Sixth Entry: MIRROR
SHIFTED SERIES: MIRROR written by hannanusman
BTS ONE-SHOT COMPILATION
[A Kim Taehyung One-shot]
© 2017 CT All Rights Reserved
Fan Fiction / Fantasy
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.
Finished: September 23, 2017
Published: October 25, 2017
The sixth installment of Shifted Series.
*
I was shifted to you 'cause I longed for you.
Matapos kong i-click ang panibagong kanta ng BTS na DNA sa Spotify ay agad ko ring hinagis ang phone ko sa kama kasabay nang pagpapailanlang ng tugtugin sa buong silid ko. Konektado ang phone ko sa Bluetooth speaker ko na nasa bedside table, kulay itim iyon at kasing hugis ng digital clock kong nasa bedside table rin.
Nasulyapan ko pa ang mga numerong nasa digital clock.
20:12 PM. Alas-otso na so probably, alas-nuwebe na sa Seoul. Mayroon silang pre-recording ngayon sa SBS kaya panigurado nag-ri-ready na ang mga iyon. Kadalasan mga between nine and ten nag-uumpisa ang broadcast kapag hindi live at since hindi naman live broadcast ang schedule nila ngayon baka nga ten pa ang start.
Being an administrator of one of BTS biggest fan pages in the Philippines gave me the privilege of knowing their schedules, their activities and how their day would run. Kung minsan nga ay nabibigyan din kaming mga admins ng recognition from them as they read our mentions… pero hanggang doon lang.
I had long accepted that I could only fan girl about them. I could only message them my love, show them my support and share their honor, because as a fan, only that I could do.
Kahit na sobrang dami ko pang gustong gawin para sa kanila, para sa kaniya ay hanggang doon na lang talaga ang puwede. Dahil unang-una, malayo sila at malayo ako sa kanila. Pangalawa, masyado silang mataas para maabot ng isang tulad ko. At pangatlo, the unspoken rule that every fan was aware of.
Both the Idols and the fan knew that rule actually, as if there was just an unwritten agreement that a fan would only be a fan, and an Idol would always be an Idol. That we could only dream of them 'cause a fan would never be good enough for an Idol.
Sad truth. Harsh reality. Realest thing.
Once you knew to yourself that you were a fan, that was the dead-end of your Oppa-be-my-husband dream.
Habang tumutugtog ang kantang DNA ay nagtungo na ako palapit sa vanity mirror ko kung saan ako naka-upo kanina.
Naroon sa flat surface nakapatong ang bukas kong laptop kasama ang mga ilang kagamitang pampaganda ko, my assorted hair ponies and different style hairpins, my headbands, my hairbrushes, my black pouch wherein I stored my cosmetics and different bottles of perfume, mostly were Victoria Secret.
Nasulyapan ko pa ang repleksiyon ko sa salamin bago ko itinuon ang atensyon ko sa pinagkaka-abalahan ko kanina sa laptop ko ngunit pinagtaasan ko muna ng isang kilay ang magandang babaeng nakatitig pabalik sa akin sa salamin.
That was Shari, of course, beauty at your service!
Napapalakpak ako nang makitang marami ng comments at retweets ang pinost kong picture sa BTS fan page na kinabibilangan ko sa Twitter. Some ARMYs already knew me, walang palya kasi ang paglalagay ko ng nickname ko sa tuwing mag-po-post ako plus I often spoiled them with my well, beautiful pictures.
Admin Shari. They knew me as Admin Shari.
'admin Shari, whats ur personal account again?'
'OMG, admin Shari, youre back!'
'thats their new mv right?'
'shocks, the mv shookt me!'
'admin Shari, Taehyung was so cool in their new mv!'
Ilan lang iyan sa mga nabasa kong comments.
I could only say sorry to those people asking for my personal account 'cause I was not giving it. I was a very private person, personally. I maybe interacted with my co-fans but only through the pages I was operating. And as for the last comment, I typed in a reply.
'ikr! he low-key gave me heartattack again, uhg! - admin Shari'
Nagsimula na rin akong mag-retweet ng ilang mga post na tungkol siyempre sa mga kasalukuyang nagaganap sa BTS ngayon. The boys were too busy with their left and right come back shows, broadcasts and interviews.
Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa repleksiyon ko sa salamin at ina-ayos ang cropped bangs ko na kakagupit ko lang noong nakaraang linggo dahil sa panibagong hairstyle ni Taehyung. I always changed something in my hair every time he would change his hairstyle.
