Seventh Entry: STAIRCASE

SHIFTED SERIES: STAIRCASE written by hannanusman
BTS ONE-SHOT COMPILATION
[A Jung Hoseok One-shot]
© 2017 CT All Rights Reserved
Fan Fiction / Fantasy

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

Finished: October 12, 2017
Published: November 27, 2017 (It was a while…)

The last installment of Shifted Series

*

I was shifted to you 'cause my young heart needed romance and you were shifted to me 'cause you were my romance.


Humihikab pa ako habang pababa ako ng hagdan dahil paggising ko kanina ay dumiretso lang ako sa banyo para maglabas ng liquid waste sa katawan. Ni hindi na ako nag-abalang maligo muna dahil sanay naman na ang mga kasambahay na nakikita akong magulo ang buhok at hindi naka-ayos.

I could hear loud noises coming from somewhere when I could clearly remember that both of my parents were still in Sydney for some business gathering and it was too early for my not so early bird of a twin brother to wake up, panigurado, humihilik pa ang isang iyon.

Earth would turn square if it happened.

"Good morning po, Miss Heira," bati sa akin ni yaya Mela nang dumaan siya sa harap ng hagdan habang hila-hila ang isang vacuum machine.

"Good…" Muli akong humikab. "Morning po," sagot ko hanggang sa maka-abot na ako sa pangatlong pinakahuling baitang ng hagdan. Napansin ko ang kintab ng puting marmol na sahig kaya hindi ko alam kung para saan pa ang pag-ba-vacuum niya, palagi niya iyang ginagawa tuwing umaga.

"The floor's clean po, yaya Mela," I told her, seeing the unnecessary cleaning. Masyado lang talaga siyang masipag. Madalas ko siyang nakikitang naglilinis pa rin kahit na sobrang linis na ng buong bahay. Sobrang kinis na nga ng wooden railings ng magkabilang staircase, they looked sleek and smooth.

"Ah, e kasi tapos na po akong maghanda ng almusal kaya wala na po akong ginagawa," aniya habang nagkakamot ng ulo, that also answered the delectable smell coming probably from the kitchen.

"You can rest po. Or sabayan niyo po akong mag-breakfast," sabi ko.

She was a new recruit maid and I could already see how hard working she was. Actually, she looked young for her age, base sa mga documents niya ay nineteen years old na siya.

"Ay hindi po pwede, Miss Heira," iling niya sa banayad na boses.

Nagtaas ako ng isang kilay. "At bakit?" takang tanong ko.

Sasagot pa sana siya nang makarinig na naman ako ng ingay at sigurado na akong sa kusina iyon nanggagaling. Ingay iyon ng sigawan at tawanan. Kumulubot na lang bigla ang mukha ko nang makilala ko ang boses ng walanghiya kong kambal.

"Gising na ang halimaw?" tanong ko kay yaya Mela. Dahan-dahan siyang yumuko habang tumatango bago tumalilis paalis sa harap ko tulak-tulak ang vacuum.

I scoffed loudly. Himalang gising na ang lalaking iyon! Una sa lahat, may sa bampira yun paggabi at inuumaga na ng tulog tuloy hapon na rin siya nagigising. Pangalawa, sino naman ang kasama niya sa kusina?

I stepped down the last steps of the staircase and marched towards the kitchen. Nasa hallway pa lang ako ay dinig na dinig ko na ang tawanan at ang amoy ng masarap na agahan, aroma of a freshly brewed coffee, sweet strawberry syrup and the butter topped pancakes plus the tomato scent of something.

"Did you see his face? Dude, he looked like a scared kitten!"

Kumunot ang noo ko. Sure, I knew that voice. Boses iyon ni Dylan, one of my twin brother's hell of a friend. At ano namang ginagawa niya rito sa bahay? Kay aga-aga?

"Served him right, Dyl. He dared to fvcking hit on my twin sister? Para malaman niya, hindi ang isang tulad niya ang nararapat para sa prinsesa ko!" And the so ever smug, thrasonic voice of my twin brother.

"You're too over protective, Ion. Hindi magkaka-boyfriend si Heira kung babakuranan mo siya ng ganyan." Came again an another familiar voice. Si Marcuz iyon, one again of my twin brother's hell of a friend.

