(Edited) Last Chapter

Last Entry

"What happened?!" As soon as she stepped in sa malaking sala ng mansyon ay ito kaagad ang tanong nya sa kung sino man ang nandudun.

"Atlast! We've meet." She was particularly looking at her aunt na kasalukuyang nakaupo sa mahabang sofa until someone talked and got her attention.

Confusely looking at this particular white-haired old man with a baston on his left hand na nagsilbing tungkod, she continued walking papunta sa kinaroroonan nila.

Ngayon lang din nya napansin ang isa pang panauhin. Magandang petite na babae na katabing umupo sa pinsan nyang si Kaname. Late 40s na lalaki in a coat na katabi din ni Mayumi. Hinahanap ng paningin nya si Zero para magtanong sana. Natagpuan nya ito sa may gilid, di kalayuan sa pwesto ng mga panauhin and there she saw another men in black sa kabilang gilid din which is opposite side nila ni Zero, assassins.

Nilingon nya ang boung paligid, doon lang nya napansin na napapaligiran sila ng mafias, assassins and ninjas. Hindi nya namumukhaan ang ilan sa mga ito pero alam nyang mga tauhan nila ito, base na rin sa mga logong nasa kasuotan.

Ang ipinagtaka lang nya ay kung bakit nandito ang mga 'to at may mga panauhin pa silang kasama na di naman nya kilala.

"Oh my God, can someone explain to me what is happening here? Is this what you called 'trouble' Kaname?" Calling her cousin by his first name only proves that, she is pissed.

Magsasalita na sana si Kaname ngunit biglang tumunog ang alarm ni Shineya. Kaagad syang napatingin sa relo nito.

"What?" Iritabling tanong nya habang nakatingin sa mukha ni Shiki mula sa hologram.

"Shine tried to kill herself, ayaw magpapigil at hindi rin namin makuhang pigilan! Shineya! We need your help here! Nawawala si Shine! Tumakas sya! Maybe nagkamali ka sa info mo, kahit di pa sya matrack ng kalaban, kusang gagawa ng paraan ang katawan nya para maka-toot toot toot"

"Shit!"

Napamura na lamang sya ng biglang maputol ang linya. Kinakabahan na rin sya sa mga oras na 'to. Nag-alala sya sa kalagayan ni Shine. Nag-alala sya sa kaligtasan ng Uncrowned Royals. Dahil alam nyang, sa oras na ang pinakamatinding kalaban na ang mangingialam, wala silang kalaban laban dito.

At ayaw din nyang umabot pa sa puntong mangyayari nga ang kinakatakutan nya.

"So, that means, nag umpisa na nga sya. " Wala sa sariling sabi ng matanda. Napatingin ang lahat sa kanya maliban kay Shineya na muling tumalikod at naglakad palabas.

"Where are you going?"

"Hahanapin ko ang mga kasamahan ko. At wag na wag mo akong pakialaman Kaname."

"But- we have visitors! Importante pa ba iyan kaysa sa amin?! Ha, Shineya?!"

Ngayon si Tita Mayumi na nya ang nagsalita kaya napahinto sya. Nilingon nya ang mga taong nakatingin na sa kanya ngayon. Naghihintay ng kasagutan.

Tiningnan nya isa isa ang mga tauhang nasa loob, at doon nya lang napansin ang totoong anyo nito. Mga illusion ang mga taong nasa harapan nya. Biglang dumilim ang mukha ng dalaga. Bakit di nya agad to napansin kanina?

"You can't fool me Tita. Alam nyo yan."

"What do you mea-we're not fooli-"

Nagpupuyos sa galit si Shineya. Nagpunta sya dito dahil ang sabi ay nanganganib sila pero ang mga kasamahan naman nya ang nanganganib ngayon. Masakit man isipin pero nabilog nila ang utak nya. Ayaw na ayaw pa naman nya ang pinagloloko sya.

"Stop playing games!" Sigaw ng dalaga habang nakatitig ito ng masama sa hidden camera na nasa chandellier. Pagkatapos tumalikod at padabog na sinarado ang pintuan.

Dali dali syang nag teleport patungo sa lugar kung saan ang hideout niya. Ngunit, isang di inaasahang pangyayari ang sumalubong sa kanya.

