(Edited) Twenty Four

Third Person's Point Of View

Agad naman silang sinalubong ng mga nurse at doctor pagkarating sa er. Matapos itong matingnan at matapalan ang sugat ay dinala na si Shine sa kanyang private room.

"I told you to stay in your fucking house Shai!" Salubong agad ni Shin nang makarating ito sa pribadong kwarto ng kambal.

"Sorry Shin. Di kasi ako mapakali e." Nakayukong aniya.

"Ngayon, may nakakilala na naman sayo." Malamig na tugon nya rito. "Pakialamera mo talaga. Tumayo ka na dyan at ihahatid na kita." Saka naman ito tumalikod at sakto namang pumasok sina Shinji.

"Salamat Shai." Si Shinji sabay tapik sa balikat ng dalaga. "Wala yun. Sige mauna na muna ako sa inyo. Baka magalit na naman lalo yung lolo nyo." Natawa ang mga ito sa sinabi ni Shai. At isa isang nagtanguan. Sinulyapan nya a ng kaibigan na ngayon ay mahimbing ng natutulog.

Shai's Point of View

Lumipas ang tatlong araw matapos mangyari ang ingkwentro naganap kung saan nasugatan si Shine. At speaking of Shine. Heto sya't ngiting ngiti na tumatakbong sumisigaw with arms wide open. Balik sigla ulit ito na ikinatuwa ko naman.

"Good morning Shine! Buti naman at nakapasok ka na." Salubong ko sa kanya ng yakap.

"Actually, kahapon pa sana ako papasok, kaso umandar na naman si Shin. Kaya buong araw tuloy akong nagmukmok sa bahay." Sabay kumalas sya sa pagkakayakap ko. At ngumiti ng napakalapad habang nakatitig sa akin.

Ilang saglit pa'y tumili ito dahilan para mapansin kami ng mga estudyanteng nasa paligid lang. "Sa wakas nakita't nayakap ko na rin ang savior kooo!!!" Tumalon talon pa nyang sabi habang yakap yakap ulit ako kaya napatalon din ako. Ang kulit nya talaga.

"Haha, ano ka ba Shine. Syempre kaibigan kita kaya dapat lang talaga kitang tulungan." Bumitaw kami sa isa't isa. Lumapad tuloy yung ngiti ko lalo. Ang kyut kasi nya e.

"Nga pala Shai. HQ tayo, tara!" Aalma sana ako kaso hinatak na naman ako. Kaya no choice.

Seryoso sila ng madatnan namin at lahat sila ay napatingin kay Shine na may malapad na ngiti at masiglang binati ang buong gang.

"Musta Shine? Okay na ba yang sugat mo?" Ani Shinji na mababakas pa rin ang pag-alala sa boses. Sweet. Lihim akong napangiti. Naalala ko tuloy yung nasa hospital pa kami. Kung paano nya tingnan ang kambal ng kaibigan nila.

"Okay na. Soooo, anong balita?" Tanong nito at agad umupo sa mahabang sofa na hila hila pa rin ako kaya naupo din ako sa tabi nya.

"Di mo ba kayang pumunta dito ng mag isa at kailangan pang kasama sya?" Pambungad ni Shin mula sa kanyang ginagawa.

"Whatever Shin. Wag mo ngang awayin si Shai. Wala naman syang ginawang masama ah? Tinulungan nya pa nga ako." Oo nga naman Shin. Ngumuso na lang ako sa naisip.

"Tama na yan. So, ang sabi mo kanina Shin , nung isang araw inatake kayo ng Royal Blood gang. Tapos nung araw din na yun hinarangan kami ng Serpent Gang." Seryosong sabi ni Hiro. Himala ata at hindi na sya natutulog ngayon. Kadalasan kasi kapag nandito ako sa HQ nila, tulog ito.

"And take note, may battle tayo with the Black Society Gang. So, talagang pursigido silang kalabanin tayo." ani Shinji na paminsan-minsang sumusulyap sa katabi ko. Ewan kung napansin ba niya ito.

"Malamang rank nila ang nakasalalay dito." Walang ganang saad ni Shiki. Ano ba talaga ang nakukuha nila sa mga pa-rank rank na yan?

"Shin, alam natin kung hanggang saan lang ang kaya natin. Habang tumatagal, papalakas nang papalakas ang kalaban. Kakayanin kaya natin 'to?" May himig na pag aalala sa tono ni Shine.

"Mamaya na natin pag-usapan yan. Ang sa ngayon, magmatyag muna kayo sa paligid nyo." seryosong pahayag nya. Bakit naman? May napapansin na din ba sya? Tama nga talaga ang hinala ko noong una.

"Anong ibig sabihin mo Shin?"

Lahat kami nakatingin na kay Shin ngayon. "Maaring kaklase o schoolmate lang natin ang isa sa magiging kalaban natin. At ikaw babae."

Tumaas ang dalawang kilay ko sabay turo sa sarili ko. Nanahimik lang nga ako dito, sinasali pa ako.

"Huwag kang masyadong flirt. Baka gamitin ka pa laban sa amin. Lalo pa kaming mapahamak." Ang hirap talaga intindihin nitong si Shin. Flirt? Friendly kaya yun. Ang arte talaga.

Nag bell na at agad kaming nagsipuntahan sa klasrom namin.

Papunta na ako sa pwesto ko ng sinadyang banggain ako ni Shin at pabulong na binigkas ang mga katagang ito.

"Lumayo ka sa Jacob na yun."

No need.

Edited

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top