Gusto kong hampasin ang pagmumukha ng kambal ko dahil may ginawa na naman siyang kalokohan. Paulit-ulit na lang talaga kami at hindi siya nadadala.

"That's what I'm up to. As long as possible, I don't want her dating men. If only I can lock her up in this house—"

"HYPERION!" tili ko dahil sa inis sa mga pinag-uusapan nila paglitaw ko sa kitchen. Nakita kong nasa hapag sila at pinagsasaluhan ang mga pagkain sa hapag habang nag-uusap.

Imbis na magulat ay nginisian ako ni Ion. "Good morning, mahal na prinsesa!" he greeted me as if he didn't do something again.

Sina Marcuz at Dylan ay gulat na napatingin sa akin, not really used of seeing me, maybe. Dahil kahit na kilala ko ang mga kaibigan ni Ion ay hindi ko naman nakakasama ang mga ito. Sa school ay may magkahiwalay kaming circle of friends ni Ion. And I would, I would never get along with his pest of friends, pest just like him.

"What did you do again?!" inis kong tanong habang padabog na naglakad ako palapit sa kinauupuan ng kapatid ko. I noticed them all wearing sporty clothes, even my brother was so handsome with his black fitted shirt and a faded denim tattered jeans. Hair was simply in a mess just like how it used to be.

Kung hindi ko lang siya kilala ay baka isipin kong lalabas lang silang tatlo at mag-bi-billiard sa paborito nilang billiard house. But I knew Ion, his weekends were for his harem of sluts, I didn't want to admit this but yes, my twin brother was a lothario, a philander, a casanova, a manwhore, anything you called a man who is always up to flirting several women… just damn, he had the face! And he was just sixteen!

"He-hey!" Mabilis siyang tumayo at lumayo sa akin. "Ang aga-aga, high blood ka! Wala akong ginagawa! Binati pa nga kita, 'di ba?" he told me, trying to sound as innocent as a lying jerk.

"I heard you! Sino na naman ba ang binugbog mo?!"

"Hey, I didn't say I beat him up! Binalaan ko lang siyang lumayo sa'yo!" Nakuha pang tumawa ng walang-hiya! Maging ang mga kaibigan niya ay nakitawa na rin sa kaniya.

"Sino nga?!" I exasperatedly asked.

"That shameless, ass, shitty douche of all douchebags!" he hissed, snickering in annoyance as if remembering in his mind something not so pleasing.

"HYPERION!" sigaw ko sa inis.

"Damn, stop shouting, Heira. Ayaw kong nakikita kang lumalapit doon sa Constantino Valorca na iyon, Heira, makikita mo. I can send you out of the country if I want to," banta niya sa akin. I knew that he was serious 'cause I could feel his growing rage towards all the men he had beaten up for me.

He even had all his friends warned about hitting on me. He was just too over-protective of me. Ni ayaw niyang may kinakausap akong lalaki. Kung kinakailangan nga ay palalagyan niya ako ng tracking device para lang masundan niya ang mga lakad ko.

"Will you stop it? Matanda na ako! What is it to you if I've got a boyfriend? I'm a normal hormonal teenager, Ion!" I screamed at him. Kung ituring niya ako ay animo ay isa akong limang taong gulang na bata na parating nangangailangan ng bantay!

"You're just sixteen, Heira. No boyfriend till you turned thirty." Umirap siya at tinalikuran na ako para bumalik sa upuan niya kanina habang laglag ang panga ko at hindi makapaniwalang pinanood ko lang siya. "And if you don't want me to beat the hell out of every guy who'll come near you, then learn to stray from them first." Dagdag pa niya.

He was a psychopath! Even our father wasn't that protective of me!

I pursed my lips tightly as I restricted a tear from falling off my pooling eyes. Mahigpit na bumilog ang mga kamao ko bago ako padabog na nagmartsa palabas ng kusina. I harshly wiped my face when a tear fell just as I marched along the hallway.

Alam kong bata pa ako. Hindi naman ako naghahangad ng murang pag-ibig e. I knew how to wait for the right time, right love and right person. I knew I was still too young for it. Pero bakit hindi niya ako magawang hayaang i-explore ang opposite sex?!

Siya lang ba ang may karapatan para sa ganoon? Hindi ko pinakiki-alaman ang pakikipagrelasyon niya! And right, I loved him so much that I would do whatever he told me! Damn, pero ang salbahe niya pa rin.

