(Edited) Forty Two
+++ Spain, Dange Company +++
"Boss, the target has found at Cagayan de Oro." Sabi nito sa boss nila pagkapasok ng opisina. Malapad na ngumiti ang kausap at nag-angat ng tingin.
"Finally." Nag unat ng braso ang kausap and lit his cigar. "Send our men. I want her ALIVE." May nakakapanglokong ngiti ang nakapaskil sa kanyang labi.
"Right away boss." Dali dali na itong tumalikod.
"What now sister? I'm still the winner of your own game." Maangas nitong sabi habang nakatingin sa isang frame na nakapatong sa table nya.
+++ Shineya's Mansion +++
"May hindi sila sinasabi."
Seryosong tugon ni Shin habang nakaharap sa malawak na tanawin sa tapat. Nasa likod sila ng gubat kung nasaan nasa dulo naman si Shineya na naka Azumi get up at seryosong nagmemeditate. Nakaharap ito sa buong syudad.
"What do you mean Shin?"
Takhang tanong ng kambal nang marinig nito ang sinabi ng binata. Nasa labas sila ng mansion para magpahangin. Busy naman sina Shiki at Shinji sa panggagaya kay Shineya samantalang natutulog naman si Hiro sa ilalim ng malaking puno.
Tatlong araw na silang hindi lumalabas dahil silang lima na din ang hinahanap ng kalaban.
"Ang Pr-"
Hindi na natuloy ang sasabihin ni Shin nang may magsalita sa likuran nila. "Bored?" Sabay silang lumingon dito at nakita nilang si Mayumi ito at may mga ngiti sa labi. Nasa likod naman ang dalawang kamay.
Yumuko ang kambal bilang pag galang nito. Sabay namang nagdilat ng mata ang dalawang naka-squat.
"Muntik na akong makatulog." Natatawang sabi ni Shiki habang nag-uunat ng braso na parang kakagising lang.
"Tae! Paano nya nagawang magtagal sa ganoong posisyon? Hindi ba sya nakaramdam ng pagkangalay?" Patungkol ni Shinji kay Shineya na hindi pa rin gumagalaw ngayon. Tanging ang mahabang buhok lamang ang gumagalaw dahil nililipad ito ng hangin.
Sabay sabay nilang sinundan ng tingin ang pwesto ni Shineya at nagulat pa ito sa nakita. Nagising din si Hiro dahil sa ingay ng paligid.
"What the?" Nakangangang tanong ni Shinji na tila ba hindi makapaniwala sa nakita. "Paano sya lumutang?" Maging si Shine ay napatanong na sinundan nya ng pang aasar. "Ang weirdo nya talaga kahit kailan."
Lumutang kasi si Shineya sa ere, mga tatlong inches ang taas nito. Nasundan nila kung paano ito umangat nang hindi man lang gumalaw ng konti. Kahit may kalayuan ito sa kanila, klaro pa rin sa mga mata nila ang buong pangyayari. Lihim na napangiti si Mayumi dahil sa nakita. Tila isang accomplishment ito para sa dalaga.
"Don't mind her. May ipapagawa ako sa inyo." Sabay silang lumingon kay Mayumi na nakangiti. Ngayon lang napansin ng tatlo pa ang presensya ni Mayumi kaya dali dali itong tumayo at yumuko tanda ng pag galang.
"Ano po yun tita?" Tanong ni Shine na may halong excitement sa mukha. Ito kasi ang unang pagkakataon mula noong dumating sila dito na may ipapagawa sa kanila si Mayumi. Lagi kasing si Shineya ang kasama nila.
"Please follow me." Sabi nito at tumalikod. Agad namang sumunod ang lima. Bago lumakad, nilingon muna ni Shin si Shineya na ngayo'y nakalutang pa rin.
+++ Cagayan de Oro +++
Gabi ng dumating ang lima sa sinasabing lugar ni Mayumi. Bukod sa bumyahe pa ito ay hinanap din nila ang naturang lugar. Isa itong tagong lugar sa probinsya ng Cagayan De Oro.
Nagpalinga linga muna sila sa paligid para hanapin ang nasabing public market ng bayan.
