Chapter Twenty
CHAPTER TWENTY
“AYOS ka lang ba, Sheng? Matamlay ka, ah? May sakit ka ba?” sunod- sunod na tanong sa kanya ni Tonette isang umaga habang namamalengke sila nito sa public market. Kailangan nila iyon dahil kinontrata ang karendirya ni Aling Tonya na mag-cater sa isang birthday ng kapitbahay nila kaya naman kailangan nilang magdagdag ng mga sangkap.
“Okay lang ako, wala akong sakit,” sagot naman niya at pilit na ngumiti. “Naalala ko lang ang araw ngayon.”
“Bakit, ano'ng meron sa araw ngayon?” takang tanong naman ng kaibigan niya.
“Ngayon ang...” Tumikhim siya upang alisin ang namuong bara sa lalamunan niya. “Ngayon ang araw ng kasal nina TJ at Katrina.”
“Kaya naman pala,” anito at hinawakan siya sa kamay. “Halata namang hanggang ngayon mahal mo pa kaya apektadong-apektado ka.”
“Mahirap siyang kalimutan, Tonette, eh,” sabi niya at bumuntong- hininga. “Siguro nga hindi na ako magmamahal ng iba gaya ng pagmamahal ko sa kanya.”
“Ang drama- drama talaga nitong kaibigan ko! Bilisan na natin at nang makakain na tayo. Tiyak na gutom lang 'yan.”
“Pasensiya ka na. Mamaya sisimulan ko nang isulat ang kwento ng buhay ko at nang mai-share ko na kay Ate Charo.”
Pagkababa nila ng traysikel ay napansin nila ang isang magarang sasakyan na naka-park malapit sa karinderya.
“Bakit may kotse dito? Dinalaw ba tayo ng politiko? Malayo pa ang eleksiyon, ah?” ani Tonette.
“Baka naman artista ang may- ari niyan?” pasakalye naman niya.
Pinagtulungan nilang bitbitin ang mga pinamili nila at dinala sa kusina ng karinderya.
“Nasa'n si Aling Tonya?” tanong niya sa isa sa mga kusinera na si Mona.
“Nasa taas, hija. May kausap na gwapong mama.”
“Gwapong mama?” ulit naman ni Tonette. “Sino naman?”
“Hindi namin kilala, eh. Halata namang hindi taga-dito. Akala nga namin nitong si Milou artista, eh.”
“Bakit naman kaya?”
“Aakyat na muna ako sa taas,” sabi naman ni Sherin.
“Sige lang. Kami na muna ang bahala dito,” tugon naman ni Tonette.
Lumabas siya ng kusina at habang papasok siya sa bakuran ay hindi niya mapigilan ang mapaisip.
Kung masaya na ngayon si TJ, ako rin magiging masaya. Okay lang 'yan, Sherin. Hindi ka na rin naman mag-isa.
“Aling Tonya?” tawag niya habang papaakyat siya ng hagdan.
“Sheng, akyat ka dito, may gustong kumausap sa'yo.”
Nang tuluyan siyang makaakyat ay nakita niya si Aling Tonya na may kausap na lalaking nakasuot ng puting long sleeve na polo. Nakatalikod ang lalaki sa kanya at biglang nagwala ang puso niya sa ideyang pamilyar ang lalaki sa kanya.
“Aling Tonya?”
“Magkakilala raw kayo, hija?”
Nang tumayo ang lalaki at humarap sa kanya ay tuluyan na siyang napako sa kinatatayuan.
“T-TJ...” halos pabulong na sambit niya sa pangalan nito.
Hindi siya makapaniwala sa nakikita ng mga mata niya. Papaanong nandoon ngayon si TJ sa harap niya mismo? Her TJ. He's supposed to be in church, exchanging vows with Katrina. And was that longing in his eyes that she's seeing right now or imahinasiyon lang niya iyon? Dahil siya, talagang nangungulila siya dito simula noong araw na umalis siya.