"Miss Heira, tapos na po kayong mag-almu—"

Nilagpasan ko ang kasambahay na nabungaran ko sa living room at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa grand staircase. Nang makarating ako ay mahigpit kong hinawakan ang dulo ng left railing ng hagdan gamit ang isang kamay habang ang isa ay ginamit ko para takpan ang bibig ko.

I sobbed silently. That psychopath! Wala akong magawa dahil bukod sa may takot ako sa walang hiyang iyon, takot ko lang din na baka totohanin niya ang banta niya sa aking ipapadala niya ako sa labas ng bansa.

I tightly held on the railing as I stepped up the staircase. Inalintana ko ang pamamasa ng magkabilang pisngi ko dahil sa mga luha ko. So much for him for ruining my day. Hindi pa nag-uumpisa ay gusto ko nang matapos ang araw na ito. Hindi ko siya pwedeng isumbong sa mga magulang ko dahil sang-ayon ang mga ito sa paghihigpit sa akin ni Ion.

Nasa kalagitnaan pa lang ako ng hagdan nang biglang dumilim ang paligid. Not so dark though 'cause I could still see things, I just needed to adjust my sight. Gusto kong isipin na baka brownout pero ang natural na lamig ng bentilador ng buong bahay ay nananatiling nanunuot sa balat ko.

"Y-Yaya Mela? Yaya Jodi? Is there a sudden short-circuit?" untag ko dahil paniguradong maririnig naman nila ako gayong nasa living room lang din si yaya Jodi. Mabilis akong nagpahid ng luha para mas aninagin pa ang paligid.

Walang sumagot sa akin. Nagpatuloy ako sa paghakbang paakyat sa mga natitira pang baitang ng hagdan. I felt bizarre upon the smell of an unfamiliar scent. Hindi ko na maamoy ang natural na bango ng bahay. Loud thumps and beats of something like loud music blaring from somewhere immediately met my ear.

"Ion!" I called for my brother, loud enough for him to hear me since he was at the kitchen. At bakit naman magpapatugtog ng ganito kaaga ang halimaw na iyon? He wasn't even fond of music!

Katulad kanina, wala rin akong nakuhang sagot mula sa kaniya. What the hell was wrong with them? May brownout ba?

I tried to widen my eyes just to see clearer but as I was just recognizing the unfamiliar surrounding, someone from behind me suddenly held my shoulders and hastily spun me around just as I felt my back being pressed onto something hard.

"Ouc—" The words got stuck down my throat when I felt something soft and wet crash down my lips, unfamiliar addictive and manly scent quickly invaded my nose, my instantly eyes meeting a pair of small and gorgeous deep chocolate eyes… despite the darkness.

First of all, before I thought of anything else, since when did our grand staircase have hard and lean wall when I could clearly remember it having opposite railings side by side?

I mentally gasped when I felt that someone pushing something to my closed lips, that washed away all of the questions circulating my mind. And I might be a minor, an underage, and a teen who was still unaware of adulterized doings but I was not stupid not to know that I was being kissed! At sa loob pa talaga ng pamamahay ko!

Who would dare?! Marcuz? Dylan? It was just between those two 'cause my twin brother would never kiss me on the lips!

Disgusting! Gross! Yuck!

"Open up…" Whispered by a not so familiar yet so husky voice. I could only imagine those adulterated movies I rarely watched due to my brother's strict guidance when that someone tried to push a tongue inside my guarded lips.

Imbis na sundin siya ay ipinagitan ko ang mga kamay ko sa amin kasabay nang malakas na pagtulak ko sa kaniya. My palms touching flatly his—undeniably, hard chest. He wasn't really pinning hard on me so I easily pushed him far from me.

Kung isa siya sa mga kaibigan ni Ion, pwes malalagot siya sa kapatid ko!

"Yah, didn't you miss me?" Came his needy confused voice.

What the hell?! Tinatanong ba ako ng lalaking ito kung na-miss ko siya? At bakit ko naman siya ma-mi-miss?!

Sinubukan kong aninagin ang mukha niya sa kabila ng dilim ng paligid. Just as I came to clearly see his unfamiliar handsome face, his forehead creased and his eyes narrowed at me. And just I was about to blurt out…

"WHO ARE YOU?!"

