(Edited) Sixty

"However, you don't have to worry. Since you're in my roof, you will be protected. Even if it already activated, they can't track you unless lumabas ka sa pamamahay na ito."

Nagkatingin ang lima dahil sa sinabi ng dalaga. Ngumiti pa ito ng nakakilabot matapos sabihin ang huling pahayag.

"But, I don't want to stay like this forever!" Shine hissed, Shineya just rolled her eyes. Naglakad na ito papalapit sa sofa habang nagsasalita.

"Edi, lumayas ka na sa pamamahay ko kung gusto mo ng maging kasapi nila at handa ka na ring maging human robot."

Napasinghap si Shine at nakabusangot ang mukhang lumapit kay Shineya. "Wala bang paraan para mawala 'to?"

Saby taas nya sa kaliwang kamay. Nagbuntong hininga muna si Shineya at muling tumingin kay Shine. Bahagya pa silang nagulat dahil sa itsura nito. Ngayon lang nila ito nakita na parang nasasaktan o nawawalan ng pag-asa. Tulad ng dalaga, pinanghinaan na din ng loob ang apat na lalaki lalo na nang marinig nito ang sinabi.

"Kung meron man ay matagal ko ng inalam. Pero sa pagkakaintindi ko sa hangarin nila, mukha ngang wala kang pag-asang makaligtas sa gagawin nila pwera nalang kung pipiliin mo si kamatayan."

Nanlumong napaupo si Shine sa tabi ni Shineya. Maya maya pa, bigla nalang itong napaluha at tiningnan ang apat na lalaking kaharap.

"Ayaw kong magaya nila. Ayaw kong maging sunod sunuran sa kanila. Ayaw kong mabuhay ng ganito!" Alam ng lahat kung saan patungo ang pahayag ng dalaga kaya kaagad itong pinigilan ni Shin.

"Shhh. Don't say that. Magagawan natin 'to ng paraan okay?" Sabi pa nito habang hibahawakan ang kamay ng dalaga at nakaluhod na ito ngayon sa harapan nya. Pinunasan din nito ang mga luha ng kambal at niyakap. Hinahaplos nito ang likuran para tumahan.

"Shh. Everything will be okay."

"Sabi nya wala daw talagang ibang paraan kundi ay- kundi ..ay-"

"No. We will find ways."

Ang makita ng lahat ang sitwasyon ni Shine ay talaga nga namang nakakapanlumo. Takot din sila dahil baka sila ang susunod. Ang tanging paraan lamang nila ay ang manatili sa bahay ni Shineya. Ang tanong, hanggang kailan sila magtatago?

"Shineya-"

"I told you, wala na akong magagawa dyan. Ni hindi ko nga alam paano nagkaroon sya nyan, ang alisin pa kaya?"

Nakatingin lamang si Hiro at Shiki sa kanya habang sinasabi ito. Tingin na parang sinusuri ang dalaga kung totoo ba ang mga sinasabi nito at baka nantitrip lang. "I am not playing around here. Don't give me that damn look."

Sinamaan sila ng tingin ng dalaga saka ito tumingin kay Shin na ngayon ay nakatingin na din sa kanya.

"Please, help her." Shineya groaned in annoyance.

Sabing wala akong magagawa e. Mahirap bang intindihin 'yun?!

"Bullshit! Hindi ako magician o ano pa dyan, kaya wala na talaga akong magagawa dyan!"

"Kahit gusto ko mang tulungan sya, wala akong magagawa, trainor lamang ako at hindi makapangyarihang dyosa!"

Nagkatinginan sina Shin at Shiki. Base sa mga tingin nila ay para itong nag-uusap. Pagkaraay tumango si Shin at muling tumingin kay Shine na humihikbi pa rin na kinakalmot ang pulso. Hinawakan ito ni Shin para matigil sa pagkalmot at hinaplos ang namumulang pulso. Hindi pa rin nawala ang logo nito na nagmistulang natural na balat ng dalaga.

