(Edited) Twenty Nine

Third Person's Point of View

Mga dalawang oras silang nasa byahe at may kalayuan na din ang narating nila.

Takot man ang nararamdam ng lima pero hindi nalang nila ito pinahalata. Ngunit bakas din sa mukha ang pag alala nila para kay Shai, lalong lalo na kay Shine. Ito lang kasi ang pinaka close nyang babae sa buong buhay nya.

Walang ideya ang lahat kung saan sila dadalhin ng mga di kilalang lalaki. Gusto mang manlaban para maka takas ay di nila magawa. Bukod sa nakatali ang dalawang kamay nila na nasa likod, pinagitnaan naman ang kanilang sinasakyang limousine ng apat na naglalakihang van. Isa sa unahan ganun din sa likuran at sa kaliwa't kanan.

"Kung wala tayo sa sitwasyon ngayon, iisipin ko talagang ang importante nating mga tao at kailangan pang paligiran ng maraming tauhan." Wala sa sariling tugon ni Shinji saka pumikit.

"Seriously, is this really a kidnap or may dadaluhan lang tayong importanteng event?" Di makapaniwalang tanong ni Shiki. Natawa kasi sya sa ideya ng kinalalagyan nila. Pwede namang iba nalang ang gagamitin nilang sasakyan. Bakit limo pa?

"Asan na kaya si Shai ngayon? Okay lang kaya siya?" Tanong ni Shine sa sarili nya o pwede ring sa mga kasama nya.

"No worries dear. She's in good hand. Hahahaha!" Biglang tumunog ang speaker na hindi nila alam kung saan kasabay ang pag tawa ng malademonyong tawa ng isang babae.

Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman sa mukha ni Shine sa narinig. Ganun nalang din sina Shinji at Shiki.

Umismid lang si Shin sa narinig at bumulong bulong sa sarili.

'Tss. She's such a troublesome. Buti nalang din ganun nangyari sa kanya.'

Ngunit kasunod nun ay may isang tunog silang narinig. Na parang nag zozoom in zoom out na lens.

"I can see and hear you mister."

Nagsalita ulit ang babae sa speaker na sinabayan pa ng isang mechanical tentacle na may mata sa dulo na parang camera at dumiritso ito isang inch ang pagitan sa mga mata ni Shin.

Nagulat bigla ang lima sa nakita at nababahala din at the same time dahil baka tutusok ito sa mata ni Shin.

"Hindi ko talaga nagugustuhan ang tabas ng dila mo lalaki. Noong una pa lang. Isang salita pa at laslas leeg nitong babaeng natutulog sa hita ko."

Sabay flash ng maliit na tv sa harapan nila at pinakita dito ang natutulog na Shai sa hita ng isang tao. Hindi pinakita ang mukha ng kasama ni Shai pero alam nila kung sino ito, base na din sa suot nitong kani kanina lang din nila nakikita.

Naagaw ang pansin nila ng gumalaw ang kamay ng kasama nito at may hawak na swiss knife na nakatutok sa leeg ni Shai.

"OhmyGod! Please STOP!" Sigaw ni Shine nang akmang gigiitin na sana ang leeg ni Shai kasabay ang pag tulo ng luha nya.

Lahat sila kinabahan sa nakita. Buti nalang at tinigil agad nito ng babae. Tumuwa ulit ang babae na parang natutuwa pa sa nagawang pagpigil ni Shine.

"Tangena! What d'you want from us huh?" Hindi na napigilan ni Shin ang sarili at sinipa ang mechanical tentacle na nasa gitna na nila ngayon na nakaharap na din sa tv. Ngunit mabilis din itong umiyas at lumingon sa kanya na may mapanuring tingin.

Kumunot nalang ang noo nila nang biglang parang sumasayaw ito sa ere. Habang malakas na tumatawa ang babae sa speaker.

Nang maramdaman nitong siya lang ang natawa ay tumikhim ito at nagsalita ng seryoso pero may tunog pa ring natatawa.

"I see. Bakit kaya mukhang importante sa inyo 'tong babaeng to?" Sabay haplos sa buhok nito na makikita sa tv gamit ang swiss knife.

"Di lang sa inyo, pero mukha atang sa buong mundo. Bakit kaya?" Muling tanong nito. Naguguluhan naman ang lima sa sinabi ng misteryosang babae. Magtanong sana si Shine ngunit naunahan na sya ng speaker.

"Oh. Andito na pala tayo." Napalingon agad sila sa buong paligid at nakita nila ang kakahinto lang nang isang pinaka latest porsche panamera na kulay purple, agad ding nagningning ang mga mata ni Shinji ng makita ito.

Huminto ang sinasakyang limo sa likod ng porsche. Naunang lumabas ang mga lalaking nakaitim at puti na agad ding pumalibot sa kanila.

Sunod na lumabas sina Shin nang pagbuksan sila nito. Nasa labas na sila at muling nilibot ng tingin ang paligid. Isang malawak na field ang nasa harapan nila at dun lang din nila napansin na pinapalibutan sila ng mga nagtataasang punong kahoy.

