(Edited) Sixteen

Third Person's Point of View

"Siguro naman alam nyo na kung sino ang gusto naming makalaban?" Tanong ni King sa 'unknown' gang at kay Shai.

"We're not that stupid, asshole!" Sigaw ni Shin sa kanya.

"Tsk! Tsk! Tsk! Easy there dude. Di ikaw ang kalalabanin namin." Kunwari itong umubo at tumingin kay Shai. "You're the newbie, right?" Si Shai naman kinakabahang tumango pero hindi nya ito pinahalata sa kanila.

"How many times do I have to tell you that 'that girl' is not part of my gang! You stupid bastard!" Galit na bulyaw ni Shin na akmang susugurin sana si King ngunit mabilis itong hinawakan sa magkabilang braso ng mga kaibigan nya.

"Whatever dude. I want her." Sabay tinuro si Shai saka ngumisi ng nakakaloko.

"Naduduwag ka na ba ha? Dahil ayaw nyong kami ang kalabanin nyo!?" Galit din na sigaw ni Shinji.

"SHUT UP!" Nanggagalaiting sigaw niya at nagpaputok ng baril. Natahimik ang kabilang panig dahil sa galit na ngayong mukha ng kalaban.

"It's okay Shinji. Kaya ko 'to." Napangisi si King sa sinabi ni Shai.

"S-sigurado ka ba Shai? Pwed---"

"Okay lang Shine. Nandito na tayo e. Promise, di ko kayo bibiguin." Alanganin namang bumuntong hininga si Shine.

Binitawan naman nila ni Shiki si Shin.

Naglakad si King at sumunod dito ang mga tauhan niya. Nagkatinginan sila Shai at sumunod na rin sa kanila. Huminto si King saka hinarap ang dalaga. "Pumili ka dyan kung anong gagamitin mo." Sabay ngiti ng nakakaloko.

"I hate your smile. Wala ba kayong sinira sa mga motor dyan? Yung brake?" Tanong niya rito.

'Mautak din 'tong babaeng 'to.' sa isip ni King. "Kung swertehan ka." Muli na namang ngumiti ito ng nakakaloko.

Lumapit si Shai sa walong nakahilirang motorsiklo.

"Gotcha!" Sabay tinuro ang pang lima saka lumapit sya rito. Di na nya kailangan i-check dahil alam naman nyang ito lang ang walang sira.

Hindi sementado ang daan, medyo lubak lubak at mabato ito. Isang delikadong lugar para pagdausan ng racing kung hindi maalam at madiskarte ang manlalaro. "Ready?" Tanong ni King sa mga kasamahan nya at nag smirk naman sya kay Shai.

"Ingat Shai. Madaya ang grupo na yan pagdating sa ganitong labanan." Bulong ni Shine kay Shai. Ngumiti lang sya nito. Tapos sinuot ang leather black jacket. Naka black leather pants din sya at black boots din. Sinuot na din nya ang black gloves pati ang black helmet. Black din ang kulay ng Ducati 1199 na napili nya.

*** sakabilang banda

"Ano, ready na ba?" Sabi nito sa kabilang linya.

"Yep! Anytime mag-uumpisa na sila." Sagot din sa kabila.

"Good." At muling inayos ang earpiece.

**

may lumapit na sexyng babae sa harap nila. Tinaas ang black flag at muling binaba matapos ang tatlong segundos. Isang palatandaan na nag-umpisa na nga.

Shine's Point of View

Nandito lang kami sa may bleachers ng SRP. Walang ibang tao ang buong lugar kundi ang mga underlings lang ng black society gang at kami.

Lahat kami nakatingin sa malaking screen ng monitor kung saan makikita ang paglalaban nila Shai.

Pumangatlo si Shai, hanggang sa sya na ang nasa unahan nito. Napansin ko namang parang bumagal ang takbo nina King. Kinakabahan ako. Hindi pwede 'to!

Nagtawanan bigla ang mga tauhan niya. "Masyado kasing kampanteng manalo." Masama 'to. "Good luck nalang sa kanya." Lumakas ang pagkabog ng dibdib ko sa narinig.

Tumayo ako at ganun din ang mga kasamahan ko. Dali dali kaming bumaba at pumasok sa sasakyan namin. Sinundan namin ang rutang dinaanan nila.

