Fifth Entry: ROOFTOP

SHIFTED SERIES: ROOFTOP written by hannanusman
BTS ONE-SHOT COMPILATION
[A Jeon Jungkook One-shot]
© 2017 CT All Rights Reserved
Fan Fiction / Fantasy

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

Finished: September 20, 2017
Published: October 21, 2017

The fifth installment of Shifted Series

*

I was shifted to you 'cause of the constellation and you were shifted to me 'cause you're my constellation.



"You're my Vega…"

Napahagikgik ako habang binibigkas ko ang mga katagang binigkas ng lalaking bida para sa babaeng mahal nito sa nabasa kong fantasy book na 'The Dark Monarchy'. Kakatapos ko lang mabasa ang libro at tumatak sa isipan ko ang isa sa pinaka-nakakakilig na linya ni Night Arpheus para kay Crystal Demetria.

"You're my Vega…" Pag-uulit ko habang nakahiga rito sa kama ko at nakatingala sa transparent ceiling kung saan nakikita ko ang madilim ngunit asul na asul na langit na punong-puno ng mga kumikislap na butuin.

Nasa roof deck ako ng kuwarto ko, dito ako madalas tumambay dahil bukod sa malamig at nasisilayan ko ang magagandang bituin na nagkalat sa langit ay nakaka-iwas ako sa gulo at ingay sa baba. Nagsasagutan na naman kasi ang mga magulang ko.

"'Cause you brought light to my life." Pagpapatuloy ko, binibigkas pa rin ang mga linya ni Night Arpheus. It was my favorite line actually. Kinikilig kasi ako.

Kung si Demetria ang personal constellation ni Arpheus, ako kaya? Kailan ko kaya makikita ang constellation ng buhay ko? Puwede kaya akong maging katulad ni Demetria, puwede kaya akong maging constellation din ng isang tao?

Ngumuso ako saka inangat ang kamay ko. Natuon ang tingin ko sa alignment ng tatlong stars in a slanting line dahil mas kapansin-pansin sila. Bukod sa sila lang ang may pinakasimpleng constellation, sila din ang pinakamakinang sa lahat.

They were like a group of torches in a sea of fireflies. So beautiful.

I then dragged my point finger to the first star before tracing them diagonally downward to the last star. Hindi ako astrologist, at mas lalong wala akong alam sa studies about stars pero gusto kong nakawin ang pagkakataong ito para pangalanan ang grupo ng mga bituing iyon.

Nanatiling nakaturo ang kamay ko sa panghuling bituin. Iisang pangalan lang naman ang palaging nasa isip ko, nakatatak na kasi siya sa puso ko. I wanted him to be my own personal star constellation since he was just as brightest as those stars.

"From now on, you'll be called… Jungkook." Pagkausap ko sa tatlong bituin na nasa langit.

They all resembled the only man engraved in my heart. He was as brightest, yes, and just like those stars, he was just as unreachable. Sad truth. Dahil ang lalaking katulad niya ay masyadong makinang, masyadong mataas para sa isang katulad kong napaka-ordinaryong babae lang.

A fan, I might say.

Ibinaba ko ang kamay ko at bumangon, nag-indian sit ako sa gitna ng kama habang nag-iisip.

Kapag bumaba ako ng kuwarto ko ay paniguradong maririnig ko lang ang maingay na pagbabangayan ng mga magulang ko. Paniguradong maririnig ko na naman kung paano nila binabato ang isa't isa ng mga hinanakit nila, kung paanong nagsisisi silang pinakasalan nila ang isa't isa, at kung paanong pinagtitiisan nilang makasama ang isa't isa.

I was fed up.

Palagi na lang. Palagi na lang na tungkol sa mga nararamdaman nila ang iniisip nila. Na para bang sising-sisi sila sa pamilyang ito. Hindi man lang ba nila ako naisip? Hindi man lang ba nila inisip ang nararamdaman ko?

I even overheard them both agreeing into an annulment. Hindi ba sapat na anak nila ako para piliting nilang pakisamahan ang isa't isa? We were so happy before, pagtuntong ko ng highschool ay gumulo na ang lahat. Nasa grade eleven na ako ngayon and my parents' relationship had never been the same before.

It all just started when my father's addiction to casino went out of control. Madalas nilang pag-awayan iyon.