It became a tradition for me.
Muli akong bumalik sa pag-ba-browse sa Twitter. I had also watched meme videos made by fans. Gustong-gusto kong nanonood ng mga ganoon dahil tuwang-tuwa ako, taking up in dork personality of BTS. Minsan nga ay hindi ako makapaniwalang nagagawa nilang maging seryoso at super hot, almost unrecognisable from their funny videos to their music videos up to their on stage performances.
Para bang halos lahat sila ay may pare-parehong split personality at nagkakasundo pareho.
Makakalimutan ko ba naman kung sino sa kanila ang may pinakamalalang mental disorder?
Ugh, Kim Taehyung!
Sobrang weird man niyang mag-isip at kumilos, hindi ko pa rin mai-di-deny na gustong-gusto ko siya. I was willing to install an advanced high technology chip into my brain just to be able to cope up with the way his mind ran.
Masaya rin akong nag-comment sa ilang mga videos at photos na sobrang naka-agaw ng pansin ko. Busy ako sa pag-la-like nang may lumitaw na mensahe sa profile ko, sa mismong personal account ko sa Twitter na bukod sa mga kakilala ko ay alam din ng mga co-admins ko.
'admin Shari, stop liking other posts using the page. We are being flooded. - admin Allison'
I rolled my eyes as I typed a reply. Insecure na naman ang babaeng ito sa akin dahil parating mas maraming feedbacks ang mga posts ko kumpara sa kaniya. Kapwa admin ko siya. Hindi naman siya ang head admin kaya hindi niya dapat ako sinasabihan.
Walang ngang say si head admin e!
'The better! Our page needs a boost! Always needs a boost! Kailangan ko rin namang makipag-interact sa iba! - admin Shari'
Aba, palaban yata ako, 'no!
Alam ko namang naiinggit lang siya dahil hindi directed sa kaniya ang mga notifications na dumadating sa page. Para sa akin lahat. Hindi ko siya pinakiki-alaman sa mga activities niya rito sa page so she should leave me alone.
I again received an another message from her.
'Natatabunan ang ilang mas mahalagang notifs! Nag-iisip ka ba? Huwag mo kasing pairalin ang pagiging famewhore mo!'
I gasped, disbelievingly. Hindi ako makapaniwala! Tinawag niya akong famewhore!
Kasalanan ko bang mas responsive ang mga posts ko kaysa sa kaniya? Kasalanan ko bang mas interesting ang mga topics ko? Famewhore na ba tawag doon?
I harshly maneuvered my fingers towards the keys to type an another reply.
'Mahahalagang notifs ba'kamo? You mean, your useless notifications? Huwag mong pansinin ang mga notifs na para sa akin! Mind yours—ah, sabagay, wala pa nga pala sa kalahati nung notifs na para sa akin ang mga notifs mo!'
Shocks. Na-stress ako! Nai-stress ako sa kawalan niya ng kuwenta. How could she say I was a famewhore if what I was doing was what was best for the page?
Inis na ginulo ko ang cropped bangs ko at marahas na ibinaling ang tingin sa salamin. Napansin kong nanunulis ang nguso ko sa sobrang pagkayamot. Salubong ang mga kilay ko at masama ang tingin sa sariling repleksyon.
Bumuntong-hininga ako upon seeing my poor reflection. "Maganda ka pa rin naman, Shari. Just don't stress yourself over nonsense people." Muntangang pagkausap ko sa repleksyon ko.
I also noticed that the song changed. I could no longer hear the familiar beat of BTS DNA, instead, I could hear an instrumental music, voices and loud thuds from somewhere.
"Hey! Stop staring at the mirror and move! Bangtan is coming!"
Halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang may sumagi sa inuupuan ko dahilan para mawala ang tingin ko sa salamin at lingunin ang kung sinuman… when it was so clear to me that I didn't have a sibling or anyone to disturb me inside my room.
Natigilan ako nang imbis na ang pamilyar na interior ng kuwarto ko ang makita ko ay iba ang bumungad sa akin, isang puting silid na puno ng mga abalang tao.
Silid na puno ng mga naglalakihang wall mirrors.
Ibinalik ko ang tingin ko sa harap ko para hanapin ang natural na setup ng vanity mirror ko, para hanapin ang mga gamit ko maging ang laptop ko pero hindi ko na sila makita! Ang tanging nakikita lang ng mga mata ko ay ang malaking salamin na halos sinakop na ang buong dingding, puting countertop na mukhang built-in na sa dingding, puno ito ng ilang kagamitang pampaganda.
