Third Entry: CLOSET

SHIFTED SERIES: CLOSET written by hannanusman
BTS ONE-SHOT COMPILATION
[A Min Yoongi One-shot]
© 2017 CT All Rights Reserved
Fan Fiction/ Fantasy

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

Finished: September 17, 2017
Published: October 13, 2017 (Happy birthday, my bebi guwapo! I wish you know that it's only you in my heart. I wish you know how thankful I am to God for your very, very awesome and beautiful existence. I love you! #happyjiminday)

The third installment of Shifted Series

*

I was shifted to you 'cause I needed you.



Nagkatinginan kami ng kambal kong si Hanni nang magsimula nang tumalikod si Cielo paharap sa puting dingding dito sa living room ng bahay para magbilang. Nang magbato-bato pick kami kanina kung sino ang magiging taya ay siya ang natalo kaya siya ang taya.

Panigurado, kapag nandito sina Mommy at Daddy, sesermunan na naman kaming dalawa ni Hanni dahil ang tatanda namin pero pambata pa rin ang nilalaro namin. Ngayon na lang ulit kasi nakadalaw rito si Cielo kahit na ilang blocks lang naman mula rito sa bahay ang bahay nila dahil sa sobrang busy niya sa school.

My twin and I were both homeschooled. Last year na nga namin ngayong taon sa highschool samantalang second year college na si Cielo. Well, he was twenty-one at seventeen kami pareho ni Hanni. Cielo was our childhood friend.

Sabay rin kaming napahagikgik ng kambal ko dahil panigurado, parehong kalokohan na naman ang tumatakbo sa mga isipan namin.

"Just a few reminder, sa loob lang ng bahay kayo pwede magtago ah! And no cheating!" ani Cielo habang nakatalikod, by all means, he must have known that we always cheated on him.

"Twenty counts, Cielo. Masyadong malaki ang bahay para makahanap kami agad ng pagtataguan!" natatawang sabi ng kambal ko. She kindly lent her hand for me which I luckily accepted 'cause I put my hand on hers as we both went to the grand staircase and ran upstairs.

Sa puntong iyon, alam kong may hint na si Cielo na sa itaas kami magtatago.

"Tagu-taguan maliwanag ang buwan—"

"It's morning, Cielo!" Saglit kaming huminto ni Hanni sa kalagitnaan ng hagdan para lang isigaw niya iyon.

"Oh, just hide, Hanya! I'll kiss you when I find you!" sigaw pabalik ni Cielo na nakapagpalaki ng mga mata namin pareho ni Hanni.

"Ako iyon, Cielo, hindi si Hanya! You're so obvious that you like my twin!" sigaw ni Hanni. Humigpit ang hawak niya sa akin bago kami magpatuloy sa pag-akyat.

"Shit, oo na!" inis na sigaw ni Cielo.

"You know she already likes someone else, Cielo! Mas guwapo sa'yo!" pang-aasar ni Hanni rito habang dahan-dahan kaming umaakyat sa hagdan. She was keeping Cielo from counting for us to have time.

"Who? Iyong koreyanong sa screen lang naman niya nakikita? Tss, mas posible naman ako kaysa roon!"

Inilingan ko agad si Hanni para mahinto na siya sa pang-aasar kay Cielo, lalo na at binabanggit na naman nila si Suga. Ayaw kong ikinumkumpara sa kahit kanino ang asukal na iyon. Iba siya. He might not be possible but I couldn't stop myself from liking him.

Normal iyon sa mga fan girls na gaya ko. Of course, Hanni knew about him. She was also a fan of BTS, ang grupong kinabibilangan ni Suga ngunit si Hoseok ang gusto niya sa mga ito.

We were twins, fraternal twin at that, magkahawig kami syempre dahil magkapatid kami pero hindi kami magkamukha hindi tulad ng normal na mga kambal na halos wala ng pagkakaiba sa isa't isa at super identical. Ang magkatulad lang sa amin ni Hanni ay ang mga boses namin.

She was minutes older than me so she was the eldest and I was the youngest since dalawa lang naman kaming magkapatid.