"Can you just take me? Bring me to your world, where I can escape this lifetime, where I can forget for a moment that my family is near to growing apart." Muli kong tiningala ang mga bituin sa langit. Kinausap ko ang constellation na pinangalanan kong Jungkook para ibsan ang lungkot na nasa puso ko.

Siyempre, sa tuwing nag-aaway sina Mommy at Daddy, palaging nauuwing naglalayas si Daddy at hindi natutulog dito sa bahay samantalang buong gabing umiiyak at nagpapakalasing si Mommy. And well, me? Wala akong magawa kung hindi ang panoorin lang siyang lunurin ang sarili sa alak. Gusto kong maawa sa Mommy ko, pero naiisip kong hindi niya nga magawang kaawaan ang sarili niya e.

"Or I'll just go to you myself. Dadalhin ko ang sarili ko sayo para takasan ang lahat ng ito," sabi kong kausapin pa rin ang Jungkook Constellation. Gumapang ako pababa ng kama. Natuon ang mga mata ko sa isang gilid ng silid kung nasaan ang metal stairs na madalas kong gamitin sa tuwing umaakyat ako ng rooftop.

Naglakad ako patungo roon at kinakaladkad ko na ito pagbalik ko sa may malapit sa kama. I positioned the metal staircase up the transparent ceiling. Nang maayos ko na ito ay umakyat na ako.

Come on, Shai, baka abutan ka ng Mommy mo. Tahimik kong pagkausap sa sarili ko kahit na alam kong abala na malamang si Mommy sa pamimili ng wine na iinumin sa mga oras na ito. She just didn't care bout me, they just didn't care about me.

Nang maabot ko ang pinakatuktok ng hagdan at nasa ibabaw ko na ang salaming kisame ay buong lakas kong itinulak pakanan ang kisame para bumukas ito. Agad na dumampi sa pisngi ko ang malamig at malakas na hampas ng panggabing hangin.

Humakbang pa ako paakyat hanggang sa ma-itapak ko na ang paa ko sa palapag ng rooftop bago ko inangat ng buong pwersa ang sarili ko palabas…

"AAAHH!" I loudly screamed when instead of stepping on the flat surface of the roof, my feet instantly slided on a smooth slanting surface together with my whole body and I could guarantee I would fall onto something hard… probably hard ground!

Wala akong matandaang pinabago ni Daddy ang bubong ng kuwarto ko! Kailan pa naging slanting tiled roof ang labas ng roof deck ko? I could clearly remember my mini-rooftop at where I always hung out when I was bored and when I just wanted to look up the bright stars! But it went missing! Pinaalis ba ni Daddy iyon?! Hindi niya gagawin iyon nang hindi ako tinatanong!

Sinubukan kong humanap ng mahahawakan habang dumudulas ako sa madulas na bubong ngunit walang mahanap ang kamay ko na makakapitan. Ipinikit ko na lang ng mariin ang mga mata ko at hinintay na lang ang marahas kong kahahantungan.

"OUCH!"

"ARGH!"

Napasigaw ako nang tuluyan nang bumagsak ang katawan ko sa—luckily, hindi naman sa katigasang sahig ako bumagsak ngunit ang ipinagtataka ko ay nang may matabunan ang boses ko na isa pang boses.

"Yah, ah, my b-backbone… I think, it broke."

Nanigas ako sa kinahihigaan ko nang marinig ko ang napakapamilyar na tinig na iyon na umuungol sa ilalim ko, hindi pa nakatulong na nakikita ko ngayon sa itaas ang ningning ng mga bituin sa langit.

Isinantabi ko sa isipan ko ang Jungkook Constellation na kumakaway sa akin sa itaas at bahagyang nilingon ang nagsalita ngunit bago ko pa man makita ito ay may pares na ng malalakas at matitigas na kamay ang humawak sa baywang ko. Before I could even utter a gasp, I was already beneath someone's body as my back being pushed hard against the hard ground.

"Aww…" It earned a groan from my throat. Tumingala akong muli. My eyes must be playing pranks on me for I couldn't see the Jungkook constellation, instead, I could see the real star, the shiniest in a form of a very handsome man… 'cause Jeon Jungkook was materializing in front of me.

Very vividly.

Pakiramdam ko, iyong bituing tinitingala ko kanina ay bumaba para sa akin, at oo, literal na bumaba dahil sobrang lapit niya sa akin, ramdam na ramdam ko ang bigat ng katawan niyang nakadagan sa akin.