Dito kasi nila matatagpuan ang pinapahanap ni Mayumi. Na kailangan daw nilang sundan. "Teka. Di ba si Shai yan?" Biglang sabi ni Shine nang mamataan si Shai na papasakay na ng tricycle galing sa market.
"Hindi talaga ako makapaniwala na isa lang pala syang human robot. Ang perfect kasi ng pagkagawa. Para talagang totoong tao."
"Saan sya pupunta? At anong ginagawa nya dito?"
"Baka sya yung tinutukoy ni Tita. Dito raw natin makikita di ba?"
"Let's go."
Nag una ng lumakad si Shin para makahanap ng pwedeng masasakyan. Suot suot nila ang maskara nila habang nakasakay sa tricycle. Wala namang pakialam ang driver kaya di na rin sila mag abala pang tanggalin ang maskara. Kabilin bilinan din kasi ni Mayumi na huwag tanggalin ang masakara ano mang mangyari.
At dito lang nila nalaman kung bakit. Dahil may tatlong lalaking nakakapanghinala na nakasunod din kay Shai. At kitang kita nila ang tattoo nitong nasa braso dahil naka sando lang ang isa. Black crescent moon. Ang grupo na papatay kay Hiro at sa kanilang magkakapatid at ang grupo ding pumatay sa mga magulang nila. Ang totoong magulang at tumatayong magulang.
"Dangerous Mafia."
Pagkukumpirma ni Shin na agad ding narinig ng tatlo. Dahil nasa gilid lamang sila nito. Nakatago kasi ang lima sa maliit na iskinita at saktong dumaan ang tatlong mafia na sumusunod din kay Shai.
"Sino ka?" Tanong ng naka sando at pants na lalaki. Mukha lang silang mga tambay dahil sa mga suot nila. Lumabas si Shin at agad sinuntok ang nagtanong dahil sa galit nitong nararamdaman.
"Anong kailangan nyo sa kanya?!" Patungkol nito kay Shai habang mahigpit na hinahawakan ang kwelyo ng isa pa. Tumayo ang lalaking una nyang sinuntok at pinunasan ang dumudugong labi nito.
"Ewan nyo na yan! Malayo na ang babae!"
Sigaw nung isa pa na papatakbo na sana pero agad ding humarang si Shine sa daanan ng lalaki. Wala sanang balak patulan ng mga mafia sina Shin dahil hindi naman nila ito kilala at parang mga bata lang itong naghahanap ng away sa kalye pero dahil sa sinabi ni Shine napipilitan sila.
"We wont let you have her."
Sunod sunod na nagsusulputan ang iba pang mga mafia sa kung saan saan. Marami sila at malalaki ang katawan. May mga baril na hawak at ngayon ay nakatutok na sa kanila. Lumabas din ang tatlong mafia na nakahawak kay Shinji, Shiki at Hiro na parehong may mga pasa sa mukha na parang nanlaban 'to kanina. Nakatutok ang baril nito sa ulo na ikinagulat ng kambal. Hindi nila inaasahang marami pala ang mga kalaban nila at paniguradong matatalo sila ng mga 'to. Malalaki sila at halatang malalakas din.
Nagpupumiglas ang tatlo pero masyadong mahigpit ang pagkahawak sa kanila. Nanlaban din ito pero agad lang ding napigilan nang may hawak sa kanila. Bukod sa bilis nitong kumilos, malakas din ang impak sa kanila tuwing dumapo sa balat nila ang kamao nito.
Umungol ang tatlo sa sakit at lumabas na din ang dugo nito sa bibig.
"Sino ba kayong mga paki alamero?"
Maangas nitong tanong sa tatlo. Nagmumura naman sa galit si Shin dahil mahigpit din siyang hinahawakan ng malaking lalaki. Samantalang nagpupumiglas naman si Shine para subukang makawala. Pero ang mga lalaking kasama nya nga di nagawang makawala sa pagkakahawak sa kanila sya pa kaya?
Sunod namang sinuntok sa sikmura si Shin na nagpahiyaw kay Shine. Mabilis na lumabas ang dugo nito sa bibig. Sabay nilang tinanggal ang maskara ng lima at bahagya pang na surprisa nang makita nila kung sino sino ito.