Hindi pa man sya nakarating sa exact location ng hideout ay napansin nya kaagad ang kakaibang usok sa boung kagubatan. Hindi ito ordinaryong usok lamang dahil kulay pula ito. Ibig sabihin nakalalason na usok.

Muling sumibol ang kaba sa dibdib nya at iniiwasan ang usok na madadaanan nya. Malakas ang pang amoy nya kaya madali lang matunton ang dinadaanan ng lima. Ngunit biglang napahinto sa kalagitnaan ng paghahanap nang mapansing nagkahiwahiwalay ang mga 'to.

"Shit!"

*Sa Mansyon*

"Ano na ang susunod na hakbang tita?" Tanong ni Kaname sa tita nya. Pareho silang nakatingin sa malaking screen ng computer. Sa malaking sala nila kung saan kakaalis lang ni Shineya.

"I don't know." Wala sa sariling sabi nito. Napatingin si Zero sa dalawa at doon muli sa screen.

"Di kaya magagalit si JZ dahil sa ginawa natin sa kanya tita?" Nag-alalang tanong nito. Napatingin din ang dalawa sa kanya. Nagbuntong hininga ulit si Mayumi dahil sa tanong ng binata.

"She will understand. Para saan pa't sa ikabubuti din naman ito."

"Kumusta na kaya ang Uncrowned Royals?"

"We're in trouble!"

Napatingin silang lahat sa screen. Biglang lumitaw si Raine sa sala at yun kaagad ang sigaw nya. Dali dali naman silang lumabas ng control room upang puntahan ang dalaga.

***

"Anong nangyayari? Nasaan si Lolo? Di ba sabi ko bantayan mo sya? Bakit mo iniwan?" Pahisteryang tanong ni Kaname sa kapatid. Napatingin din si Mayumi sa binata.

"K-kuya, patawad p-pero-"

"Wait, sinong lolo ang tinutukoy nyo?" Putol sa kanya ni Mayumi. Bahagyang napalunok si Kaname dahil sa tanong ng tiyahin.

"Kaname, sinong lolo ang tinutukoy ng kapatid mo?"

"Raine?"

Papalit palit ng tingin ang magkapatid dahil sa tanong ng tiyahin.

"Don't tell me-

"Hindi mo sinabi kuya?" Dahil sa tanong ng dalaga, napasinghap si Mayumi na parang nakuha na nya ang sagot sa sariling tanong. Napahilamos ng mukha ang binata sabay nilingon si Mayumi.

"Tita, yes. Sya nga."

"You owe me an explanation kid." Pinanliitan sya ng tingin ng tiyahin. Magpapaliwanag na sana si Kaname pero napatigil din nang magsalita ang kapatid.

"Nasa palasyo po sya ngayon kuya." Galit itong bumaling sa kapatid. Nangunot naman ang noo ng tiyahin. Si Zero na walang naintindihan sa mga pangyayari ay nanatiling nakaupo sa sofa at pinagmasdan ang tatlong nagsusukatan ng tingin. Kahit kapatid nya ang dalawang ito ay wala naman syang alam tungkol sa bagay na ito. Bata pa lang kasi dito na sya nakatira kasama si Shineya.

"Ano?!"

"What?!"

"Anong ginagawa ni lolo doon?!"

"What is my father doing there?!"

Naguguluhan kung sino ang uunahin sa pagsagot sa parehong tanong ang dalaga. Hindi nya alam kung saan sya titingin.

"Hey, umupo muna kayo at pag-usapan nyo yan ng masinsinan." Sinunod naman ng tatlo ang sinabi ni Zero. Nang makaupo na ng maayos saka naman sumagot si Raine.

"Alam po kasi nyang may masamang mangyayari sa hinaharap kaya sya bumalik sa palasyo. At sa katunayan nga, tinanggal na nya ako bilang protector nya. Sa tingin ko, ginawa nya iyon para di na ako madamay pa."

"Pero, hindi ako pumayag, kaya sinundan ko sya sa Italy hanggang makarating sya sa palasyo, kaso." Hindi nya alam kung itutuloy pa ba nya ang pagbabalita o hindi nalang.