Narinig naming nag-uumpisa nang muling magbilang si Cielo. Mabilis kaming nagtungo sa isa sa mga kwarto sa right wing at agad na pumasok. It was her room. Kambal kami pero magkahiwalay kami ng kwarto. Mine was located at the left wing.

"Come on, Hanya, get inside my closet! Sa ilalim ng grand piano ako magtatago!" She immediately dragged me to the door of her walk-in closet, opened the door for me before she pushed me inside and closed the door.

Madilim sa loob ng closet ni Hanni dahil nakapatay ang ilaw, and I wasn't exactly fond of dark places. Kaso hindi ko naman pwedeng buksan ang ilaw dahil mahahalata ni Cielo na may tao sa loob. So kahit na bahagya ko lang na naaaninag ang paligid at kahit na nanginginig na ang mga tuhod ko sa takot ay gumapang ako patungo sa racks kung nasaan ang mga dresses ni Hanni.

Nagtungo ako sa gilid at nagsumiksik habang yakap ko ang mga tuhod ko. Pumikit ako at tahimik na inabala ang sarili ko ng ilang mga songs ng BTS na natatandaan ko ang lyrics.

I sang 21st Century Girl of BTS in my mind while waiting… waiting for what? Waiting for Cielo to find me? Was that why I was hiding? To get found?

"Hanya, where are you…?"

Kumalabog ang dibdib ko nang marinig ko ang malamyos ngunit nakakakilabot na boses ni Cielo. Pakiramdam ko nasa isa kaming suspense movie kung saan si Cielo ang killer at ako ang victim. That I had to hide very well just to not get caught by him or else, he would kill me.

Mabilis na binalot ng takot ang dibdib ko. Ayan ang napapala ko sa kapapanood ng mga suspense and thriller movies! Impluwensya sa akin ito ni Hanni e, siya kasi talaga itong mahilig akong hilain sa pag-mu-movie marathon niya ng mga ganoong palabas.

Sa aming dalawa ni Hanni, siya iyong malakas ang loob, siya iyong kayang-kaya iyong sarili samantalang ako iyong mahina, ako iyong palaging hinahanap-hanap siya maging ang mga magulang namin pareho. Ako iyong sakitin…

That was why we were homeschooling. Ako lang naman dapat ang kailangang i-homeschool, ang kaso ay ayaw akong iwan ni Hanni kaya hindi siya pumayag noong sinabi ng parents namin na mag-ha-highschool siya sa isang normal school at magpapatuloy akong homeschooled.

It was normal daw sa mga twins, at saka hindi naman ako nalulungkot na ako ang mahina sa amin dahil parati naman silang nasa tabi ko. Hanni loved me so much that she didn't want me getting hurt. Madalas siyang nagpaparaya para sa akin at mahal na mahal ko rin siya hindi lang dahil doon kung hindi dahil kambal ko siya.

Mas lalo kong isiniksik ang sarili ko sa gilid nang makarinig ako ng mga mararahas na yapak mula sa labas. Sinubukan kong aninagin ang kabuuan ng paligid kaso pakiramdam ko ay hihikain ako bigla.

I hardly clutched my chest because of the lack of air to breathe. Wala akong hika pero claustrophobic ako! Iyon ang dahilan kung bakit mas pinili ni Hanni na sa walk-in closet niya ako magtago at siya ang sa ilalim ng piano dahil mas maluwag ang closet niya!

Paulit-ulit kong hinampas ang dibdib ko habang mabilis at marahas na humihinga. Bakit bigla akong inaatake ng phobia ko gayong maluwag naman itong closet ni Hanni?!

"H-hanni…!" Sinubukan kong tawagin si Hanni pero walang hanging lumabas mula sa bibig ko. Nahihirapan na ako. Nararamdaman ko na rin ang pamumuo ng mga pawis sa noo pababa sa leeg ko. My other free hand fell on the ground but instead of touching the cold tiled floor of Hanni's closet, my hand landed on something soft and cottony…

Agad ring nanuot sa ilong ko ang hindi pamilyar ngunit napakatamis at nakakaakit na amoy panglalaki. Gusto ko pa sanang isipin kung kailan pa pinalagyan ni Hanni ng carpet ang closet niya at tipong napakalambot naman ng texture ng carpet kaso ay masyado nang naninikip ang dibdib ko.

