(Edited) Seventeen
Shai's Point of View
Isang linggo na ang nakalipas ng maganap ang labanan namin ng mga Black Society Gang sa Cebu. At ito na kami ngayon, matiwasay na nag-aaral. Parang walang nangyaring labanan noong nakaraan.
"Shai!" Isang magandang dilag ang tumakbo papunta sa akin. Napangiti ako. Ang kyut talaga nitong isang 'to.
"Anong itsura yan Shine?" Natatawang puna ko. "Natatae ka ba?" Huminto syang hingal na hingal sa harapan ko at naka hawak ang kamay nya sa dibdib.
"Eh Shine? Okay ka lang ?" Nag-alalang tanong ko sa kanya. "Bakit ang putla mo? Shine? Anong nangyari?" Kinakabahan tuloy ako. "Teka, dadalhin muna kita sa infirmary." Akmang aakayin ko na sya nang pigilan nya ako.
"Relax, okay?" Natataranta kasi ako. Sino bang hindi? Sa itsura nyang yan?
"Teka, ano ba kasing nangyari ? Bakit parang—" pinutol niya ako at hinawakan sa kamay. "Wag dito! Tara!" Sabay kaladkad sa akin.
"T-teka! Yung pagkain ko!" Sayang ang binayad ko dyan. Naghihirap pa naman ako ngayon. Ang dami kayang projects.
"Iwan mo na yan dyan! Kailangan nating makapunta agad sa HQ, ngayon na!" Kinaladkad na nya ako. Di nalang ako nagsalita pa.
**
"Oh? Kasama mo na ba sya?" Tanong ni Shin na nakatalikod sa amin at busyng busy sa harap ng laptop nya.
"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ko sa kanilang lahat. Naguguluhan ako e. Bakit ang problemado ng mga pagmumukha nila?
"May problema tayo!" Biglang sigaw ni Shinji na ikinagulat ko. Nabatukan tuloy sya ni Shine. "Pwedeng hindi sumigaw? Wala namang bingi dito." Saway nya rito.
Problema? A-anong—
"Anong problema ba yan?" Tanong ko.
"Ano ba kasing sinabi mo dun sa gang na yun!?" Parang bulkang sumabog naman si Shin nang humarap ito sa akin. Ano na namang kasalanan ko?
"Kalma lang Shin. Huminahon, okay?" Mabuti nalang at dakilang peace maker itong kambal niya. Kinakabahan talaga ako. Ano kayang nangyari?
"Oh, ayan, panuorin mo yan." Galit nyang turan sabay hagis ng laptop nya. Buti nasalo ko kaagad. Pinindot ko yung play button ng video.
"Greetings sa inyong walang kwentang gang. Hinahamon ko kayo ng isang labanan. Kaya maghanda na kayo ha? Baka kasi hindi nyo na masundan ang birthday nyo. *boom!* sa pagkakataong ito, mararanasan nyo na rin kung paano makikipagtugis ang Black Society Gang!"
Agad kong naisara ang laptop at lahat sila nakatingin sa akin na parang natatakot na nababahala. Pero si Shin lang yung nakatingin sa akin ng masama na parang kakainin nya ako sa oras na gagalaw ako. So ito pala ang problema. Ano ba naman 'tong pinasok ko?
Bakit ba sila naghamon? Hindi pa ba ssila nakontento noong nakaraan? Ano bang gusto nilang patunayan? Hindi ko akalaing, ganito pala kakomplikado ang mundo nila.
"Kailan daw?" Hindi ko alam kung anong reaksyon ang pinapakita nila pero nakakatawa ang mga itsura nila.
"Really?! Yan pa ang tanong mo?! Stupid." Ano bang dapat kong itanong? May mali ba sa tanong ko?
"Kalma lang kambal! Ang high blood mo. Buti pa magplano na tayo ng maigi."
"Papatulan mo talaga ang mga yun?!" Ang init ng ulo ni Shin. Masama yata ang gising. Sabagay, palagi naman.
"Reality dude. Andyan na yan. Tanggapin nalang natin kahit pilit natin yang iniiwasan." Si Hiro na kanina pa tahimik.
"Bakit ka ba kasi pumasok sa skwelahang 'to?! Bakit ba kasi pumasok ka sa mundo namin?! Nahahawa na tuloy kami sa kamalasan mo!" Galit nyang sigaw sa akin sabay dinuduro ako. Pagkatapos ay umalis at malakas na sinara ang pintuan.
"Wag mo nalang pansinin yun Shai. Sumpungin talaga yun." Pag-aalo sa akin ng kambal nya. "Kambal nga ba talaga kayo Shine?" Tanong ko sa kanya.
"Yun nga din sana tanong ko e. Kambal nga ba kayo?" Tanong ni Shiki. Cool talaga nitong isang 'to.
"Ewan. Nagtataka nga din ako minsan e." Nagtawanan kami sa naging sagot ng kambal niya. "Siya yata ang may regla sa aming dalawa, kaya ganun."
Ilang minuto din kaming nagkukulitan at asaran doon nang tumunog ang bell, hudyat na kailangan na naming pumasok.
Nagmamadali kaming umakyat sa 4th floor at hingal na hingal pa kaming nakarating dun.
"Kyyaahh! Ohemgee! May new classmates tayo! Sabi nila, gwapo daw!" Salubong agad ni Ches. Itong isang 'to talaga.
"Like we care. Mas pogi pa kami dun noh!" Si Shinji, kulang nalang iisipin ko itong bading e.
"Sino naman daw yun Ches?" Tanong ni Shine.
"Hi Shai!"
"Good morning miss Shai!"
"Akin na bag mo Shai." Sunod sunod namang sabi nila Drake and company. Dahil doon ay nakatanggap sila ng mga tinging nananapak nina Shiki at Shinji. Protective nila masyado. Hindi naman uubra yang mga yan sa akin.
"Hoy! Ches! Dallii sino ba ha?" Naagaw ang pansin ko sa matinis na sigaw ni Shine, animo'y kinikilig. Mahinang napa tsk si Shinji habang papunta kami sa upuan namin. "Teka nga lang muna Shine! Nagugulo pa hair ko e. Okay ito na, sina J—-
"GOOD MORNING CLASS!" Nang dumating ang adviser namin, edi naiwan sa ere ang pangalan ng bago namang mga kaklase.
"Good morning din Sir!" Sabay sabay namin kaming umayos ng upo. "May new transferees tayo. Kindly come here in front transferees and introduce yourself." May tatlong lalaki ang pumasok, lahat sila naka shades. Mainit ba sa labas?
Agad nagsinghapan at nagtilian ang ibang mga babae sa loob. Pero ng tumingin ulit ako sa mga transferees, bigla akong kinilabutan. Naka smile sya pero ang seryoso ng mga mata nyang nakatingin sa akin. Parang gustong pumatay ang mga titig nya.
Bahagyang kumalabog ang dibdib ko.
Edited
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top