(Edited) Twenty Five
Shin's Point Of View
Alam kong nagtataka na silang lahat sa akin. Pero gusto ko lang makasigurong ligtas ang bawat isa sa mga kaibigan ko. Ayaw ko nang maulit muli ang nangyari sa kambal ko.
Lalo na yung nalaman ko kahapon.
"Boss. Kilala na namin kung anong gang ang tinutukoy nyo."
Nahagip ng pandinig ko ang isang boses ng lalaki sa labas ng library. Nasa likuran nya ako kaya di nya ako nakita. Lagpasan ko sana sya nang biglang magsalita ulit ito.
"Yung walang kwentang gang na kumalaban sa BSgang. Kilala ko na sila. . . . Don't worry boss, kaklase pala nila si Boy . . ."
Hindi ko na narinig ang sunod nyang sinabi dahil lumayo na ito. Saka ko lang napansin ang tatoo sa batok nito. Triangle na may mata sa gitna. Kinilabutan ako bigla. Ito yung pang limang gang na kung tatawaging 'Illuminate' na ibig sabihin ay anti-christ. Bago lang ang gang na ito at ngayon ay pang lima na sila. Mga mababangis daw ito balita ko.
Pero anong kailangan nila sa amin? Hindi pa nga nag umpisa ang totoong laban namin sa gang na yun, bali balita na halos sa buong gang ng Pilipinas. Kami ang tinutukoy nya , alam ko yun. Dahil walang ibang gang ang kumalaban sa BS kundi kami lang.
Isa lang ang ibig sabihin nito. Nasa paligid lang ang kalaban.
"Hoy!" Nabalik lang ang presensya ko ng tapikin ako ni Shine. Agad ko naman itong sinamaan ng tingin.
"Tulala ka dyan? Anong meron?" Sabi nito sabay upo sa tabi ko. Nakaupo kami ngayon sa bleachers upang manood ng practice nila Shinji ng soccer.
"Ah. Ba't ko nga pala tinanong. Lagi naman e. Anyway, ni-register kita sa larong yan, ba't di ka sumali?"
Tanong ulit nya sabay inom ng gatorade. Ngayon ko lang napansing pawis na pawis pala ito. Siguro kakatapos lang nitong mag practice ng tennis.
Pero bakit wala yung babaeng epal? Dapat kasama na nya yung isang yun. Bilin ko kasi sa kanila na isama nila ang babae palagi. Mahirap na, gawin pa syang pain laban sa amin.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong school. At nakita ko rin syang papalabas ng girl's cr. Bibitaw sana ako ng tingin sa kanya nang may mahagip ng mata ko sa di kalayuan na nakatingin sa kanya. Isang babae at isang lalaki na parang nag uusap pero kay Shai nakatingin.
"Uh, nice talking Shin."
Rinig kong sabi ni Shine bago pa ako makalayo. Saka ko lang napansin na naglalakad na pala ako papunta kay Shai.
May kausap muna itong babaeng kaibigan nya siguro bago ito naglakad muli. Sakto namang nahulog yung panyo nya at may lalaking pumulot nito. Yung lalaking kasama ng babae kanina. Iba ang pakiramdam ko dito.
Tinawag nya agad ito upang ibigay ang nalaglag na panyo ni Shai, ngunit hindi ko sya binigyan ng pagkakataong marinig sya ni Shai dahil inunahan ko na sya.
"Hoy babae! Bilisan mo nga dyan! Gutom na ako." Ngunit sinalubong nya lang ako ng kunot noo. Lalapit pa sana yung lalaki pero agad ko ring hinila si Shai.
Dinala ko sya sa canteen at pinag order ng pwedeng makain at mainom. "Seryoso Shin. Ginawa mo akong yaya dito?" Hindi makapaniwalang tanong nya. "Wag ng magreklamo, order na dali." Sumunod naman sya na ikinangiti ko. Good girl.
Napansin ko yung lalaki kanina dala dala pa rin yung panyo ni Shai at mukhang may hinahanap sa loob at nang makita nya ito ay ngumiti ito. Agad ko namang nilapitan si Shai para makaladkad sana. Kaso naawa naman ako kasi ang daming bitbit pala nito. Tinulungan ko nalang.
"Uh, miss." Shit! Sabi na nga ba e. "You dropped this." Sabay abot nito sa panyo ni Shai. Kapansin pansin ang tatoo nya sa thumb. Crescent moon. Hindi ito isang ordinaryong tao o gangster lamang. Alam kong mapanganib 'tong tao, dahil itong tatoong ito ay nakita ko na dati. Noong bata pa ako.
"Uh, thank you po kuya." Matamis na ngiti naman ang binigay nya rito. Tss! Seriously, pwede namang mag thank you ng hindi nakangiti ah. Bakit kailangan pang ngumiti? Tch! Flirt.
"Kuya? Haha, ang tanda naman pakinggan. Josh nalang miss Shai." Sabay ngumiti din ito kay Shai. Obviously, this Josh boy is hitting on her. Bago pa makasagot ng malanding sagot itong babaeng 'to ay agad kong pinatid ang paa nito ng mahina na sya lang ang nakakapansin. Kaya nakuha nya ang atensyon ko. Makuha ka sa tingin kang babae ka. Pero syempre di ko sya tiningnan na alam kong mapapansin ng lalaking nasa harapan namin.
"Uh, haha okay. Sorry. At thank you ulit Josh. Mauna na kami sayo." Nakahinga lang ako ng maluwag ng makalagpas na kami sa mokong na yun.
"I don't want you to be friends with that guy. Kaya kung maaari, wag kang papakita sa kanya."
Hangga't maaga pa, ilalayo na kita sa mga taong pwedeng magpahamak sayo. Para di na kami madamay sa kamalasan mo.
Edited
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top