(Edited) Fifty Five

Kinakabahan ang barkada habang nasa daan pa lang sila patungo sa Tui Academy. Lahat tahimik at parehong malalim ang mga iniisip. Nag red ang traffic light at tahimik pa rin sila hanggang sa mag green ulit ito. Si Shiki ang nagdadrive ng sasakyan at paminsan minsan din itong sumusulyap sa mga kasama, pagkaraay bumuga ng hangin.

Hindi na makatiis si Shinji sa halo halong emosyon. Kinabahan sya at takot rin dahil sa unang pagkakataon, papasukin nila ang kanilang dating eskwelahan na hindi na mga school mate ang kasama, kundi mga kaaway na. Sa sobrang tahimik ng sasakyan, halos mabaliw na sya kakaisip ng mga bagay na pwedeng mangyari sa kanila sa loob ng naturang eskwelahan.

"Aaarrgghh!! Magsalita nga kayo! Lalo akong kinabahan dito e!" Hindi na din nakatiis at sumigaw na habang ginugulo ang sariling buhok. Nakatanggap din ito ng batok mula kay Shine na katabi nya lang.

"Futek naman Ji oh! Kamuntik ko ng maihi dito dahil sa gulat at nerbyos! Wag ka ngang bigla bigla sumigaw!" Halos matawa naman ang binata dahil sa sinabi nito. Sinamaan lang sya ng tingin ni Shine at inirapan pa. Maya maya, hindi na rin ito nakapagpigil at humagalpak na ito ng tawa.

Hindi lingid sa kaalaman ng dalawa na dahil sa nangyari sa kanila, medyo umayos ang ambiance ng looban. Sabay sabay ding nagbuntong hininga ang tatlo pang kasama dahil medyo nawalan ng konti ang kaba nila.

"May napapansin ka ba Shin?" Tanong ni Shiki sa katabing si Shin. Patuloy pa rin sa pag-aasaran ang dalawa sa likod habang si Hiro naman ay mukhang naaliw pa yata sa dalawang nasa harapan. Nilingon ni Shin si Shiki at nagtaas ng dalawang kilay.

"Wala na atang nang aambush o umaatake sa atin. Di ba matatrack pa rin naman nila tayo?" Saglit syang tumingin sa gilid nya at binalik din ito sa daan. Malapit na sila sa school kaya tiningnan na din nya ang dalawa sa likod na pareho ng nakasimangot ang mukha.

"I know. Maybe they're up to something. Sort of a plan? I think. They can't just kill us alone, you know that."

Niliko na nya ang sasakyan papasok ng gate. Tahimik na din ulit ang dalawang nagkukulitan sa likod. Naghanap sya ng bakanteng lugar sa parking lot. Agad pinarada nang may makita. Naghintay lang din si Shin sa pagkaparada ng sasakyan at muling dinugtungan ang sinabi kanina.

"And I'm afraid that their new plan might succeed upon hunting us this time." Mahinang bulong nya na sakto lang para marinig lang ni Shiki kasabay doon ang palabas nila Shine. Lumapit din si Hiro sa dalawa at tinapik ang dalawang balikat.

"Labas na tayo. Wag nyo munang pag-usapan yan. Masyadong delikado." Tumango lang ang dalawa at lumabas ng sabay sa sasakyan. Napatingin din ang ibang mga estudyanteng malapit lang sa kanila at tila mga kinikilig pa ang ibang babae.

"Look guys. We need to act cool or pretend that we don't know them exactly. And always remember what Shineya told us."

Tumango lang ang apat matapos paalalahanan ni Shine ang mga kasama. Naglalakad na sila sa hallway na parang wala lang pero hindi pa rin nawala ang kaba nito sa dibdib. Alerto din sila sa mga pwedeng mangyari sa paligid.

Wala namang pinagkaiba ang paaralang ito. Kung ano ang turing ng mga tao sa kanila noon, ganun pa rin ngayon. Walang nagbabago. Pwera nalang sa kanilang lima. Nagbago ang pakikitungo at pananaw sa bawat panauhin na makakasalubong nila sa paaralang ito. Dahil sa oras na malaman ng lahat kung sino talaga sila, panigurado hindi sila makakalabas ng buhay dito.