Ang akala niya ay makakalimutan din niya ang nararamdaman niya dito kapag nagpakalayo- layo siya. It turned out na walang sandali na hindi ito pumasok sa isipan niya.
“Ah, eh, sige, maiwan ko na muna kayo, ha?” singit ni Aling Tonya at bumaba ng hagdan.
“Bakit ka nandito?” sa wakas ay nakuha niyang itanong.
“Sinusundo ka,” sagot naman nito. “Hindi ba't tapos na ang anim na buwan na hiningi mong bakasyon sa akin? Kung gusto mong mag-extend, dapat na magpaalam ka ulit sa akin. Iyon nga lang, hindi na kita pagbibigyan.”
Kumibot ang mga labi niya at hindi na niya napigilan ang pag-alpas ng mga masasaganang luha mula sa mga mata niya.
“H-hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin, eh. Hindi ba't ngayon ang kasal niyo ni Katrina? Bakit nandito ka? Paano mo nalamang nandito ako?”
“Hindi mo man lang ba ako yayakapin? Hindi mo man lang ba 'ko na-miss?”
“Sagutin mo ang mga tanong ko, TJ.”
Bumuntong- hininga ito at humakbang palapit sa kanya.“Walang kasalang mangyayari sa pagitan namin ni Katrina dahil matagal ko nang tinapos sa amin ang lahat.”
Nanlaki ang mga mata niya. “Ano'ng sabi mo?”
“Ayoko siyang saktan pero hindi ko siya kayang mahalin gaya ng pagmamahal ko sa'yo. Kung may pakakasalan man ako, ikaw 'yon. Ikaw lang at ikaw lang baliktarin man ang mundo. Ang akala ko, sa pagbili ko ng kompanya ninyo at pagpapahirap sa'yo, magiging masaya ako pagkatapos kitang gantihan dahil sa ginawa mo sa 'kin. Nagkamali ako. Lalo ko lang napatunayan na ayaw pa rin kitang mawala sa buhay ko. Hindi kahit kailan. Bumalik ka na sa 'kin, Sherin. Pakasalan mo 'ko at magsama na tayo habang- buhay.”
“TJ...”
Hindi siya makapaniwala sa narinig. Talaga bang sinasabi nitong mahal pa rin siya nito hanggang ngayon? Kung alam lang nito na kaytagal na niyang gustong marinig iyon mula dito.
“Kung hindi mo mahal si Katrina...bakit mo siya binilhan ng singsing noon?”
“May sinabi ba 'kong para sa kanya ang singsing na 'yon?”
Natigilan naman siya.
“Bago ko bilhin ang singsing na iyon, tinapos ko na kung ano man meron sa amin ni Katrina. I was planning to ask you again pero nagpaalam kang aalis. Gustong- gusto kitang pigilan nang mga oras na iyon pero sinabi mong kailangan mong gawin iyon kaya pinayagan kita. Ang sabi ko, hihintayin kita dahil nangako ka namang babalik. Kung alam mo lang, gustong- gusto ko nang hilahin ang mga araw para bumalik ka na ulit sa 'kin. Bumalik ka na sa 'kin, nakikiusap ako sa'yo. Kapag hindi ka pumayag, mamatay na talaga ako.”
Lalong lumakas ang paghikbi niya.
“Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na hindi na kita dapat mahalin. Malaki na ang agwat nating dalawa at sa tuwing nakikita ko kayong magkasama ni Katrina, paulit-ulit akong nasasaktan. Nang makita ko ang singsing, nagpasya akong kailangan ko munang lumayo at kapag tapos na ang kasal niyo, saka na ako babalik. Pero hindi naman ako nagtagumpay. Hanggang ngayon, ikaw pa rin ang nandito sa puso ko. Hindi na nga siguro ako magmamahal ng iba gaya ng pagmamahal ko sa'yo.”
“Huwag na tayong maglokohan, Sherin. Sumama ka na sa 'kin.”
“TJ!”
Yumakap siya dito at agad naman siyang ikinulong ni TJ sa mga bisig nito.
