(Edited) Fifty Four

"Tita, what's wrong?" Napatingin sya kay Kaname na seryosong nakatingin sa kanya. Lumunok muna sya ng laway at kumurap saka tinuon ang buong atensyon sa pamangkin na nagmamasid lang sa bawat galaw nya.

"Kanina ko pa napapansin, tulala ka at minsan din ay laging nakakunot ang noo. May sakit ka ba Tita?"

Bahagya pa itong lumapit sa kanya at nilapat ang likod ng palad sa noo pero umiling lang si Mayumi at umiwas ng tingin bago magsalita.

"It's just that, may masamang mangyayari. Isang malaking pangyayari. At hindi ko alam kung ano. Ni hindi ko ma pin point kung ano. Basta, alam ko lang masama talaga sya."

Kumunot ang noo ni Kaname dahil maging sya ay naguguluhan. Ngayon lang nya nakita na nagkaganito ang Tita nya. At mas lalong ngayon lang talaga nagkaganito ang Tita nya. Ito ang kauna unahang pagkakataon na hindi nya magawang hulaan ang maaaring mangyayari sa hinaharap.

"Mababalot ng kadiliman ang buong mundo." Kinabahan si Kaname sa narinig nya mula kay Mayumi. Nakatulala na naman ito at nangunot ang noo. Tuluyan na nyang nilapitan ang tita at hinagod ang likod upang kumalma.

"Look tita, malalaman din natin yan kung ano man yan. For now, matulog na muna tayo maghahating gabi na." Tumango lang si Mayumi at payapang umalis ng library pagkatapos tinungo ang kwarto. Pinagmasdan lang sya ni Kaname hangang sa nawala na ito sa paningin nya.

Dinukot nya ang cellphone at may tinawagan. "Ano na ang balita?"

"Nalaman na nya ang nangyayari at naghahanda na rin sya sa kanyang pagbabalik."

Pumikit ng mariin si Kaname at bahagyang napahilot sa kanyanhg sintido. "Bakit hindi mo pinigilan. Alam mo namang delikado di ba?"

"Sorry, pero nagpupumilit si Master."

Nagbuntong hininga na lamang si Kaname dahil sa narinig. Alam nyang, pag mangyari ang isang bagay na 'yun ay maaring mabago ang lahat. Maraming buhay ang malagay sa piligro lalo na sa kanya.

"Kailan daw."

"Wala syang sinabi. Pero noong tinanong ko naman, malapit na daw."

"Tsk. Sige, salamat Raine." Pagbaba ng cellphone nya ay ginulo nya ang buhok nya dahil sa hindi na nya alam kung ano pang pwedeng mangyari. Kung may manggugulo na naman ba na lalong magpapalala sa sitwasyon.

"Fvck! Ano na ang gagawin ko? Mukhang hindi na talaga magpapigil ang isang 'yun."

Muli nyang ginulo ang buhok nya at naglakad na ito palabas ng library. "Aish! Bahala na nga lang!"

***

Stay alert. Don't trust anyone. And one more thing, Illuminati gang is now the top one in ranking.

"Hey, ano daw sabi?" Pinakita naman ni Shine ang text mula kay Shineya kay Shinji. Nanlaki pa ang mata nito at halatang gulat sa nabasa.

"Ang oa ha?"

"Sinong hindi maging oa ha, Illuminati number one na, wala pa ngang kalahati ng taon yang gang na yan." Narinig din ito ng iba pa kaya nagsilapitan din sila dito.

"Paano nangyari 'yun?"

"Diba nga baguhan pa lang sila?"

"Aba'y ewan. Bakit ako tinatanong nyo dyan?" Sinamaan ng tingin ni Shine sina Shinji at Shiki dahil tulad nila, wala din itong alam.

"Maybe they are that strong enough na in just a span of months, top one na sila." Walang ganang sabi ni Shin na bumalik sa pagkakasandal nito sa sofa.

"Sir Hiro, breakfast is served. Kain na po kayo." Lumiwanag ang mukha ni Shinji nang marinig ang magandang balita na sinabi ng kasambahay nila Hiro at napasigaw pa. Agad naman itong sinaway ni Shine.

"Hoy, mahiya ka nga. 'tong patay gutom na 'to, oo." anito at tumayo, "Ah guys, tara na kain na tayo, kanina pa nagwawala ang mga alaga ko e."

"Nagsalita." Pang asar pa ni Shinji na agad ding nakatanggap ng batok sa dalaga pero mabilis din itong naka iwas.