I could see brands all over. I was not a girl for nothing.
At ang repleksyon ko, maging ng mga abalang tao.
Where the hell I am?! I was just in my room a while ago, busy browsing on Twitter and well, fighting with Allison while sitting on my chair in front of my vanity mirror… where the hell I am?!
"Yah! Get moving!"
Muli akong napa-igtad nang may sumagi na naman sa inuupuan ko. I noticed myself sitting on a mono-bloc chair, far from my cushioned wooden chair in my room. Nilingon ko ang taong sumagi sa akin at nakita kong kunot ang noong nakatitig siya sa akin.
A blonde, possessing a pair of small eyes and very white girl was in front of me.
"Where's your ID? Put it on—omo, they're here!" Hindi na niya natapos ang sinasabi niya dahil natuon ang pansin niya sa kung saan habang nanlalaki ang mga mata niya. Mayamaya ay natatarantang tinapik niya ang balikat ko. "Attend to Taehyung! Faster! The show will start in twenty minutes!" Iyon lang at iniwan na niya ako.
Dahan-dahang nagtungo ang tingin ko sa direksyong tinungo niya habang naguguluhan sa pangalang binigkas niya. Hindi ako puwedeng magkamali, binigkas niya ang pangalan ni Taehyung. At ang mas nakapagpagulo sa isipan ko at nakapagpabohol ng tibok ng puso ko ay nang makita ko ang pitong lalaking… noon pa lang ay tinitingala at hinahangaan ko na.
They were walking into the room with their casual attires while they were with their individual assistants.
Nakilala ko rin agad ang isang matangkad na lalaking kasunod nila na agad binigyang galang ng lahat, their manager.
I couldn't believe at what I was seeing! I was seeing them very real! I was seeing BTS! Each and everyone of them! In flesh!
Agad na hinanap ng mga mata ko si Taehyung. Ang lalaking willing akong magpakabaliw magtugma lamang ang takbo ng mga utak namin. He had his current hair color, silver gray, bagsak na bagsak ang may kahabaan na niyang buhok na natatakpan ng bahagya ang mga tainga niya. Nakasuot siya ng brown thin long sleeves polo na paniguradong Gucci and a brown sweatpants. Ipinares niya ang mga iyon sa isang simpleng brown sliders, I bet Gucci rin.
Kung titingnan, masyadong unmatched sa isa't isa ang mga damit niya pero dahil si Kim Taehyung siya, ang lalaking puno ng weird acts, bagay na bagay sa kaniya ang suot niya.
I bet, designers would flock on how he matched his clothes tonight.
That was just a casual wear at that!
Nakita ko ang babaeng kuma-usap sa akin kanina na nasa isang mesa at mukhang hinahanda ang ilang cosmetics stuff.
Seriously, what was happening?! Gusto ko ang nakikita ko. Gusto kong malinaw kong nakikita ang BTS, in this near perimeter, pero… this felt so unreal! Ito iyong moment na nasa harap mo na pero hindi mo pa rin mapaniwalaan kasi masyadong imposible! At hindi naman talaga ito totoo! This was maybe just a prank! O mas maiging sabihing panaginip.
"Hey…"
My train of thoughts got interrupted when someone from behind me spoke while tugging at the hem of my plaid shirt. Sobrang hina at banayad lang ng boses ng kung sinumang iyon.
Nawala sa babae ang tingin ko at tiningnan ang kinaroroonan ng BTS pero tanging ang puting pinto na lang ang nakita ko. Nang ilibot ko ang paningin ko ay nakita kong nasa kani-kanilang makeup artists na ang bawat miyembro ng BTS at naka-upo sa harap ng countertop at ng salamin, well, except for one.
I even saw the girl attending to Jungkook. Hinanap ko ang isa pang miyembro ng BTS na nawawala.
"Yah…" Once again, someone tugged at my shirt.
Nilingon ko ito. My heart automatically leaped as I instantly stepped backward seeing the one missing member of BTS, staring up at me while pouting. Nakapatong ang baba niya sa likod ng palad niyang nakahawak sa tuktok ng sandalan ng mono-bloc chair na inuupuan niya na siyang inuupuan ko kanina. Ang mga malalalim niyang mga mata ay nakatitig sa akin.
"T-Taehyung!" Kusang lumabas sa bibig ko ang pangalan niya.