"Oh, what a surprise. Mga anak ng Alliance Royalties. Kung sinuswerte ka nga naman oh." Nakangising sabi ng kaharap nila at tila ba nasisiyahan itong makita sila.
"Kami na ang bahala sa mga batang 'to. Sundan nyo na ang babae."
Utos ng isang lalaki sa mga kasamahan nila. Dali dali naman itong tumakbo pero hindi pa lang nakakalayo ay agad ding nakakarinig ang lahat ng mga tunog ng nababaling buto at humihiyaw. Mga maliliit na ungol tanda na nawalan na ito ng buhay.
Sabay sabay silang nagsilingunan sa madilim na bahagi ng lugar at unti unting lumitaw ang isang taong naka wonder woman costume. Naka pose pa ito ng pose ni wonder woman nang huminto ito di kalayuan sa kanila.
Isa isang tiningnan ang Uncrowned Royals na parehong nakayuko na at maraming mga pasa maliban kay Shin na isang pasa lang sa gilid ng labi ang natamo. Ngumiti sya ng makita ang mga nakakaawang itsura nito.
"Pumapangit kayo lalo sa itsura nyo, alam nyo yun?" Natatawang sabi nya at saka isa isang sinugod ang mga mafia ng walang kahirap hirap. Mabilis ang galaw nito at napapantayan din ang lakas ng mga mafia o mahihigitan pa.
Masyadong mabilis ang pangyayari ngunit nakuha pa nila itong makita kahit parang hangin lang na dumaan si Shineya.
Kung paano ito lumapit sa mga mafia na nasa paligid lang at agad pinihit ang leeg kasabay ang pag kuha ng baril nito at pinagpuputukan ang mga baril ng mga kalaban. Agad itong nagtalsikan sa kung saan madilim. Ang iba ay nakuha pang mag counter attack. Ngunit mabilis lang din silang nasikmuraan ni Shineya. Hindi nila alam kung saang parte iyon nakakita ng tyempo gayung mabilis namang pinagsasangga ang mga kamao nito habang palihim din syang inaatake ng iba pa.
Punterya ng dalaga ang mga vital points nito para mas mabilis itong tumbahin at mamatay.
Nahawakan sya sa magkabilang balikat nito para sana tuhudin sya mula sa likod pero agad lang din nyang hinila ang kamay na nakahawak doon. Mabilis na ipinatanong ang dalawang paa sa balikat ng kalaban sa harapan. Inikot ang ulo nito kasabay ang pag-ikot din ng buong katawan nya bago pa man sya ma counter attack.
Mula sa pagpihit ng leeg na sya namang ikinamatay nito ay kaagad nyang tinulak ng paa nya para tumama sa isa pang papasugod na kalaban. Dali daling itinaas ang kanang paa na parang isang ballerina para sipaan ang ulo ng kalabang hawak nya habang nasa lupa naman ang kaliwang paa. May crack pang narinig sa batok nito tanda ng pagkabali ng buto at ang dugong lumabas mula sa leeg.
Tila parang nanunuod lang ang apat ng isang live na labanan at bahagya pa itong nagulat at nalito dahil sa sobrang bilis ng kanilang mga galaw. Maliliksi.
Kinabahan lalo ang lima dahil ang labing anim na natitirang kalaban ay sabay sabay na sumugod sa dalaga at pinapalibutan pa sya ng mga 'to. Malalaki at matatangkad ang mga 'yun at hanggang balikat lang si Shineya.
Halos lumuwa ang mata nila kung gaano kahusay ginamit ni Shineya ang iba't ibang klase ng martial arts sa pakikipaglaban nito mula pa kanina. Kung paano ito gumalaw na parang ini-i-sway lang ang mga paa na parang sumasayaw habang pinagsasalag ang mga kamao nila. Hindi din ito umiiwas sa mga suntok o sipa na papatama sa kanya. Bagkus sinasalubong din nya ito ng mga counter attack nya. Tatlong salita lang ang namutawi sa labi nila at yun lang ay ang ....
"Shit! Ang galing!" wala pang isang minuto at natumba na ang lahat. Katulad ng iba pa ay wala na rin itong malay. Nagpagpag si Shineya sabay tiningnan ang sampung taong natitirang nakatayo.