"T-teka, si Shai!" Natatarantang sabi ni Shine ng mapansin itong hindi pa lumabas ang babaeng nasa loob ng porsche na lulan si Shai.

"Ilabas mo si Shai! Hayop ka!"

Nagpupumiglas sya para makawala sa lalaking nakahawak sa kanya. Ganun na rin ang iba pa ngunit di rin nagtagumpay dahil sa higpit na pagkahawak sa kanila. Pag patuloy lang silang magpupumiglas, sila lang ang masasaktan. Tumigil ang apat pero si Shine hindi. Bumakat na rin ang apat na linya ng diliri sa maputi nyang braso sa walang tigil nito kakapumiglas.

"Shine, stop it. You're just hurting yourself!"

Saway sa kanya ng kambal. Ngunit parang wala lang itong narinig. Bagkus, itinaas nito ang kanang paa at agad tinadyakan ang kanang paa ng lalaking nakahawak sa kanya. Kasunod nun ang pag hiyaw ng lalaki sa sakit kaya naluwagan nito ang pagkakahawak kay Shine na agad namang kinuhang tsansa ni Shine para humarap at tadyakan ang pagkalalaki nito at mabilis na tumakbo patungo sa kotseng hindi pa rin bumubukas hanggang ngayon.

Agad  namang tumakbo ang mga malapit lang na mga lalaki ngunit di pa sila nakahakbang ng tatlo ay umalingawngaw na ang isang putok. Putok ng baril kung saan kasabay nito ang pagtumba ni Shine.

"Shit. Shine!"

Malakas na sigaw ni Shin sa nakita. Agad dumanak ang dugo sa tagiliran ni Shine. Muling nagpupumiglas ang apat lalong lalo na si Shin na sinamahan pa ng walang humpay na mura. Sinisi niya ang sarili sa nangyari sa kambal nya. Kasabay ang rumaragasang daloy ng luha sa pisngi. Pinatamaan nya ang lalaking may hawak sa kanya ng kanyang ulo kaya nakawala sya.

Mabilis syang tumakbo palapit sa kinaroroonan ng kambal nya pero agad rin nakaramdam ng pamamanhid ng katawan kasabay ang sigaw ng pangalan nya mula sa mga kaibigan nya. Mabilis din nanlabo ang paningin dahil na rin sa luhang umaagos pa rin sa mga mata nya. Yumuko sya para tingnan ang tama nya sa may bandang tyan. Napaluhod, ito at muling tumingin kay Shine sabay taas ng kanang kamay na parang  inaabot si Shine.

Nasa ere pa lamang ang kamay nang natumba sya sa lupa ngunit pilit pa ring ginagalaw ang kamay maabot lang ang kamay ni Shine. Kahit nahihirapang magsalita dahil lumabas na rin ang dugo sa bibig nito ay pinilit pa rin bigkasin ang pangalan ng kambal. "S-shine".

Kasabay ang pag abot nya sa dulo ng daliri ni Shine ang pagpikit nito at muling tumulo ang huling luha ng binata bago tuluyang nawalan ng malay.

Hindi makapaniwala ang tatlo sa nakita sa nangyari sa kanilang dalawang kaibigan. Magkasabay pang napaluhod ang mga ito at nanghihina na din.

Bakas sa mukha nila ang lungkot, galit, at takot. Hindi man sabihin pero sinisi nilang parehas ang sarili nilang tatlo. Dahil hindi nila nagawang protektahan ang kaibigan nila.

"AAAARRRRGGGHHH! MAGBABAYAD KAYONG LAHAT SA GINAWA NYO! MAGBABAYAD KAYO!" Galit na galit na sigaw ni Shinji at muling nagpupumiglas ito. Nanghihina man ay pinilit pa rin ang sariling manlaban. Ganun din ang iba pa. Pero wala pang isang minuto nang magkasunod din itong natumba at agad nawalan ng malay nang binaril ang mga ito sa bandang dibdib.

Lumabas ang babaeng may kulay purple at tiningnan ang limang nakahandusay na katawan sa harapan nya.

Umiling iling ito sabay smirk. "Tsk tsk tsk! Yan kasi. Masyado kasi,kayong makulit. Buti nga sa inyo! Pwe!" Sabay dumura ito at muling tumawa ng lakas na tawa na parang sinapian ng demonyo.

"Mga walang kwenta! Ang lalampa pa! Yan ang nararapat sa inyo! DALHIN NYO NA YAN SA LOOB!"

Muli itong pumasok sa sasakyan at mabilis na pinaandar patungo sa gitna ng field nang bigla itong nawala. Sumunod naman ang limang sasakyan dala sina Shine at sinundan ang dinaanan ng naunang sasakyan. Katulad din ng nauna, nawala lang din ito bigla pagkarating sa gitna.

Naiwan ang mga dugong nagkalat sa lupa at unti unti din itong nawala kasabay ang paglitaw ng green bermuda.

Edited

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top