Inunahan na niya ako.

Just then, I had the chance to study his unfamiliar face. I was sure, he wasn't one of our gardeners, he was too handsome to be just one. I was also sure that he wasn't one of our security guards, far. Hindi rin siya isa sa mga drivers namin, hindi ko rin siya nakilala as one of Ion's friends dahil di hamak na mas guwapo ang lalaking ito kaysa sa mga iyon!

Matalim ko siyang tinitigan dahil iyon din ang gusto kong itanong sa kaniya. At napakalakas ng loob niyang itanong iyon sa akin matapos niya akong molestiyahin! He kissed me! Alam ba ng kung sinumang lalaking ito ang mga nangyayari sa mga lalaking lumalapit sa akin?

AT DITO PA TALAGA SA BAHAY KO?! Oras na isumbong ko siya kay Ion, malalagot siya! Hindi nga ako pinapahawakan niyon sa ibang lalaki… ang mahalikan pa kaya ako?

Ion would raise hell if this reached him!

"Sino ka?! Why are you here? How did you get in?!" sunod-sunod kong tanong sa estrangherong lalaking ang lakas ng loob na nakawan ako ng halik. Just how he did really get inside the house?! Was he a thief? A rapist? A stalker?!

Damn, what those guards were doing?!

Nakita ko kung paanong kumunot ang may perpektong kurba ng mga itim na itim niyang kilay. They were thick, neat and perfect. Hindi rin nakalagpas sa paningin ko ang mga magaganda niyang mata, pair of small chocolate deep eyes. Bagsak ang sa tingin ko ay sobrang lambot niyang buhok, despite the dim surrounding, I could see them shaded in pale red. Matangos ang ilong niya at mapupula ang mamasa-masang labi niya na kanina lang ay lumapastangan sa mga labi ko.

"YAH! I SHOULD ASK YOU THAT! WHO ARE YOU AND WHY ARE YOU HERE?!" he screamed at the top of his lungs, not really thinking that I was just a foot in front of him and he might break my eardrums. Plus, his mouth smelled like a plantation of flowers because of its good smell.

Nanlalaki ang mga matang napatakip ako sa magkabilang tainga ko dahil sa lakas ng boses niya. Hindi ako makapaniwala! Ako ang tinatanong niya samantalang siya itong nag-trespass sa pamamahay ko at bigla-bigla na lang nanghahalik!

JUST HOW DARE HIM?!

"For your information, Mister Kiss stealer, this is my hou—" Nahinto ako sa pagdadakdak nang mailibot ko ang ngayon ay nasasanay ng mga mata ko sa dilim. Kung kanina ay bahagya pa akong nahihirapang aninagin ang paligid, ngayon ay malinaw ko nang nakikita ang lahat.

Gone was the grand staircase of our house and I could only see a series of staircases both upward and downward. Looking ahead to my right side, I could see a closed door, that explained the hard wall I was leaning onto. Nasa gitna kami pareho ng hagdan.

This place looked like a fire-exit of a building…

Questions immediately rushed back to my now confused mind and I could only state one clear and very subtle question, where am I?

"Tss, maybe you're a fan, a crazy fan." The man in front of me, still a foot from me smirked.

"Nasaan a-ako?" Only that I could say. Sa gulo ng isip ko dala ng mga nakakabaliw na pangyayari, ang katanungang iyon lang ang siyang kayang ilabas ng utak ko. It would sum up all this. Masasagot nito ang lahat ng iba pang tanong na gumugulo sa isipan ko.

Was this somewhat a nightmare? Parang Nightmare on Elm Street movie? Ang lalaking ito ba ay parang si Freddie Krueger… only that this man was a hundred times handsome? Ganoon? Hindi pa rin ba ako nagigising? Tss. Now, I was getting crazy. Nightmare? Nightmare on Elm Street? Kasalanan ito ni Ion e! Siya ang nagpanood sa akin ng movie na iyon!

This wasn't a nightmare, I was sure of it. This man couldn't be Freddie Krueger, this could be just a… actually, I didn't know what was this.

Was fate now trying to mock my brother? Nandito ba ako para iparanas sa akin ang romance na ipinagkakait sa akin ni Ion? Pero bakit sa lalaking hindi ko kilala at sa lugar na hindi ko alam?!