Hanggang sa makarating kami sa dalawang kalsada. Yung isa, straight lang na may arrow na kulay pula na nakapoint doon sa unahan kung saan dumaan si Shai. Sa right side naman yung dinaanan ng Black Society Gang. Lalo namang lumakas ang kaba ko.

"Damn it!" Napamura si Shin sabay hampas sa bintana. Mukhang parehas kami ng iniisip. "Ang dumi talaga nila maglaro!"

"Kalma lang Shin. Magiging okay rin si Shai." Pag-aalo ko sa kanya.

Sinundan namin ang dinaanan ni Shai. Hanggang sa madatnan namin sya mula sa malayo at kitang kita namin kung ano ang nangyari.

Third Person's Point of View

Huminto muna si Shai ng mapansin nyang walang nakasunod sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso nya.

Luminga linga muna sya sa paligid. Tanging nagtataasang mga kahoy lamang ang nakikita nya. At ang isang straight na kalsada.

"Parang may mali talaga dito." Sabi nya sa sarili saka sya bumaba ng motorsiklo. Pumulot sya ng isang maliit na bato at binato sa unahan.

Biglang nalaglag ang parte ng nalaglagan ng bato. Kaya ang resulta, nakagawa ito ng isang malaking hole.

Pumulot ulit sya ng isa pang bato at malakas na inihagis doon sa malayo at biglang naputol ang kalsada. Sakto namang isang metro nalang ang layo nya sa malaking bangin.

"Sabi na nga ba. Kung di ko 'to napansin, malamang patay na ako. Madumi nga talaga sila maglaro." Tumango tangong bulong nya. "Kung may putol ito, dapat may lugar din itong pwede mong tawiran. I mean, pwede mong daanan. Para makapunta ka sa finish line."

Sa dulo kasi ng putol na kalsada ay finish line.

Humanap ulit si Shai sa parte ng kalsada. Hanggang sa may makita syang malaking bato. Lumapit sya dun ngunit bigla syang may naramdaman.

Kunwaring pumunta sya sa kabilang side ng bato kaya ang natamaan ng arrow ay yung pwesto niya kanina.

Pinulot nya ito saka bumalik sa motor nya. Umatras sya ng sampung metro, at saka hinagis ng malakas ang arrow doon sa bato kanina. Sa sobrang lakas ng impact, nahati ito. Biglang may lumitaw na inclined plane sa harapan nya.

Dali dali syang sumakay pabalik sa motor at mabilis na pinaharurot. Dumaan sya doon sa inclined plane na naging resulta ang paglutang nya sa ere. Nakaramdam syang may dalawang arrow ang papunta at tatama ito sa kanya sa magkabilang balikat.

Yumuko sya ng bahagya at pinakot ang motor. Ganun pa rin ang nangyari kaya umikot ulit sya ng dalawang beses.

Agad namang napansin ni Shin ang nangyari kay Shai. Kaya lumabas sya at pumunta sa kanang bahagi ng mga nagtataasang punong kahoy. Ganun na rin si Hiro.

Nadatnan nila ang isang taong nasa itaas na may hawak na bow and arrows. Binaril ni Shin ang taong yun dahilan upang malaglag ito. Napatingin ulit sya sa gawi ni Shai.

Maayos na naglanding si Shai sa lupa at mabilis na pinaharurot ang motor. Saka palang lumabas ang Black Society gang sa magkabilang parte ng gubat.

"Mautak ka rin e noh?" Sabi agad ni King nung magkasabay na sila. Ngumiti lang si Shai sa kanya at mas lalong binilisan ang pagpapatakbo.

Malapit na sya sa finish line kaya agad nyang hinawakan ang hand break dahilan para tumaas ang likurang bahagi ng motor nya na parang nakatayo ito. Kasabay doon, pinaikot nya ang kanyang motor at sakto namang nahinto sya na lagpas sa finish line at nakaharap na sa buong Black Society gang.

Nakangisi ng malawak si Shai habang sinasambit ang kanilang pagkapanalo bago ito umalis. Sa sobrang inis ni King, binato niya ang kanyang helmet. "Kung wala nga syang kinatatakutan, hamunin kaya natin ng totoong labanan?"

Edited

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top