(Edited) Three
Shai's Point of View
Another day! Welcome! Welcome!
Ang sarap ng tulog ko kagabi kaya ang saya ng umaga ko.
Dating gawi naman ako tuwing sasapit na ang morning weekdays. Ano pa nga ba?
"Bye kuya!"
Sabi ko sa kanya sabay binigyan sya ng isang halik sa pisngi. Ang sweet ko talaga. Namiss ko tuloy si mommy. Love na love ako nun e. Itong si Kuya ewan ko lang kung mahal din ba nya ako katulad nung mga patalim niya.
"Good morning miss Shai."
Bati nang nakasalubong ko lamang. Kilala na agad nila ako dito? Bakit kaya? E kakapasok ko pa nga lang kahapon e.
Binati ko rin siya at nagpatuloy sa paglakad papuntang main building. Doon kasi ang first class ko.
May ilan pa ulit akong nakasalubong at binati din ako. Hindi ko alam kung sadyang napagtripan lang ba nila akong batiin gamit ang iba't ibang lenggwahe o sadyang may mga banyaga dito.
Sabagay, international school e. Mabuti nalang at may alam ako sa bawat lenggwaheng gamit nila.
Tapos na ang first floor. Napagod ako doon ah. Tumingala ako. Napabusangot ako, ang layo ko pa sa fourth floor.
Okay, breath in ..... Breath out ... Kaya ko 'to. Inayos ko yung sarili ko at naghanda na para sa gagawin ko.
"Okay , 5432.....1!"
Tinakbo ko yung hagdanan na may 15 steps tapos liko 15 steps ulit every floor hanggang napunta na ako sa floor namin.
"Wooohh! Success!" napahiyaw ako sa tuwa. Nakarating din sa wakas at hindi ako late. Ayos!
Oh wait? Parang may nakatingin sa akin eh. At tsaka ko lang pala narealise na natapat pala ako sa isang classroom, another section ata ng fourth year 'to? At lahat ng tao doon sa akin naka tingin.
Binaba ko yung kamay ko na kanina pa naka taas. Pahiya ako ng slight doon ah.
"Ahh .. Hihi ...." Nahihiyang ngumiti ako sa kanila. Makaalis na nga lang.
"Buon perdere mattina Shai" E-eh? Sabi nung isang babae na maganda.
"Buongiorno troppo" Saka rin ako ngumiti sa kanya.
Nanlaki naman yung mata niya at pati na rin yung kaibigan ata niya. "Oh mio! sai l'italiano?"
Nilapitan naman nila ako. Habang takip takip yung bibig nila. Anong meron? Mabaho ba hininga nila? "Ah.. Si?" Alanganin kong sagot sa tanong niya.
Tumili naman yung babaeng nagsalita. Gulat nga ako e. Natuwa pala talaga siya. "Idol na kita miss Shai!" May kasama pang palakpak.
"Haha yaan nyo na yang isang yan miss Shai. Die hard fan kasi yan ni Ate Denny eh. Kaya pati lenggwahe niya sinunod." Sabi ng kaibigan niya.
"Naku okay lang." Ngiting sabi ko. Lihim akong napasulyap sa mga ID nila. Athena yung nag-italiano at Andrea naman yung kaibigan niya. Ang gaganda ng mga pangalan. Maganda din kaya ang panloob nila o gaya din sila ng lahat na may lihim na tinatago?
Tinanung naman nila ako ng kung ano ano. Kaya sagot lang din ako ng sagot After 15 minutes sigurong nakatayo sa may hagdanan may nag sita din sa amin ...
"Kung mag tsismisan lang din naman kayo , doon sa study area. Wag dito sa may hagdanan, abala kayo eh."
Shin's Point of View
Sabi ko sa kanilang lahat. I mean , I'm only referring to one person. At ito nga sya , kaharap ang likuran nya na may backack na customized ata at may pangalang 'Shai'.
Lumingon naman sya at tumingin sa akin tapos sa mga kasama ko.
"Ah sorry."
Sabi niya sabay ngiti. Mas lalo tuloy akong nainis. Walang pasabing umalis ako pagkatapos sabihin niya yun. Naiinis talaga ako sa kanya.
"Oh Shin. What's with that face?" Bungad sa akin ni Shine pagkapasok. Di ko sya sinagot.
"Bakit ba kasi nag transfer pa yung isang yun dito eh." Bulong ko sabay umub-ob sa arm chair.
"Oh, rinig ko yun. Bakit ba? Ano bang ginawa ni miss Shai sayo? Mabait naman yung tao ah. Tsaka aminin mo , nagandahan ka sa kanya no?" Kahit di ako nakatingin, halatang nakangiti ng nakakaloko ang pakialamera.
Hindi nalang ako sumagot at hinayaan sya. Maya maya pa, 'Siguro may gusto ka sa kanya noh? Kaya ka nagkakaganyan."
"No."
"E bakit nga kasi? Anong dahilan ? Anong ginawa nya s---
"She beats me."
"Beat what?"
"DOTA 2."
"Yun lang nama----WHAT?! NATALO KA NIYA SA DOTA?" Napangiwi ako sa sigaw nya. Ang ingay talaga nitong babaeng 'to.
"Oy oy! Sinong natalo ng Dota Shine at---wait , NATALO KA SA DOTA SHIN? KANINO?" Ang maingay na boses ni Shinji ang narinig ko. Kaya ayaw kong magsalita e.
Umangat ako ng tingin kay Shine at tiningnan sya nga masama. Ang ingay kasi ayun narinig tuloy nung tatlong mokong. Umob-ub nalang ulit ako.
"Sino nakatalo sa kanya Shine?" Tamo, kahit ang antuking si Hiro napatanong din. Big deal kasi sa tatlong yan kasi kahit sila di pa nila ako natalo.
"Si Shai daw."
"Ano?! Si Miss Shai?! Natalo ka ni Miss Shai ng Dota Shin?!" Kahit ako nga di makapaniwala e.
"Oh Shai, teka marunong kang mag Dota?"
"Ah? Konti lang naman. Beginner pa lang naman ak--
"BEGINNER?!" - sila maliban kay Hiro at ibang kaklase namin. Kahit di ko sila nakita ramdam ko yung mga reaksyon nila.
Humagalpak naman ng tawa si Shinji. Tuwang tuwa pa sya. "Beginner na pala ang nakakatalo sa isang Shin the great?!"
Feeling ko talaga nagcheat yang babaeng yan noong isang linggo e.
Edited
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top