Mabuti nalang din at nalaman nila kaagad ang mga importanting bagay na dapat nilang malaman bago pa sila maunahan ng kalaban.

Paakyat na sila sa hagdanan patungo sa klasrom nila. Mula sa baba ay di nila napansin ang isang taong nakatayo sa taas ng hagdan. Makakasalubong nila ito.

Unang natanaw nila ay ang black heels nito hanggang sa makinis na binti. Hindi din nakaligtas sa kanilang mga pandinig ang mga pasimpleng sipol ng mga kalalakihang nasa paligid.

Dahan dahan itong bumaba palapit sa kanila. Napahinto pa ang lima dahil sa parang slow motion ang bawat galaw nito. Mapuputing tuhod, pencil cut na kulay dark blue na skirt, belt, may baril sa gilid nito, posas naman sa kabilang gilid, naka tack in din, kulay puting long sleeve, may pito sa bandang dibdib kung saan may pocket, nasa ibabaw nito ang surname, at may hawak na batuta.

Nakayuko ito at seryosong bumaba ng hagdan. Nakaharang din ang sombrero na kulay dark blue na may logo ng isang security agency. Nang mapansin ang limang nakaharang sa dinadaanan ay nag angat na ito ng tingin.

"Oh my God! Shineya?!" Hindi napigilan ni Shine ang pagsigaw. Nanlalaki ang mata ng lima pero bukod kay Shine, tila hindi nakapagsalita ang apat dahil sa gulat. Kaagad tinakpan ang sariling bibig ng dalaga nang mapansin nitong napatingin ang iba sa kanya.

Kinunutan lang sya ng noo ni Shineya. Muling tiningnan ni Shine ang patch nito sa dibdib.

"Maurin, L." Basa nya rito at ngumiti lang si Shineya. Tumikhim pa ito bago magsalita. "Pasok na kayo mga bata. Bawal tumambay sa labas ng classroom."

Nilakasan pa nito ang pagkasabi at nilibot ang paningin sa paligid habang nagsalita. Mahahalata sa boses nito ang awtoridad. Sinunod sya ng ilan pero may mga lalaki pa ring piniling tumambay at pinagmasdan sya. Hinayaan nya nalang iyon dahil alam naman nyang papasok din ito pagka-alis nya.

Binalik nya ang tingin sa limang nasa harap na nakatulala pa ding nakatingin sa kanya. Tinuro nya ang dala dalang baston nya sa harap patungo sa taas habang nagsasalita.

"Kayo, akyat na." Saka pa nabalik ang ulirat ng lima at magkasunod na tumikhim. Nilagpasan lang sila ng dalaga habang nasa likod ang dalawang kamay kung saan may medicine kit na nakakabit sa belt. Kulay itim ito at may red cross na logo. Pero bago pa ito makalagpas sa kanila may binulong ito.

"Be careful. Don't get caught." Nagpatuloy lang sa pag akyat ang lima habang nakangisi ng malapad si Shinji.

"Shit! Ang ganda at sexy ng bagong school guard natin!"

"Taena, tulo ata laway ko dun. Uy Shine, nakuha mo ba ang pangalan ng binibini na yun?" Umirap sa kawalan si Shine bago sinagot ang binata.

"Umandar na naman yang pagkababaero mo. Surname lang nakuha ko. Maurin."

"Di bale, hahanapin ko yun mamaya." Pagkaupo nila sa kanilang assigned seats ang sya namang pagdating ng guro. Binati nila kaagad ito. Bahagya pang namangha ng mapansin ang lima. Kinabahan tuloy sila sa nakita.

"Oh himala, hindi kayo late ngayong lima. Buti naman at nagtanda na kayo." Nagkatingin ang lima dahil sa sinabi ng guro. Pareho din sila ng iniisip.

"I really have to talk to that girl later. Samahan nyo ko ah?" May inis sa boses ng pananalita ni Shine pagkasabi nya sa linyang 'yun. Alam ng lahat kung gaano ito ka particular when it comes to attendance at never been late ever since tapos dinungisan lang ng clone nya ang magandang image nya sa classroom at sa teachers.

