(Edited) Thirty Eight

"Uncrowned Royals."

Sabi ni Shineya sa mga kaharap. Iba na din ang suot ng dalaga. Naka outfit ito ng isang Dota character si Crystal Maiden. Ganun na din ang buong itsura nito kaya halos di nila ito makilala ng pumasok sa silid na pinagdalhan nila ni Zero. Nasa isang kwarto sila na may maraming weapons at kung ano ano pang mga kasangkapan sa pakikipaglaban.

"Ugh, Lina Inverse would be better kaso too revealing sa katauhan ko."

Bulong nito habang sinisipat ang sarili sa harap ng hologram na salamin. Nakatulalang nakatingin sa kanya ang lima dahil sa itsura nito. Hindi nila akalaing kaharap nila ngayon ang isang dota character. Ang kaninang natulalang mukha ni Shin ay napalitan ng pagkainis. Naalala nya kasi ang unang one on one nila ni Shai. Hindi pala talaga nandaya si Shai. Dahil unang una, may komokontrol dito. Napaiwas na lamang sya ng tingin.

Muling humarap si Shineya sa lima at nginitian ito nang makita ang reaksyon nila. Naka upo ang mga ito sa sofang hugis crescent moon.

"Stop drooling. So as I was saying. You're gang name is Uncrowned Royals. Isn't it beautiful, is it?" Masiglang sabi niya kasabay pinalitaw ang gang name nila na gawa s hologram ulit. Ngumiwi ang iba dahil sa tono na ginamit nito at tumango lamang pagkasunod.

"Nice! Ang keewwwll!" Maarteng hiyaw ni Shinji na sinamahan pa ng tatlong palakpak kaya agad syang nakatanggap ng masamang tingin sa lahat pati na rin ni Shineya. Naguguluhan naman syang tumingin sa mga kasama nya.

"W-what?" Inosenting tanong nya na magkasalubong ang kilay.

"Pfft. I didn't saw that coming. I thought your just plainly asshole but--ugh never mind, 'that' explains everything." Natatawang sabi ni Shineya and they all bursted into laughter.

"Tengene pare! May lihim ka pala!" Ngingiting tinapik tapik ni Shiki si Shinji sa balikat na agad namang pinaalis ang kamay ng kaibigan.

"Playboy in disguise ka pala Shinji. Yun pala tinuring mo lang bonding ang samahan nyo." At lahat sila humagalpak ng tawa. Samantalang nakangiti lang sina Hiro kahit natabunan ang mukha ng unan at si Shin na pa iling iling din.

Huli na nung ma realize ni Shinji ang mga sinabi nila at napagtawanan pa sya. "Mga gago! Hindi ako bakla!" Inis na bulyaw nya kasabay ang paghambalos nya ng unan sa gilid nya na si Shiki at Shine.

"Oppssyy! Wala kaming sinabing 'bakla' ka." Natatawng sabi ni Shine na nakataas ang dalawang kamay at diniinan pa talaga ang salitang bakla. Kaya lalo lamang silang natawa sa sinabi nito.

"D'you want me to prove it? Ha, Shine?" Malambing ang boses nito na may halong pang aakit at nakatingin ng nakakaloko kay Shine. Shine caught off guard pero hindi nya pinahalata ito lalo na at kaharap lang nya ang binata.

"Pfft. You can't make me." Mayabang nitong tugon sabay na tumingin kay Shineya na natatawang pinagmasdan sila. Lalo tuloy natawa ang iba pa dahil sa reaksyon ni Shinji. Natahimik kasi ito kaya tuloy inasar sya lalo.

Unti unti na rin silang naging komportable na kasama si Shineya. Happy-go-lucky naman kasi ang personality nito kaya di mahirap pakisamahan.

"Okay, enough. Maawa naman kayo kay Shinji. Buti pa magbihis na kayo. May pupuntahan tayo." Pag-iba ng topic ni Shineya bago pa mauwi ang kulitan sa ibang bagay. Nagtataka namang tumingin ang lima sa kanya.

"Where to?" Nakacross arms na tanong ni Shine sabay sumandal sa sandalan ng sofa.

"Uuh. Party?" Patanong nitong sagot na sinundan din ng irap. Namewyang ang isang kamay habang nakatayo ito.

