(Edited) Twelve

Shai's Point of View

Pagdating ko sa bahay namin, tulala lang ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanila. Paano ko nga ba 'to sasabihin?

Nagbuntong hininga na lamang ako. Okay lang naman mag back out pero ayaw ko rin namang iwan lang sa ere ang mga kaibigan ko. Kasalanan ko rin naman 'to e. Haaay.

"Oh Shai, ba't ayaw mo mag training ngayon?" Tanong kaagad ni kuya pagdating at umupo sa tabi ko. "May problema ba? Malungkot ka ata?" Tiningnan ko lang sya at ngumiti ng matamlay.

"Si Tita?" Sa halip ay tanong ko.

"Bakit mo 'ko hinanap Shai?" Bigla akong napatingin sa taong galing kusina. Para namang umurong ang dila ko. Paano ko ba sisimulan 'to?

"May kasalanan ka Shai noh?" Bigla na lamang akong napayuko sa tanong ni Tita. "S-sorry po T-tita." Lumapit sya at umupo sa harap namin.

"Ano yun Shai?" Tanong ni kuya.

Kinuwento ko sa kanila ang lahat, mula umpisa hanggang sa hinamon na nga kami. Nanatili naman silang nakinig sa akin. "Pero Tita, sabi ng mga kaibigan ko, mahirap daw po kalabanin ang gang na yun, pagdating sa racing." Pagtatapos ko.

"So, racing pala." Mahinang sabi ni Tita.

"Di ba Shai, magaling ka naman sa racing? Nagpapaturo ka na rin sa akin." Tumango lamang ako at sandaling namayani ang katahimikan sa amin. Maya maya pa at nagsalita si Tita.

"Kaya mo na yan Shai. Malaki ka na." Pagkatapos nun ay pinaakyat na nya ako sa taas para magbihis. Kakayanin ko nga ba?

Kaname's Point of View

"Wag ka ng magtanong Kaname. Ginawa ko lang ang nararapat. Panahon na rin naman upang gawin ang noon ko pa sana ginawa." Napabuntong hininga na lamang ako. Bakit pakiramdam ko may malaking pagbabago sa hinaharap?

"Black Society gang ang makakalaban ni Shai, Kaname. Ibig sabihin, the 10th rank gang sa gangster world. At di rin maglaon, mapapalaban na din sya sa mga higher ranks. Bawat gang, may mga sekretong member sila na kagaya mo, at kagaya ko. Yun nga lang, hindi iyon alam ng mga leader nila. Dahil nasa mga underlings nila ang mga 'to." Pagpatuloy nya sabay tingin sa akin.

"Ibig mong sabihin tita." Sinadya kong putulin ang sasabihin ko sana. Malalim akong nag-isip nang magsalita muli si Tita.

"Yes Kaname. Kung ikaw isang, Mafia, at ako naman ay isang Assassin. Ganun din sila." Tumango na lamang ako sa sinabi niya. Ito na ba ang sinasabi nya noon?

Darating sa panahong, ang itinakda ay muling babalik. Ngunit sa muling pagbalik nito ay kaakibat ang matinding balakid.

"At alam kong hinahanap na din sya. Kaya kailangang ihanda natin ng maigi si Shai. Bago pa dumating ang kinatatakutan ng lahat." Pagtatapos niya at naiwan akong napapa-isip. Really insan?

Third Person's Point of View

"Magaling. Maaasahan ka talaga kahit kailan." Napangiti pa ito ng malawak dahil sa binalita ng tauhan. "Basta sisiguraduhin nyo lang na magtatagumpay kayo. Kung ayaw nyong tayong lahat ang malilintikan ng nakakataas. Maliwanag?!" Maawturidad nyang babala sa kabilang linya. Hindi naman maipagkaila ang maaliwalas nyang mukha sa sobrang galak. May maibabalita na naman kasi sya sa nakakataas.

Magandang balita.

"Maaasahan nyo po kami boss." Binaba na nito ang telepono at napapangiti na naman itong mag-isa.

** sa kabilang banda . . . .

"Lord! We have good news for you." Agarang sabi nito pagkatapos yumuko bilang paggalang.

Tumayo ang kausap at lumapit sa malaking salaming bintana. "N-nakita na ng mga tauhan natin sya." Sabi nito tapos umayos ng tayo.

"Pruweba?" Malamig nitong tanong at tinungga ang hawak na wine. Binulsa naman ang isang kamay nito.

"W-wala pa kaming mati---" Hindi na natapos ang sasabihin sana ng tauhan nang humarap ito sa kanila bigla. Nanlilisik ang mga matang kinuha ang katana at hinampas ito sa mismong mesa niya. May mga nabasag at naglaglagang gamit mula doon.

Napapitlag ang tauhan dahil sa ginawa ng panginoon nila. "Sisiguraduhin nyo lang na tama na ang pagkakataong ito. Kundi, kayo ang papatayin ko." Makamandag nitong banta sa mga kausap. Walang nagawa ang dalawang tauhan kundi ang tumango at yumuko.

** kinabukasan . . .

Shai's Point of View

Hindi ako nakatulog masyado gawa ng sobrang kaba ko. Naisipan ko na ngang mag back out pero naalala ko naman ang mga kaibigan ko. "Ano Shai, ready?" Bumuntong hininga muna ako sa tanong ni Shine. Saka tumango.

Tinap naman ni Shinji ang balikat ko saka ngumiti. "It's okay. Don't worry, di ka namin pababayaan." Dahil sa sinabi nya, medyo nakahinga na ako ng maluwag. Pero ang hindi ko inaasahang marinig mula kay Shin ay sinabi nya.

"Masyado kasing matigas ang bungo ng babaeng yan." Napasimangot ako. Katapusan ko na yata ngayong hapon.

"Ano ka ba Shin! Di ka nakatulong! Tara na nga Shai!" Hinatak ako ni Shine kaya sumunod na lamang ako at pumasok na sa departure area.

Ilang oras nalang, mangyayari na ang nakakabang pangyayari sa tanang buhay ko. I wonder what would be the outcome after this? Napaisip ako, paano kaya kung, "Tara na Shai!"

Edited

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top