“Ang akala ko hinding- hindi na ulit mangyayari ang sandaling kagaya nito. Mahal na mahal kita. Sasama ako sa'yo.”
“Thank you, my lady. And I love you higit pa sa akala mo. Aalagaan kita habang nabubuhay ako. Hinding-hindi ka na ulit malulungkot habang magkasama tayo.”
“Patawarin mo sana ako kung hindi ko man lang ipinaglaban ang nararamdaman ko para sa'yo. Ang buong akala ko kasi magiging masaya ka sa iba matapos kitang iwan at iyon ang makakabuti para sa lahat. Pero mali ako, maling-mali ako.”
“Handa akong kalimutan ang lahat basta ipangako mo na ito na ang huling pagkakataon na iiwan mo 'ko. Kapag naulit pa 'to, hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ba bubuo pa tayo ng football team?”
Kumalas siya dito at hinawakan ito sa magkabilang pisngi.
“May ipapakilala ako sa'yo,” sabi niya at hinila ito papasok sa silid na tinutuluyan niya.
“Toni Rose,” tawag niya sa panganay na anak ni Tonette na nagbabantay sa natutulog pang sanggol sa kama.
“'Andiyan ka na pala, Tita,” anito.
“Salamat sa pagbabantay sa kanya. Umuwi ka na muna para makapag-almusal ka na.”
“Walang anuman, Tita. Babalik na lang ako mamaya.”
“Sige.”
Nang makalabas ang bata ay saka naman niya binuhat ang sanggol at hinarap si TJ.
“Isa ito sa mga dahilan kung bakit ako umalis. Ang akala ko kapag sinabi ko sa'yo, baka masira ang mga plano mo at kamuhian mo 'ko. Wala naman talaga akong balak na ipagkait siya sa'yo. Ang sabi ko sa sarili ko, ipapakilala ko rin siya sa'yo kapag dumating na ang tamang panahon. Mukhang ito na nga 'yon. TJ, si Thirdy. Anak natin.”
Sa unang pagkakataon ay nakita niyang may tumulong luha sa mga mata ni TJ.
“I can't believe this angel's mine. Pwede ko ba siyang kargahin?”
“O-oo naman,” naluhang sabi niya.
Umupo sila sa kama matapos niyang ibigay dito ang baby.
“Kailan ka lang nanganak?”
“Two weeks ago.”
“At wala man lang ako sa tabi mo.”
“Kasalanan ko. Kamukhang- kamukha mo siya, TJ.”
“He's so beautiful and perfect.”
“Palagi kong ipinagdadasal na sana maging kamukha mo siya. Nagkatotoo nga.”
“I can't believe I'd be so emotional. I can't believe this is happening. Ito ang...isa sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Kayo ng anak ko ang pinakamagandang blessings na dumating sa buhay ko.”
Pinahid niya ng mga palad ang luha nito.
“Kahit umiiyak ka ang gwapo mo pa rin.”
“Tears of joy. I love you, Sherin. Ikaw lang sapat na pero ngayong dumating ang anghel na 'to sa buhay nating dalawa, wala na 'kong mahihiling pa.” Hinalikan pa nito sa noo ang natutulog pa ring bata.
“I love you, too, TJ.” Sinalubong naman niya ang mga labi nito para sa isang maalab na halik.
It's so amazing kung paanong napawi ng halik na 'yon ang lahat ng sakit at pangungulila nila sa isa't- isa. Hindi lang iyon, pakiramdam niya ay nawala na rin ang lahat ng nakadagan sa dibdib niya.
“Walang araw na hindi kita naiisip,” sabi pa nito.
“Gano'n din ako, TJ. Kung alam mo lang.”
“Tiyak na matutuwa si Mom kapag nalaman niyang may apo na pala siya,” nakangiting sabi pa ni TJ.
Napangiti naman siya sa sinabi nito. Then she realized TJ holding Thirdy in his arms is the most beautiful picture she'd ever seen.
“Pa'no mo nga pala nalamang nandito ako?” tanong niya.