Sinubukan kong gumapang patungo sa pinto ang kaso ay bigla akong nauntog sa kung ano gayong natatandaan kong maluwag ang closet ni Hanni at malayo ako sa pinto. I brought my hands on that something that I bumped into only to touch something like a wooden wall.

Oh my gosh, kung hindi pa ako makakalabas dito ay baka rito na ako mamatay! Cause of death, lost of air to breathe! Diagnosis, claustrophobic!

Kahit na nanghihina pa ako ay sinubukan kong i-angat ang isang kamay ko para hampasin ang dingding kasabay ng pag-a-attempt kong bigkasin ang pangalan ng kambal ko pero katulad kanina, walang hangin ang lumabas sa bibig ko.

So I just continued hitting the wooden wall, I did it many times until I felt my hand weakening, my breath hitching and my eyes falling, but before I could fall into the pit of a deep slumber, I saw the wall open as my eyes met a faint light, unfamiliar faint light, unfamiliar room arrangement and a familiar posture of someone so… so white.

Iminulat ko ang mga mata ko nang magbalik ako sa ulirat. I was met by an unfamiliar white ceiling, hindi ganito ang ceiling ng kuwarto ng kambal ko, may mga glow in the dark stickers ang light blue na kisame niya, at isang plain pink ceiling naman ang sa kuwarto ko.

Mag-pa-panic na sana ako kung hindi ko lang naisip na napakapamilyar ng ganitong senaryo para sa akin. Ganito ang palaging nangyayari sa tuwing inaatake ako ng phobia ko. I always found myself lying in a hospital bed, meeting the white ceiling of a private room in a hospital, and the smell of steel medicines—

My train of thought stopped. Though, that one thing failed, 'cause instead of smelling the familiar medicine smell of a hospital, I could smell a sweet and addictive manly scent. Para bang nasa ibang silid ako at hindi sa hospital—

"The sleeping beauty is awake…" A very familiar and stern voice disturbed my hardworking cerebrum. "Or you prefer me calling you sneaking beauty?" dagdag pa ng tinig sa nanunuyang tono.

Agad akong bumalikwas ng bangon at mabilis na lumingon-lingon para hanapin ang nagsalita para lang makaramdam muli ng panghihina nang makita ko ang lalaking gustong-gusto ko ngunit alam kong malabong mapasa-akin… dahil hindi lang siya basta ordinaryong lalaki.

Ang mga maliliit ngunit malalamig kung tumitig niyang mga mata ay nakatuon sa akin habang nakatayo siya sa may pinto at nakahalukipkip, bahagya siyang nakanguso kaya kitang-kita ko ang napakanipis at pulam-pulang labi niya. He was naturally so white but his fair complexion was more defined now with his black long sleeves shirt and denim ripped jeans.

He was wearing a pair of simple black sliders.

"Y-Yoongi…?"

Hindi lang ako ang nagulat sa pagbigkas ko ng pangalan niya dahil mukhang hindi niya rin inaasahan iyon. Nalaglag ang mga braso niyang nakapulot sa dibdib niya at nakangangang tinitigan ako.

I pursed my lips. Gusto ko pa sanang pagpantasyahan siya ang kaso ay kailangan kong malamang kung bakit siya nandito, hindi kaya ginamit na talaga ng mga magulang ko ang impluwensya nila at ipinadala na para sa akin si Suga dahil natakot sila sa kalagayan ko?

I mentally smiled thinking of how thoughtful they were. Hindi ko alam na gagawin nila iyon para sa akin…

"Yah, stop smiling, it's creepy!"

Pakiramdam ko nagkagulo ang mga insektong nasa loob ng tiyan ko nang bigla siyang sumigaw. Kunot na ang noo niya at diretso na ang linya ng mga labi niya. He looked pissed.