"Now, you're cursing me…" Tumayo siya ng diretso at nameywang bago niya ako tinapunan ng matalim na tinging may kasamang pang-aarok. It was as if he was studying the whole of me. "Where's Misty? Did she send you here for me? Why didn't she come instead?" sunod-sunod niyang tanong.

Mas lalo lang niyang pinagulo ang takbo ng utak ko dahil sa mga pinagsasabi niya. Just who the hell was Misty? May panahon pa ba akong kilalanin ang taong iyon gayong hindi ko nga alam kung bakit ako nandito sa lugar na ito?

What exactly happened? I was just in the house earlier… how did I get here, exactly?!

Umayos din ako ng tayo. Gusto kong lumayo sa lalaking ito ngunit matigas at malapad na pader na ang sinasandalan ko. It was keeping me from straying further from him.

"Wala na akong panahon pa para kilalanin ang sinasabi mo! Where am I?!" inis kong sabi.

So why he was looking at me like he wanted to raise hell? Damn, I was ready to break hell!

Kumunot ang malapad at makinis niyang noo. "Yah, stop cursing me." He pouted. And now, he was pouting?! I couldn't believe him! May bipolar disorder ba ang lalaking ito?!

"I'm not cursing you!" I screamed. Mas napatunayan ko lang na wala ako sa bahay dahil imposibleng hindi pa rin lumilitaw ang walanghiya kong kambal gayong nagsisisigaw na ako rito.

Ion tended to always get paranoid when it came to me.

"And now you're shouting at me. Just tell me where is Misty and we're done. We are supposed to meet here, that girl really knows how to play a game with me. Tell me now and I'll apologize to you for kissing you, I mistook you as her actually." He comfortably dipped his hands inside his white jean's both pockets. Saka ko pa lang nabigyang pansin ang suot niya.

I mentally arched my brows. Not our driver, not our guard, not our gardener of course. With his white leather jacket that had silvers everywhere, black shirt beneath and tucked in his white jeans, revealing his expensive and intimidating black belt. He sure not looked like those… mas mukha siyang performer.

My mouth gaped as my eyes stared at that thing hanging on his left ear, a black mini-microphone that I was sure was connected to something hidden inside his clothes.

He was supposed to meet someone here. And that wasn't me, it must be his girlfriend. At siguro, dahil bigla na lang ako napadpad sa lugar na ito, at sa dilim ng paligid, inakala niyang ako ang girlfriend niya.

Wow… what was this? Was I into some fairy tale? Fantasy na ba ngayon ang buhay ko? Wow, way to go magical creatures! Note the sarcasm.

"I don't know what you're talking about. Just tell me where I am and we're done, but I won't forget that you harassed me earlier! Isusumbong kita kay Ion!" Tinapunan ko siya ng masamang tingin nang muli kong maalala na hinalikan niya ako kanina! It could be unintentional but still, he kissed me!

Hindi ko man maintindihan ang puno't dulo ng lahat ng ito, hindi naman akong pwedeng magpadala na lang! I still didn't know where exactly I was!

Bumuntong hininga siya at tinitigan ako na para bang ako na yata ang pinakanakakapagod na taong nakausap niya. Well, the feeling was mutual!

"Look, I did not harass you, I really thought you are Misty, you know. Plus, will you stop cursing me? You've been cursing." He frustratedly washed his hand on his handsome face. Well, that thing was undeniable.

I could say that he was a pervert, a kissing maniac at that but I couldn't also deny the fact that he had very detailed eyes, those very dark and thick eyelashes surrounding the outline.

Oh, Heira, enough of praising the maniac-kiss stealer! Isipin mo na lang na halos bugbugin na ni Ion ang kalahating porsyento ng mga kalalakihan sa school na nagpapakita ng interes sayo, tapos mahahalikan ka ng ganoon lang?! Think of what Ion will do to this man really if he finds out

But it was not as if I would get my first kiss back if Ion would know this?

"Fine, I'll calm down. Just tell me where I am," kalmado kong sinabi.

"You don't know where you are? Who really sent you here? Are you not an SBS staff?" sunod-sunod niyang tanong na wala na naman akong naintindihan.

"Just tell me the place!" I groaned. Bahagya siyang umatras. Hindi ko alam kung bakit parang pinitik ang dibdib ko sa ginawa niyang iyon. But then, I ignored it.