"By the way, I felt sorry for the students or your classmates rather, who died last week in that tragic incident."

"Nakakalungkot isipin na, sabay sabay sana kayong mag martsa sa harap ng maraming tao at kukuha ng diploma. Pero, mostly half of the population in this class, gone." Unti unti na ding napaiyak ang iilang mga kababaihan dahil sa mga kaibigan nitong nasawi.

"But remember, no ones at fault okay? Walang may gusto sa pangyayaring iyon. That was so unexpected. Kung bakit ba kasi doon pa napiling magpatayan ang mga taong 'yun."

"Anyway, let's proceed to our next topic."

Halata sa mga mukha ng lahat ang pangulila dahil wala na silang katabi. Marami na ding nabakanteng upuan. Panay ang discuss ng guro sa harap pero mababakas sa mukha ng ilan ang pagkatulala. Hindi maiwasang di mapansin iyon ng guro kaya huminto sya sa ginagawa. Hinarap nito ang mga estudyante. Kung noon ay punong puno pa ito, ngayon naman ay nangangalahati na. Bumuntong hininga sya at nagsalita.

"I think we should continue this next meeting. You may take your recess."

Sabay dali daling umalis ng classroom. Nagsinghapan ang ilan at may mga tumingala pa. Nagkatinginan sina Shine at ang apat dahil hindi din nila maiwasang di maguilty sa nangyayari. Nalungkot din sila sa sinapit nito dahil kahit papaano'y matagal din nila itong nakasama sa mahabang panahon.

Lumabas si Shin na nakayuko at nasa magkabilang bulsa ang kamay, sumunod naman ang iba pa.

"Naguiguilty ako." Mahahalata sa mukha ni Shine ang guilt at nasasaktan din sya tulad ng iba. Nagbuntong hininga ang kambal at inakbayan si Shine.

"Don't be. Kalaban natin sila. Tsaka, hindi naman tayo ang pumatay ng lahat ng mga yun."

"Sabagay."

"Oo nga Shine. Kesa naman tayo ang mamatay."

"Wag nyo ngang pag-usapan yan. Baka may makarinig sa inyo. Ano, tarang HQ?"

Pag-aya ni Shinji na agad namang sinang-ayunan ng iba. Itong HQ nila ay di alam ng lahat na nasa likod lang ito ng skwelahan. Wala ding nakakaalam na may HQ sila. Ngayong alam na nila ang buong katotohanan, mas nagiging alerto sila sa paligid at sa mga kilos din nila.

Hindi pa man nakakalayo sa classroom ay sinita na sila ng isang school guard na nagchecheck ng buong corridors. "Di ba hindi kayo allowed lumabas during class hours? Balik na."

Matatawa na sana sila dahil si Shineya ang nasa harapan nila na isang school guard kundi lang sa mga tingin at boses nitong sobrang seryoso. Isa lang ang ibig sabihin nun, may nangyaring di maganda.

"S-sorry. Pero sabi ng guro namin, pwede na daw kaming mag recess." Paliwanag ni Shine sa dalaga. Tumango lang si Shineya at binaling ang atensyon sa kabilang daanan kung saan may dalawang estudyanteng nakatingin or mas maiging tawaging nagmasid sa kanila.

"You two, wala din ba kayong klase? Pumasok na kayo sa mga klasrom nyo." Alanganin namang tumalikod ang isa habang ang isa pa ay seryosong nakatingin sa kanila. Inaya naman nito ng isa pa na umalis na. May binulong ito, tumango naman ang kausap tsaka umalis silang sabay.

'Next time nalang. May oras pa tayo para gawin yun.'

Kahit malayo sila sa kanila, naririnig pa rin sila ni Shineya. Nagbuntong hininga si Shineya at seryosong tumingin sa limang tao sa harapan. "Blue eagles."

Mahinang bulong niya sakto lang marinig ng lima. Bahagya pang nagulat sina Shine at Shinji dahil sa narinig. Alam nilang mga kalaban ang nasa paligid nila pero di nila ine-expect na kikilos sila ng ganun.

