(Edited) Nine
Shai's Point of View
Bahala na nga lang. Basta ang importante, matulungan ko ang mga kaibigan ko.
Lumabas ako ng sasakyan kaya agad rin naman akong napansin ng ibang mga gangsters na nanunuod lang.
Tumalon ako papunta sa ibabaw ng sasakyan. At dun mas lalong nakuha nila ang atensyon ko.
Ginamit ko ang tsansang iyon para tumalon ulit papunta sa isang kalaban at naglanding ako sa balikat nya sabay pinihit ang leeg nya. Tumba.
May papalapit sa aking dalawang kalaban sa magkabilang side ko kaya tumalon ulit ako in a split form at sakto namang sapul sila sa mukha. Knock out.
Pagkalanding ko sa baba, ini-stretch ko yung kanang binti ko patalikod at sakto naman tinamaan si kuya sa 'ano' nya. Napangiwi ako sa pamimilipit niya. Makakaanak pa kaya sya nyan?
"Kayo kasi e, sorry na." Hingi ko ng paumanhin. "W-walang-ya k-ka!!" Sinugod nya ako kahit pa paika-ika ito. Kaya naman, agad kong hinablot yung taong nasa kanan at yun ang pinangharang ko sa kanya. Kalaban pala 'tong nahablot ko. Binatukan ko sya kaya nawalan ng malay saka malakas na tinulak doon sa kuyang namimilipit at pareho silang supalpal ang mukha sa sahig.
Umupo ako at humakbang pakaliwa at sakto namang may natumba sa harapan ko, muntikan pa nga akong masagi. Kaya dali dali akong tumayo at tinadyakan ang binti nya, may nagcrack na boto rito.
Pagtayo ko may anim na kalaban ang pumaikot sa akin. Kaya umupo ulit ako, tinukod ang kaliwang kamay at tinadyakan sila sa mga ano nila habang umiikot ako. Hindi naman ako galit sa parteng yun nila. Mas mapapadali lang ang gagawin ko kapag doon ko sila puntiryahin.
In a span of one minute, may labing isa na akong napatumba. At gutom na talaga ako Bakit ba kasi tumawag pa sila ng mga back up!
Tumayo ako at pinagpagan ang sarili. Nanginginig ang mga kabutuhan ko sa sobrang pagkagutom ko. Baka mag collapse pa ako dito ng wala sa oras.
Kaya ko pa 'to! Basta di lang talaga ako mag collapse.
May tumakbo papunta sa akin dala dala ang isang bakal. Sinugod ko din sya at mabilis na inagaw ang bakal na hawak nya saka nag slide ako sa pagitan ng binti nya at hinampas ko sa kanyang ano ang bakal nya. Tumayo ako tsaka tinadyakan sya, kaya nag swimming ito. Tulog. Napansin kong malayo na pala ako sa sasakyan.
Mabilis akong tumakbo papunta doon at hinampas sa batok ang kung sino mang haharang sa dinadaanan ko. May papalapit sa kanan kaya nag side kick ako. Takbo ulit. May sumugod naman sa akin na may dalang bakal din. Hinampas nya ako pero sinangga ko ito ng bakal na hawak ko saka ko sya tinuhod. Tumba.
Tumakbo ulit ako ng may humila sa bakal na hawak ko gamit ang isang latigo kaya agad ko rin itong binitawan. Ang resulta, natumba sya. Nilapitan ko ito at pinilipit ang leeg tapos kinuha ko yung latigo na hawak nya.
Tumakbo ulit ako, ng may napansin akong kalaban na sinugod si Shine sa likuran habang nakikipaglabanan. Agad kong pinapulupot ang latigo sa paa nya dahilan upang matumba sya. Mahigpit ang pagkapulupot sa latigo kaya nung hinablot ko ito napasama sya. Ginamit ko yun, at umiikot para patamaan lahat ng nasa paligid na malapit lang sa kinalalagyan ko at lahat sila, tumba.
Binitawan ko na yung latigo at tumakbo ulit. Kaharap ko na yung pinto ng sasakyan kaya nilingon ko ang buong paligid. Mukhang ubos na silang lahat. Nakita ko sila si Shine na papalapit na dito.
Ako na unang pumasok para hanapin ang pagkain na binili ni Shin. Pasensya nya gutom lang talaga ako. "Food, where are you?!"
Maya maya lang, "Uy, Shin. Sorry na. Gutom lang talaga ako kanina." Halos kalabitin ko na sya, kaso ayaw nya talaga e. Naman oh! Galit na ata to sa akin. Lalo ko naman syang ginalit, anong gagawin ko?
"Hoy Shin! Para kang babae dyan! Patawarin mo na nga 'yang si Shai oh! Parang pagkain lang eh!" Bulyaw ng kambal niya at hinarap ako. "Uy Shai! Ikaw ha? Marunong ka palang makipaglaban. Akala ko ba hindi ka marunong?" Tapos ayun, nasa akin na ang atensyon. Hindi ko nalang pinansin ang mga mapanuring tingin nila. Galit si Shin sa akin.
"Ahh, hehe, wala naman akong sinabi ah." Sabay kamot sa ulo.
"Kahit na! Uy! Kita ko yun kanina. Ikaw ha? Magaling ka pala. Parang napapantayan mo nga ang lakas ni Shin eh." Ani Shinji.
Okay.
Isang mahabang katahimikan na ang namayani nang basagin ko ito. "Ahm, nga pala. Di ba nabanggit nyo, may ranking sa gangster world?" It's not that, I'm into a gangster. Di rin naman ako fan ng mga gangsters na yan or what. Ano lang, curious lang ako, baka rank 1 pala 'tong mga 'to.
"Ah, yep. Why d'you ask?" Si Shinji ang sumagot. Sina Shiki at Shin, tahimik. Plus Hiro, tulog na naman. Okay, dapat masanay na ako.
Bakit nga ba? Nagkibit balikat nalang ako. "Kayo, pang ilan kayo?" Muli kong tanong.
"Wala." Magkasabay na sagot ng dalawang nasa gilid ko.
"Bakit naman? I mean, magaling naman kayo. Kita ko nga kanina. I bet, kaya nyo ngang higitan yung 10th rank." Magaling naman sila talaga.
"Naman! Underlings lang yung mga yun." Proud na sabi ni Shine.
"Pero, I think, you can do more than that sa gang na kinabibilangan dun sa mga underlings na yun." Basta, yun ang instinct ko. And my instinct never fails me.
Bahagyang napatawa si Shinji sa sinabi ko. "I see. Pero, we don't do fights just to be on the rank."
Edited
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top