"Haha ang lamya. Gutom na nga." Tinawanan lang sya ng binata kaya agad nyang sinundan ng hampas sa sikmura na hindi naman nagawang iwasan dahil sa tumatawa pa rin ito. Nasamid tuloy ng sariling laway.

"Buti nga sa 'yo."

"Pero di ba nga, Underworld na ang pinaka matagal na naging top one, balita ko magdadalawa o tatlong dekada na yun. Tapos natalo lang ng isang baguhan?" Seryosong nagkatinginan sina Hiro at Shin dahil sa sinabi ni Shiki.

Tumayo na din ang tatlo at sinundan ang dalawang kanina pa nag-aaway na ngayo'y pareho ng naggalitgalitan at hindi nagpapansinan. Seryoso itong kumakain. Paubos na din ang mga pagkain nito pero agad din namang nilagyan ng mga panibago ng katulong nang makita ang tatlong papasok.

"Mga patay gutom talaga kayo, noh?" Pero hindi lang pinansin si Shiki at nagpatuloy lang ito sa pagkain. Umupo na din sila sa upuan at nag umpisa ng kumain nang magsalita si Shin na agad namang sinang-ayunan ni Shiki.

"Something is wrong."

"Pansin ko nga rin e."

"Ah manang, pakidagdagan po ng lemonade. Salamat." Utos ni Hiro sa nakatayong katulong.

"Right away Sir."

"Aalamin mo ba yun Shin?" Tanong ni Hiro matapos mag utos pa ng mga pweding ipandagdag na pagkain sa kasambahay.

"Nah. Let's just focus on our enemies for now." Patungkol ito sa mga estudyante ng Tui Academy at sa mga Mafia at Assassin na nang ha-hunt sa kanila.

"So, paano ba yan, napapalibutan na tayo ng mga kalaban."

"Buti sana kung isa lang , pero marami e." Nagpatuloy nalang sila sa pagkain at hindi na pinansin ang sinabi ni Shiki. Parehong may malalim ang iniisip ang tatlo na mas nagpaseryoso pa nito.

"Bbuurrpp!!"

"Ahhh! Gracias!"

Tiningnan ng masama ni Shin ang kambal na katabi lang nya dahil sa inasal nito. Nag peace sign lang ang dalaga habang nakangiti at inubos ang basong may lemonade.

"Nga pala, natanong mo ba kung nasaan ang weirdong 'yun?"

"Bakit, namimiss mo ba Shin?" Aso kung ngumiti si Shinji kay Shin. Nakatingin na din ang iba sa kanya. Kinunutan lang nya ito ng kilay at nagsalita.

"Have you lost your senses? Kaya nga tayo nandidito ngayon kasi nga di ba may mission tayo? Now, how can we determine what is it kung hindi natin alam kung nasaan sya?" Naiinis nitong wika. Ngunit hindi nakaligtas sa katabi nya ang bahagyang pamumula ng leeg nito.

"Ay, oo nga pala no? Wala naman kasi syang sinabi e." Nahihiyang nagkakamot pa ng ulo si Shinji dahil sa tinging ipinukol ni Shin sa kanya.

"Wala ba kayong napapansin?" Napunta ang tingin ng lahat kay Shiki dahil sa tanong nito. Magkapareho lang ang reaksyon ng tatlo na pawang nagtatanong. Si Shin lang ang nakatingin sa kanya na parang walang pakialam sa sinabi nya. Natigil na din ang lahat sa pagkain dahil sa nakukuryoso ito sa tanong ng binata.

"Para syang may sariling mundo. I mean, noong nasa mansion nila tayo, hindi ko man lang nakikita na nakikisalamuha sya nina tita at Kaname well except of course sa harap ng hapagkainan. At hinayaan lang nila ito sa kung anumang gustong gawin nito. Kumbaga, wala silang pakialam sa kanya."

Panandaliang natahimik ang lahat tila inaanalisa pa ng utak ang mga sinasabi ng binata. "Kasi nga diba, gaya nga ng sabi nya , trainor natin sya?"

Tumango si Shine sa sinabi ni Shinji halatang sang ayon din ito sa sinabi ng binata or yun lang talaga ang pinaniwalaan nyang sinabi ni Shineya sa kanila?

"I don't think so." Kontra ni Hiro na nanatili ang mga tingin sa pagkain na nasa harapan. Naguguluhan namang tumingin ang iba sa kanya.

"Bakit ang dami nyang alam? Sa totoong pagkatao natin?" Inangat na nito ang tingin at isa isang tiningnan ang mga kasama. Nagtagal ang tingin nya kay Shin na nagpatuloy lang sa pagkain matapos marinig ang sinabi nya.

