(Edited) Fifty One
"Oh, kain lang ng kain ah, para kung mamatay man, busog na di ba?" Pabirong sabi ni Jacob na isang member ng illuminati gang na under din ng Dark Crow Assassin. Nagkatinginan ang Uncrowned Royals dahil alam nilang hindi biro ang sinasabi nito. Ramdam nilang may balak itong masama.
Nagtawanan ang iba pang mga kaklase nila at hindi binigyan ng ibang kahulugan ang sinabi ng binata. Nakitawa na rin ang lima para di sila paghihinalaan.
"Nga pala guys, may alam ba kayo sa mga gangsters?"
Biglang tanong ni Jessy na isang member ng Poisonous Gang. Bahagyang natigilan ang lima dahil sa tanong nito at muling nagpatuloy sa pagkain. Ang iba ay may kanya kanyang usapan at hindi napansin ang tanong ni Jessy kundi ang mga kalapit lang dito.
"Gangster? May ganyan pa rin ba hanggang ngayon?" Nagkatingin sina Shiki at Shinji dahil sa tanong ni Cheska. Cheska Baltazar, Black Organization member, Dangerous Mafia's underling. Pero pagkaraa'y sinakyan na rin nila ang mga pinagsasabi nito.
Alam ng lima kung sino sino ang mga nasa harapan nila dahil kay Shineya. Pero ang pinagtataka lang ay bakit nagkukunwari ito.
"May alam ako. Konti nga lang, kasi di naman ako nahihilig sa mga ganyan e." Sabi ni Shine kaya napatingin ang iba sa kanya. Lumiwanag ang mukha ni Jessy dahil sa narinig.
"Alam nyo bang may pumalit na sa rank 6?" Tumingin din silang lahat kay Jessy, samantalang mataman naman itong nakatingin kay Shine at sa iba pang katabi nito.
"Pagkakaalam ko, Uncrowned Royals daw yun." Wala sa sariling sabi ni Shin at nagkibit balikat pa. Ngumiti ng makahulugan si Jessy at nagpatuloy sa pagkain.
"Alam nyo, gustong gusto ko silang makilala." Napatingin ang lima sa kanya at ngumiti. Alam nila ang iniisip nito at hindi lang basta kilala ang hanap ng kaklase.
"Kung yun ay makikilala mo sila." Mahinang bulong ni Shinji sabay subo ng pagkain.
"Anyway, may idea ka ba Shine kung sino sila?"
Tanong ni Krissy na member din ng Illuminati gang na kaaway din nila. Nasamid pa si Shiki dahil sa narinig. Napatingin tuloy ang lahat sa kanya pati na din ang ibang kaklase sa katabing table. Kumunot ang noo nina Jessy at Krissy dahil sa malakas silang makiramdam, napansin nila ang kilos ni Shiki.
"Tangina, anong tubig 'to? Bakit ang pangit ng lasa?!" Pero hindi nya napapansin na maling tubig ang nailagay nya sa baso nya at isa itong suka. Hindi rin napansin ng iba dahil tutok na tutok ito sa usapan. Kaya magandang palusot na din yun at para di mapansin ng lahat ang pagkagulat ni Shine dahil nakuha ang atensyon nito sa katabi.
"Tanga! Di tubig nainom mo, suka yan. Ito oh." Inabot naman ni Shinji ang tubig na nasa harap nya sabay tinawanan ito. Sinuklian lang sya ng masamang tingin ni Shiki.
"Ano nga ulit ang tanong mo?" Tanong ni Shine kay Krissy. Tiningnan naman sya ng dalaga at ngumiti.
"Ah, wala. Not that important. Kain na tayo?" Nagpatuloy lang sila sa pagkain pero napapansin nilang pasulyap sulyap si Jacob sa lima lalo na kay Shine.
"Nga pala, di nyo ata kasama si Shai." Nagkatinginan ang ibang kaklase dahil sa tanong ni Jacob. Alam nila kung anong nangyari kay Shai pero bakit nito tinatanong si Shine. Napansin din iyon nila Shine base na rin sa reaksyon ng mga kaklase. Mabuti nalang talaga at natutunan na nilang magpakiramdaman kung may mali ba sa paligid.
"Yeah, akala nga rin namin e. Kaso alam nyo naman ang trabaho ng Tita nya. Di ba sinabi nya palipat lipat siya ng school?" Nagkibit balikat ito animo'y normal na ang pagsagot ng ganun. "Naalala ko lang, nakakamiss pala sya noh?" Dagdag nya pa.
Hindi mababakas sa mukha ng lima na nagkukunwarI lang sila. Nakikiride lang din ito sa mga pinanggagawang pagkukunwari ng lahat. At kahit papaano'y may alam din silang information about Shai dahil ni Shineya.
"Nakita kasi namin sya kahapon balak sana naming isama sya dito, kasi di ba, dating kaklase natin sya pero busy raw sya e. Tsaka di din daw sya papayagan ng Tita nya."
Kunwari nalulungkot na sabi ni Shine. Para effective, at nadala naman sila. Maya maya pa, napansin ni Shin ang mahinang pag siko ni Krissy sa braso ni Jacob. Magkatabi lang ang dalawa. Walang ibang nakakapansin ng ginawa nila maliban kay Shin.
