PROLOGUE

PROLOGUE


Hanggang bakuran na lang ng magara nilang mansiyon si Sherin dahil tuluyan na siyang napako sa kinatatayuan habang nakikita ang dalawang kalalakihang naka-itim na uniporme na may buhat-buhat na stretcher palabas ng bahay. Kasunod ng mga ito ang isa pang lalaki na may hawak na transparent na plastic bag kung saan may nakasilid na isang baril.


Ipinasok ng mga ito ang stretcher sa loob ng ambulansiya at nakita niya ang Lola Celeste niya na halos himatayin sa pag-iyak habang inaalalayan ng kanilang mayordoma.


"Lola, ano'ng nangyayari? A-ano'ng nangyayari?" tanong niya sa kabila ng panginginig ng katawan.


"Sherin, apo." Nilapitan siya ng Lola niya at niyakap nang mahigpit.


"Lola, bakit may ambulansiya at mga pulis? Ano'ng nangyayari? Nasaan si Dad?"


"Wala na si Sebastian, apo. Wala na ang Daddy mo," mapait na sabi nito at nilakasan ang pag-iyak.


Malakas siyang napasinghap.


"I-imposible po 'yang sinasabi niyo...hindi po patay ang Daddy ko. Nangako siyang hindi niya 'ko iiwan. Hindi, hindi!"


Natutop niya ang bibig at humagulgol ng iyak.


"Hindi pa patay ang Daddy ko, Lola. Nangako siya sa 'kin, 'di ba?"


"Sherin, iniwan na niya tayo."


"Hindi!"


Tuluyan na siyang nabuwal sa kinatatayuan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top