Chapter Thirteen

CHAPTER THIRTEEN

"BAGO ko makalimutan," sabi sa kanya ni TJ nang handa na itong umalis ng opisina. Siya man ay nagliligpit na rin ng mga gamit niya.

"Yes, Sir?" tanong naman niyang nag-angat ng tingin.

Lumapit ito sa kanya at naglapag ng maliit na envelope sa mesa niya.

"It's Jervey's birthday on Saturday. He wants you to be there."

"Oh, okay." Dinampot niya ang envelope at pinagmasdan."Thank you so much."

"Gusto mong sumabay sa 'kin pag-uwi?" alok pa nito.

She actually wanted to.

"No, thanks," pero sa halip ay magalang na sabi niya."Nakakahiya naman sa inyo. May dadaanan pa kasi ako."

Tama nang magkasama lang sila sa trabaho. Pakiramdam kasi niya ay paulit-ulit lang na nahuhulog ang loob niya rito.

"Ikaw ang bahala," sabi naman ng binata saka siya iniwan.

Malungkot siyang napabuntong-hininga habang nakatayo sa kabilang kalsada at pinagmamasdan ang dating Carina's. Nami-miss na niya ang mga araw na nasa opisina lang niya siya at kung minsan naman ay nakikipagkwentuhan sa mga empleyado niya. Kahit kapos siya sa pera ay ayaw niyang ibenta iyon dahil umaasa siyang balang-araw ay mabubuksan pa niya iyon.

"Sana dumating pa ang araw na iyon," mahinang sabi niya at tumalikod na.

"YES, hello, Attorney?" aniya sa kabilang linya. Kararating lang niya sa tinutuluyang bahay nang makatanggap siya ng tawag mula kay Attorney Dominguez.

"Yes, hello, hija. I have some good news for you," sabi naman ng abogado.

"Talaga po? Tungkol saan?"

"May kakilala ang pamilya niyo na lumapit sa akin. Ang sabi niya interesado raw siyang bilhin ang coffeeshop mo sa malaking halaga."

"T-talaga po?" hindi makapaniwalang sabi niya."Sino naman po?"

"Kwan, ang totoo kaibigan siya ng kumausap sa akin kaya hindi ko pa kilala. Bibilhin daw niya sa halagang isa at kalahating milyon. Papayag ka ba?"

Napatakip siya sa bibig niya. Napakalaking halaga naman ng binanggit ng abogado.

"Sigurado po ba 'yong kaibigan ng kumausap sa inyo, Attorney?"

"Oo naman, hija. Lalakihan niya ang tawad kung naliliitan ka."

"Pero Attorney, mahalaga po sa akin ang coffeeshop na 'yon. 'Yon na lang po ang alaala ng pamilya ko na hindi ko kayang ipagpalit sa malaking halaga kahit pa napakalaki ng utang namin."

"Pero sayang naman iyon, hija. Papaano kung tawaran niya iyon sa halagang fifteen million?"

Natahimik siya. Ganoon ba talaga ka determinado ang gustong bumili ng coffeeshop niya?

"Kung ganun din lang naman, Attorney, bakit hindi na lang gamitin ng taong iyon ang pera niya para magpatayo ng maraming coffeeshop? Bakit pa niya pag-aaksayahan ng panahon ang shop ko?"

"S-so you're turning down the offer?"

"Yes, Attorney. I'm so sorry. Hindi ko talaga kaya. Sabihin mo na lang sa taong 'yon kung sino man siya na ibang coffeeshop na lang ang paglaanan niya ng panahon at pera. At maraming salamat po kasi nag-abala pa kayong tawagan ako."

"Walang anuman, hija. Alam mo naman na hindi ka na iba sa akin, 'di ba?"

"Kayo rin naman po, Attorney."

HINAWI niya ang buhok na napunta sa mukha at inipit iyon sa likuran ng tenga niya. Hindi niya inaasahan na makakabalik pa siya sa clubhouse ng pamilya nina TJ. Doon kasi gaganapin ang sinasabing birthday celebration ni Jervey.

Pagpasok pa lang niya ng gate ay kaagad niyang natanaw ang ilang mga tao na nasa pavillion.

"There you are!"

Agad na nagliwanag ang mukha niya nang makita si Jervey na papalapit sa kanya.

"Hi, birthday boy!"

Agad siya nitong binigyan ng bear hug.