He blinked several times, and my heart was palpitating abnormally while he was doing that! Hindi pa nakatulong na nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa inosente at malambot niyang titig.
"I'm waiting for my makeup," nakanguso niyang sabi, totally unaware of the effect he was giving me. His eyes never leaving my eyes. Those hooded eyes he possessed that I was only having through my dreams.
Pinangarap kong matitigan ng mga matang iyon. And now that he was staring at me like that, I just wanted to surrender and give all of me to him.
"Yah, you only have fifteen minutes before the shoot starts," muli niyang sabi.
Gusto kong isipin na hindi ako ang kinakausap niya, na hindi niya ako nakikita pero malinaw na nakatitig sa akin ang mga mata niya. I could ironically see my own reflection through his lenses. And what made it more real was when I felt his hand gripping my right wrist with an MK watch as he dragged me in front of him just near the countertop.
Nasulyapan ko pa sa relong nasa pulupulsuhan ko ang oras, 8:49, hango pa sa Philippines time ito.
"Start now," aniya saka nguso sa mga makeup stuff na nasa countertop bago niya nakapikit na inilahad sa akin ang mukha niya.
Gusto kong magprotesta nang iwan ng kamay niya ang pulupulsuhan ko. Touch me again! Prove me how real you are! Prove me how real are all these!
Nakuha ko ang gusto niyang sabihin.
Gusto niyang make up-an ko siya. Gusto niyang simulan ko na ang pag-a-apply ng makeup sa kaniya, kaya kahit gusto ko pang titigan ang makinis niyang mukha, 'cause damn, just all about his face were all well-created, itinuon ko na lang ang atensyon ko sa mga gamit na nasa mesa.
Napalunok ako nang bumalik sa kaniya ang tingin ko habang mahigpit kong hawak ang cream na kakulay ng balat niya.
Shari, ilang beses mo bang kina-inggitan ang mga babaeng makeup artists nila? You even trained yourself through online makeup tutors 'cause you want to be his makeup artist and finally, you're here! You're so lucky, Sharifa!
And damn, his chocolate scent wasn't calming my insides. Ang bango-bango niya!
Gusto ko pa ring isiping nababaliw na ako para magkaroon ng ganito katotoong ilusyon pero iyong amoy niya… it could only attest on how real were all these.
Nanginginig ang mga kamay na sinimulan ko nang i-apply ang cream sa mukha niya.
I had learned enough. Madalas akong kunin na makeup artist ng mga events organizers. Plus, I also often got invited to some cosmetics launching event to have a review online. At kahit kailan hindi pa ako nanginig ng ganito!
"You okay?" Halos mabitawan ko ang foam na hawak ko nang buksan niya ang isang mata niya para silipin ako.
"Y-Yes," I barely uttered.
He smiled, his natural rectangular and teeth-out smile while his eyes were still closed. How could he really ask me that question if he was hear in front of me, in a near perimeter and I was just doing his makeup?!
Nang matapos ko siyang apply-an ng cream ay sinunod ko ang foundation. Napalunok ako nang pinipili ko na ang kulay na ilalagay ko sa mga mata niya. Those small hooded eyes. Hindi ko alam kung ilang beses na akong napapalunok, basta ginawa ko na lang ang lahat para mapagkasya ang limang minuto para sa makeup at hairstyle niya.
Hawak ang point thin brush, nilagyan ko ng pink na lipstick ang mga labi niyang naka-awang. Para bang alam na alam niyang iyon na ang susunod kong gagawin. Nahinto ako sa pag-ba-brush nang hawakan niya ang wrist ko, this time, iyong kaliwa naman dahil iyon ang gamit ko sa pag-ba-brush since I was a left-handed.
"I could feel you shaking, what's wrong?" he asked, in a soft yet natural deep voice.
I gaped my mouth as I watched his pink luscious lips gaping while his talking, though his eyes remained closed.
"N-Nothing." Binawi ko ang kamay ko sa kaniya at ipinagpatuloy ang pag-a-apply ng lipstick sa kaniya. I was almost done when I sprayed his silver gray hair. Bahagya kong hinahawi sa gitna ang buhok niya para hindi matabunan ang noo niya.
"Y-You're done," sabi ko nang matapos ko siyang ayusan habang bahagyang uma-atras mula sa kaniya.
Unti-unti niyang dinilat ang mga mata niya at muling sinalubong ang mga mata ko. Now that his eyes were beautifully shaded, they looked more defined and deep. Hindi ako makapaniwalang ako ang may gawa noon. I did his makeup!
