(Edited) Forty Six
Lumipas ang isang linggo nang may natanggap si Shineya na isang walang lamang email galing sa Black Tarantula gang, ang pang anim na gang sa buong mundo.
Bahagyang ngumisi si Shineya na naka Rakeun Tsuiho outfit sa nakita nya. Hindi nya aakalaing kakagatin ito ng naturang gang. Sabagay, sino ba namang hihindi sa isang katulad nya.
"Shineya, di ba yan yung pinagawa mo sa amin? Yung pinadalhan namin ng isang box? Di ba, isang gang yan?"
Agarang tanong ni Shiki nang makita ang logo ng isang itim na tarantula sa screen ng tv nya. Nasa kwarto silang lahat ni Shineya ngayon dahil pinatawag nya ang mga 'to nang matanggap nya ang email. At ito agad ang bumungad sa kanila.
"Kilala nyo ba siya?" Tanong ng dalaga at muling nag flash ang screen ng isang lalaking may konting balbas , matangos na ilong at banyagang mga mata.
Umiling ang mga ito halatang hindi kilala ang tinutukoy. "Siya ang leader ng Black Tarantula gang." Nanlaki ang mga mata nila pareha ng marinig ang sinasabi ng dalaga.
"Imposible, nagbibiro ka ba? Walang sinuman ang nakakita't nakakilala sa pinuno nito maliban nalang sa dalawang kaibigan nito."
Kunot noong tugon ni Shin. Tahimik lang ang lahat sa loob ng kwarto. Nagkibit balikat na lamang si Shineya at naglakad patungo sa kusina ngunit agad ding napahinto dahil sa isang boses.
"What is it now Hacking Goddess? You really annoys me big time!" Sabi ng leader ng Black Tarantula gamit ang boring pero galit na boses.
"HACKING GODDESS?!" Sabay na sigaw ng lima at tumingin kay Shineya na nakaharap na ngayon sa kanila.
"Oh shit!" Dali daling tumungo ang leader ng Black Tarantula at parang nagtitipa sa keyboard nya. Mura pa ito ng mura nang hindi pa rin nangyari ang gustong mangyari. Ayaw kasi nyang makita sya ng kahit na sino. Ngunit ayaw din mag shut down o ma cancel ang ginawang panghahack nya sa system ng kwarto ni Shineya.
"You can't get out easily on my system best friend. I told you before." Humahalakhak pa ito nang pang demonyo na lalong nagpainis sa kausap. Nagkatinginan lamang ang mga tao sa loob ng kwarto dahil sa mga nalaman.
"Easy there bestfriend. Haha! No more hiding this time. I already introduced you to them before you hack my system." At sinundan pa nya ito ng isang smirk.
"You're so stupid. Pwede namang yung camera lang ang iiwas. Tanga mo pa rin. Tsk!" Ngumuso ang kausap na parang bata. Halos matawa ang lahat sa nakita. Sumandal ito sa upuan at nag cross arms.
"Ano na namang kailangan mo Hacking Goddess?" Foreigner ang dating pero fluent sa tagalog. Nag iba ang mukha ni Shineya dahil sa narinig.
"You knew, I hate that name. Anyway, I want you to come here in my place. Kayong tatlo, may ipapagawa ako sa inyo." Agad umismid ang kausap. Tumingin sya kay Shineya na parang nanghahamon.
"Why would we obey you?" Ngumisi si Shineya at tiningnan ito ng nakataas ang noo. "You know what will happen." Makahulugan itong tumingin sa kausap na ngayon ay parang biglang umasim ang mukha.
"And also, you're going to meet the Uncrowned Royals." Agad nag liwanag ang mukha ng kausap at saglit itong tumahimik. Makalipas ang ilang segundo ay bahagya itong lumapit sa camera at naglean sa mesang nasa harap. Umismid muna ito saka nagsalita.
"You're not kidding, right?"
Paninigurado nito sa dalaga na syang ikina-irap nya. Naglunukan ang limang kaibigan sa nakakatakot na tingin ng banyaga. Kahit di sila kilala nito at di sila ang tiningnan, ramdam nila ang galit sa mga mata nito. Galit at parang gustong pumatay anumang oras. Parang isang gagamba na nanabik makatikim ng kalaban.
"I'll take, that as a Yes. By the way, I already booked you a flight. So no worries." Nag lakad si Shineya sa malapit na mesa kung nasaan nakapatong ang nakabukas nyang laptop.
"WHAT?! YOU'RE REALLY PLANNING THIS RIGHT?! YOU MONSTER! ALAM MONG TATANGGI AKO DYAN SA UTOS MO PERO YOU-" Naputol ang sasabihin nito nang biglang may pumasok sa kwarto ng binata. Ang kaibigan nito.
"SHIT! CRAIGH! PROBLEM!"
"WHAT?!" pasinghal nitong tanong. Halatang nabwebwesit na sa nangyayari.
