(Edited) Fifteen

Shai's Point of View

"Tsk! Taxi na nga lang tayo." Sabi ni Shin. Sumang-ayon naman ang iba samantalang si Hiro hindi. "Ayoko. Mahal ang meter. Wala na akong pera."

"Ay ang kuripot ni Kuya."

"Kapag nag taxi tayo malalaman niya kung saan talaga tayo pupunta. Isuplong pa tayo sa mga pulis." Lahat kami tumango sa sinabi ni Hiro. Sabagay may tama rin siya.

Matapos naming mapagpasyahan na gagamit kami ng sasakyan namin ay lumakad ako sa kaliwang parte at kasabay ang pag lagay ko ng kanang kamay sa wall. Mabagal akong naglakad hanggang sa nahinto ako sa gitnang parte ng hall way. May napansin kasi ako sa paa ko. Parang may minagnet bigla ang sout kong boots. Kaya naman unti unti kong pinasunod ng paa ko ang pinagmulan ng magnet na yun. Hanggang sa huminto ito sa edge ng floor at wall na nasa kanan ko lang. Tinadyakan ko ito ng mahina.

Biglang parang may nabukas na garahe ang tunog. Napatingin ako sa kaliwang parte. Ang buong kulay puti na kwarto ay unti unting nagdidisappear kasabay ang paglitaw ng mga iba't ibang uri ng sasakyan.

Napapalakpak pa ng wala sa oras si Shine at sobrang lapad ng ngiti.

"Oh shit! Isang Ford Mustang LX 5.0 na kulay yellow!" Akmang lalapitan sana ito ni Shinji ng pigilan sya ni Shiki.

"Wag muna Shinji. Alam naming dream car mo yan. Pero wag muna." Sabi ni Shiki.

Bakit?

Humakbang si Shin ng tatlong beses saka huminto at kinatok ang kawalan. "Tss. This is just a trick. May glass ito. Hoy babae, pindotin mo nga ang switch nito." Sabi nya ng hindi ako nilingon. Bumalik lang ito sa pwesto nya kanina at namulsa. Kahit naguguluhan ay ginalaw ko yung kanang kamay ko at pinindot ang wall nito as if namang may switch dito na---

Napatigil ako sa hiyaw ni Shine.

"Teka! Yung dream car kooo!"

Nilingon ko sila. Bakit? Kasi hindi ko alam kung anong nangyari basta ang naabutan ko ay unti unting tumaas ang glass kasama ang mga sasakyan sa loob. T-teka! Paano nangyari Yun?!

Ngayon puro black nalang ang makikita namin.

"Pindotin mo pa babae." Again, pinindot ko naman yung wall. Wala naman akong nakita switch ah, pero bakit nagkaganito?

Matapos kong pindotin iyon, umilaw yung pinakadulo, at tinapatan ang isang sasakyan.

"Woah! Forza Harizon 2, 'to di ba? Shin?" Sabi ni Shine.

"Pindutin mo pa." Sinunod ko naman ang sinabi nya. At sa ikalawang pagkakataon, umilaw din ito at may sasakyan din.

"Mercedes-Benz R63 AMG." Si Hiro na napaayos ng tayo at tinitigan ang nasabing sasakyan.

Pinindot ko ulit at ganun lang din yung nangyari, hanggang pang lima.

"Ngayon, anong gagamitin natin?" Tanong ko sa kanila.

"Forza Harizon 2, Mercedes-Benz R63 AMG , Chevrolet Camaro ZL1 , Porsche 911 Turbo S , or Gran Turismo 6?" Dugtong din ni Hiro.

"Gran Turismo. Mas okay yun, kasya lang tayo." Si Shin.

"Ako na ang magmamaneho." Nakangiting alok ni Shiki.

"T-teka, saan ba tayo dadaan nito Shia?"

"Oh wait, tatawagan ko muna si kuya. Di ko rin alam e." Nagpeace sign pa ako sa kanila.

Shine's Point of View

Ang astig talaga ng bahay nila Shai! Ang dami naman atang sekreto ang bahay nila. At mas lalong astig yung mga gumawa at nagdesign nito. Yung tita at pinsan nya! Sana makilala ko sila balang araw?

"Oh tapos kuya?" Sabi ni Shai sa kausap nyang pinsan nya. Umiikot ikot kasi si Shai ng tatlong beses saka huminto. "Okay salamat kuya." Nakangiting sabi ni Shai at binaba na yung phone nya saka naman tumalon ng pagkalakas.

Nang lumanding si Shai sa sahig ay biglang may malaking tunog kaming narinig. "Ganun kalakas ang landing mo Shai?!" Si Shiki na nagulat.

"Hindi. Tunog yun ng may bumukas." Saka kami napatingin sa paligid.

Unti unting tumaas ang wall sa kaliwang parte namin. Hanggang sa lumiwanag ito ng sobrang silaw.

"Pumasok na tayo sa sasakyan."

Napag-alaman din naming tunnel pala ang dinadaanan namin palabas.

After 20 minutes.

"U-uy! Teka! Diba dito yung daan papuntang SRP?" Napangiti ako sa sinabi ni Shai. Nga naman, ang mga gangster lang pala ang nakakaalam sa lugar na para sa mga katulad namin. "Black Society ang kalaban natin Shai. At ang lugar na tinutukoy nila, hindi yung totoong lugar dito." Kumunot ang noo ni Shai sa sinabi ko.

Matapos ang kalahating oras ay muli kaming dumaan sa isa pang tunnel. "Nandito na tayo." Bumaba naman kaming lahat saka nagsalita si Shai. "Saan tayo?"

"South Road Property. Property of Black Society." Napatingin kami sa likuran namin at tiningnan yung nagsalita.

"Akala ko di na kayo dadating, weaklings." Sabi ng King nila. "Ano, ready?" Nakangising pahabol nya.

Lahat kami nagbuntong hininga saka ko narinig ang mahinang bulong ni Shai. "Totoo na ba talaga 'to?" Inakbayan naman siya ni Shinji na nasa magkabilang gilid namin. "Don't worry, we're here."

Edited

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top