(Edited) Eight
Shai's Point of View
"Shit! Nasundan tayo!" Lumingon kami kaagad sa likuran namin dahil sa sinabi ni Shiki.
Naku! Lagot tayo dyan! Bakit ba nila kami sinusundan?
"Mukhang ikaw yata ang sadya nila babae." Ani Shin na may problema yata sa pangalan ko, ayaw nya kasing banggitin.
"May nagawa ka ba sa kanila Shai?" Seryosong tanong ng kambal niya sa akin. Nagkibit balikat ako. As far as I know, walang nakakilala sa akin. "Wala naman. Di ko nga rin alam e. Kahapon nga muntik pa akong ma-rape." Kibit balikat kong sabi.
Nagulat ako sa biglang pag hawak ni Shine sa akin. "What!? Bakit di mo man lang sinabi? Bakit--
"Shit! Naglabas na sila ng baril!" Bulalas ni Shinji. Nagpapanic na ata siya. Siya kasi ang naatasang magmaneho.
Bumunot naman sila ng kanya kanya nilang baril. Ibaba sana nila ang bintana nang pigilan ko. "'Wag. 'Wag nyong ituloy yan." At dahil sa sinabi ko, nakatanggap na naman ako ng death glare mula kay Shin. Hinayaan ko nalang.
"Nababaliw ka na ba? Babarilin nila tayo. Kaya kailangan natin silang unahan." Kunot noong puna nya sa akin. Mukhang ako yata ang pagbuntunan nya ng inis. Hindi naman pala nag-isip 'tong isang ito e. Napailing ako sa naisip.
"No. Di nyo ba napansin, nakatutok na sa atin ang kanilang mga armas? At kapag binaba nyo ang bintana dyan, paniguradong magpapaputok na sila na hindi pa naman kayo nakakabaril sa kanila." Kahit hindi ako tumingin sa likuran ko, ganun nga ang nangyari. Nakatutok sa amin ang kanilang mga armas.
"Tama si Shai, Shin." Sang ayon ng kambal niya sa turan ko. "Ano na dapat nating gawin?" Natatarantang tanong ni Shiki na halatang hindi alam ang gagawin. Sabagay, sino ba namang hindi magpapanic, sya yung may dala ng sasakyan. Ibig sabihin, nakasalalay sa kanya ang buhay ng mga nasa loob.
"Stay still." Kalmanti kong tugon. "WHAT?!" Pahisteryang sigaw nila. Sa ganitong pangyayari dapat kalma ka at hayaan ang sariling mag-isip ng lusot.
"Baliw ka na ba talaga?" Bakit ba lagi nalang galit 'tong si Shin sa akin? Again, hindi ko binigyang pansin ang mga sinasabi niya.
"Pretend that we don't know that they're following." Napailing siya sa pahayag ko. Hindi ata makapaniwala. Well, gagana 'tong plano ko, I'm sure of it.
"Pretend? E halos kakalabitin na nga nila yung armas nila oh." Maging si Shinji ay naiinis na din sa mga pinagsasabi ko. C'mon guys, kapag sinabi ko, all you have to do is to believe me. Gusto ko sanang sabihin kaso, tinatamad ang isipan kong patulan sila.
"Kaya nga. May maliit na iskinita dyan sa unahan, 20 meters away from here. All you need to do is, go full speed while you're on a zigzag lane. And when I say GO, kabigin mo ang manibela pakanan ng limang beses." Ginawa naman ni Shiki yun kahit halatang nag-aalanganin sya.
"Are you nuts!?" As usual, salubong na kilay at naiinis na mukha ang namayani sa boung pagkatao ni Shin. Bahala ka na nga. "Stupid." Bulong niya.
"Now, GO!" Pagkasabing pagkasabi ko nun, agad naman nyang ginawa kasabay ng pagpapaputok ng mga baril sa likuran.
Tumagilid yung sasakyan namin at halatang hindi nila inaasahan yun kaya nawalan sila ng balanse. "Just stay still Shiki." Paalala ko, muntik na naman kasi syang magpanic. Kaso pag nagpanic sya, paniguradong matatrap kami dito sa iskinitang ito.
Pansin ko ring lumagpas yung nakasunod sa amin gawa na rin ng mabilis nilang pagpapatakbo.