“Si Jervey. Alam kong umpisa pa lang ay alam na niya kung saan ka pupunta pero ayaw naman niyang sabihin.”
“Dahil nakiusap ako sa kanya no'n.”
“Kaya hindi ko siya tinigilan.”
“Mabuti na lang at napapayag mo siya. Anong ginawa mo para sabihin niya sa'yo?”
“Sinabi ko sa kanya na kapag sinabi niya sa akin kung nasaan ka, ibibigay ko sa kanya lahat ng mana ko.”
“Ginawa mo 'yon?” gulat na tanong niya.
“Mas mahalaga ka kaysa sa 'kin, eh. Lahat kaya kong isakripisyo para sa'yo.”
Yumakap siya sa leeg nito at humilig sa balikat nito.
“Alam mo ba kung bakit ipinangalan ko si Thirdy sa'yo?”
“Bakit nga ba?”
“Kasi gusto kong lumaki siyang kagaya ng Papa niya.”
“Na gwapo, matalino at mahal na mahal ang Mama niya.”
Natawa naman siya. “Mayabang lang ng kaunti pero tolerable naman. Okay lang.”
“Thomas Aguirre III. Ano kaya siya paglaki niya, matinik na abogado o magaling na businessman?”
“Kahit ano pang gusto niyang maging paglaki niya. Basta susuportahan natin siya.”
“Siya at ang mga magiging kapatid niya.”
Nang tiningnan niya ang mukha ni TJ ay gayon na lamang ang ngisi nito.
“Seryoso ka talaga do'n sa football team, ha?”
“Ano'ng gusto mo, cheering squad?”
“Sabi ko nga, football team.”
Hinalikan muli siya nito.
“Marami akong sorpresa pagbalik natin sa Maynila.”
“Excited na 'ko kung ganun pero, TJ, pwede bang mag-extend muna tayo ng ilang araw dito? Kung pwede sana. Gusto ko lang magpasalamat kina Aling Tonya at Tonette sa pagkupkop nila sa 'kin at kay Thirdy nang buong puso.”
“Kung 'yan ang gusto mo walang problema sa 'kin.”
“Thank you.”
“TALAGA bang okay lang na iwan natin siya dito? Pa'no kung magising siya at hanapin niya 'ko?”
“Nandito naman sina Mom, eh. Huwag kang mag-alala. Mabilis lang 'to. Babalik din tayo,” paniniguro naman ni TJ sa kanya.
Nang dumating sila galing probinsiya ay tumuloy sila sa bahay ng mga magulang ni TJ dahil excited na excited daw ang mga ito na makita si Thirdy. Na-overwhelmed siya sa fondness na ipinapakita ng mga ito sa kanila ng anak niya at hindi na naman niya maiwasan ang maging emosyonal.
“Hindi ba pwedeng sabihin mo na lang sa 'kin? Bakit pa natin kailangang umalis?”
“Edi hindi na surprise 'yon. Sige na, please?”
He looked at her lovingly kaya naman kahit hindi siya sanay na nahihiwalay kay Thirdy ay pumayag na rin siya.
Nagulat siya nang huminto ang kotseng minamaneho ni TJ sa tapat ng Carina's. Ang huling natatandaan niya ay isinara na niya iyon pero sa nakikita niya ay bukas iyon at nag-o-operate pa dahil sa mga nakikita niyang customers sa loob.
“Ano, hindi ka na ba bababa diyan?” untag sa kanya ni TJ na binuksan na pala ang pintuan ng front seat at naghihintay sa kanya.
Bumaba siya at hinawakan siya kaagad nito sa kamay.
“Ano'ng ibig sabihin nito, TJ?”
Hinila siya nito papasok sa loob at nagulat siya dahil binati siya ng dati niyang mga empleyado.
“Welcome back, Ma'am!”
“B-bakit kayo...” Tiningnan niya si TJ at abot-tenga naman ang ngiti nito.
“Hindi ka ba masaya? Binuksan ko ulit ang Carina's para sa'yo kasi alam kong mahalaga 'to para sa 'yo. Ibinalik ko rin ang mga empleyado mo at buti na lang pumayag sila kahit may mga bago na silang trabaho.”
