(Edited) Four

Shai's Point Of View

Pagkatapos kong tanggapin ang mga pabulaklak at regalo ng mga estudyante ay nakarating na din kami ni Shine sa HQ daw nila. Dating gangster daw kasi sila, ayun na rin sa kanya. Hindi naman sila halatang gangster. Ang guguwapo at ganda naman kasi. Unlike doon sa gangster daw sa kanto namin noon.

"Mas bumait ata ang mga studyante ngayon." Sabi ni Shine sabay tungga ng isang juice in can niya. Tapos umupo sa couch.

Umupo na rin ako at nilapag yung mga dala ko sa gilid. Kinuha ko yung bigay ni blonde girl dahil mukhang pagkain yun. Napansin ko kasi kaninang mainit yun.

Pagbukas ko, agad naman nagningning ang singkit kong mga mata. Nagform po sila ng heart na tumibok tibok pa.

Waaaaa! Lasagna! One of my favorite! Sigaw ng isip ko. Kahiya kaya pag sinasatinig ko yun.

"Oh." Tiningnan ko yung panyong nasa may mukha ko. Umangat ako ng tingin. Si Shin na walang eksprisyon sa mukha.

"Tulo laway mo." Sabi nya sabay bitaw nung panyo at agad ko rin itong sinalo. Baka kasi nga may laway di ba? Kahiya kaya yun.

Kinapa ko muna yung baba ko pero wala naman ah? Ah siguro inasar lang ako ni Shin.

Tiningnan ko sya na ngayo'y papasok na sa isang silid.

"Naks si kambal ah! Tooottppuuull!!" Pang aasar ni Shine at narinig nalang namin ang pagsara ng pinto.

"Hoy ! Kayong dalawa! Tulungan nyo nga kami dito!" Napunta ang atensyon namin sa may pinto.

"Oh , para sa babae mo yan lahat Shinji? Grabe ka naman." Natawa akoa, baka nga galing pa sa mga babae nya yan ee. You know womanizer.

Tinulungan na din namin, kawawa kasi mga itsura e.

"Di. Para kay Shai lahat to. Galing sa fans nya." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Hiro. Tiningnan ko sya na ngayo'y humihikab na.

"Dami palang fans mo Shai." Sabi ni Shiki sabay ngiti. Nilapag na din namin ang mga teddy bears at mga maliliit na paper bags.

"Oh, ano yang mga yan?" Si Shin na ngayo'y nasa harapan na namin at nakapamulsa.

"Mga gifts daw ng mga fans ni Shai. Pinapaabot nalang nila sa amin kasi mukhang nagmamadali daw si Shai kanina e."

Paliwanag ni Shinji.

"Ahh may mga donasyon na pala sila sayo." Sabi ni Shin with his famous cold tune. Hindi ko nalang pinansin. Naaliw ako kay Hiro e. Kung ano-anong binubutingting. Naghahanap siguro ng pagkain.

Ganito daw kasi minsan e. Lalo na sa kanila. Marami daw talagang namimigay ng mga regalo. Minsan nga daw pagkain.

Matapos ng ilang minutong asaran ay nagkayayaan na din kaming kumain. Sa pangunguna syempre ni Hiro. Antukin ito pero mahilig kumain.

"Woot! Tara na't lantakan na yung grasya!"

"Oh isa ka pa Shinji ha!" At binutakan naman sya ni Shine. Natatawang napailing ako sa kakulitan ng dalawa.

Tumayo na ako pero bago yun, "Nice. Artista ka na pala ngayon. Bilis ng improvement ah." Sabi ni Shin na naka upo sa tabi ko mga 5 meters away lang habang nakatutok sa laptop nya.

Di ko nalang pinansan at nagpatuloy sa pag tayo.

Maya maya pa nagring na ang first bell. Ibig sabihin after five minutes kailangang nasa loob na kami ng klasrom. So ayun kumaripas kami ng takbo buti na nga lang at medyo nakapahinga kami after nung kainan session.

Ibang daan ang tinahak namin. At napansin ko ring may hagdan na paikot ito papuntang fourth floor.

"Shortcut ito. Kami lang ang tanging nakakadaan dito." Paliwanag ni Shine.

After 3 minutes, daan sa cr ng mga babae, liko left at nasa tapat na kami ng klasroom namin.

"Waaa daya nyo insan! Kasama nyo pala si Shai. Di nyo sinabi." Pagmamatol ni Che.

"Kung saan saan kami naghanap." Dugtong ni Ches.

"Di naman kayo nagtanong." Sabi ni Shiki. Okay sila ata ang magpinsan.

"Ah oo nga noh? Tanga mo talaga Che."

"Engot mo talaga kahit kailan Ches."

Sabay pa nilang sabi. Nagkatinginan naman sila sabay, "Chiklit! Hahaha!" Sabi ni Che sabay kinulbit nito si Ches sa balikat.

Okay , di ko gets. Natawa ako, I find it cute. Ganito ba talaga ang mga kambal? Pero bakit nitong mga kasama ko, hindi? May exemption ba?

"Mga baliw. Magsi-upu na nga kayo!" Opsy! Andyan na si maam.

Nag discuss lang si maam ng may naramdaman akong kakaibang feeling. Di rin ako makapag focus dala na rin sa naramdaman kong 'to.

Sumandal ako sa upuan ko. At yun! In my peripheral vision ko , I saw two pairs of eyes secretly staring at me. Pasimple pa akong lumingon kunwari sa left side ko sa may bandang likuran nito kung saan may bintana at nakaupo sya dun. Nakita kong agad syang pumikit.

What are you up to Shin?

Edited

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top