(Edited) Seven

Third Person's Point of View

"Mga bobo!" sabay tayo sa upuan nya. Galit na galit ang boss nila sa binalita sa mga tauhan nya. "Bakit di nyo nalang pinagtulungan ha!?"

"Babae lang yun!?"

"Hindi nyo pa nagawa!?"

"Mga walang utak! Walang kwenta!"

sunod sunod na sigaw ng boss nila. Halos pumutok ang ugat nito sa lakas ng sigaw. Namumula pa ang mukha sa galit.

"Ano!? Walang magsasalita sa inyo!? Nawalan na din ba kayo ng dila!?" sabi ulit ng boss nila sabay hampas sa misa.

"P-patawad b-boss p--"

"Patawad!? Ha!? Ako ba niloloko nyo!? Isang tao lang yun, babae pa, naisahan kayo!?" Halos sugurin na niya ang tauhan sa panggagalaiti.

"E boss, kakaiba po syang babae. Kahit alam nyang mapapahamak na sya hindi pa rin sya nagrereklamo o nagsisigaw man lang. Para bang hinihintay nalang nya na gawin yun sa kanya. Kaya na... na.."

"KAYA NAAWA KAYO SA KANYA?! GANUN?!" Parang kulog naman ang muling pagsigaw niya. Hindi na lamang sila kumibo dahil tama naman ang sinabi ng boss nila.

Napasuntok ang boss nila sa misa, "Mga peste kayo! Inutil! Kaya kayo naisahan nun! Hindi nyo man lang naisip na baka patibong lang yun sa babae?! Mga wala talaga kayong kwenta! Magsilayas kayo! Kung ayaw nyong ako mismo ang papatay sa inyo! Layas!"

Nagsitakbuhan naman ang lahat pagkatapos sabihin iyon ng boss nila. Makalipas ang limang minuto na nakatingin lang sa bintana ang boss nila nang biglang nag ring ang telepono nito.

Nanginginig na sinagot nya ito. "H-hello."

"Nagawa mo ba?" sabi sa kabilang linya. Hindi sya nakapagsalita kaagad dahil hindi nya alam kung ano ang dapat sabihin. Kung sasabihin ba nyang tatanga tanga yung mga inutusan nya kaya naisahan sila o sabihing hindi pa nya nagawa.

"Sabi na nga ba. Sayang lang yung binayad ko sayo. Pesta ka! Walang kwenta!" sabay baba sa kabilang linya. Napabuntong hininga na lamang sya.

Shai's Point of View

Uwian na pala ngayon. At wala na naman akong sundo. Nababahala na naman ako, baka mapahamak na naman ako nito tulad kahapon.

Naglakad na ako palabas ng gate. Nasa kabilang kanto pa kasi yung sakayan ng jeep. Naglakad lang ako ng may humintong van sa gilid ko at---

"Hi miss!" sabay tinakpan ang bibig ko at nilagyan ng piring sa mata.

Ito na naman?! Kahapon muntikan na akong marape tapos ngayon kikidnapin ako?! Grabe naman 'to oh!

Pinakalma ko lang ang sarili ko gaya kahapon. Di ako sumigaw o nagrereklamo. Baka 'pag ginawa ko yun, sasaktan nila ako.

Nakiramdam lang ako sa paligid. Walang nagsalita. Pansin kong may dalawang tao sa unahan, yung driver na minsan ay pasulyap sulyap sa akin mula sa salamin na nasa itaas , at yung isang lalaki naman na nasa passenger seat ay pasulyap sulyap din sa akin or should I say, nakatingin lang talaga sa akin gamit ang salamin sa right side. Kahit nakapiring ako, ramdam na ramdam ko yung mga titig nila.

"Ayos ka din miss ah. Ikaw lang ata ang kinidnap na hindi man lang nagsisigaw para humihingi ng tulong." nagsalita yung sa left side ko. Ako naman, ito lang nakaupo lang ng maayos.

Papalag? Nah, nag-aksaya lang ng lakas ko yan. "Kasi naman po mga kuya, natatae ako." sabi ko naman. Makuha kaya sila sa sinabi ko? Ano ba naman 'to. Nasa panganib na nga ang buhay ko kung ano ano pa ang pinagsasabi ko.