"Kasi magaling syang mangalap ng mga confidential informations?"

"Kasi sya si Hacking Goddess?" Patanong na sagot ni Shinji pagkaraa'y sumilay ang pilyong ngiti. Mas lumawak pa ito ng magsalita sya. "Paturo kaya ako nun minsan? Mas maalam yun kesa sa akin e. At ng ma try ko ring pasukin ang system nila."

"May napapansin ako, sa tuwing makikipaglaban sya para lang itong hangin na dadaanan sa harapan mo at nagawa nyang patumbahin ang maraming kalaban sa isang iglap lang." Ani Shine na hindi pinansin ang walang kwentang sinabi ni Shinji.

Tumingin ang binata sa kanya na inirapan nya lang. Nakatingin lang si Shiki kay Shine dahil kahit papaano'y may napapansin din pala ito at saka nagsalita ang matagal ng nasa isip nya.

"Yung pagteteleport din nya minsan at yung paglitaw nya sa hangin noong sya'y nagmemeditate. Di ba parang, sobra naman ata yun sa pagiging trainor nya lang?"

"Exactly." Nakangiting sabi ni Hiro habang nakatingin kay Shin. "What do you think, Shin?"

Nabaling din ang tingin ng tatlo kay Shin na ngayon ay hindi sila pinansin at patapos na din itong kumain. Hinintay nila itong magsalita hanggang sa inabot nito ang pitcher at nagsalin ng lemonade sa baso nya at ininom ng isang lagukan lang. Saktong pagbaba ng baso ang sya namang pagtunog ng phone ni Shine na nasa ibabaw ng lamesa. Napaigtad pa ito sa gulat at saka kinuha ang phone.

"Tumatawag ang weirdo."

"Sagutin mo na dali. Paki loudspeaker na din."

"Geez, don't talk about me behind my back, stupids."

Nagkatinginan ang lima at nanlalaki naman ang mga mata ni Shinji. Inangat pa ang ulo nito at pinasadahan ng buong tingin ang kabuuan ng dinnig area. Dumapo ang mga mata nya kay Hiro na may nagtatanong na mga tingin, umiling lang ang binata.

"There's no CCTV in your place Shinji. Wag kang oa dyan."

Napatingin sila dito na ngayo'y nakalagay na sa batok ang mga kamay. Marahil ay kinikilabutan ito dahil sa sinabi ni Shineya. Napansin iyon ni Shine kaya natatawa syang umiling sa binata.

"H-how-"

"The first one, nabilaukan lang naman ako dito. Seriously, hindi nyo ba alam na baka kumakain yung tao tapos pinag-usapan nyo pa? How rude of you guys. Buti sana kung nasa harapan nyo ako. And the last, obvious naman ang magiging reaksyon mo sa ganitong senaryo, ikaw lang namaan ang oa dyan sa lima."

Dahil sa narinig, hindi na napigilan ni Shine ang humagalpak ng tawa. Sinamaan lang sya ng tingin ng binata. Lalo pa nya itong inasar nang magsalita si Shineya na ikinatahimik naman ng dalaga.

"Anyway, tumayo na kayo dyan at magbihis. Kita nalang tayo sa school. Bye."

Natahimik ang lahat at tiningnan lang ang phone na may nakatatak na Call Ended. Kinuha ito ni Shine at nagsalita.

"Now, she's getting weirder than I thought."

Naunang tumayo si Shin na agad din nilang sinundan. Nahuli ng konti si Hiro dahil may binilin pa ito sa katulong.

"Nakapandamit nga sya ng ordinaryong damit mas nagiging weirdo naman."

*seeyah! :)

A. Ano ang tinutukoy ni Mayumi dito 'Mababalot ng kadiliman ang buong mundo'?

B. Sino naman ang panibagong tauhan ang dadating? A foe or an ally?

C. Anong ibig sabihin ng mga kilos ni Shin? Possible kayang may alam sya na di nya sinasabi?

D. Nahahalata na ba ni Hiro ang kaibigan?

E. Ano na ang mangyayari sa Uncrowned Royals sa oras na tumuntong sila sa Academy?

F. Ano ba ang mission ng Gang? Kasama ba dito si Shineya?

G. May tinatago nga ba si Shineya sa lima?

H. Paano nagiging top one ang Illuminate Gang sa loob lamang ng maikling panahon?

I. Mag-aaral ba si Shineya sa Academy?

J. Nasaan si Shineya?

••••••

Iilan lamang iyan sa mga katanungan na nangangailangan ng kasagutan. May nahuhulaan ba kayo? C'mon, spill the beans loves.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top