(Edited) Fifty Two

May kumatok sa pinto ni Shineya at kaagad nya rin namang binuksan. Tumambad sa harapan nya ang mga itsura ng Dangerous Mafia. Malalaki sila at may mga dalang 45 sa magkabilang kamay.

"B-bakit p-po?" Kunwari natatakot si Shineya ngunit lihim din itong napapangiti sa likod ng utak.

"Move!" Nag-aalangan pa sya noong una pero kaagad nya ring binuksan ng malawak ang pinto nang mapansin ang dalawang mafia sa katapat na pinto. Kumakatok din ito at alam nya kung kaninong kwarto iyon.

"Search the area." Utos ng pinakamatangkad sa dalawang kasama na agad namang sinunod. Sinarado ni Shineya ang pinto at muling nagsalita.

"Bakit po, ano po bang hinahanap nyo?" Ngunit hindi sya pinansin ng mafia at patuloy lang ito sa paghahanap. Saktong nakatalikod ang tatlo kay Shineya kaya agad nyang tinaas ang hawak nyang ballpen at tinanggal ang magkabilang dulo sabay hinipan ito.

Magkasunod na natumba ang tatlo at namatay. Nilapitan nya ito at kinuha ang tatlong karayom na may lason sa batok ng isa, sa binti yung isa at sa kamay naman yung isa. Dali dali syang lumapit sa terrace at lumapit sa kabilang bintana bago pa dumating ang may-ari dun. Sakto namang pag alis nya ay may sumigaw na babae.

Hindi pa rin natatapos ang barilan dahil mukhang nakilala na din nila ang isa't isa. Mahigpit na magkalaban ang Dangerous Mafia at Dark Crow Assassin dahil na rin sa kagustuhang mapatay ang LVP org. Lalong lalo na ang nag-iisang taong naging dahilan kung bakit hindi nila makuha ang kagustuhan nito.

Binuksan ni Shinji ang kanyang pintuan. Laking pasasalamat nalang nya at ang mga Dangerous Mafia ang tumambad sa kanya at hindi mga Dark Crow Assassin. Hindi kasi sya makilala nito dahil hindi naman sya ang pakay ng mga ito.

"Move!" Kasabay dun ang pag sipa ng pintuan nya. Pumasok ang dalawang mafia at kaagad hinalughog ang buong kwarto. Naiinis si Shinji dahil natamaan sya sa balikat nito ng pinto. Kaya naman kinuha nya ang dalawang baril sa likod nya at binaril sa ulo ang dalawa. Umalingawngaw ang putok ng baril sa kwarto at kaagad syang lumabas. Nakakakita sya ng kalaban at binaril nya kaagad ito.

***

Ngumisi si Shine ng mahulog ang sniper. Dali dali syang pumalit sa pwesto at pinagbabaril ang mga nakikitang kalaban. Natigil lang sya ng may maramdamang malamig na bakal sa gilid ng ulo nya at ang mga braso nitong nakapulupot sa leeg nya.

"Move or I'll shoot you." Natahimik sya at pinakiramdaman ang lalaki. Nakikita ni Shine ang mukha nito sa gilid ng mga mata at nabosesan din nya ito.

"Josh." Walang bakas na takot ang maririnig sa boses ni Shine dahil alam nyang hindi sya sasaktan nito. Pero yun ang inaakala nya.

"The daughter of famous late Alliance Royalties Chengkei "Eichi" Huang and Breanna "Dakota" Atchara and of course the twin sister of Shin aka "Haidar", Shine "Ana" Atchara Huang Sy, my beloved classmate. How are you?" Habang nagsasalita ito nanlaki naman ang mata ni Shine.

Kilala sya nito at hindi sya maaaring magkamali, isa ito sa mga tauhan na gustong humuli sa kanya. Basi na rin sa kakaibang bracelet na suot nito. Kulay asul ito na may eagle na naka engrave at sa gitna ng eagle ay ang tatlong letra. BEO, Blue Eagles Officials na isang organization na kasali sa family tree ng Dangerous Mafia. Napakagat sya sa kanyang labi at saka pumikit ng mariin.

"Kung ganun, kilala talaga ako nito. Damn!"

"Any last words?"

***

"Shit! Muntik na ako dun ah." Mahinang bigkas ni Shiki habang hinahabol ang hininga. Muntikan na syang matamaan ng ligaw na bala. Napalunok sya at nilibot ng tingin ang paligid. Nasa gilid sya ng hotel at kitang kita sa harap nya ang mga nakahandusay na katawan at naliligo sa sariling dugo. Lahat ito ay mga ninja, assassin at mafia.

"Mga bobo naman 'tong mga 'to. Hindi ba nila alam na sa mga oras na 'to humihinga pa kami. At kung hindi kayo tanga hindi kayo susugod basta basta kung alam nyo namang may iba pang kalaban bukod sa amin. Mga bobo talaga." Iiling iling pa nyang sabi sa sarili nya. Lahat naman ng sinabi nya ay totoo.

"Yan ang mga taong sakim sa kayamanan at kapangyarihan." Nagulat si Shiki sa babaeng nagsalita sa hindi nya alam kung saan nanggaling. Kung saan saan sya lumilingon pero wala syang nakita. May mga pulis na rin palang dumating.

"Up here." Tumingala sya at nakita nya ang isang babae na naka all black sa taas ng puno. Pinagmasdan nya ito ng mabuti at hinanda din ang sarili baka sakaling kalaban ito. Nilabas nya ang baril mula sa likuran at kaagad tinutok sa babae.

"I'm not a foe. Umakyat ka na dito bago pa may makakakita sa'yo." Nagugulahan man ay umakyat naman sya nang may marandaman syang mga yabag papalapit sa kinaroroonan nya. Mahihina at maiingat lang ang mga 'yun. Laking pasalamat nya talaga at tinuruan sila ni Shineya kung paano talasan ang pakiramdam.

"Ibaba mo yang baril mo." Binaba naman ni Shiki pagkasabi ng babae. Napansin din nya ang dalawang assassin na nasa baba, ito yung mga humabol sa kanya kani kanina lang. Kaagad itong umakyat sa di kalayuang puno nang makita ang mga pulis na nagroronda sa paligid.

"Who are you?" Walang paligoy ligoy na tanong nya rito. Pinagmasdan pa nyang maigi ang suot nitong damit pero hindi nya mamukhaan kung saan at anong klaseng tao ito.

Napansin din iyon ng babae pero ngumiti lamang sya at hinintay ang mga pulis na umalis mula sa baba nila. "I'm just nothing. Don't mind me. Isa rin ako sa mga tourists dito."

Tumango lang si Shiki kahit na alam nyang hindi nagsasabi ng totoo ang babae. Ang kailangan nya lang gawin ay ang kilalanin ito. Sa tingin nya, hindi ito kalaban nila. Hindi rin ito gangster.

"Then, what's your name?" Tumingin ang babae sa kanya at ngumiti. Magandang babae ito kung tutuusin.

"Raine." Pagkatapos nitong sabihin ang pangalan ay tumalon na ito sa malapit na terrace ng hotel. Maingat itong tumalon at hindi man lang naglikha ng ingay.

Pumasok na si Raine sa room nya kung saan sya naglanding. Kaagad nyang kinuha ang kanyang cellphone at may tinawagan.

"Master, confirmed." Sandali itong tumahimik at pinakinggan ang kabilang linya.

"Mukhang wala pa namang nakakapansin sa kanya." Umupo ito sa higaan at binuksan ang laptop.

"Yes, I will. Bye."

Edited

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top