"Ituloy mo na."

"Kaso, nasakop na pala ng kalaban ang kabuuang lugar doon kasama na ang palasyo. Ginawa na nga ata nila itong sariling kaharian."

"What the~"

"So, the plan is really working. Gumagawa na pala talaga sila ng paraan upang sakupin ang boung mundo." Napatingin ang lahat kay Mayumi dahil sa sinabi nito.

"Anong plano ba yan tita?" Di napigilan ni Zero na sumali sa usapan at magtanong.

"May dahilan si papa kung bakit sya bumalik sa palasyo. Nasisiguro kong alam na nya ang nangyayari sa italia. At tama lang din talaga ang instict ko na gawin iyon kay Shineya. Kahit alam kong magagalit sya, maiintindihan rin naman nya iyon."

"May dahilan kung bakit ko ginawa iyon sa kanya."

"Pero tita, may masamang nangyayari sa gang na hawak nya ngayon, makuha pa kaya nyang intindihin ang paliwanag natin?" Saglit na natahimik ang boung paligid na parang nagpakikiramdaman.

"Yes, and this thing that happened to her at this moment, will trigger something inside her, inside her sleeping soul." Seryoso at makahulugan nitong pahayag.

"Call your tito. We will have a serious meeting right after this."

"And tell him, I need him here, in flesh!"

"Why don't you call her tita, instead?"

Ngumiti ng malapad si Mayumi dahil sa tanong ni Zero. Sya kasi ang inatasang tawagan ang tito nya. Ang asawa ni Mayumi.

"No. May mahalagang panauhin ang babalik sa atin any minute from now."

***

*Mindanao*

"Shineya!" Sigaw ni Shiki nang makita niya si Shineya na tumatakbo papunta sa kinaroroonan nya.

"Where are the others?"

"We split up. Hinahabol kami ng mga kalaban." Sabi nito habang pinupunit ang laylayan ng damit upang ipantakip sa braso nitong nasugatan.

"Napasabak kami sa labanan, at di rin namin nakita si Shine." Napatingin si Shineya sa paligid dahil nakaramdam sya ng kakaiba.

"May mga kalaban. Umalis na tayo sa lugar na 'to." Sumunod naman si Shiki sa kanya. Nanatili pa ring alerto ang dalawa dahil madilim na buong paligid. Dahil na rin sa gabi na at nagtataasan pa ang mga puno sa gubat.

"Saan mo ba sila huling nakita?"

"Shiki!" Napalingon sila sa pinanggalingan ng boses. Si Shinji na humahangos ang papalapit sa kanila.

"Nakita ko na sila! Tara na!" Hinihila na sila ni Shinji ngunit kaagad din itong pinigilan ni Shineya.

"Wag kang sumama sa kanya. Bitawan mo sya!"BNagtakang lumingon si Shiki sa kanya. Pati na rin si Shinji.

"Show yourself!" Ma-awtoridad na utos ni Shineya kay Shinji kaya napatingin din si Shiki sa binata. Maya maya pa, lumitaw na din ang totoong anyo nito. Ninja.

Inatake ito ni Shineya at wala pang isang minuto ay kaagad din itong naging abo.

"Mag ingat ka. Maraming kalaban dito sa paligid. Kinokopya nila ang totoong anyo nyo. Halika na at hanapin na natin ang mga kasamahan mo."

Napangiti si Shiki. Di dahil sa sinabi nito kundi dahil sa talas ng pakiramdam nito. Ngayon, di na talaga sya nag-aalangang paniwalaan ang nalaman nya tungkol sa pagkatao nito.

"Your really are the-

"Shineya! Shiki!" This time si Hiro at Shinji naman ang nakita nila at akay akay ni Hiro ang sugatang Shinji. Hindi na ito mga kalaban.

"Nasaan ang kambal?" Nagkatinginan ang dalawang kakarating lang. Halata sa mukha nila ang pagtataka. Hindi din nila alam kung nasaan ang dalawa.

"T-tulong!"

Mahinang sigaw di kalayuan sa kinaroroonan nila. Nagkatinginan pa ang isa't isa sa kanila bago nagmamadaling hinanap ang pinagmulan ng boses. Panay ang sigaw nila at tawag sa pangalan ng kambal para malaman nila kung saan ang saktong lugar nito.