"Sabi ko na nga ba darating ka, eh. Ikaw pa naman ang special guest ko."

"Maraming salamat sa invitation. Happy birthday, Jervey. So you're, um, twenty-eighth?"

"Hindi halata, 'no? Halika."

Inakbayan siya ni Jervey at inakay palapit sa handaan.

"You look gorgeous with that dress," komento pa nito. Suot niya nang gabing iyon ang puting off-shoulder dress na pinatungan niya ng gray na blazer at puting sandals.

"Thank you. Sinuot ko talaga 'to para sa'yo."

"Really? I think that's hot," he said in a seductive tone kaya naman natawa siya.

Nang tuluyan silang makalapit ay natutok ang atensiyon ng lahat sa kanila.

"Everyone, I'd like you to meet my special guest, Sherin."

"H-hi, magandang gabi," bati naman niya at kiming ngumiti.

"So ikaw nga si Sherin!" magiliw na sabi ng isang ginang na nasa early fifties nito at hinawakan ang mga kamay niya."Ako si Sandy, Mama ni Jervey. Kamusta ka? Bumagay sa'yo 'yong damit, ha."

"Hi, Mrs. Trias. I'm so glad to meet you. Maraming salamat po sa inyo ni Jervey para sa damit na 'to."

"Ikaw ba ang bagong nililigawan ng anak ko?"

"Ah," Awkward na tumingin siya kay Jervey.

"No, Ma. She's TJ's girlfriend."

"Ex-girlfriend," pagtatama niya.

"Hindi kayo nagdi-date na dalawa kung ganun?" pangungumpirma ng ginang sa dismayadong tono.

"Hindi po," sabay nilang sagot.

"Sayang naman."

"Some people are better off as friends," sabat naman ng isang ginoong agad na umakbay kay Sandy."I'm Jervey's father. I'm Jeric Trias."

"Good evening, Sir. I'm Sherin," anang dalaga at nakipagkamay sa ginoo.

"I couldn't disagree with you, Pa," ani Jervey.

"But this woman is a good catch I must say."

Kimi namang ngumiti si Sherin.

"Excuse us lang po, ha? Ipapakilala ko lang si Sherin sa mga kaibigan ko."

"Excuse us po," sabi naman niya.

Inilibot ni Sherin ang paningin pero hindi niya makita si TJ. Dadating kaya ito? Imposible namang hindi. He can't miss this for Jervey. They're cousins.

"This is our sister Shyla, bunso at only girl namin," pakilala sa kanya ni Jervey sa isang babaeng mas bata lang sa kanya nang ilang taon.

Nakasuot ito ng salamin at conservative ang dating. Mukha rin itong mahiyain.

"Hi, Shyla," bati niya.

"Hello, Ate Sherin," tugon nito at kiming ngumiti.

"Pagpasensiyahan mo na. Anti-social kasi, eh."

"Hindi kaya!" kontra naman ni Shyla."Huwag ka ngang mang-asar diyan, Kuya. Andiyan lang si Mama, isang sumbong lang kayo ni Kuya Jeremy."

"Joke lang, Sis. Defensive ka naman masyado diyan," pakli naman ni Jervey at kinurot sa pisngi ang kapatid.

Natawa naman si Sherin.

"Ang swerte mo may mga Kuya ka. Only child kasi ako, eh."

"I think mas maswerte ka kasi hindi sila ang mga kapatid mo."

"THESE are my very good friends Shane Charles Samaniego, Kendrick Padilla, and Jonghun Shin. Hindi nakarating 'yong dalawa kasi nasa misyon sila," ani Jervey nang ipakilala siya nito sa tatlong makikisig na kalalakihan na nasa poolside.

"Hello, gentlemen," bati naman ni Sherin at nginitian ang mga ito.

"This is Sherin, TJ's girlfriend."

"Jervey, it's ex-girlfriend," pagtatama na naman niya.

"So you are free to date, then?" tanong naman ni Jonghun at hinalikan ang likuran ng palad niya.

"Ah, no. I'm sorry."

"I'm hurt."

"Pinsan, happy birthday!"

Pareho silang napalingon kay Thew Angelo na papalapit.

"Hey, you made it!" Umapir dito si Jervey at nagtapikan pa ang mga ito sa balikat.

"Hi, Sherin, what's up?" bati naman ng binata sa kanya.

