(Edited) Twenty One

Shin's Point of View 

"Taga saan ka?" Tanong ko sa kanya pagkaalis namin sa school. 

"Greenhills. Teka! Uuwi tayo? Ni hindi pa nga ako nakapagregister, lagot ako ka—"

"Ako ang bahala. Kaya tumahimik ka na dyan." Putol ko sa kanya. Ni hindi ko sya sinulyapan. Patuloy lang din ako sa pagmamasid sa paligid nang magsalita sya, "P-pero s-sina Shi—" Matalim ko syang tiningan kaya tumahimik din. 

Ewan ko ba kung bakit ko 'to ginawa. Naiinis tuloy ako sa sarili ko. Pero buti nalang din at lumabas ako kanina kundi yari na talaga 'tong babaeng 'to. 

Habang nasa field ako nagpapahangin. 

"Shai Chua." Narinig ko sa di kalayuan at may nakita akong isang lalaking naka uniform ng tulad ko na may kausap sa kanyang cellphone. 

'Tss! And dami na talagang nakakilala sa babaeng 'yun.' Aalis na sana ako doon nang magsalita ulit yung lalaki. 

"Opo. Mukhang magkaibigan na po sila ni Cross. I saw them eating lunch together." Umigting ang bagang ko sa narinig. Dumapo ang paningin ko sa lalaking naglalakad na palayo sa akin. Di ko na narinig ang sinabi nya. Pumihit ito pa kanan at doon ko lang sya namukhaan. Kasama ito sa grupo ng lalaki kaninang nakipag apir kay Shai. 

At anong ibig sabihin nya? Kasama nya sa lunch? Yung transferee? 

"Shit!" 

Nagtagpo ang mga mata namin ni Shai na syang dahilan kung bakit umasim ang mukha ko. Sinundan ko lang sya ng tingin habang nakayuko syang lumiko nang mahagip ng mga mata ko yung transferee na mukhang sinadya yatang mabangga nya si Shai. 

"Sinasabi ko na nga ba!" 

Madali ko lang nahanap si Shai at mabuti namang kasama nya ang mga ka gang ko. Lalapitan ko sana nang mahagip ng mga mata ko ang isang lalaking may hawak na bow at arrow sinundan ko ito kung saan nya ititira. Napalunok ako nang makitang papunta ito kay Shai. Binitawan nya yung arrow kaya mabilis akong lumapit at sinalo yun. Mukhang naramdaman nya naman yun dahil pati sya nakahawak din.

Bwesit na Jacob. Alam kong may ibang pakay ka kay Shai, at kailangan malaman ko yun. 

"Nagseselos ka ba?" Nabalik ako sa ulirat nang nagsalita sya. "What?!" Nahihibang na ba 'to? "Tss. Never." Baliw na ba to? Bakit naman? Asa sya. 

"Pero ba- 

"Stop talking." Putol ko.

*** Barcelona, Spain @ Dange Mafia's Mansyon *** 

"You called. After long long years of searching. Ano, napatay nyo na ba?" Nakasandal sya sa kanyang swivel chair habang ang dalawang paa ay matiwasay na nakapahinga sa ibabaw ng lamesa. Sa kanang kamay naman ang telepono at malaking yosi din sa kaliwa. 

"Hindi pa boss pe— 

"WHAT DID YOU JUST SAY?!" Halos lumuwa ang mata nito sa galit.

"Hindi pa— 

"AAARRGG! BULLSHIT!" Umayos ito sa pagkaka upo. Binaba ang dalawang paa at lumapit ito sa lamesa at ginulo ang buhok. "NA NAMAN!? PUTANGINA ANG WEAK NYO! SIMPLENG BAGAY DI NYO PA NAGAWA!" Hinampas nito ang lamesa sabay sumandal sa upuan. 

"S-sorry boss. May nakakita po kasi sa mga tauhan natin at naunahan tayo." Mahihimigan naman sa takot ang nasa kabilang linya. "Ang BOBO nyo! Mga walang kwenta! Putangina!" Muling sigaw nya at mabilis itong tinapon ang telepono sa labas. 

*** 

"Shin, U-turn ka BILIS!" Napatalon ako sa biglaang pagsigaw nya kaya agaran ko rin namang sinunod. 

Sumulyap ako sa salamin at doon ko lang napansin na may nakasunod pala sa amin. Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan para mailigaw ko sila. "Pano mo nalaman na tayo ang sinusundan nun?" Sinulyapan ko sya at kalmado lang syang nakatingin sa harap. Ibang klaseng babae. Di ba 'to nakakaramdam ng takot? 

"Napansin ko na yun pagkaalis natin sa school." Masyado ba akong preoccupied at di man lang nakapansin? 

Mabilis kong tinawagan si Shine para ipaalam sa kanya na hindi kami makakapunta. "Isama nyo kami sa mga sasalihan nyo-- shit!" Nasundan pa rin kami! 

"Shin, okay lang ba kayo dyan? Anong nangyari?" Nag-alalang tanong nya sa kabila. "Oo. May sumusunod sa amin, ililigaw ko lang. Bye." Hindi ko na ddinugtungan pa at pinutol ang tawag.

"Hoy babae! Ano ba talagang meron sa'yo?" Bakit ba lagi ko 'tong napapansing nanganganib ang buhay? Sino ba talaga 'tong babaeng 'to? 

Muli akong napatingin sa labas, bwesit! Nasundan pa din kami! "Fuck!" 

"Pumasok ka sa maliit na iskinita dyan!" Suhestiyon nya. Ni hindi ako tinapunan ng tingin.

"You crazy? Saang iskinita ba ang tinu— oh shit!" May nag left turn pang 10 wheeler truck sa unahan! Sumulyap ulit ako sa salamin, putangina! Tinutukan na kami ng baril! 

"Full speed. Right side." Buang na talaga ang isang 'to. Gusto na ba nitong mamatay? 

Napayuko ako nang magpaputok sila habang kinabig ang manibela para umiwas. Kung kailan kaming dalawa lang, saka pa nila naisipang atakihin kami.

"Daan ka sa likod ng truck. Turn the wheel to the right in 3 . . . 2 . . . GO!" 

Halos matuliro ako sa magkasabay nilang sigaw at pagputok ng baril na kahit kinakabahan ay nagawa ko pa rin. Aatakihin yata ako nito sa puso. Bwesit talaga! Buti rin di kami naabutan ng bala. 

"Kalma kalang. Di na yun makakasunod kaya pumasok ka na dyan sa maliit na iskinitang yan." Nakita ko na rin yung sinasabi nyang iskinita kanina. 

"Kabisado mo ata ang buong lugar dito. Bagong salta ka pa lang di ba?" Lumabas kami sa kabilang road kaya malabong masundan pa kami nun. 

Humarap sya sa akin sabay pinakita ang screen ng phone niyang may GPS habang nakangiti. Mautak din 'tong isang 'to oh. 

Edited

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top