Hindi ako pwedeng magkamali, puwedeng namamalikmata lang ako na nasa harap ko nga talaga si Jeon Jungkook ng BTS, pero hindi ako pwedeng magkamaling siya ito.

The familiar small yet very deep dark chocolate eyes that were now staring back at me, catering the shiniest glints. Above were his thick and dark eyebrows that were shaped perfectly, naturally I might add. Kulay tsokolate ang bagsak at tipong kaylambot niyang buhok.

Bumaba ang tingin ko sa matangos niyang ilong… no fraud, this couldn't be fraud, it was really on point! And gosh, those wet bloody thin lips that were slightly gaped.

Parang napakasarap halikan…

Uhh, Shai, he's just an illusion. A fraud, a prank made by your own eyes. You can't be deceived. He's real, yes, but not in front of you. Never.

Mabilis akong bumangon para sana itaboy ang imahe ni Jungkook sa isipan ko ngunit agad din akong napabalik sa pagkakahiga habang sapo-sapo ang noo ko dahil may tinamaan itong matigas na bagay. I could still feel the weight on top of me.

"That hurts…" My voice slowly vanished when I could still see Jungkook, this time, he was caressing his forehead while pouting as if something hard bumped on it.

Sa sobrang gulat ko sa imahe niyang hindi pa rin nawawala ay mabilis ko siyang hinawi paalis sa ibabaw ko kaya gumulong siya pagilid habang bumabangon ako. Nanlalaki ang mga matang binalingan ko siya pagkatapos.

He was still caressing his forehead while laying on the ground, his eyes were on the sky. Kung kanina ay nakanguso siya at kunot ang noo niya, ngayon ay nakangisi na siya habang nakikita ko ang pagkislap ng mga mata niya, sinasalamin ang mga bituin sa langit.

What is this…? Anong ginagawa ni Jungkook sa harap ko?

Nilibot ko ang paningin ko para kilalanin ang paligid. Nasa isang wide and open-space rooftop ako. Kung kanina ay sa mga bituin sa itaas ako namamangha, ngayon ay humahanga ako sa city lights na nakikita ko.

Nasa Pinas pa rin ba ako? Ah no, napakababaw. Nasa Earth pa rin ba ako? O baka nasa ibang mundo na ako?

"I asked for a star and You gave me a girl, I can't believe You."

Muling bumalik kay Jungkook ang tingin ko at nakita ko siyang natatawang nakatingala pa rin. Hindi ko tuloy matukoy kung ako ba ang kinakausap niya o iyong langit.

Napaigtad ako nang bigla siyang lumingon sa akin. I thought it was the stars the reason that was why his eyes were sparkling but I was wrong, 'cause his eyes were naturally bright.

"You are a gift from above for me. Though, did you really have to fall on me like that? Aigoo, my back," aniya habang ngumingiwi at tumatagilid para sapuhin ang likod niya. Halatang may iniindang sakit.

Totoo nga. Siya nga ang binagsakan ko kanina. Kaya hindi ako nasaktan dahil mas nasaktan siya.

Nanatili akong naka-upo habang pinagmamasdan siyang nakatitig pa rin sa akin at nakahiga sa sahig.

When I asked for him to take me into his world earlier, I meant that a peaceful hangout at my mini-rooftop. When I said I would go to him, I didn't expect myself to be really here in front of him and see him this vivid and close, 'cause I meant, I only wanted stare up at him since he was my own constellation.

Him, materializing in front of me as I was, materializing in front of him.

"I… I am s-sorry," utal kong sabi na ang tinutukoy ay ang pagkabagsak ko sa kaniya. I just hoped it didn't hurt so much though, I knew I weighed.

Nanatili siyang nakahiga. He dragged his stares from me to the dark stardust sky. I suddenly wondered, if he was here in front of me, if he was really here for real, then I was in Korea? I was in Seoul? For real? That was why the surrounding wasn't familiar for me?

Pwede ba iyon? Dahil lang ba hiniling namin pareho kaya kami magkasama ngayon? Posible ba iyon? Is there even such a thing? Were we really here because we asked for it? Pero bakit mukhang ako lang iyong nadala? Bakit hindi siya ang ipinadala para sa akin…?

"It's fine. Come here," hindi lumilingong sabi niya sa akin ngunit ini-stretch niya ang braso niya sideward na para bang gusto niyang higaan ko iyon.

I shortly battled with my mind but then my heart immediately took down the battle and decided to go near him. Gumapang ako palapit sa kaniya, ininda ko ang magaspang na sementong tumatama sa hubad kong mga tuhod dahil naka maikling itim na short lang ako.