"Did you sober up? Are you now ready for my questions? Don't.move!" Dumiin ang tono ng boses niya sa huling pangugusap at tumalim din ang titig niya sa akin nang mag-attempt akong gumalaw.

Nagtaka ako sa sinabi niya. Questions? Anong mga tanong? Bakit kailangan kong maging handa sa mga tanong niya? At saka, hindi niya dapat ako tinititigan ng ganyan, hindi ba niya alam na mahina lang ang lagay ng puso ko at madali lang akong maapektuhan ng mga bagay-bagay! Lalo na sa hitsura niya ngayon, parang kakainin niya ako ng buhay.

Ang guwapo pa man din niya.

"Where's my twin? My parents?" Mas inuna ko ang gumugulo sa isipan ko.

"Why are you asking me about them?" inis niyang tanong pabalik.

"Then why are you here?" Kumunot ang noo ko.

"Why.are.you.here?!" He growled at me when I attempted to crawl down the bed again. Umigting ang panga niya. Mula rito sa malambot na kamang kinaroroonan ko ay nakikita ko ang mahigpit na pagsasara ng mga kamao niya.

Bakit ako ang tinatanong niya gayong siya itong bigla na lamang lumitaw rito?

Nakakapagtaka lang talagang nandito siya. That was why I was looking for my sister to get my confusion answered. Magpapasalamat ako sa mga magulang ko sa pagdadala kay Suga rito para sa akin kaso ay mukhang wala ring alam ang lalaking ito.

"Where am I anyway?" tanong ko rito. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng silid para kumuha ng hint kung nasaan ako. Pamilyar ang silid pero hindi ako sure kung saan ko nakita ang silid na ito.

Puting dingding ang pumapalibot sa silid, ang mga muwebles ay kulay itim, ang kabinet na nasa kanang bahagi ng silid at nakasandal sa dingding ay itim rin. Ang mga bedside table, ang lamp at ang comforter na nakatakip sa mga hita ko ay kulay itim.

Halatang lalaki ang may-ari ng silid. Wala rin akong nakikitang bintana. Nasaan ako? Bakit imbis na sa hospital o kaya sa kuwarto ko ako dalhin ay bakit nandito ako?

"Tss, is that your new trick? Crazy fans are really scary nowadays." He scoffed loudly. Muling pumulupot sa isa't isa ang mga braso niya sa harap ng dibdib niya at may panunuyang tinitigan ako.

Nalaglag ang panga ko saka marahang umiling. "I'm not a crazy fan," mahina kong sabi sa kawalan ng sasabihin kung paano ko ipagtatanggol ang sarili ko.

Alam kong weird na madalas kong iiyak sa mga magulang ko na gustong-gusto ko siya pero hindi ko kailanman hininging ibigay nila siya sa akin ng ganito, kasi alam ko namang nakalaan ko lang siyang magustuhan sa screen ng mga gadgets ko.

"Then how will you defend yourself when I caught you sneaking and hiding inside my closet?" tanong niya sabay turo sa itim na kabinet sa gilid.

Sinundan ko ng tingin ang itinuturo niya habang pinoproseso ko sa utak ko ang mga sinabi niya. Sinasabi ba niyang pumuslit ako at nagtago sa closet niya kaya ako nandito ngayon? Nababaliw na ba siya?

Una sa lahat, siya dapat ang tinatanong ko kung bakit nagising akong nandito sa silid na ito matapos akong maghikahos sa loob ng closet ng kambal ko kanina! Pangalawa, sinasabi ba niyang kuwarto niya ang silid na ito…?

"Did I what?" takang tanong ko. Muli kong pinasadahan ng tingin ang buong silid. Saka ko pa lang napansin ang ilang pamilyar na detalye. I had seen Yoongi's room from some of their videos… ah no, from their recent fiesta!

Ipinakita ng bawat miyembro ng BTS ang mga kuwarto nila sa BTS fiesta na naganap nitong huling selebrasyon nila ng kanilang fourth anniversary, that was why I came to recognize the room! That was why it was familiar!