"Nasasaktan ka na. Stop it."

"Putulin ko nalang kaya itong kamay ko?"

"Shineya, I know may magagawa ka-"

"Sige nga Shiki, ano yun?"

Pagalit na tanong ng dalaga sa kanya. Napalunok pa ang binata bago dinugtungan ang sinasabi. Saglit pa itong sumulyap kay Shin na parang nanghihingi ng tulong. Tumangong muli ang binata.

"I-i'm not in the right position na sabihin ko sayo 'to. Pero kasi, I don't have a choice. At para na rin malaman mo na."

"What?"

Nagbuntong hininga ang binata sabay dinilaan ang ibabang labi. Napatingin pa si Shineya dito at muli sa mga kamay ng binata na parang nanginginig.

Shit! Do I have to say it? At ako pa talaga ang magsasabi?! Napataas ang kilay ng dalaga dahil sa narinig nito.

"Shineya, you're the-"

Napalingon pa sya kay Shin na syang nagbalak na tumuloy sa sasabihin ni Shiki. Ngunit-

"aasfhpkg." Nakakabinging tunog ng buzzer ang bumabalot sa boung bahay dahilan para hindi marinig ni Shineya ang huling sinabi ng binata.

Agad itong napatingin sa relo niya at may pinindot.

"Shineya! We're in trouble!"

"Shit!"

*Italy*

Nakamasid lang si Raine sa Master na pinabantayan ni Kaname sa kanya na sya rin palang lolo niya. Pinili nya ang lugar na hindi sya kaagad mapansin ng kahit na sino, maging sa lolo nya.

Papasok na ito sa isang malaking palasyo. Ang dating tahanan ng matanda. Kitang kita pa nya ang mga nagyuyukuang alipin sa pagdating nito. Maraming gwardya ang pakalat kalat sa paligid.

"Kung nandito lang sana ang Prinsesa, marahil ay masaya ang buong palasyo."

Ngunit habang nagmamasid sya, napansin din nya ang bulto ng tao sa di kalayuan ng mansyon. May hawak itong binaculars at tila nagmamasid din sa lolo nya.

Ang nakaagaw ng atensyon nya ay ang kabuuan ng mansyon. Ngayon nya lang napansin ang pinagkaiba nito sa dating mansyon.

"Shit! Hindi ito ang totoong palasyo nila! Palasyo 'to ng kalaban!"

Nang tuluyan ng makapasok ang lolo nya ay sya namang pag iba ng anyo nito. Ang dating kulay puti na palasyo ay nagiging itim. Ang mga halaman at bulaklak ay napapalitan ng mga cross na baliktad. Ang maliit na lawa sa gilid ng palasyo ay nagiging bangin, malalim na bangin. Ang tubig ng fountain sa harapan ay napapalitan ng kulay pulang likido at umuusok pa ito. Ang mga alipin ay kaagad ding nagpalit ng anyo. Tao pa rin naman pero hindi na ordinaryo. Mga mafias, ninjas at assassins ang mga ito.

"Shit!"

Mahinang bigkas nya dahil biglang gumalaw ang puno na inuupuan niya. Nagmistulang patay na puno ito at kitang kita na sya mula rito. Nataranta na sya sa takot na makita sya ng kalaban ngunit isang galaw nya lang ay naputol ang sanga na inuupuan nya at nahulog sya.

Napapikit sya ng mariin at kinontrol ang sarili na wag makagawa ng ingay. Ngunit isang bisig ang sumalo sa kanya. Napadilat sya at napatingin sa paligid. Nagtaka pa sya kung bakit bumalik sa dating anyo ang lugar na parang paraiso. Muli nyang pinikit ang mga mata nya dahil baka naghahallucinate lang sya.

Pero, isang mahinang tawa ang narinig nya kaya napatingin sya sa taong sumalo sa kanya. Nakaupo ito sa bermuda at karga karga naman sya na parang bata.