Hindi niya inaasahan iyon. Kahit ilang beses na niyang nakita si TA ay hindi pa nagkakaroon ng pagkakataon na magkausap sila nito.

"Hi. I'm good," nakangiti niyang sagot.

Napatingin naman siya sa lalaking nasa likuran nito na papalapit sa direksiyon nila. Si TJ. Nakatingin ang binata sa kanya partikular sa ayos niya. Na-conscious naman siya.

"Happy Birthday, Jervey," bati nito sa pinsan.

"Thank you. Where's Auntie Jen and Uncle Thomas?"

"Kausap na ang mga parents mo," turo naman nito sa likuran nito.

"I see."

Nang tumingin naman sa direksiyon niya si TJ ay kimi siyang ngumiti.

"Magandang gabi, Sir."

Tipid na tinanguan naman siya ng binata sa pormal na mukha.

"Guys, dinner's ready!" narinig naman nilang tawag ni Shyla.

"Oh, great. Let's go, Sherin," sabi naman ni Jervey at muli siyang inakbayan.

MAY ISANG particular na spot sa pavillion na hindi matingnan ni Sherin. It was the same spot kung saan lumuhod si TJ sa harap niya while holding a ring. Pinapaalala lang kasi niyon sa kanya ang mapait na kinahantungan ng pagmamahal nila sa isa't-isa dati.

"You okay?" tanong naman ni Jervey na katabi niya sa upuan.

"O-oo naman," sagot niya at ngumiti.

"May naalala ka?"

"Parang."

"Ikain mo na lang baka sakaling mawala rin sa isip mo."

Tumawa siya nang mahina.

"I'm glad bumagay sa'yo ang sapatos, hija," pansin naman ni Jennica. Katabi nito si TJ sa kabilang bahagi ng mesa kung saan magkatapat ang upuan nila ng binata.

Matamis siyang ngumiti. So napansin pala nito ang ayos niya.

"Thank you, Mrs. Aguirre. Actually, I'm your fan now," aniya.

"Why don't you try modelling for us kahit minsan lang?"

"Oh, well--"

"Aalisan mo 'ko ng sekretarya, Mom," agaw ni TJ sa pormal na tono.

"Masyado namang maganda si Sherin para maging sekretarya mo lang, hijo."

"Actually, mas bagay si Sherin maging asawa niya," singit ni Thew.

Then there was silence.

"Oh, I see. Edi asawa ko na lang kung ganun," bawi naman nito.

"JERVEY, pwede bang maglakad-lakad muna 'ko?" aniya sa binata. Natapos na ang dinner at may kanya-kanya nang pag-uusap ang bawat nandoon.

Kaharap nito ang mga kaibigan nito at si TJ naman ay kausap si Jennica.

"Okay. Go ahead tutal kabisado mo na naman 'tong clubhouse."

"Thank you. Excuse me."

Tumayo siya ng upuan niya at tinungo ang likurang bahagi ng bahay. Agad siyang naupo sa bench na inupuan nila ni Cielo dati. Parang kailan lang nang huli siyang manggaling sa lugar na iyon.

Lumanghap siya ng hangin at iniyakap sa sarili ang suot na blazer dahil sa lamig.

Hindi na naman niya maiwasan ang makaramdam ng lungkot. Hanggang kailan ba niya mararamdaman iyon?

Napapisik siya sa kinauupuan nang may maramdaman siyang mga pagtapak sa damuhan. Tumingin siya sa kaliwa niya at inaninag ang pamilyar na bulto mula sa liwanag na nanggaling sa harap ng bahay.

"Bakit mo iniwan si Jervey?"

Sabi na nga ba niya at si TJ.

"Gusto ko lang kasing magpahangin sandali pero babalik din naman ako."

Lumapit pa ang binata at umupo sa tabi niya.

"Ikaw, bakit ka pumunta dito?" tanong pa niya.

"Kasi nandito ka."

"May sasabihin ka kung ganun?"

"Wala, actually. I just want some peace."

"I see," tipid na tugon niya.

Hayun na naman sila. Mas lalo tuloy nanariwa sa kanya ang lahat.

"You look beautiful tonight."

Manghang napatingin siya kay TJ kahit na hindi naman niya maaninag nang maayos ang mukha nito.

"T-thanks," nautal pa niyang tugon at nagbaba ng tingin.