"Kaninong party naman yan?" Tanong din ni Shiki. Wala silang ka-ide-ideya kung anong party yun. Ang alam lang kasi nila ay pasok nila ngayon at may mahabang quiz din.

"Royal Blood Gang's party." Sagot nya at sinabayan pa ng isang matamis na ngiti.

"What?! Are we even invited?" Natatakang tanong ni Shin kay Shineya habang makasalubong ang kilay.

"No. And we're going to gate crash!"

"Ano?!" Halos sabay na tanong ng lima. Bahagya pa silang nagkatinginan at muling tumingin kay Shineya.

"B-but... How about our class. Aren't we going to attend it, are we?" Nag alalang tanong ni Shine. Get crashing isn't that bad lalo na sa isang party pa ng 8th rank gang. Masaya nga 'yun. The bad thing is ang di pag attend ng klase. You know, good student.

"Obviously no. And don't worry I already sent your clones." Nakangiting sabi nito habang nakalahad ang isang kamay na may crystal sa palad.

"Now, change your self." Sabay turo ng dingding sa gilid. Lumapit naman si Shiki sa tinuro at nilapat ang kamay nito sa dingding kasabay ang pagbukas nito ay tumambad sa kanila ang mga mamahalin at magagarbong gowns and tux.

Napangiti si Shineya.

'You guys really are their sons and daughter'

Sabi nya sa isipan at muling tumingin sa crystal na hawak.

Naglakad ito sa isang sulok at naghanap ng pwedeng sidlan ng crystal. Sinilid nya ito sa isang glass box. Mahigpit nyang sineald ang crystal para di agad 'to mabasag habang kontrolado pa rin nya. Kailangang nasa mainit itong lugar para manatili ang laki nito. Kasing init ng palad nya. Ang pagpapalabas ng illusion ay isang uri ng ninja technique na kamakailan nya lang natutunan. Madali lang syang natuto kasi nga 'it runs from the blood' ika nga.

"So, ready?" Tanong nya sa lima matapos ang isang oras na pag aayos. Pero bago sila ayusan ay syempre naligo muna sila. Huling natapos si Shine dahil babae ito at kailangan pang make-up-pan.

Umalis na din ang mga taong nag ayos sa kanila na mga tauhan lang din nila. Tumango ang lima at magkasunod na sinuot ang maskara na may naka engrave sa upper right side corner na pangalan ng grupo nila.

"Better." Nakangiting pahayag nito ng makita ang kabuuang itsura nila. Hindi nya maipagkaila na nagmana talaga ito sa mga yumaong magulang. Magaganda at poging pogi.

"And you're going to a masquerade party in that outfit?" Natatawang tanong ni Shiki sa dalaga habang pinasadahan ito mula ulo hanggang paa.

"Nah. Kayo lang naman ang dadalo." Sabay tumalikod ito at lumabas. Sinundan lang din siya ng lima. "What do you mean kami lang? I thought 'we' sabi mo." Takang tanong din ni Shine habang bahagyang nilingon pa si Shinji na agad naman syang kinindatan kaya napairap na lamang sya.

"Sabi ko nga." Tipid na sagot ng dalaga at pumasok na sa kakabukas lang na elevator ganun na rin ang iba.

"I don't get it." Halata namang hindi talaga na gets ni Shinji dahil nakakunot pa ang noo nitong nakatingin kay Shineya sa pamamagitan ng repleksyon nila sa harap ng elevator.

"You wouldn't, for the sake of being slowpoke. Tsk! It's part of your training." Nakacross arms itong nagsalita habang matyagang hinintay ang pagbukas nito patungong ground floor kung nasaan ang underground parking lot.

"You mean, may labanang magaganap laban sa 8th rank na yun?" Sabi ni Shinji nang marealize ang ibig sabihin ni Shineya.

"What's the purpose of gate crashing a party, Shinji?" Maarteng saad ni Shine habang nag iikot ang eyeballs.

"Fine, I get it."

"We're going to use the limou. The expensive one." Sabi ni Shineya ng makalabas na ito at agad sinalubong ng driver. "Here's the address." Inabot ito ng driver at agad pumwesto sa driver's seat.

"It's a long ride people. So, brace yourselves." Makahulugan naman itong ngumiti sa lima na ipinagtaka nila.