"Ang bigat mo miss."

Gwapo. Shit!

Natulala sya sa nakita. Kahit pa nakasout ng cape ang lalaki kitang kita naman nya ang itsura nito. Maya maya pa, hinawakan nito ang takas na buhok ng dalaga at nilagay sa likod ng tenga.

Parang nakuryente ang dalaga dahil sa paglapat ng kamay nito sa gilid ng mukha nya. Hindi malamig, di rin mainit pero napaka relaxing sa pakiramdam.

Muling napangiti ang lalaki ng makita ang reaksyon ng dalaga. Binaba nito ang hood ng cape kasabay nun ang pag ayos ng upo ni Raine sa tabi nya.

Nanatili lamang ang mga tingin nya sa lalaki. Umihip ang hangin at nagulo ng konti ang buhok nito. Ngunit, mas lalo lang itong gumwapo.

Makinis ang mukha. Katamtaman lang ang puti nito. Depinang kilay, malalim na mga mata. Matangos na ilong. Magandang hubog ng mapupulang labi. Pero ang nakapukaw ng boung atensyon nya ay ang magagandang bilog na mata nito. Hindi mo hahayaang mawala ka sa paningin nya at para bang habang nakatingin sa mga mata nito ay parang dinadala ka sa kakaibang mundo.

Nabalik lang sya sa realidad ng makaramdam ng sinag ng araw. Tumama ito sa mukha nya kaya bahagya syang napapikit.

Napalingon din ang lalaki sa gilid nya dahil doon nagsimula ang sinag ng araw. Kaagad rin itong binalik ang tingin sa dalaga sabay binalik ang hood sa ulo nito. Ngunit hindi nakaligtas sa dalaga ang saglit na pagpula ng mga mata nito habang nakatingin ito sa sinag ng araw. Maya maya pa, dahan dahan ding humupa ang pagsinag ng araw na sya namang ipinagtaka ng dalaga pero hindi sya nagpapahalata. Ngumiti ang lalaki sa kanya kaya natulala na naman sya. May lumabas kasing dimples sa magkabilang gilid ng pisngi nito.

Ang gwapo ng nilalang na 'to. Sino ba sya?

"Uhm, anong pangalan mo?"

Ngunit wala syang nakuhang sagot mula rito. Uulitin nya sana ang tanong pero naunahan na sya ng isa pang tanong.

"What are you doing here?"

Hindi sumagot si Raine. Di dahil ayaw nyang malaman kung ano talaga ang pakay nya rito kundi ay nakaramdam na sya ng kakaiba base na rin sa tono ng pananalita nito. Full of authority na kung di ka sanay sa ganoong klase ng pananalita ay talagang manginginig ka na sa takot.

Hindi pa rin umimik si Raine at nanatiling tikom ang bibig. Sinubukan nyang basahin ang mga galaw ng lalaki pero di na nagawa dahil parang nanghihina sya.

"Tell me, what are you doing here?"

Muli syang napatingin sa mukha ng lalaki. Nakangiti pa rin ito sa kanya. Malumanay naman ang pagtatanong pero mahahalata parin ang autoridad ng boses nito.

Naagaw ng pansin nya ang isang maliit na kwintas sa leeg nito. Itim na pendant. Isang baliktad na cross. Muli syang napatingin sa mukha nito, particularly sa mga mata. Nagmistulang kulay dugo ang bilog ng mga mata ng lalaki. Muli syang napatulala at parang nawalan ng hininga.

"Now, tell me."

Bago pa man sya tuluyang mahypnotiza ay kaagad syang nagteleport. Napangiti ang lalaki ng mapansing biglang nawala si Raine.

"See you soon my Princess. And I'll make sure this time, you will going to be my Queen."

Mahinang bulong nito kasabay ang pagbago ng paligid. Ang lugar at kaharian ng kadiliman, ang kanilang kalaban.

*Philippines*

"We're in trouble!"

Edited

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top