaw ko na ang two storey house na kulay puti at may brown ay tinuro ko na sa kanya.
"Shin, gusto kong tumulong. Bakit ba kasi ayaw mo?" Nakahinto na yung sasakyan pero di parin ako lumabas.
"Wag ng matigas ang ulo. Mas safe ka dito kaya pumasok ka na sa bahay nyo." Buntong hininga lang ang tanging nagawa ko at lumabas na ng sasakyan. Sakto namang tumakbo na ang sasakyan na syang pagbukas ng gate at iniluwa doon si tita.
"Sino yun Shai?" Nakapameywang nyang tanong habang nakataas ang isang kilay. "It's not what you think tita. Friend ko lang po sya." Matalim nya naman akong tinitigan bago ako pinapasok.
"Tita naman. Anong tingin yan? Kaibigan ko nga lang yun." Natatawang sinarado nya ang gate. Si tita talaga.
Someone's Point Of View
"Confirm boss. Sya nga ang hinahanap natin." Sabi nito sa kausap sa kabilang linya. 'Good. Punta ka muna sa mansyon"
Third Person's Point of View
Mabilis na pinatakbo ni Shin ang sasakyan hanggang sa natanaw na nya ang lugar kung saan naganap ang labanan ng kanilang gang.
Mabilis nyang inihinto ang sasakyan sa gilid ng iskinita at agad itong lumabas. Pumasok na sya sa maliit na iskinita at saktong may sumalubong agad sa kanya mula sa taas ng pader.
May tubo itong dala na ihahampas sa kanya pero mabilis syang nakayuko at agaran naman nyang binigyan ng suntok sa sikmura ang kalaban dahilan para mapakurba ang katawan nito at mabitawan ang hawak na tubo. Gamit ang kabilang kamay ni Shin ay binigyan nya agad itong suntok sa mukha kaya natumba ito.
Pinulot nya ang tubo at agad na hinampas sa isa pang kalaban na papasugod dito.
Sa kabilang banda naman ay hinihingal na nakikipagpalitan ng suntok si Shine. Liban sa pagod na nararamdaman ay iniinda din nya ang sakit mula sa tagiliran. Mabilis ding umagos ang dugo dun.
"Shine! Nandyan na si Shin. Sa sasakyan ka muna, malalim yang sugat mo! Kaya na namin 'to.
Pasigaw na sabi ni Shinji sa kanya, tinanguan nya lang ito. Nilingon nya ang paligid upang makahanap ng pwedeng madaanan nang hindi mapalaban dahil hinang hina na sya. Marami na ring dugong naubos sa kanya. Ngunit sa kakahanap nya ng madaanan ay isang maliit na kamay na nasa likod ng pader ang nakakuha ng atensyon nya.
Kunot noong napatingin sya rito at laking gulat nalang nya nang biglang maglanding si Shai sa baba nito. Sakto namang nagtagpo ang paningin nila at dali dali itong lumapit sa kanya.
Habang papatakbo si Shai papunta kay Shine ay may sumalubong kaagad sa kanyang dalawang lalaki. Mabilis nyang sinalo ang kamao ng lalaking nasa kaliwa at tinuhod ito. Siniko nya naman ang lalaking nasa kanan at sapul ito sa mukha. Iniwan nya ang dalawa at mabilis na dinaluhan si Shine na papatumba na ngayon. Buti nalang at nasalo nya agad ito.
"Shai!" Pansin sa kanya ni Shiki.
"Ako na ang bahala kay Shine!"
Tumango lang si Shiki at tinuon na ang pansin sa kalaban. Mabilis na binuhat ni Shai si Shine at agad itong tumalon sa mataas na pader na nasa tapat lang nila at tumuntong dito.
Nahagip pa ng mga mata nya si Shin na masamang nakatingin sa kanya habang nakikipaglaban ito. Muntik pa syang ma out of balance kaya mabilis itong tumalon pababa at agad tumakbo sa sasakyan nya.
"Don't worry Shine. Dadalhin kita agad sa ospital!"
Sabay lapag nito sa back seat. Mabilis ang kilos ni Shai papasok sa driver's seat at agad pinaandar ang sasakyan.
"Buti nalang talaga at sinundan ko si Shin. Baka ano pang nangyari sayo."
Napansin ni Shai na may itim na sasakyan ang agad na sumulpot sa kabilang iskinita at sinundan sila.
"Wwaaahh! Not now plleeassee!"
Binilisan nya pa lalo ang pagpatakbo ganun din ang itim na sasakyan. Halos magpanic si Shai nang may inilabas itong baril. Napatigin din sya bigla kay Shine na papapikit na.
"Not now Shine!"
May pinindot ito sa may bandang radio at may lumabas na maraming buttons. Pinindot nya ang red button at ang narinig nya nalang ay ang pagputok ng gulong sa itim na sasakyan. Mga maliliit na spikes ang nahulog mula sa likurang sasakyan ni Shai.
"Shit!" Sigaw ng isang lalaki at lumabas mula sa sasakyan. Agad tiningnan ang dalawang putok na gulong.
Nilingon nya ang papaliit na sasakyan ni Shai hanggang sa nawala ito.
"May araw ka din sa akin Shai."
Edited
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top