"Kami ba niloloko mo?" sabi nitong nasa kanan ko. "Mukha po ba akong nagloloko?" kahit hindi ko sila makita, ramdam ko yung mga reaksyon nila na malapit na talagang maniwala sa sinabi ko.

"Kung ganun bakit hindi ka man lang nakitaan namin ng isang reaksyon sa mukha na parang natatae ka na? Baka naman patibong mo lang yan ha? Para maawa kami sayo at papalabasin ka namin dito." sabi na nga ba e, di talaga ako magaling magsinungaling.

"ITALI NYO YAN!" Biglang sigaw nung nasa unahan.

"Sabi ko nga po." Hahawakan na sila nila yung kamay ko ng maunahan ko sila. Pinilipit ko ng sabay sabay ang kamay nila na nasa kaliwa't kanan ko. Namimilipit ito sa sakit. Ang sunod ko ding ginawa ay tinadyakan ko yung dalawang tao sa unahan kaya sabay din silang napasubsob. Gumewang gewang yung sasakyan. Kaya humina yung pagtakbo nito.

Kaya agad ko namang siniko yung dalawang lalaki sa magkabilang side ko at agad ding lumapit sa bintana at binuksan ang pintuan ng sasakyan.

Hindi pa ako gaanong nakalabas ng nahawakan nila ang buhok ko. Bakit ba lagi nilang hinahawakan 'tong buhok ko? Inggit ba sila?

Huminto ang sasakyan kaya mabilis kong hinablot ang buhok ko ng pagkalakas dahilan para mabitawan nila ako. Tapos mabilis kong sinara ang pinto ng malakas. Napansin ko pa ngang may naipit e.

Tumakbo ako sa side walk. Bakit ba napakatahimik 'tong lugar na 'to!? Saan ako hihingi ng tulong? Naman kasi e!

Habang tumatakbo ako ay kinuha ko din ang bag pack ko, kukunin ko na sana ang cellphone ko nang biglang may putok ng baril. Mabilis akong dumapa. Ang daya! May baril sila ako wala! Naman oh!

"Wag kang gagalaw miss kung mahal mo pa ang buhay mo!" Hindi nga ako gumalaw. Naman oh, mahal ko pa ang buhay ko!

"Subukan mo lang, ikaw ang uunahin ko." May tagapagligtas ako! Lihim akong napangiti at napapalakpak sa aking isipan. Galing! May superhero ako! Sino kaya 'to? Inangat ko yung paningin ko.

"S-shin?"

"Pumasok ka Shai! Dali"

"Shine?!" Wala e! Gulat talaga ako!  Sila ba talaga ang mga heroes ko?! Nagningning bigla ang mga mata ko.

Dali dali naman akong tumayo at pumasok sa kotse nila Shine. "T-teka, paano si Shin? May baril yung kalaban nya tapos sya wala?" Tanong ko kaagad sa kanila nung makapasok na ako.

"Kaya na nya yan. Tara na! Bago pa tayo maabutan ng mga kasamahan nila!" Pinaharurot naman nila yung sasakyan pero bago pa man kami makalayo, agad ko ring kinuha yung maliit na knife ko sa may sapatos ko at hinagis kay Shin. Swiss knife

"Shin!" sinalo naman nya agad ito. "Swiss knife?" sabi nung apat.

"May pipindotin lang dun at magiging baril yun." sana mapansin kaagad yun ni Shin.

Natanaw ko yung sasakyan ng mga kasamahan nila na nasa kabilang kanto lang.

"May baril kayo? Pahiram." binigyan ako ni Hiro.

Binaba ko yung bintana, kahit tumakbo yung sinasakyan ko, binaril ko pa rin ang dalawang gulong ng sasakyan nila. Lumabas naman ang tatlong tao sa loob.

"Woah! Sharp shooter ka pala." nginitian ko na lamang si Shine.

Bakit nga ba di ko naisip kanina na meron pala ako nun? Pero sana ibalik yun ni Shin, bigay kasi yun ni kuya, in case of emergency daw. Hihi

Edited

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top