(Edited) Thirteen

Shin's Point of View

Simula noong dumating ang babaeng yan sa mundo namin. Parang nawala na din bigla ang malaya naming pamumuhay.

Kung noon ay namumuhay kami ng matiwasay at nagpapakasarap sa buhay tapos lumalaban lang kapag kinakailangan. Pero ngayon, parang sa isang iglap lang biglang naging komplikado ang lahat.

Ang isang bagay na pilit naming tinatakasan at inaayawan ay ngayo'y magpapabago ng takbo sa kanya kanya naming mundo. Ng dahil sa kanya, ito kami ngayon, nahaharap sa isang labanan.

Ang laban sa mga nakakataas na gangster at sa aming walang pangalang gangsters. Hindi naman talaga kami magiging gangsters kung hindi lang din kami laging napapahamak sa kanila.

Alam kong may mas matindi pang magaganap na labanan sa kasalukuyan kumpara noon kung saan kami nabuo at naging gangsters.

At yun ang pilit naming iniiwasan Pero nang dahil sa babaeng 'to, nagkanda leche leche ang buhay namin.

Tsk! Sumasakit ang ulo ko sa mga naisip ko! Bullshit!

Shine's Point of View

Alam kong maninibago kami ngayon sa mga pangyayari. Ang isang pangyayaring matagal na namin iniiwasan ay syang magpapalapit pa sa amin.

Kung hindi dumating si Shai, siguro normal lang kami ngayon. Pero hindi ko naman sya masisisi. Kaibigan naman namin sya. Hindi kasi sya mahirap mahalin bilang kaibigan, dahil sa kabaitang taglay nya. Totoo sya at maaasahan sa oras ng pangangailangan. Parang nasa kanya na nga lahat e.

Kaya, magpapasalamat nalang kami na dumating sya sa buhay namin.

Kung ito talaga ang kapalaran namin, tatanggapin nalang namin ng buong puso. Ito ang bumuo sa amin e. Kaya dapat lang na makipagsabayan sa kanilang lahat. Pero sana, magiging okay pa rin ang kahihinatnan nito.

Shinji's Point of View

Mamayang hapon mag-uumpisa ang lahat. Alam kong kahit hindi man nila sabihin, lahat kami ay maninibago sa pwedeng mangyari sa amin sa susunod na mga araw.

Malalaman ng buong gangster world na kinalaban na namin ang 10th rank, kaya naman, magiging alerto na din ang 9th rank pati na rin yung iba.

Hindi naman sa nagmamayabang, maraming nakakilala sa amin, bukod sa kami lang ang gang na walang pangalan at wala ding underlings at hindi kailanman hinahangad na mapasama sa mga rankings, kundi, malalakas din ang mga grupo namin.

Napasulyap ako kay Leader na nakapikit pero nakakunot ang noo. Itong isang 'to, kahit tulog beast mode. Kailan ko kaya makita ang ibang side ng mokong na 'to?

Sunod akong napasulyap sa katabi ni Shai, si Shine. Bakit kapag tulog ang amo ng mukha nitong babaeng 'to? Malayong malayo sa gising nyang katawan. Ang sarap mong titigan.

Hindi ko alam na matagal na pala akong napatitig sa kanya at naramdaman din ata nya. Nagbawi ako ng tingin at napalunok. Mariing pumukit at umayos ng upo. Maya maya pa, may naramdaman akong nakatitig sa akin. Hinayaan ko nalang.

Huwag mo akong titigan Shine my labs, baka mainlab ka. Patay tayo sa kambal mo. Pumapatol pa naman ako sa kaibigan.

Shai's Point of View

Hindi ko talaga maiwasang matakot at maawa sa mga kanila. Napunta sila sa gulong 'to ng dahil sa akin.

Kung hindi pa sana ako sumakay sa sasakyan nila noong isang araw, hindi sana mangyayari 'to. Haaay, I wish I could turn back time.

Biglang nagsalita ang speaker at any minute from now, maglalanding na daw kami.

Lalong dumoble ang lakas ng tibok ng puso ko. Sobrang kinabahan ako.

Alam ko na kasi kung ano ang mangyayari sa susunod e. Lagi ko kasing nababasa 'to sa mga stories and books. Pag kinalaban mo raw ang isang gang, parang kalaban mo na rin ang lahat. Lalo na pag yung pang hulihang gang pa yun.

"Guys! Nandito na tayo!" Gusto ko ng mahimatay noong sumigaw si Shine. Talaga bang mangyayari 'to? Hindi ba 'to panaginip lang?

Parang nababasa't nakikita ko lang 'to noon, pero ngayon, nasa sitwasyon na ako! Napahiyaw ako sa aking isipan. May dinamay pa akong mga inosenting tao! Pwedeng umiyak?

Bakit ba kasi nasali pa ako? Di naman ako ka grupo nila pero bakit ako pa yung pinilit nilang makalaban? What's with in this world now?

Bumaba na kami ng eroplano at naghanap ng taxi. "Uy Shai, di ba sabi mo may bahay kayo dito?" Tumango ako sa naging tanong ni Shine. Doon ko nga sila papuntahin e.

"Don't worry. Doon tayo pupunta ngayon. Ayaw nyo mag hotel di ba?" Tumango naman sya.

"Manong, sa 'Perfect Subdivision' po." Sabi ko doon sa driver. Alam nya naman ang lugar kaya hindi na naging mahirap ang pagpunta. "Okay maam."

Nilingon ako ni Shine. Kaming tatlo lang ni Shinji ang nandito. Sa kabilang taxi naman ang tatlo pa. "Hmm, okay Shai, itetext ko sa kanila ang address ng pupuntahan natin." Tumango lang ako. Balak ko sanang ipasundo kami ng driver namin sa bahay, kaso, nakalimutan ko landline dun.

After 30 minutes, nasa tapat na kami ng bahay. Agad namang may sumalubong sa aming dalawang katulong.

"Ate, paki handa po ng pagkain para sa tanghalian namin." Saka binigyan ko sila ng matamis na ngiti.

Humiyaw si ate Fe nang makita ako. "Ikaw nga yan Shai! Grabe! Gumanda ka lalo!"

Nagbatian lang kami saglit bago naisipang pumasok sa loob. Ang daldal kasi ng dalawa e.

Nauna ang dalawang ginang dahil hinintay pa namin ang tatlo pang kakarating lang. "Sigurado ka bang bahay nyo 'to Shai?" Biglang tanong ni Hiro. Nakakunot pa ang noo nito na tila hindi makapaniwala sa nakita.

Edited

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top