Napansin kong naka-simpleng puting T-shirt siya at itim na skinny jeans at saka pares ng house slippers. At least he was dressed warmly compared to me, I was just wearing a yellow tank-top above. Saglit ko ring inisip kung okay lang ba sa kaniyang madumihan ang puti niyang damit gayong alam na alam kong OC siya pagdating doon.

Nang makalapit ako sa kaniya ay tinapik niya ang braso niya. Napapalunok na humiga ako sa tabi niya at umunan sa braso niya kaya agad kong nasamyo ang mabango niyang amoy na nagawa kong alintanahin kanina dahil sa kawalan ng clue sa mga nangyayari.

He was a mixture of both baby and jasmine flower scent, I knew jasmine scent since my mother owned a flower shop, and I just so loved jasmine scent. Hindi ko alam kung pabango niya ba iyon o iyon ang flavor ng shower gel na gamit niya, puwede rin namang flavor iyon ng oil na hinahalo sa bathtub.

Shaila! Why do you have to elaborate that thing?! Saway ko sa isipan ko.

Agad na pumatong sa tiyan ko ang isa pang braso niya bago siya pumihit paharap sa akin, ngayon ay nakatagilid siya ng higa. Halos hindi ako makagalaw sa kinahihigaan ko dahil sa biglaang kilos niyang iyon.

I was being embraced by Jeon Jungkook. Mapapatay ko gigising sa akin, kung panaginip man ito.

At kung may ikabibilis man ang tibok ng puso ko, iyon ay nang isubsob niya ang mukha niya sa leeg ko at maramdaman ko ang maiinit niyang hininga sa balat ko. He pulled me near him as his arm around my stomach went tighter.

Habang nananatili akong nakatitig sa langit. Hinanap ko ang Jungkook Constellation sa dagat ng mga makikinang na bituin pero hindi ko na ito makita. Napagtanto ko lang iyon nang maramdaman ko ang mga labi niyang bahagyang dumadampi sa balat ng leeg ko nang magsimula siyang kantahin ang isa sa mga kanta nila.

Wishing on a Star.

Hindi ko mahanap ang Jungkook Constellation ko dahil nandito siya ngayon sa tabi ko at mahigpit na nakayakap sa akin. Masyado mang mabilis at padalos-dalos ang mga kilos namin pero kung isang beses ko lang naman ito mararanasan, then I was willing to give in, as long as it was Jeon Jungkook, 'cause he was my constellation.

"I may not be your Vega but you're my Jungkook," I uttered. Naalala ko ang librong binasa ko kanina. Both Arpheus and Demetria's love story. Kahit na hindi na lang ako ang constellation ni Jungkook basta siya ang constellation ko, ang pinakamakinang, ay kontento na ako.

"You're not my Vega 'cause you're a star studded gift from above for me, you're not a constellation. You are my heart." Sinadya niyang putulin ang pagkanta niya para lang sabihin iyan sa akin.

At this rate, if this was just a dream, then I was afraid I would rather stay here than wake up.

Nilingon ko siya. Nakita kong nakapikit siya habang ipinagpapatuloy ang pagkanta niya. Hindi ko naiintindihan ang mga lirikong lumalabas sa bibig niya ngunit sapat na ang lambot at ganda ng boses niya para tuluyan akong mahulog.

I closed my eyes firmly as I felt his damn heart-hammering presence, hugging me tightly with the peaceful and serene atmosphere of this rooftop.

When I opened my eyes and gazed up the sky, I could no longer see the wide stardust sky, instead, I was agaib seeing the transparent ceiling of my roof deck only showing me a little portion of the sky. I couldn't feel the hard ground anymore, instead, I was feeling against my back the smooth and soft sheeted bed of my roof deck.

I came back. Someone must have woken me up.

"If only we can stay like this forever," anang isang tinig sa gilid ko.

The arm that was around my stomach remained gripping me tightly. The teasingly hot breath that had been fanning my neck was still there. The firm arm beneath my head was still keeping my head pillowed. And the fast beating of my heart only doubled, if it was even possible, corresponding actively with someone's heartbeat.

I came back… but I didn't come back alone. I brought a very important specie from my dream, I didn't take him along with me, it was the will of the constellation.

Since he was my star, the brightest.

The End.

*
Property of Hannan Usman
All Rights Reserved 2017.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top