(Edited) Eleven
Third Person's Point of View
"King, bukas pupunta ang 'unknown' gang sa 'mess world' kung saan may maraming bata ang nanduduon." Agad nitong sabi pagkapasok sa HQ ng Black Society gang.
"Ano namang gagawin nila dun?" Nagtatakang tanong ng isang may mahabang buhok na lalaki.
"Ang bobo mo talaga Ryu, palibhasa puro babae inaatupag e. Malamang mamimigay ng goods." Ani Ji.
"Aba! Aba! Nagsalita ang hindi babaero. Kung tutuusin, mas ka pa nga sa akin e." Binato niya ng unan ang huli.
"Malamang gwapo e."
"Pogi pa nga pwet ko sayo e. Hangin nito."
"RYU! JI! TUMIGIL KAYO! ANG PAPANGIT NYO!" Sigaw ni Sec sa dalawa.
"Sec, punta tayong mess world bukas." Biglang saad ng pinuno nila dahilan oar umangal ang dalawa.
"Teka! Teka naman King, di kami sama?"
"Oo nga, kayo lang?"
"Bawal pangit dun."
Shai's Point of View
May usapan pala kami nila Shine ngayon. 7:00 am yung usapan at late ako ng 30 minutes! Lagot ako nito!
Pagdating ko sa HQ nila, agad naman ako sinalubong ng sobrang samang tingin. Sino pa ba? Edi kay Shin.
"Sorry late ako! Napasarap kasi tulog ko e." Sabi ko kaagad sa kanila.
"Halata nga. May muta ka pa oh." Bigla akong napakusot ng mata. Natatawang Shine ang lumapit sa akin. "Shai, wag mo nlang pansinin yang isang yan. Meron yan ngayon. Ano tara na? Oy boys! Sunod nalang kayo sa kotse ah?"
Pumasok na kami sa sasakyan at ilang minuto pa sumunod na din yung apat. Oh? Kala ko ba di sasama si Shin?
"Nagmilagro ."
"Pinilit namin yan, pati na rin si Hiro." Sabi ni Shinji sabay sarado ng pinto. Si Shiki naman ang nagmaneho.
After 45 minutes, nakarating na din kami sa mess world. Agad naman nag silapitan ang mga bata pagkakita nilang may mga dala kami.
"Mga bata! Nandito na ulit si Ate Shai!" Nagsitakbuhan naman ang iba sa pag tawag nila kay Budoy. Pina pila muna namin sila at binigyan ng mga nirerepact naming pagkain.
Pagkatapos nilang kumain pinahinga muna namin sila ng 10 minutes saka naglalaro kami ng mga indigenous games.
Maya maya pa nagkayayaang magpahinga at kumain muna. Tumayo ako at lumapit sa sasakyan.
Kinuha ko dun ang isang karton ng mga laruan. May isang karton din ng mga teddy bears na binigay ng mga ka schoolmates ko sa akin na balak ko sanang buhatin din kaso dumating si Shin at siya na nag-alok na bumuhat.
Tuwang tuwa sila sa mga natanggap nila. 1:30 na kami nagpasyang umuwi pero bago yun, sabay sabay naman kaming nagtanghalian dun kasama ang mga bata.
"Haaaayy!! Sarap pala ng feeling ng may matutulungan ka no?" Sabi ni Shine pagka upo nya sa sasakyan.
"Oo nga, mas masarap palang tumulong sa mga nangangailangan, kesa sa pambabae." Ani Shinji.
"So pano yan, titigil ka na sa pambabae mo?" Nakangiting tanong ni Shiki habang nagsi-seatbelt.
"Pag-iisipan ko pa." Sabay ngumiti ito ng nakakaloko. "Loko ka talaga Shinji. Tara na nga." Binatukan naman sya ni Shine. Natawa na lang ako.
"May paparating." Biglang sabi ni Shin.
May humintong itim na sasakyan sa harap ng sasakyan namin. Lumabas ang dalawang poging lalaki.
"Shit! Anong ginagawa nila dito?" mahinang bulong ng katabi ko.
"Mukhang alam na nila ang nangyari." Sabi din ni Hiro.
Ako po'y naguguluhan kung sino ba talaga sila at kung ano ang kailangan nila. Kaya naman, umepal nalang ako.
"Sila ang Black Society gang, Shai." Sagot ni Shiki sa naging tanong ko.
So, sila pala ang gang na yan? 10th gang? Bakit ba mukha silang bad guy? Ganito ba talaga dapat itsura nila? Yung may nakakatakot na aura? Pero mas takot talaga ako kay mommy.
Biglang lumabas ang kambal kaya naman na-alerto ako. Baka kung anong mangyari. Lagot tayo dyan!
Medyo narinig ko ng kaunti ang usapan nila. Dahil mukhang galit yung lalaking naka itim na matangkad.
"We want the newbie." Saka ito tumalikod at umalis.
"They challenge us sa isang racing. Dahil na rin daw sa ginawa natin sa underlings nila." Sabi agad ni Shine nang makaupo.
"But." Lahat kami napatingin kay Shin.
"They want the newbie." Saka lahat naman sila napatingin sa akin? Oh my God! Seryoso? Te-teka! "Ba't a-ako? Bakit hindi kayo?" Tinuro ko pa ang sarili ko. Seryoso ba talaga?
"Kung hindi ka lang sana lumabas ng sasakyan at tumuntong sa ibabaw pa nito, di ka sana nila makita. Kaya ayan ang napala mo. I've heard, madaya daw ang Black Society Gang in terms of racing." Yun na ata ang pinaka mahaba na sinabi Shin.
Pero gusto ko lang naman sila tulungan e. Tsk! Ayan kasi Shai! Masyado kang paki-alamira. So, paano na yan? Anong rason mo kay Tita at pinsan mo?
"Kelan daw yun Shin." Tanong ni Hiro.
"Bukas. 4:30 pm. South Road Property." Sagot ni Shine.
"Cebu?!" Oh my God! Ang layo dun! Anong i-excuse ko sa kanila?
Third Person's Point of View
"Yow! I've heard may racing daw si King bukas, sa Cebu at sya ang kalaban."
Sabi nito sa kabilang linya sabay tinapon ang yose sa sahig saka ito tinapakan.
"Great. Kailangan maghanda na tayo. Ibalita mo na rin kay boss ang nalaman mo."
Ngumisi siya ng malawak dahil sa naisip. "Malamang matutuwa si boss pag nalaman nya 'to."
Edited
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top