"WHY AM I HERE?!" Mabilis akong nag-panic. Even my instinct immediately kicked in, tumalikod ako at agad na gumapang patungo sa ulunan ng kama bago ko maituon ang mga mata ko sa bedside table. I quickly rummaged through the things on top of the table looking for something that would prove me that this was real.

"YAH! WHAT ARE YOU DOING?!" Narinig kong sigaw niya pero hindi ko siya pinansin hanggang sa wala akong makitang kahit ano sa bedside table niya maliban lang sa mga librong nandoon.

Kasunod kong pinaki-alaman ang mga drawers na nandoon. This wasn't real. That man was not Min Yoongi. Imposibleng nasa SoKor ako at nasa kuwarto niya! Kalokohan! Anong ginagawa ko rito?! Paano akong napadpad dito?!

I opened the first drawer, luckily it wasn't locked, thought my face instantly heated up when crowd of black pieces in roll met my innocent eyes. Mabilis kong isinara ang drawer habang bumibilis ang paghinga ako.

His fans would seriously kill me if they found out I rummaged through his briefs!

My gosh, Hanya! At papatayin ka rin ng mga magulang mo pati ng kambal mo!

Bubuksan ko na sana ang ikalawang drawer nang may matipuno at matigas na braso ang marahas na pumalibot sa baywang ko at walang kahirap-hirap na inangat ako palayo sa bedside table at sa kama. His sweet and addictive scent, the same scent inside the closet, soothed my nose.

"OH MY GOSH!" Na-isigaw ko dahil sa bigla pero ang mas ikinagulat ko ay nang marahas niya akong binitiwan kaya malakas akong bumagsak sa sahig, kung hindi lang carpeted ang floor ay baka nasaktan na ako. Pero masakit pa rin iyon!

Nakita kong mabilis siyang nagtungo sa bedside table at inayos ang mga drawer saka niya ako nilingon. His eyes were raging in obvious anger.

"Get out! Get out or else I'll drag you out!" galit niyang sabi sa akin.

Just then… just then, I proved to myself that I wasn't in my illusion, this was real. That the rage I was seeing through his eyes were telling me that everything was real. And to give a very strong evidence, my heart was acting a witness.

An illusion would fail to cater such strong emotion, unless it was real. An illusion would fail to cause such pain and joy in my heart at the same time like this.

I then thought, did I call for him earlier when I was losing air to breathe? Did I ask for him? I… I did? So I was here because I called for him? To save me? But that was just impossible in any way I see!

"I SAID GET OUT!" malakas niyang sigaw sa akin saka niya pinutol ang distansya namin sa pamamagitan ng mabibilis at malalaking hakbang na para bang oras na makalapit siya sa akin ay walang pagdadalawang-isip niya akong sasaktan.

Would he really do that? Would Yoongi really do that?

Mariin akong pumikit at hinintay siyang makalapit sa akin. I would understand if he would hurt me right now 'cause maybe like me, he was just as confused. Malakas akong napasinok na ikinagulat ko. Ni hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

Matagal akong nakapikit at naghihintay sa gagawin niya ngunit walang dumating. I then opened my eyes and peaked at him only to see that he was just standing in front of me, his eyes gawking down at me. Compare to his raging eyes a while ago, his stares were now calm and tired.

I wiped my face and my eyes. Bumuntong hininga siya at lumuhod sa harap ko. He was now looking softly at me, as if afraid he might hurt me. And when he was like… I couldn't help but fall even more for him.

Only Min Yoongi could do this to me.

"I don't have time to mind a crazy fan now. I wouldn't want Seokjin to catch you here so just please, just leave silently." He begged in a very soft voice. Iniisip pa rin niyang isa akong baliw na fan.

"I… I don't know why I'm here, to be honest…" I purposely stopped. Naisip kong mas iisipin niya lang na isa akong baliw na fan kung sasabihin ko sa kaniyang nanggaling ako sa closet niya… sa closet lang talaga. At hindi ko na gugustuhin pang mas madumihan ang imahe ko sa utak niya.

