(Edited) Epilogue

"I.AM.NOT.YOUR.FUCKING.PRINCESS!" Nagkatinginan ang lahat dahil sa mariing sigaw nito. Umayos na din sila ng tayo.

"Princess, calm down."

"Don't call me that dirty name!" Dahil sa sinabi ng dalaga ay muling natigilan ang lahat. Hindi nila alam na inaayawan pala ito ni Shineya, ang tawaging Prinsesa at maging Prinsesa.

"Pri-Shineya, huminahon ka muna. Magpapaliwanag ako. Kami."

Hinawakan ng asawa ang kamay ni Mayumi dahil nagsimula na itong manginig. Nasasaktan sya sa inasta ng dalaga. Hindi nya aakalain na hindi pala nya matatanggap na sya ang Prinsesa. Pero wala na syang magawa, hindi na nya mababago ang kapalaran nya. Lalo pa't sya ang dahilan ng lahat ng 'to.

"Pag-uusapan natin ang iyong nakaraan, pero huwag dito."

Yumuko saglit si Mayumi sa harap ng table na yari sa glass at parang may inis-scan sa ere nito. Pagkatapos nun, ay lumitaw ang hologram na computer. Pinindot nya ang nag-iisang red botton at kaagad nag-iba ang boung sala.

Malawak na lugar at kailan man ay di pa napupuntahan ni Shineya. Nakaharap silang lahat kay Shineya at sa gitna nila ay ang hologram na mapa ng boung daigdaig na lumulutang.

May pinindot ulit si Mayumi at umikot ang mapa pabaliktad. Habang umiikot, nagfafade ang kulay nito at naging sepia, makaluma kumbaga, hudyat labg na bumabalik ito sa nakaraan.

"Long years ago, ipinanganak ang nag-iisang anak ng hari at reyna ng bansang Europa. Ipinangalanan nila itong Princess Aushantaé Olivía Iszabél Shigh-ang ate ko at ina mo."

Pumalibot na din ang ilan at matyagang nakatingin sa boung mapa. Tahimik lang na nakikinig si Shineya sa tita nya.

"Ampon lamang ako ng hari at reyna nang malaman nilang hindi na sila magkakaanak pang muli. Actually, lima lahat kaming ampon. Dalawang babae, at kambal na lalaki."

Saka nito tiningnan si Kaname. Napatingin din ang binata sa kanya at napangiti ng matamlay. Naalala naman nya ang nakaraan nya. Ang digmaang pangyayari labing-anim na taon na ang nakalipas kung saan namatay ang kanyang magulang. Ang ina nyang pinakamamahal, ang kapatid ni Mayumi.

"Later on, nagpakasal din sya sa isang prinsipe. Ang prinsipe na nagmumula pa sa kontinenteng Asya, sa bansang Tsina. Nagkakilala sila noong maglakbay ang prinsipe doon sa Europa."

"Lumipas ang limang taon at saka lamang ito nabuntis at sa panahon din na yun ay ang pagkawala ng kanyang mga magulang."

"Nawala sila King at Queen, at hindi namin alam kung anong nangyari sa kanila at saan sila nagpunta. Pinahanap namin sila, at ang Reyna lang ang natagpuan. Wala din syang alam kung saan ang Hari kasi nagkahiwahiwalay din sila ng landas."

"Wala bang nakakaalam sa kung anuman ang nangyari sa kanila? Walang naglakas loob na alamin? Pati ang prinsesa?"

Di mapigilang tanong ng dalaga. Kwento lang kasi ng kwento ang tiyahin pero wala namang sinabing kung ano talaga ang nangyari sa kanila at bigla nalang itong nawala.

Lihim na napangiti si Mayumi. Alam na nya na ganito ang magiging unang tanong ng dalaga kaya pinaghandaan na nya. Napatingin din ang iba sa kanila na may pagtataka. Bakas sa mukha ng mga nakababata sa kanila na naghihintay din ito ng kasagutan, ngunit ang mga may edad na, lalo na ang asawa nito ay nakakunot noo itong nakatingin sa kanya.

"Nalinlang sila. May nakapagsabi kasi sa kanilang may mangyayari sa magiging apo nila kapag di sila pumayag sa kasunduan na gagawin nila. At ang tao sa likod ng lahat ng yun ay walang iba kundi ang isa sa kambal. Nalaman kasi nilang halos 60% ng lahat ng kayamanan at ari-arian ng mga Royals ay sa Prinsesa mapupunta, which is, nararapat naman kasi siya lang ang tunay."

"Nang bumalik ang reyna, galit na galit ito sa kambal, at pinalayas.'

"Kabuwanan na nya iyon, at muli na namang bumalik ang kambal na parehong may maitim na mithiin. Hindi man sila sabay na umatake pero, maging sa bagay na yan, ay paunahan pa rin sila. Tinuring na magkakompitensya ang dalawa sa lahat ng bagay. Kaya dalawang araw din noon nang ipanganak ka, nangyari ang matinding labanan sa pagitan ng magkakapatid."

"Ang hangarin lang naman ang patayin kayong pareho. Pero napatay nga nila ang Prinsesa, hindi naman sila nagtagumpay na pati ikaw ay patayin. Dahil mabilis kang ipinatago sa akin ni Ate at sinabihang magpakalayo-layo. Doon din namatay si Athena, ang ina ni Kaname. Dahil hindi ko sya nagawang iligtas pa dahil sa oras din na yun ay lumipad na ako patungo dito. Kampante kasi ako noon kasi nandun ang Alliance Royalty, pero hindi ko alam kung paanong pati sila ay nalinlang din ng kalaban."