"Kayo na ang bahala dyan. Napapagod na ako." Mabilis din itong tumalikod at bumalik sa pinanggalingan nya.
Nagkatininginan ang lima at sabay sabay nilang inatake ang mga mafiang nakahawak sa kanila.
Aminin nila, nahihirapan din sila sa limang 'to pero kahit ganun, na-amaze at na-inspire sila sa galing ni Shineya kaya bakas sa mukha nito ang pagpupursige at page-exert din ng konting lakas pa. Mukhang naninibago pa ang katawan nila dahil sa biglaang pagpapalabas ng lakas nito kaya ang resulta mabilis na nanghihina ang mga 'to.
"Limang minuto ang tinagal nyo sa limang mafiang yun?"
Nakapamewang nitong tanong sa limang naka upo na ngayon sa simento dahil sa pagod. Hindi na nila magawang magsalita pa dahil natutuyuan na sila ng laway at kinailangan na nila ng tubig.
"Not that bad. Hindi ko inaasahan yun. Masyado silang malakas at mabilis para sa inyo. Pero nagawa nyong biguin ang ini-expect ko." Nakangiti pa nitong sabi sabay pinasadahan ng tingin ang limang kaharap. Lumapit ito sa kanila at muling nagsalita.
"I'm so proud of you Uncrowned Royals."
Lalong ngumiti ito ng makita ang reaksyon nila. Bahagya pa silang nagulat at hindi makapaniwalang sinasabi nya ang mga salitang yun sa kanilang lima.
"What do you expect? Na papagalitan ko kayo sa katangahan at kapalpakan nyo?"
Bahagya pa itong tumawa at pinulot isa isa ang limang maskara na nasa simento at saka nagsalita. Hindi talaga mawawala sa kanya ang pagkamaldita nito at masasakit na mga salita. Para bang iiyak ang isang oras nyang hindi sya bumabanat. "I don't wanna do that. I'm just a trainor. And also, I want you to learn a lesson."
Muli itong ngumiti at isa isang binigay ang limang maskara habang tinutulungang pinapatayo ang mga 'to. Tumingin tingin pa ito sa paligid at parang may pinagmamasdan.
"Isuot nyo yan. Nakilala na kayo ng mga 'to di ba?" Pinasadahan nya ng tingin ang mga mafiang nakahandusay na sa sahig. Pagkatapos ay muling tumingin sa buong paligid.
"Umuwi na tayo bago pa may makakita sa atin."
Dali dali na itong pumihit pabalik sa pinanggalingan na agad namang sinundan ng lima. Sa dulo ng daang tinatahak nila ay may helicopter na naghihintay sa kanila. Napag-alaman nilang si Shineya lang din ang nagmamaneho nito.
Ngunit sa pag alis nila ay sya namang pagdating ng limang malalaking tao na agad nagulat sa nadatnan. Agad iniiksamin ang pulso nito at napapailing na lamang sa nakumpirma.
"Boss, they're all dead. I don't know what exactly happened but I'm pretty sure that they got ambushed or attacked by not ordinary creatures because they're all got broken bones. .. . .. .. At hindi din basta basta ang nangyari. Dahil halos anim na minuto lamang ang tinagal sa pagpatay ng singkwentang tauhan. After we receive a call from one of our men asking for some help, we immediately rushed heading to their way, only to find out na bangkay nalang sila. . .. .. Yeah boss.. We're sorry ... This won't happen again . ... .. Okay boss..." After that call, he started motioning his hand for a signal.
"Clean this up. I'll investigate about what happened."
At dali dali itong umalis at dumaan sa kung saan man dumaan sina Shineya. Pasinghot singhot pa ito na parang aso sa piligid then suddenly stops.
"For boys and two girls huh?"
Mahinang bulong nito at nagpatuloy sa paglalakad. Nadatnan nito sa malayo ang kakaalis lang na chopper. Sinundan nya lang ito ng tingin. Kahit gabi na ay may liwanag pa ring nanggaling sa buwan na syang nagbigay liwanag sa gabi.
"They're heading to the north. Hmmmm. Malalaman ko rin kayo soon."
Edited
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top