"I told you to be careful. Kung di pa ako dumating, hindi ko na alam." Ngumisi ng pagkalapad si Shinji at pinasadahan ng tingin si Shineya mula ulo hanggang paa. Tinaasan lang sya ng kilay ng dalaga.

"Alam mo miss, ang ganda mo talaga. Pwede bang malaman ang pangalan mo?"

Nakangiting sabi nito habang kinuha ang kamay ni Shineya at hinalikan. Nagpapacute pa ito at mababakas sin sa itsura ng dalaga ang pagkagulat na nasundan ng inis. Kung di nya lang alam ang mga pinanggagawa nito sa dalaga, kanina pa sya napalo nito.

Nagpipigil ng tawa ang apat nang makita ang reaction ni Shineya. Ngumiti kasi ito at bahagya pang yumuko habang nahihiyang kinuha ang kamay. Nagpapacute din sya at kunwaring nahihiya. In short, sinakyan ang drama ni Shinji.

"A-ah. T-thank Y-you. L-lovenia ang pangalan ko. Lovenia Maurin." Bahagya pang nagulat si Shinji dahil sinakyan sya ng dalaga pagkaraa'y ngumisi na nanan ng malapad.

"Ang ganda naman ng pangalan mo. Lovenia, what a unique name. Maari bang malaman kung taga saan ka?"

"Hoy! Ano yan Shinji? Pati guard, nilalandi mo." Dumaan ang ibang mga kaklase nila at kinatyawan pa sila. Sinamaan lang sila ng tingin ng binata.

"Oy miss, wag kang maniwala dyan, may asawa na yan."

"Naku miss, may anak na yan. Dalawa sa labas, tatlo sa asawa."

"Hala miss, paglalaruan ka lang nyan."

"Sayang ganda mo miss, katawan lang habol nyan."

"Oo nga miss. Walangya ka talagang babaero ka, matapos mo sa akin sa iba ka naman ngayon?!" Pinaghahampas pa sya nung huli. Todo ilag at salo naman ang ginawa nya.

"Teka! Teka nga! Naman oh, panira naman kayo ng diskarte! Umalis na nga kayo!" Habang ang apat nitong kasama ay nakasandal lang sa gilid at halatang nagpipigil ng tawa. Si Shineya naman ay kunwaring nahihiya pa.

"Ah ano miss. Wag kang maniwala sa kanila. Sinisiraan lang nila ang pagkatao ko, alam mo na mga bashers."

"Anong sinisiraan?! Nag video pa nga tayo oh!" Nanlaki ang mata ni Shinji dahil sa narinig. Halatang hindi makapaniwala sa sinabi ng babae. Dahil kahit kailan, hindi sya nakikipag ano sa mga babaeng nakakasama at nakarelasyon nya. Si Shineya naman ay kinagat ang dila para hindi matawa. Nagkunwari pa rin itong nahihiya.

"Hindi ako yun! Tangena nito, oo! Hindi talaga ako yun, clone ko yun."

"Magdedeny ka na ngayon? Matapos mong i-deny ang kaibigan ko noong nakaraang linggo, ngayon ako naman."

"Hindi. Wag kang maniwala sa kanila miss. Virgin pa talaga ako. Sinisiraan lang nila ako. Ano, wag mo ng pakinggan. Tara kain tayo, libre ko."

Hinatak na nya si Shineya na nagpipigil pa rin ng tawa. Sumunod naman ang apat na parehong natatawa. Samantalang naiwan naman ang mga kaklase na sinundan lang sila ng tingin. Bakas sa mukha ang pag-alala para kay Shineya at ang iba naman ay nakasimangot.

Nakarating na sila sa HQ nila at mabilis na binitawan ni Shinji ang kamay ni Shineya. Sinarado naman ng iba ang pinto.

"Tangina! Ano yun Shineya?!"

Humagalpak ng tawa si Shineya at umupo sa couch. Nahampas pa ang inuupuan nito habang patuloy pa rin sa pagtawa.

"Bakit ganun?! Anong pinanggagawa ng clone namin na di namin alam?!"

Edited

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top