“Ikaw talaga!” sabi niya at naluha na naman. “Hindi naman na kailangan, TJ, eh. Pero maraming- maraming salamat. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya.”
Oo nga't plano niyang buksan muli ang Carina's pero para gawin iyon ni TJ para sa kanya ay sobra-sobra na. Gano'n ba talaga siya nito kamahal? Kinabig siya nito at niyakap nang mahigpit.
“Alam mo namang gagawin ko ang lahat ng makakapagpasaya sa'yo, 'di ba?”
“Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko. Nakakainis, bakit kailangan kong ma-speechless?”
She heard him chuckle.
“Tingnan mo na ang dati mong opisina. Pinagtulungan 'yong i-make over ng mga empleyado mo.”
"Alam mo, Ma'am, na-miss ka namin,” sabi ni Jodi.
“Oo nga, Ma'am. Ang akala namin hindi na uli tayo magkakatrabaho. Mabuti na lang may isang katulad ni Sir TJ na gwapo-- ang ibig kong sabihin na saksakan ng bait,” ang cashier na si Jing.
Nagkatawanan pa sila. Kumalas siya kay TJ at ibinuka ang mga kamay.
“Group hug nga muna tayo,” sabi niya.
Matapos nilang manggaling sa Carina's ay lalong nagulat si Sherin nang mapagtanto ang sunod nilang hinintuan. Gate iyon ng dati nilang mansiyon.
“Bakit dito?” takang tanong niya.
“Malalaman mo mamaya kapag pumasok na tayo sa loob,” nakangiting sagot ni TJ.
“Pa'no kung magalit 'yong bagong may- ari?”
“Hindi. Magtiwala ka lang sa 'kin.” Bumaba na ito at pinagbuksan siya.
Kahit nag-aalangan ay bumaba rin siya at magkahawak- kamay silang pumasok ng gate.
“TJ, sigurado ka ba sa ginagawa nating 'to?”
“Oo naman. Kaya nga magtiwala ka lang sa 'kin, 'di ba?”
Nang tuluyan na silang makapasok ay sinalubong sila ni Esther at ng dati nilang mga kasambahay pati na rin ng driver na labis ikinagulat ni Sherin.
“Welcome back, Señorita!”
“Ano'ng ibig sabihin nito, TJ?”
Sinenyasan ni TJ ang mga ito na iwan muna sila.
“Maghahanda lang kami ng makakain niyo,” sabi pa ni Esther.
Saka siya hinarap ni TJ.
“Any clue?” he asked her, smiling from ear to ear.
Umiling- iling siya.
“Ako ang bumili nitong bahay.”
“What?” anas niya.
“Nanghihinayang kasi ako kung mawawala nang tuluyan sa'yo ang bahay na 'to. Ito na lang ang natirang alaala ng mga magulang mo sa'yo. Nang malaman kong ibebenta mo 'to, kinausap ko agad ang abogado niyo.”
“Lahat na lang, TJ?” hindi makapaniwalang sabi niya.
“Ang gusto ko dito tayo titira kapag nagpakasal na tayo,” pagkasabi ay lumuhod ito sa harap niya at inilabas ang singsing na binili nito bago siya umalis. “So pwede bang magpakasal ka na sa 'kin nang matupad na ang plano kong 'yon?”
Para siyang baliw na umiiyak habang nakangiti. At sino ba siya para tanggihan ang habang-buhay na kaligayahan na inaalok nito sa piling nito?
“Of course, I'll marry you!”
Matapos nitong isuot sa kanya ang singsing ay inangkin nito ang mga labi niya na kaagad naman niyang tinugon. Kung nasaktan man nila ang isa't- isa dati, tinakpan na iyon ng wagas nilang pagmamahalan ngayon.
Her own fairytale might not be as perfect as the ones written in books but she was able to achieve her happily-ever-after with him.
At para sa kanya, sapat na iyon.
WAKAS
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top