"SBS Building," he answered, staring at me confusedly.

"SBS…?" ulit ko habang inaalala kung may SBS bang establishment sa Pinas ang kaso ay kahit anong isip ko, dinadala ako ng isipan ko sa isang channel network na nakikita ko sa telebisyon… kung saan hindi naman mga Filipino ang nakikita.

"Yes," simpleng sagot niya habang tumatango-tango na para bang sapat na iyon para maintindihan ko siya.

"SBS…?" Mas lalo kong pinakunot ang noo ko para ipakita naman sa kaniyang naguguluhan ako.

He just sighed in defeat as he held my wrist and dragged me to the door. Pinihit niya pabukas ang pinto. Bright light then blinded me from the hallway, cold then crept my skin and people busy with their tracks filled my eyes as it adjusted from the light.

"Hey Hoseok! Your manager's been looking for you!" A cute petite girl, wearing a white polo and white jeans, holding a clipped papers saw us. Mukhang nagmamadali siya dahil saglit lang niyang nilingon ang kinaroroonan namin at nagpatuloy sa paglalakad.

"C'mon! They're looking for me already," anang lalaking nanghalik sa akin na mas hinigpitan pa ang hawak sa pulupulsuhan ko bago niya ako tuluyang hinila palabas ng pinto sa hallway.

Just then, another brighter light passed my eyes, new set of cold enveloped me as my eyes once again met a very familiar surrounding. Ang paghakbang ko ang naging dahilan ng kawalan ko ng balanse sa… hagdan ng bahay namin!

Hindi ko na nagawa pang kumpirmahin pa kung nasa bahay nga ako dahil sa isang matigas na bagay na pumulupot sa baywang ko para hindi ako tuluyang malaglag. My hand immediately found the right railings and gripped tight.

"Oh my gosh!" I screamed under my breath.

"I saved you…" Husky and firm voice fanning my nape from behind me.

Nanlaki ang mga mata ko. Napatayo ako ng tuwid at mabilis na kumawala sa kung sinuman—sa lalaking humalik sa akin kanina! Nasa harap ko siya, suot pa rin ang damit niya kanina at sobrang lapit ng guwapong mukha sa akin. His hand hanging loosely around my waist! Ang pinagkaiba lang… NASA BAHAY NA KAMI! FOR REAL!

Just… just what the hell happened? It was very clear to me the bright hallway and the busy people plus the girl who talked to him earlier! Paanong paglabas namin ng hallway ay napadpad kami rito sa bahay? Katulad na lang nang kung paanong pag-akyat ko rito sa hagdan kanina ay napadpad ako sa kaniya nang mag-black out?

Did I just get cursed? Again?!

"HEIRA!"

Pareho kaming napatalon sa gulat dahil sa dagundong na sigaw na iyon mula sa napakapamilyar na boses. Instantly, I remembered our position. Nakahawak sa waist ko ang lalaking ito at nasa baba si Ion!

"ION!" I screamed when out of the blue, the guy disappeared from my sight and I just found him laying on the ground at the end of the staircase and palming his bleeding side lips.

"WHO THE HELL ARE YOU?!" galit na sigaw ni Ion sa lalaki at akmang uundayang muli ng suntok nang mabilis akong tumakbo pababa at itinulak si Ion palayo sa lalaki.

"ION! Stop it, stop it, will you?! Wala siyang ginagawa!" sigaw ko kay Ion. Nasulyapan ko pa sina Marcus at Dylan na nakamasid lang sa amin ng may pagtataka. Lumuhod ako sa tabi ng lalaki at inalalayan siyang bumangon.

"Are you okay?" I asked him, though I was confused, I was confused of his existence, of what just happened, of all the weird things that happened, I still managed to ask if he was okay.

"Where am I?" Was all he said before his eyes found mine.

I saw so much confusion… the same confusion I was probably feeling earlier. Just then, I realized, we were switched. I got shifted to him before he got shifted to me.

Malabo. Hindi ko maintindihan. But I thought, that was how it was. And maybe yes, I was shifted to him earlier because I needed romance, my young heart needed romance and he was shifted back with me to show my brother that I was ready for it.

I was ready for love.

The end.
*
Property of Hannan Usman
All Rights Reserved 2017.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top