"Ang nakakainis lang sa part na yun, ay ang sinabi ni ate sa huling hininga nya. You will avenge her death at ikaw rin daw ang magdadala ng kaayosan sa mundo, mundo ng mga mafia, assassins, at lahat ng klase ng mundo, kabilang na dito ang mundo ng mga tao."

"Kaya simula din sa araw na yun ang paghahanap nila sa 'yo. Ang Prinsesa ng lahat."

Nagbuntong hininga si Shineya habang nakatingin pa rin sa mapa. Nanatili naman ang mga tingin ni Mayumi sa kanya ngunit kitang kita nya ang pagtiim bagang ng kanyang asawa at pagkaraay bumuntong hininga din at umiwas ng tingin sabay yuko.

Bumabalik na din sa dating anyo ang mapa. Maya maya pa, bigla itong kumulog. At limang segundo lang ay may lumabas na video. Footage. Nakapaskil ang petsa sa baba kung kailan ito nangyari.

Kusa naman itong nag play at lahat ng kuha ay sa ibat't ibang parte mundo. Magkatulad ang mga taong umaatake sa kanila. Ngunit hindi nila ito pinapatay kundi ay pinaparusahan lang at pinalaya, ang iba ay iniwan na lamang basta basta. Makalipas ang isang linggo, nagmistulang zombie na ito kung kumilos pero hindi naman mukhang zombie. O mas maiging tawaging robot.

"Human robot."

"Our world now Shineya is currently in chaos. Maraming hindi pumayag sa kagustuhan ng nakakataas sa kanila kasi nawawala na daw ang kaayusan nilang mamuhay ng walang nagdidikta. Ngunit may iba ring walang alam sa mga pangyayari at mithiin ng may gawa which is ang ating kalaban, kaya pumayag sila."

"They are now taking advantage sa kanilang pagiging inosente."

"1/4 of the population sa boung mundo ang nagiging kasapi na nila."

Sunod sunod na sabi ni Mayumi, sa asawa nito, si Kaname, Raine, at ang kapatid din ng asawa ni Mayumi. Ang ilan pang mga tauhan ay tahimik lang na nakikinig at minsan ay sumasabat din pag may masasabi lalong lalo na sa nangyayari ngayon sa mundo. Sila kasi ang naatasang magbantay at magmasid dito.

"Mapapatigil mo lang ito kung lalabas ka bilang isang Prinsesa at harapin ang kalaban." Seryosong sabi ni Mayumi na napatingin kay Shineya sa kanya.

"Pwede ko naman silang harapin na ganito ah?"

"No. You can't." Napataas ang isang kilay ni Shineya. Di nya mapigilang maisip na hinahamon lang sya ng tiyahan o minamaliit lang ba ang kakayahan nya.

"Yes, I can."

"Unless, you will wake that sleeping soul in you. And that is being a Princess." Napairap si Shineya. Naartehan na sya at nababaduyan. Hindi nya rin lubos maintindihan kung bakit may kailangan pang gisingin sa kaloob-looban nya.

"How?"

"Accomplishing your missions. And that would be." Lumabas sa hologram ang limang miyembro ng Uncrowned Royals.

"Them. You only need to bring them back to their respective country. Dahil sa oras na 'to, naglalakbay na sa iba't ibang karatig bansa ang mga kalaban upang gawin ang masamang balak nila."

"And after that, pwede mo nang harapin ang nakakataas nila."

***

"Okay, I am in."

Napangiti ang lahat dahil sa sinabi ng dalaga at ang iba ay nakaramdam ng matinding saya. Pero nawala din ito kaagad ng muling magsalita si Shineya.

"But."

"I want things to be under on my control." Napangiting muli ang tiyahin maging ang mga katabi nito.

"As you wish dear, after all it's all your decisions to be followed."

"Great." Ngumiti ang dalaga at saka nag teleport. Kanya kanyang alis na din ang iba pa hanggang ang asawa nalang nito at si Mayumi ang naiwan.

Nakatingin lang si Mayumi sa umiikot na mapa. Malungkot itong nakatitig sa kawalan. Maya maya pa, biglang lumitaw ang isang malaking analog clock.

"I'm afraid she might fail."

"Shh don't be. Trust her. She can do it." Napatingin sya sa asawa nya na nakatingin na din sa kanya ngayon.

"You lied to her. You lied about the story of her parents. The real story. Alam mo namang hindi talaga yun ang totoong nangyayari at hin-

"I know. I know. It's just that, I trusted my instinct very much. I needed to tell a lie for a cause. I needed it for her to be more triggered and prepared. Kahit pa hindi ko pa alam kung saan hahantung ang pagsisinungaling ko."

"I needed it para mas lalong ipaalala sa kanya na hindi lang isa ang katauhan na dala nya. Kundi marami. Kailangang lumabas din iyon lahat para mapalabas din nya ang katauhan ng Prinsesa. Ang Prinsesa Sa Lahat Ng Bagay."

"Ang hirap maging katulad nya ano?"

"Yeah, and that makes her special."

*** the end ***

Edited

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top