Naguguluhan man ako sa mga nangyayari, masaya ako kasi nakita ko siya ng ganito kalapit.

"Yoongi!"

Nagkatinginan kaming dalawa nang makarinig kami ng sigaw mula sa labas ng pinto. Nakilala ko agad ang boses ng kagrupo niyang si Seokjin.

"Shit!" I heard him cuss and even before I could react, mabilis na dumausdos na sa ilalim ng mga hita ko ang isa niyang braso at ang isa naman ay sa likod ko. He effortlessly lifted me as he ran towards the front of his closet. Binuksan niya ang pinto at ipinatong ako sa palapag kung saan magulong nakatupi ang mga damit niya na para bang may nanggulo sa mga ito.

Ang pamilyar na matamis na amoy ay muling nanuot sa pang-amoy ko. So sweet and so addictive. So Yoongi scent.

"Hide here first just like how you hid here earlier, don't ever make a noise and stay put. I'll be back for you!" natatarantang sabi niya.

"Wait! You can't hide me he—" Bago ko pa man matapos ang sinasabi ko ay isinara na niya ang pinto ng closet niya at mabilis na nilamon ng dilim ang paningin ko. My heart raced upon the acknowledgement of the secluded and dark place.

Lumipad ang isang kamay ko sa dibdib ko nang magsimulang manikip ang dibdib ko habang ang isa kong kamay ay nakahanap ng makakapitan. I hardly clutched at the pileup of his folded clothes that were under me. Nagsisimula na ring bumilis ang paghinga ko para mas lumanghap pa hangin. Nararamdaman ko na rin ang pagpapawis ko at ang panunubig ng mga mata ko.

"HANYA! DAMN, HANYA?!"

As if being retrieved from dying, my breathing slowly went stable when I saw the light from an opened door and I also saw my sister running towards me. Nang makita niya ako sa isang gilid ay mabilis niyang tinawid ang distansya namin at lumuhod sa harap ko.

My eyes immediately adjusted from the darkness before I recognized the familiar interior of her walk-in closet. Her dresses in racks, her bags on their floors and her shoes. And the wide place…

"Hanya…" I saw how her lips quivered and how fear mirrored her eyes as she stared at me. She hugged me tightly. "What's happening? Why are you clutching your chest? Hindi ka ba makahinga? Hanya! Sumagot ka!" natataranta niyang sabi nang humiwalay siya sa akin.

Matagal akong nakatitig sa hitsura ng kambal ko… now that I was seeing her in front of me, this scared and very vivid, images of Yoongi in my mind immediately vanished. He wasn't real. What happened wasn't real. Dala lang marahil iyon ng malikot kong imahinasyon.

Hinawakan ni Hanni ang magkabilang braso ko at inalog-alog ako. "Hanya, sinumpong ka ba ng phobia mo?" tanong ni Hanni kaso wala na sa kaniya ang atensyon ko kung hindi sa bagay na mahigpit kong hawak.

Kunot ang noong nakatitig ako sa itim na T-shirt na hawak ko. I was sure, my sister didn't like clothes that was dark in color, so this wasn't hers. Dahan-dahan kong dinala sa ilong ko ang T-shirt para lang mapangiti nang maamoy ko ang pamilyar na amoy ni Yoongi.

Sweet and addictive scent. Now, I was confused again, and very… happy. Kasi alam ko, masyado mang malabo, hindi man kapani-paniwala, imposible, name it, I knew it happened. What happened was real. I really did meet Yoongi, not in my illusion, but in a very unconventional and phenomenal crazy reality.

I clutched his shirt in my chest as I smiled, widely.

"Hey, why are you smiling? You're so creepy!" saway sa akin ng kambal ko.

Creepy. Like what happened earlier. Masyado mang creepy ang nangyaring iyon, nagpapasalamat pa rin ako, hindi niya lang ako niligtas kanina… nakita at nahawakan ko pa siya.

And that was exactly how Yoongi described my smile earlier.

Creepy.

The end.
*
Property of Hannan Usman
All Rights Reserved 2017.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top