"We're hacked. And our men can't access the hacker. " Bahagyang natigilan si Craigh at tumingin sa camera. Salubong ang kilay nito na halatang badtrip na sa mga pangyayari.
"And it seems that, it was liked the hacker before. The Hacking Goddess." Dagdag pa ng kausap na kalmante na ngayong nakatayo habang nakapamulsa. Nanliit ang mata nitong nakatingin sa camera or should I say sa anim na taong nakikita nya ngayon.
"Who are they?" Nagbuntong hininga ang kausap at muling tumingin ng seryoso sa camera.
"Nothing. Tsk, fine if that's what you want then. Just... Just leave our system alone! For pete's sake Shineya!"
"Not until you got here. You only have 24 hrs to come here or else, hello to the world secrets!"
"WHAT THE FVCK! YO-"
"Oh come on! You're just wasting your time with that nonsense talk! Hurry up! Before I change my mind and let the world knows how-
"FINE! FINE! DAVID! GET READY OUR JET! WE'RE GOING TO THE PHILIPPINES!" ngumisi si Shineya sa narinig at tumayo. Lumapit ito sa camera na nasa gilid ng tv.
"I can't wait to see you in flesh bestfriend." Nag dirty finger lamang ang kausap kaya agad pinatay ni Shineya ang tv.
"Bastos talaga kahit kailan." Habang ang lima ay lihim na nagmamasid sa dalaga. Rinig na rinig ni Shineya ang mga iniisip nito.
"OMG! #1 hacker sa buong mundo yung gang na yun! At bestfriend sila ng leader ng gang na yun."
"Shit! Ang astig ng weirdong 'to ah!"
"You're interesting."
"Tae, akala ko mas may alam pa ako sa hacking kesa sa kanya. Hacking Goddess? Nice name."
"You're really is the one. They're right, and I nearly agree to them. Too bad, you don't know."
Kumunot ang noo ni Shineya sa huling narinig nya mula kay Shin pero binalewala nya lamang ito. "I don't want to hear anything from you." Agarang nyang sabi nang magsalita sana si Shine. Umalis na ito at pumasok sa kusina.
"Dami palang tinatago ng weirdong yun, noh?" Unang tanong ni Shinji nang tuluyan ng makaalis si Shineya.
"Ano pa kayang rebelasyon tungkol sa kanya? Kyaahh!! I kennat wait!! She's soooo coooll!! Idol ko na ang weirdong yun!" Mukhang magfafangirl na din si Shine at kinuha ang remote control ng tv.
"Limampung katao ang namatay dahil sa nakaing Durian na candy sa Davao sa loob lamang ng isang buwan. Ano ba ang hinalong sangkap sa candyng ito na nagpinsala ng mga buhay ng sambayanan?"
"Grabe na talaga ang panahon ngayon no?" Tanong ni Shinji sa apat na nakatutok sa screen ng tv.
"Ilipat mo nga sa basket Shine. Finals ng PBA ngayon."
"Tae, oo nga pala. Buti naalala mo 'tol."
"Eee sandali lang naman. Balita muna."
"Tuluyan na ngang nakapasok ang mga synthetic products dito sa bansa natin. Ayon na din sa report may nagreklamo na daw ukol sa bigas na gawa sa plastik."
"Ano na bang klase ang mga tao ngayon? Hindi napigilang magkomento ni Shiki sa nasaksihang balita.
"Maybe because, they were controlled." Bumaling silang lahat kay Hiro na ngayon ay nakahiga na sa mahabang couch at may unan sa mukha.
"Hiro's right. And they're syndicates." Pagsang ayon din ni Shin na nasa katapat lang na couch.
"Isang patayan na naman ang naganap sa lungsod ng Nueva Ecija at kamakailan lang din ay nangyari din ito sa lungsod ng Masbate. At parehong grupo lamang ang naging salarin. Mga taong may tatoong triangle at mata sa gitna. Hindi nakilala ang mga ito kahit pa may nakakitang cctv sa lugar kung saan pinangyarihan ang krimen. Dahil nakabalot ang mukha nila at tanging tatoo lamang ang makikita sa iba't ibang bahagi ng katawan. Sa ngayon pinaghahanap na ng pulisya ang mga taong ito. Kung may makikita kayong tao na may ganitong tatoo ay dapat mag ingat kayo at agad i.report sa pulisya."
"Isa pa 'to. Noong nakaraang linggo pa 'to ah!"
Shineya's Point of View
Anak ng bukya yan! Anong ginagawa ng mga Illuminate gang na yan?! Anong binabalak nila?! Mukhang may naamoy akong panganib ah.
Tsk! Hindi na maganda ang nangyayari sa paligid. Tama si Shin, sindikato. Sindikato ang may pakana ng mga kagaguhang 'to! Kilangan kong malaman kung sino itong hinayupak na namumuno nito.
Edited
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top