"Is Jervey courting you?"

"No," sagot niyang may halong tawa."Bakit mo naman natanong 'yan?"

"Wala naman."

"I think kailangan ko nang umalis," sabi niya sabay tayo.

"No, don't," pigil naman ni TJ at hinawakan ang isang kamay niya.

Dahil sa ginawa nito ay lalong nagulo ang kanyang sistema.

"TJ..."

"Stay with me for just a little longer. Kahit ngayon lang."

Tahimik siyang bumalik sa tabi nito pero hindi pa rin nito binibitiwan ang kamay niya.

"Ayokong malaman-laman na nagpapaligaw ka sa iba, maliwanag ba?"

"At bakit hindi?"

"Dahil sinabi ko sa'yo."

Umurong ang dila niya nang maramdaman ang mga labi nito sa likuran ng palad niya. Naghatid iyon ng kakaibang kiliti sa pakiramdam niya kaya naman napakislot siya.

"Kinukontrol mo na ba ang buhay ko sa lagay na 'to?" tanong niyang hindi naitago ang pait sa tinig.

"Well, you owe me a lot. You don't have a choice, do you?"

Bigla na lang nitong kinabig ang ulo niya para siilin siya ng halik sa mga labi. Nanlaki ang mga mata niya sa umpisa pero ilang sandali lang ay tinutugon na niya ang mga halik nito.

Kailan ba dadating ang araw na hindi na siya mananabik sa mga halik nito?

Habang lumalalim ang mga halik nito ay hindi naman niya napigilan ang pagkawala ng luha mula sa mga mata niya. Just then TJ stopped kissing her.

"What's with that tears?" tanong ng binata sa malamig na tono.

Iniiwas niya ang mukha at pinahid ang mga luha gamit ang kamay niya.

"I don't know. Dahil siguro hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita."

"Now that's a shit. Tumanggi kang pakasalan ako at pagkatapos ay sasabihin mong mahal mo pa rin ako?" Tila nang-uuyam na sabi naman nito.

"Kailan mo ba maiintindihan na kaya ako tumanggi sa alok mo ay hindi dahil sa hindi kita mahal? Kungsabagay, hindi naman kita masisisi. Hindi mo kailanman mararanasan ang nararanasan ko ngayon. Napakaswerte mo, TJ, alam mo 'yan."

"Hindi mo man lang naisip na kaya kong salbahin ang kompanya niyo kapag tinanggap mo ang alok ko?"

Umiling-iling siya. "Hindi, TJ, hindi. Kahit kailan hindi ko naisip na gamitin ka at samantalahin ang nararamdaman mo. Dapat nga noon mo pa na-realize na hindi ako ang babaeng dapat alukin ng kasal ng kahit na sino noon pa lang araw na nakilala mo 'ko."

"Tama na, Sherin."

"O baka naman niyaya mo lang akong magpakasal sa'yo noon ay dahil sa naaawa ka lang talaga sa 'kin? Dahil akala mo may balak akong magpakamatay noong araw na nakilala mo 'ko."

"That's not true!"

"Pero okay lang. Nakaramdam naman ako ng totoong saya noong mga panahong magkasama tayo. Lalo na sa kama mo."

Napasinghap siya nang bigla na lang haklitin ni TJ ang isang braso niya.

"It's enough," may diing sabi pa nito. Batid ni Sherin na lalong dumilim ang anyo ng binata.

"C'mon, TJ. Iyon naman talaga ang totoo. And I don't mind anymore kung gusto mo ng sex sa 'kin anytime. Don't I owe you a lot?"

"Ano'ng nangyari sa Sherin na nakilala ko? Bakit bumaba yata ang tingin mo sa sarili mo?"

Piniksi niya ang braso at hinimas iyon.

"I'm down than ever. What do you expect? Wala na nga akong mga kapatid, ang aga ko pang naulila. Pati 'yong Lola kong dahilan kung bakit pinipilit kong magpakatatag kahit gustong-gusto ko nang sumuko nawala na rin. Alam mo, TJ, inggit na inggit ako sa'yo dati pa. Lahat ng wala ako meron ka. At pati ikaw nawala na rin sa 'kin. Kung ikaw kaya ang nasa kalagayan ko gugustuhin mo pa rin kayang mabuhay? Masisisi mo ba 'ko kung nawalan na na 'ko ng pag-asa sa buhay?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top