"Wait here. I'll just dress up, hm," aniya nang tumayo siya at malapad na ngumiti sa akin, muli na namang ibinabalandra sa akin ang rectangular smile niya.
I gripped on the hair brush that I was holding to control myself, my insides rather from cheering. Gusto ko na lang na huwag nang matapos ito, na huwag na akong bumalik sa bahay, dito na lang sana ako, kasama siya.
Ganoon nga ang ginawa niya. He changed into his guesting outfit, that was within just a very short time since ilang minuto na lang ay lalabas na sila. Isang puting T-shirt ang isinuot niya na pinatungan niya ng itim na coat, itim na tingin ko ay loose pants at itim ding shoes.
Palapit siya sa akin habang hawak ang isang itim na bandana, more likely, a scarf. Nang tuluyan siyang makalapit ay inilahad niya ang bandana sa akin. Nagtatakang tiningnan ko lang iyon kaya ngumuso siya.
"Put this on my forehead," utos niya.
Napatango ako nang maintindihan ko ang gusto niyang sabihin.
Bumalik siyang muli sa upuan niya kanina habang pumupuwesto naman ako sa likod niya para itali sa noo niya hanggang sa batok ang bandana, leaving some strands of his messy hair down and covering the sides of the bandana. Nang matapos ay nakita ko siyang nakangiting nakatitig sa akin sa repleksiyon ko sa salamin habang pinaglalaruan niya ang phone niya na para bang may ginawa siyang hindi maganda.
"Sorry," he playfully said as he casually stood up and left since they were already being called to the stage, I even smelled his chocolate scent as he walked past beside me.
Nakangangang ibinalik ko ang repleksiyon ko sa salamin habang naguguluhang kung bakit siya nag-sorry… ito na nga ba ang sinasabi ko.
Our minds didn't cross. He was just too weird—advanced!
Kumunot ang noo ko nang marinig kong muli ang DNA na kanta ng BTS at makita ko ang pamilyar na setup ng vanity mirror ko, ang laptop ko at ang mga gamit ko. And my flustered reflection on the mirror while I was standing behind my cushioned wooden chair!
I was back! Nasa kuwarto na ulit ako! Seriously, bakit ang bilis naman?!
Dinala ko ang mga kamay ko sa ilong ko para lang maamoy ang pamilyar na chocolate scent ni Taehyung na dulot malamang noong hinawakan ko ang bandana niya. Sign na totoo iyon. Nangyari iyon. Matagal akong napatitig sa mga palad ko… at this rate, I would want to keep my hands unwashed.
Nasa ganoon akong sitwasyon nang masulyapan ko ang paglabas ng sunod-sunod na notification sa Twitter page na nasa laptop ko. Umupo ako sa upuan ko at agad na nag-scroll down. Nagsisilabasan na ang mga pictures ng BTS sa pre-recording nila ngayong gabi kahit na hindi pa ngayon ang broadcast noon.
At hindi ako makapaniwalang ako ang gumawa ng makeup ni Taehyung, ako ang nagsuot sa kaniya ng bandanang nasa ulo niya… ako.
Damnation, Taehyung! What should I do with you?!
Hindi ko man maipaliwanag ang nangyari, magic ba ng science iyon o himala o whatever, ang mahalaga, nakasama ko si Taehyung kahit na sa kaunting oras lang.
Muling may lumabas na notification, in-ignore ko ang reply ni Allison sa huli kong message sa kaniya at binuksan ang panibagong notification.
It was a mention actually so I clicked it.
My heart hammered as it brought me to the profile of BTS, there was a new post there at sa mismong comment, naka-mention ang pangalan ng page with 'Admin Shari' dahil… dahil nandoon ako.
Taehyung posted a photo, 4 minutes ago.
It wasn't just a photo of him, not just a photo of his stuff or anything, it was a photo of him while I was doing his bandana, I was too focused on the photo while he was smiling widely giving it a caption like this…
'My favorite new makeup artist.'
Halatang kuha ang larawan sa repleksiyon ng salamin at kahit na sinong makakakita noon ay iisiping inaayusan ko si Taehyung sa picture.
I didn't know he was taking a photo of us earlier. That was why he was smiling at me while showing me his phone 'cause he just posted a photo of us on their account! One more thing, that was why he was sorry!
Kim Taehyung!
And in the comment…
'@btsatyourservice Admin Shari, ikaw ito diba?'
The End.
*
Property of Hannan Usman
All Rights Reserved 2017.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top