Saglit na lumingon si Jacob sa katabi na kaagad namang nakatanggap ng sorry mula sa dalaga at kunwari nahihiyang ngumiti. Habang kumakain, naging alerto si Shin dahil sa kinilos ng dalawa. Ang iba naman ay tumayo dahil tapos ng kumain pati ang mga guro nito. Walang ka ide-ideya sina Shin kung bakit nagkaroon sila ng outing. Kung hindi lang sumigaw ang guro nila at sinabing i-enjoy ang victory party nila pagkatapos ay umalis para mag washroom.
Tumayo si Jacob at lumipas ang limang minuto, sumunod na ding natapos si Krissy. Wala na ang kanina pang nagtatawanang kambal dahil nauna na din itong umalis. Wala na din si Hiro dahil busog na raw ito at inaantok. Hindi katulad ng pangkaraniwang estudyante na sabay sabay magcelebrate dahil may kanya kanya itong kasama at pinuntahan. Makikita lang silang magkasama kapag kumakain, ganun na din ang mga guro nito. Bakit ngayon lang nila napansin ang pagigilang mailap ng mga kaklase nila sa isa't isa?
Tumayo si Shin at pagkalipas ng tatlong minuto sunod sunod namang tumayo sina Shine. May mga natitira pa na nagkukwentuhan lamang ng kung ano ano.
Habang si Shineya naman ay tapos na ring kumakain sa isang kainan doon at nagpasya ng lumabas. Nabangga pa sya ni Jacob nang nasa labas na sya. Nilingon sya nito at tinanguan lamang sabay umalis. Nagsmirk si Shineya dahil sa inasal nito. Marami rami na rin syang mga nakikitang kalaban.
Hindi nya rin pinapansin ang lima tuwing madadaanan niya ito. Kunwari hindi sila magkakakilala at naintindihan naman iyon ng lima. Maya maya pa, nakarating sya sa medyo liblib na lugar at may napansin syang mga bulto ng tao.
"They're here."
"So, what's the plan?"
Huminto si Shineya at kunwaring may katawagan sabay lampas sa dalawang nag-uusap. Maliliit ang mga hakbang nya habang kunwari natatawa sa kausap kuno na sweet. Napalingon naman ang dalawang nag-uusap sa kanya.
"Geh, una na ako."
Paalam nito ng isa. Nakikiramdam lang si Shineya sa paligid. Si Josh nalang ang natira. Yung kausap ng isang lalaki at kaklase nina Shine. Nagsindi ito ng sigarilyo at tumalikod kay Shineya na ngayon ay kunwari tinatapos na ang tawag at may kinukuha sa bag. Kilala nya ang dalawang iyon.
"Dangerous Mafia." Mahinang bigkas nya at nagpasya ng mag libot muli. Patagal nang patagal, parami nang parami ang nakikita nyang mga kalaban. Marahil ay natatrack na nila ngayon ang lima nilang hinahanap dahil hanggang ngayon hindi pa rin nila ito tinatanggal ang tracking device nila.
Lihim na napangiti si Shineya nang may mapansin syang dalawang taong nasa rooftop ng magkabilang hotel. Mga sniper ito. Muli nyang nilibot ang paligid at napapansin din nya ang mga ninjang nasa madilim na bahagi ng mga puno. Bumuntong hininga sya.
"Here comes a big trouble." Nagpasya nalang syang pumasok sa hotel na ini-istayhan nya pansamantala.
Sa kabilang banda naman ay naglalakad lang si Shin at nagtitingin sa paligid. Nakita nya rin ang isang sniper na nakatutok ang baril kay Hiro. Pati na rin ang isa pang sniper na nakatutok kay Shiki.
Natutulog si Hiro sa may sunbathing area at di pinansin ang mga nagninight swimming. Tinapik sya ni Shin na agad ding dumilat. Walang sinabi si Shin at tumalikod na lamang pero naiintindihan ni Hiro iyon. Nilibot nya ang paningin at agad umiwas sa balang tatama sana sa kanya.
Tumama ito saktong sakto sa hinihigaan nya. Mabuti nalang at tumayo kaagad sya. Napatingin ang mga tao sa gawi nya. Nagpasya na syang umalis bago pa may tatama sa kanya. Mabilis, dahil alam nyang may nakasunod na sa kanya. Nagkasabay pa sila ni Shiki na mukhang naalarma na din.
May naririnig na silang putok ng baril dahilan para magpanic ang mga tao. Sumabay sina Hiro sa mga taong nagpapanic para hindi sila mahahalata ng mga sumusunod sa kanila.
"Where are the others?" Tanong ni Shiki na medyo kinabahan na dahil sa muling narinig na magkasunod na putok. Nababahala sya sa mga kasama nila.
"I don't know. Kanina lang nagkita kami ni Shin pero nawala din agad at di ko nasundan dahil naantala ako nang may muntik ng tumamang bala sa akin." Mahabang paliwanag nya at nagpatuloy sa paglalakad. Nakayuko lang sila at sumusout sa mga taong nagtatakbuhan.
"Follow me." May biglang nagsalita sa gilid nila at sinundan nila iyon. Hindi obvious ang pagsunod nila dahil magkalayo sila.
Sa itaas naman ng building, napansin ng isang sniper ang tatlong taong lumihis ng daan at malayo layo ang agwat nito. Pero alam nyang iisa lang ang dinadaanan nila. Muli nyang tinutok ang armas nya isa sa tatlong lalaki at dahan dahang kinalabit ang gatilyo.
"Not so fast honey." Boses ng babae sa likod at saka sya binaril nito na may silencer. Nanlaki ang mga mata nya at may umagas na dugo sa bibig saka ito nahulog.
Edited
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top