"Now, turn the wheel to the left." Agad naman nya itong sinunod at sakto ring nakalabas kami sa maliit na iskinitang 'yun.
Malalakas ang daing nila sa biglang pag untog ng ulo sa roof ng sasakyan. Agad din namang huminto si Shiki.
"Tangina! Magdahan dahan nga kayo dyan!" Napatingin ako kay Hiro na ngayo'y gising na.
"What the!" Ani Shinji na mukhang hindi pa yata nakabawi. Malakas na tili ang nagpalingon ko sa katabi ko. "Ang cool nun Shai! Galing mo! Saan mo natutunan yun ha? Paturo naman dyan!" Ngiting ngiti nyang sambit.
"Teka, what happen?" Ang clueless na si Hirong laging tulog. "May bumuntot sa atin, at balak pa sana tayong barilin." Si Shinji na ang sumagot dahil tahimik pa rin sina Shiki sa unahan. Bakit nga ba sila natahimik?
Dumapo bigla ang mga mata ko sa kanila at tama nga ang hinuha ko. Recognition was seen all over there faces. Oh crap!
"Pare, wala ka bang naalala?" Biglang tanong ni Shinji kay Shiki. "Ako meron." Si Shin ang sumagot. Lagot tayo dyan. Bistado na ba ako?
"Umamin ka nga babae. Ikaw yung nagmaneho nung sasakyan na nakalaban namin noong nakaraang araw, di ba?" Malamig nyang tanong. Puno ng inis ang boses. Halatang nagulat din sila dahil sa naging tanong ni Shin.
Sasagot ba ako? Ano na? Naman kasi ikaw e, padalos-dalos ka. Ayan tuloy.
"Magdaldalan lang ba talaga kayo dyan? Tingnan nyo nga ang paligid nyo! Tangina kayo!" Sabi nga nila, wag biruin ang bagong gising. Kaso itong si Hiro, biglang nagising, kaya di na ako magtataka kung magagalit 'to.
"Shit!" Magkasabay nilang bulalas.
Natakot tuloy ako. Kasi naman, sobrang dami ng mga kalaban na nasa labas. Tapos may bitbit pa silang mga weapons.
"Teretoryo 'to ng mga underlings ng Black Society gang, the 10th rank in the world of gangsters." Pagbibigay alam ni Hiro.
"Mukhang mapapalaban tayo dito Leader ah." Mahinang sabi ni Shinji sa kay Shin na sobrang talim na ang tingin sa akin.
"Shai, marunong ka bang makipaglaban?" Seryosong tanong ni Shine sa akin. Hindi agad ako nakasagot. Mukhang nagets naman niya ang nasa isip ko. Pag-alinlangan. Marunong ako pero hindi ko lang alam kung may panama ba ako sa mga gangsters na 'to.
"Okay, dito ka lang ha? Wag kang lalabas hanggat hindi pa kami tapos." Tumango nalang ako sa sinabi ni Shine. At saka sila lumabas.
Kakayanin kaya nila yang lahat na yan? Ang dami kaya nila, mahigit kumulang nasa isang daan silang lahat. Kasali na doon ang mga nasa likod ng malaking pader na yan. Alam kong may mga gangsters din sa likod dyan. And I bet, may iba pa ring mga gangsters ang nasa paligid na nakapalibot lang din sa amin. Hindi ko kaya yun!
After 20 minutes, wala pa sa kalahati ang napatumba nila at alam kong sugatan na din sila. At batid kong yung ibang mga gangsters na nunuod lang ay anytime sasali sila sa laban. Tapos kailangan ko ng umuwi, gumagabi na rin kasi. Baka mapagalitan ako ni Tita. Ano kayang idadahilan ko pag-uwi ngayon? Naman oh, bakit ba kasi may sumusunod sa amin?
Nagulat ako ng may kumalampag sa bintana ng sasakyan. Si Shin pala. Mukhang nahihirapan na din sya.
Halos mauubos na nila ang mga kalaban kanina pero imbes na pakonti ng pakonti ang mga ito, dumami pa ito ng kalahati. Mukhang nagtawag ng back-up ah.
Hindi maaari 'to! Hindi pwedeng manunuod lang ako dito sa loob! Samantalang yung mga kaibigan ko nakikipaglabanan ng dahil sa akin!
Edited
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top