"What? Why?" Naguguluhang tanong ni Shiki sa dalaga habang inaayos ang maskara. Ayaw kasing ipatanggal 'to ni Shineya sa kanila.

"Teleportation?" Patanong nitong sagot habang naka dekwatro at may kinalikot sa laptop na hawak. Nakaramdam sila ng parang pagkawala ng oxygen at hangin kaya natakot sila bigla. Para lang naman kasi itong sumuot sa parang portal. At matapos ang limang segundo bumalik na rin sa dati.

Noong pagpasok kasi nila ay wala silang malay. "It's okay. Normal lang yan. Take a look around." Sinunod agad nila at sumilip sa labas ng kurtinang kulay purple. Tumambad sa kanila ang malawak na field na pinapaligiran ng kagubatan.

"How come? Nasaan na yung mansion nyo?" Tanong ni Shin sabay umayos ng upo.

"Itong malaking bundok na 'to ang mansyon namin. At itong field na 'to ang rooftop." Paliwanag nya habang nakatuon pa rin ang pansin sa laptop.

"Bakit? Anong drama at ganitong paraan pa ang paggawa ng mansyon nyo?" Natatawang tanong ni Shiki habang inayus ayos ang tie nito.

"To hide it's existence. It was purposely built with rocks and soils for some protection. Ang alam ng kalaban, nag eexist ang organization natin pero they have no idea where and how it will be find"

Tamango na lamang ang kausap simbolo ng pagkaintindi. "Ang astig naman pala ng mansyon nyo." Manghang pahayag ni Shinji habang kinukulikot ang buong gamit sa loob.

"Get ready, they can track you na. I assume within thirty minutes there will be an ambush."

Nagulat sila sa sinabi ni Shineya at nahinto sa kani kanilang gawain. "Paano mo naman nalaman yan?" Takang tanong ni Shine sabay lapag ng CD na tiningnan nya sa table.

Pinaharap ni Shineya ang screen ng laptop niya at tumambad sa kanila ang parang mapa at may kulay red na gumalaw at nag blink. Kasabay ang paglitaw sa screen ng malaking dalawang salita.

'Target Captured!'

Sabay sabay naman silang tumingin sa nakahigang si Hiro matapos mag flash sa screen ang mukha nya.

"You hack them?" May himig na pagkamangha sa tono ni Shinji na agad namang inirapan ng dalawang babae.

"You're just stating the obvious Ji."

"You call me by my nickname Shine? Ibig sabihin friends na talaga tayo." Nagkibit balikat lamang ang dalaga at binalik ang tingin sa screen.

"Now, you." Turo nya kay Shinji. "Do me a favor. Para naman may silbi ka." Nag-angat ng tingin ang binata sa kanya. "Trick them." Agad lumawak ang ngiti nito. Pagdating talaga sa mga computer at gadgets, hinding hindi magpapahuli ang binata. Nag unat muna ito at pinatunog ang mga daliri bago tinanggap ang nakalahad na laptop.

"Just a piece of cake." Sisimulan na sana nito ang pagtitipa nang manlaki ang mata sa dalawang picture na biglang nag flash sa screen at tumabi sa picture ni Hiro sa itaas na bahagi ng screen.

"Shit!" Nagtaka namang tumingin sa kanya ang iba pa at tumingin na din sa screen.

"Yeah. They can track now the twins too." Nagtaka naman silang bumaling ng tingin ni Shineya nang magsalita ito. "Uh, tita told me. And I bet, few hours from now matratrack na rin nila si Shiki." Sabi pa nito at muling ngumiti.

Tila hindi naman makitaan ng pagkabahala ang mukha ng dalaga, hindi katulad ng lima na halos pamutian na ng mukha. "You only have 25 minutes to trick them Shinji." Paalala nito sa binata na agad namang tumango at sinimulan ng magtitipa.

"Don't worry, I'll handle it with care." Pabiro pa nitong sabi kaya natawa din ang iba.

"Here we go the gay thing again." Pabirong parinig ni Shine upang maibsan ang kaba habang nagpipindot ng mga button sa misa at may lumabas na mga pagkain at maiinom.

"Shut up or I'll kiss you." Saglit pa itong tumigil sa harap ng laptop. "Make me." Mayabang nitong sabi tapos sumulyap sa laptop kaya sumimangot si Shinji.

Edited

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top