(Edited) Forty Seven
"What the fvck Shineya?!" Matigas na ingles ang binigkas ni Craigh mula sa kabilang linya. Kumurba naman ang maliit na ngiti sa labi ng dalaga na naka Amane Misa get up habang hawak hawak ang phone na nakatapat sa tenga nya.
"Chill bestfriend. Wait for me there. I'll just have to fix some important things. Bye." Hindi na nya pinatapos ang sagot ng kausap at pinutol na agad ang linya.
Kitang kita sa malaking flat screen sa private room ni Shineya ang malawak na kulay berdeng field at may tatlong taong nakatayo sa gitna nito. Nasa di kalayuan naman ang isang chopper na sirang sira na at umuusok pa.
"What did you do?"
Takang tanong ni Shine kay Shineya na kararating lang at nakasunod sa kanya ang apat. Nagtaka sa nakita sa malaking screen. Hindi sya pinansin ni Shineya at may pinindot na button at nag previous naman ang video sa screen. May pinindot ulit para mag play.
Kitang kita ang isang chopper na nasa himpapawid at sa ibaba nito ay ang malawak na field na napapaligiran ng nagtataasang punong kahoy. Biglang bumukas ng konti ang maliit na parte ng field at may isang maliit na rocket ang lumabas mula doon papunta sa chopper. Kitang kita kung paano nito tinamaan ang likod ng chopper at pagewang gewang na ito pababa.
"Oh my God! Baka -"
Hindi na natapos ang sasabihin sana ni Shine dahil may tatlong tao ang sabay sabay na tumalon pababa na wala man lang dalang kahit na ano. Mabuti nalang at medyo malapit na sila sa lupa kaya nang maglanding sila ay kaagad din itong gumulong sabay sabay palayo sa chopper na biglang sumabog.
"Muntik na yun." Muling komento ni Shine habang tahimik namang nanunuod ang iba pa. May pinindot ulit si Shineya at bumalik na ito sa kaninang video.
"Ang sama mo Shineya. Muntikan na yung tatlo." Iling iling pang sabi ni Shinji na medyo nakahinga ng maluwag dahil sa nangyari. Hindi lang sya pinansin ni Shineya at hinarap sila.
"May ipapagawa ako sa inyo."
***
"Arrgh! This is bullsh*t!" Galit na sigaw ni Craigh sabay hagis ng phone sa lupa.
"I know she's the one who did that."
Madiin nitong sabi sa dalawang kasama. Nagbuntong hininga lang ang dalawa. May idea na rin sila kung sino ang may gawa nun. Kasi dito sila dinala sa na track nilang lugar kung saan si Shineya.
"But the question is, where is she?"
Tanong nang isa nitong kasama. Nakapamulsa lang ito at kalmado lang. Hindi katulad ni Craigh na halos maubos na kakabunot ang bermuda sa lupa. Mainitin kasi talaga ang ulo nito. Si David naman ay nagpalakad lakad lang.
"Let's take a walk. We're going to find her."
Nag angat ng tingin si Craigh at tiningnan ang dalawang kaibigan na tumalikod sa kanya at pumunta sa northeast na bahagi ng field.
Nilibot nya muna ang paningin at wala syang ibang nakita kundi puro nagtataasang puno na lamang. Tsansa nya parang nasa pinakamataas sila na bundok sa lugar na 'to. Bumuntong hininga sya at saka tumayo. Sinipa pa nya ang mga damong nabunot nya at sumunod sa dalawa.
Nang makalayo na sila ay unting unting nawawala ang chopper nila at ang damong binunot ay nawawala din pagkatapos may lumitaw na panibagong damo.
Hindi na nila napansin kung saang lugar na sila pero nalagpasan na nila ang gubat. Tanaw na tanaw nila ngayon ang tanawin sa harap.
"Sh*t!" Mahinang bulong ni Craigh at sinipa na naman ang bato sa sobrang inis. Tumalsik ito sa kung saan saan.
"And now, we're lost." Sabi pa nito at muling sumipa this time yung malaking bato naman ang sinipa.
"Edward, give me your phone." Inis pa rin nitong sabi habang di tiningnan ang tinawag.
"I don't have her number dude." Agarang sagot naman sa nagngangalang Edward na naka upo sa ilalim ng malaking puno kaya nilingon sya ni Craigh na nakakunot ang noo.
"Here." Inabot ni David ang kanyang phone. Buti nalang may number pa sya kay Shineya at hindi nya ito dinelete.
"Answer your damn phone Shineya!" Inis pa ring sabi nito nang hindi sya sinasagot ng dalaga.
***
"What?!"
"Are you out of your mind?!"
"At bakit namin gagawin yun?"
"Hindi ka naman nagbibiro di ba?"
Halos magkasunod nilang tanong nang sabihin ni Shineya ang nais nyang ipagawa sa lima.
"Sinusuway nyo na ako?" namewang nyang sabi. "Baka nakakalimutan nyo, trainor nyo ako at hindi pa tapos ang training nyo. Now go!" Tinalikuran lang sila ni Shineya at walang nagawa ang lima kundi ang sumunod.
"By the way, gamitin nyo 'to." Sabay abot sa kanila ng limang itim na mask na yung bibig at ilong lang ang natatabunan. Sinuot naman nila ito parehas.
***
"Kaname, balita?"
"Kalahati sa mga tauhan natin ang namatay at naubos naman ang mga tauhan sa kabila."
Agaran naman nitong sagot kay Maumie na kumakain ngayon. Nilingon nya si Zero na seryosong nakatutok sa monitor kung nasaan makikita si Shai na naglalakad kasabay ang maraming tao.
"Ilang araw nalang sya sa Singapore?" Pagtatanong naman ni Maumie kay Zero. Nilingon muna sya saglit ng binata saka nagsalita.
"May isang linggo pa sya tita."
"Pauuwiin mo na sya bukas. May ipapagawa si Shineya sa kanya."
"Okay."
May tinitipa sya ng kung ano ano at kinuha ang maliit na mic na nasa gilid lamang.
"Umuwi ka ng Pilipinas bukas. Nasa kwarto mo na yung plane ticket."
Makikita naman sa isa pang monitor ang mukha ni Shai na parang nakikinig at biglang tumango.
"Wait tita, anong pinaplano ni insan?" Nagtataka namang tumingin si Kaname na nakatayo lang sa gilid habang may hawak na kape at inikot ikot ang tablespoon nito sa tasa. Lumingon din si Zero na may nagtatanong na mga mata.
"I don't know. Maybe she wants to know kung sino ang nasa likod ng mga krimen na nangyayari ngayon sa bansa." Biglang tumunog ang cellphone ni Maumie kaya dinampot nya ito at sinagot.
"Yes?"
"Bad news." Himig ng baritunong boses ng lalaki sa kabila ang narinig nya.
"What is it?"
"Alam na nila." Saglit na natigilan si Maumie at mahahalata mong may iniisip itong malalim. Pumikit muna ito bago bumuntong hininga.
"Ang alin?"
"Tungkol kay Shai."
"Sh*t!"
Edited
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top