"Shin!"

"Shit my loves! Shine! Shit!"

"Hoy Shinji, hinay hinay lang may ba-

"Aaahhh!!! Tu-tulong!!"

Dahil sa padalos dalos na kilos ni Shinji hindi nito napansin ang bangin kung saan malapit ng mahulog ang kambal at sya ang unang nahulog dito.

"Ang laki mong tanga! Alam mo yun?!" Natulala ang lahat dahil sa nasaksihan.

"Jesus! You're flying!" Doon lang natauhan si Shineya at napatingin sa baba. Nakatingala ang apat sa kanya. Hawak hawak ni Shineya ang braso ni Shinji.

"H-how did that--

Naguluhang tanong ni Shineya sa kanyang sarili. Mismong sya ay hindi alam ang dahilan kung ano ang nangyayari sa kanya at paano nya nagawang lumipad. Dahan dahan naman silang bumaba at nakatulala pa rin si Shineya.

"No wonder, ikaw nga talaga ang matagal nang hinahanap na Prinsesa."

Napakurap si Shineya dahil sa sinabi ni Shiki. Nakangiti na ito ngayon sa kanya. Napatingin din sina Hiro at Shinji sa binata.

"What?" ani Shineya

"Prinsesa?"

Sabay na tanong ng dalawang binata maliban kay Shin.

"Yes, ikaw ang matagal na nilang hinahanap, ikaw ang Prinsesa."

"She's here." Napatingin silang lahat kay Shine. Tulala lang itong nakatingin kay Shineya.

"Nandito sya, nahanap na natin ang Prinsesa!" Napalingon ang lahat dahil sa mga kalabang pumapalibot na sa kanila. Marami ang mga ito.

"Shine! Why did you do that?!" Niyugyog ni Shin ang balikat ng kambal. Napakurapkurap ang dalaga at naguguluhang tumingin kay Shin.

"What did I do? What happen?"

"Oh my God!"

Napasapo na lamang sa noo si Shineya. Halo halong emosyon ang nararamdaman nya. Nanlumong napadausdos ang dalawang kamay ng binata sa balikat ng dalaga.

"This can't be happening right?"

"She was now controlled."

"Kill them!"

Ma-awtoridad na utos ng namununo sa kanila. Nakilala pa nila ang ilang kasamahan nito. Ang mga kaklase nila at mukhang nakikita lamang nila sa academy.

Sabay sabay na sumugod ang ilan upang patayin sina Shineya.

"Kill them all except the Princess!"

Bago pa tuluyang mapatay sila ng kalaban ay dali dali silang tumalon sa bangin sa utos na din ni Shineya. Nag alangan pa ang iba dahil malalim ang bangin na tatalunan nila pero wala ding nagawa dahil utos na rin ni Shineya na syang Prinsesa nila.

"Bring us back to the mansion!"

Pagkasigaw ni Shineya ay kaagad nagliwanag ang loob ng bangin at hinigop sila ng malakas na hangin at hindi na rin nagawa pang sundan ng kalaban dahil natakot itong tumalon.

***

"Tiittaaa!!!"

"Kanameee!!!"

"Bring them to the lab!"

Rinig na rinig na ng lahat ang sigaw ni Shineya mula sa labas ng pintuan.

"Tita, she's really mad. Na-natatakot ako sa kaya nyang gawin."

"I think she already know."

"Mga traydor!" Namumulang sigaw ni Shineya pagkatapos sipain ng malakas ang pintuan dahilan para matumba ito.

"She's stronger than I thought."

"And who the hell are these people?!"

"At batid kong masama ang ugali nito pag sobrang nagagalit."

Nakangiti lang si Mayumi at hindi pinansin ang bulungan ng mga kasama nya. Nanatili lang itong nakatingin kay Shineya na nanggagalaiti sa galit. Maya maya pa, tumayo ito at yumuko. Sumunod na din ang ibang mga kasamahan. Ang asawa ni Mayumi at ang nag-iisang kapatid nito, ang mga tauhan, si Raine, at kasama na doon si Zero at Kaname.

"Welcome back Princess."

Edited

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top