(Edited) Fourteen
Shine's Point of View
Nakatitig lang ako sa harapan. Samantalang parang nagningning naman any mga mata nitong mga kasama ko. Maging si Hiro ay hindi napigilang magtanong.
"Si kuya kasi ang nag design ng bahay na 'to. Kaya kung ano-anong kalukuhan ang pinanggagawa." Nakangiting pahayag ni Shai.
Nagulat nga ako nang sabihin nyang pader lang 'tong kaharap namin. Palihim ko itong kinapa nang biglang tampalin ni Shin ang kamay ko. Tuloy dumampi ang palad ko sa semento at bumukas.
Napanganga kaming lima sa gulat. Kamangha-mangha. Napahagikhik si Shai at inaya na kaming pumasok.
Akalain mo nga naman. Puro paintings ng mga kakaibang weapons kasi ang nandito na nagmumukhang totoo kapag di mo hawakan. 'Pag tiningnan mo kasi ito, para ka lang nasa isang kwarto na puno ng iba't ibang weapons. Grabeng henyo ng kuya niya. Gusto ko tuloy syang mameet. Parang ang cool nya kasi sa mga kwento ni Shai.
Binuksan niya ang malaking pintuan na nasa likod ng pader kanina at pumasok kami sa loob. Kung anong simply ng labas, grabe naman sa engrande ang nasa loob. May malawak na sala at may grand staircase pa.
"Upo muna kayo dyan, kukuha lang ako ng makakain nyo." Sabi nya na sinunod naman namin. Aalis na sana sya nang napalingon sya sa gawi namin na may nanlalaking mata.
"WAG DYAN!" Sigaw nya pero hindi ko sya pinansin. Napapikit ako sa sakit ng pwetan ko. "Aray! Ang sakit ng pwet ko." Daing ko pa.
"Ano ba naman 'to Shai!? Bahay nyo nga ba talaga 'to?!" Rinig kong reklamo ni Shinji. Tulad ko nakabusangot din ito. Maging sina Hiro at Shiki ay hindi nakaligtas sa patibong na yun. Pero si Shin, "Bakit parang hologram lamang lahat ang mga upuan dito?" Mahinang bulong nya. So, alam nya?
Tatanungin ko sana sya nang magreklamo ulit ang baklang katabi ko. "Masakit sa pwet Shai ha?!" Alanganin namang nagpeace sigh si Shai at tumawa. Lumapit sya sa gilid ng pintuan at may pinindot.
Hindi na naman nagawang tumayo muli kanina dahil sa sakit ng pagkakabagsak ng pwet namin sa de floor mat nilang tiles. Dahan dahan kaming inangat ng tunay na couch.
"Sorry talaga guys. Nakalimutan ko kasing di pala 'to ino-on pag wala kami dito." Muling paumanhin nya. Sa pagkakataong ito, masama na ang tingin ko sa kambal ko na ngayon ay pasimple lang na sumisipol pero kakitaan ng galak ang mga mata. Nag-angat sya ng tingin sa akin at ngumisi lang ang loko.
"Walangya ka talaga Shin." Naiinis kong turan. Nagpipigil namang tumawa ang damoho. "Bakit? Kasalanan ko bang tatatanga-tanga kayo?" Mapanuyang tanong niya.
"Walangya ka talaga kahit kailan Shin!" Sigaw ko dahilan para makuha ko ang atensyon ng tatlo. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko si Shai na napailing lang at umalis. Siguro kasi alam na rin nya. Sa aming lima kasi, sya lang ang walang reaksyon.
"Tangena ka pare! Ba't di mo man lang sinabi?! Ang sakit ng pwet namin oh!" Sigaw din ni Shinji. Napansin kong si Shiki ay medyo napangiwi pa sa tuwing gagalaw sya. Samantalang wala namang pakialam si Hiro na natutulog ng nakanganga.
Bumanghalit ng tawa ang kambal ko kaya sa inis ko ay binato ko sya ng unan. Tatawa tawa pa syang umilag. Sa inis ko tinuon ko nalang ang pansin sa katabi kong pinapakialaman na ang remote. Feel at home talaga ang loko.
Pagdating ng hapon ay oras na para pumunta kami sa nasabing lugar. Ngunit dahil bawal ang mga taxi o kahit anong pampublikong sasakyan sa pupuntahan namin, gagamitin namin yung sasakyan nila Shai.
Kasalukuyan kaming nakaharap sa isang bakanteng kwarto. Dito raw kasi namin makikita ang sasakyang gagamitin namin. Ngunit, nasaan?
"Wag mong sabihing itong bakanteng kwarto na 'to, nandidito ang mga sasakyan na tinutukoy mo?" May himig na sarkastiko ang boses ni Shiki pero tinanguan ito ni Shai. Ano na naman kaya ang pakulo nito.
Kulay puti lang kasi ang nakikita namin. "May limang pinto dito. At bawat pinto may sasakyan sa loob." Paliwanag nya.
Sa sobrang tuwa ni Shinji pagkarinig ng sasakyan, humakbang sya. Wala pa mang apat na hakbang ay ngumiwi na ito animo'y nauntog. Napahawak pa ito sa noong tinamaan. Kawawa ang gwapo nyang mukha. Yan kasi.
"Di ba, hanggang dito lang? Tatlong hakbang lang ang pagitan di ba? At mukhang hallway 'tong tinatayuan natin. At yang nasa harapan natin, yan yung pintuan na tinutukoy mo Shai." Si Shiki na nag-ala imbestigador. Ngumiti so si Shai at tumango. "Pero bakit wala akong makitang pinto? I mean, bakit walang door knob?" Tanong ko.
"Malamang, may switch din ito para makita natin ang door knob." Si Shinji ang sumagot. Hinimas himas pa rin ang noo.
"Mga bobo nga naman." Biglang komento ni Shin. Napa-irap nalang ako sa kawalan. Minsan na nga lang magsalita, puro pang-iinsulto pa.
"Paano magkakaroon ng door knob kung may switch ito na pipindotin para bumukas?" Lahat kami napatingin sa pahayag ni Shiki. Tama nga naman. Baka katulad lang din ito sa itaas.
"Ang tanong, nasaan naman ang switch na yun?" Si Shai na naguguluhan. "Sabi kasi ni Kuya, dito raw natin matatagpuan ang sasakyang gagamitin natin. Wala naman syang sinabing kailangan pa nating lumutas ng ginawa nyang misteryo." Nakasimangot nyang tugon na nililibot na ngayon ng tingin ang kabuuan ng silid.
Edited
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top