Chapter Ten

CHAPTER TEN

GANOON na lang palagi. Kapag tinititigan niya ang picture frame ng pamilya niya ay hindi na naman niya mapigilan ang maging emosyonal at ang umiyak nang umiyak. Kagaya na lang ng mga sandaling iyon. Nang dumating siya ay kaagad siyang pumasok sa silid at kinuha ang litratong iyon habang nakaupo sa kama niya. Kahit matigas iyon sa likod niya kapag matutulog siya ay unti-unti na rin siyang nasasanay.

"May good news ako sa'yo, Lola. Binigyan ako ng pagkakataon ni TJ na bayaran natin siya sa utang natin sa kaniya. Magtatrabaho lang naman ako para sa kanya at sa tingin ko aabutin ako ng habang-buhay pero okay lang. Ang importante makakabayad na tayo. At Dad, magtatrabaho na 'ko sa kompanya natin. Hindi nga lang ako 'yong boss at hindi na tayo ang may-ari pero kunwari na lang na sa atin pa rin 'yon. At Mom, naalala mo pa 'yong mga fairytales na kinukwento mo sa 'kin? I almost found my Prince Charming ang kaso pinakawalan ko siya. Alam ko naman kasi na hindi ako ang Princess Charming niya at natatakot ako na maging palaka siya kapag hinalikan ko siya. But believe me, Mom, true love 'yong nararamdaman ko para sa kanya."

Dinala niya sa tapat ng dibdib niya ang picture at hinayaang umagos ang mga luha sa pisngi niya.

"Miss na miss na miss ko na kayo. Alam niyo minsan iniisip ko nang sumunod sa inyo tutal naman wala nang natitirang nagmamahal sa 'kin kaya lang ang laki pa nga pala ng utang natin. At napapagod na rin akong umiyak sa totoo lang. Bigyan niyo naman ako ng lakas ng loob na magpatuloy, o."


"HAY naku," napailing niyang sabi habang nakaharap sa salamin. Mugto pa rin ang mga mata niya kinabukasan kaya naman wala siyang choice kundi kumuha at magsuot ng reading glasses para hindi agad mahalata ang eyebags niya.

Madilim pa lang ay gising na siya para maaga siyang makadating ng opisina para wala namang masabi si TJ sa kanya. Nang mapagpasyahang hindi na magbabago ang itsura niya kahit ano pa ang gawin niya ay kinuha na niya ang maliit na body bag at lumabas ng bahay.

He told her na magiging ala-sekretarya siya nito kaya naman nagsuot siya ng komportableng dress at blazer na pinaresan niya ng closed flat shoes dahil hindi nga siya mahilig sa heels. Nasa loob na siya ng elevator papunta sa floor ng opisina ng binata nang mapagtanto niyang ang naisuot niyang bestida ay siyang suot niya nang magdinner sila sa condo nito at kung saan sinuko niya ang sarili rito. Wala sa loob na inayos niya ang blazer. Nang bumukas ang elevator ay napahugot siya ng hangin at humakbang patungo sa opisina nito.

Pagpasok niya ay nakita niya ang isang babaeng kaedad lang niya na may inaayos na mga papeles sa mesa ni TJ.

"Good morning," bati niya dahilan upang mag-angat ito ng tingin.

"Oh, hi, good morning! Ako si Patty, ikaw ba ang papalit sa 'kin?"

"Ako si Sherin. Ikaw ba ang sekretarya ni T-- ni Mr. Aguirre?"

"Oo at nagresign na 'ko pero bago ko iwan ang trabaho ko, ituro ko daw muna sa'yo ang mga dapat mong matutunan."

Lumapit naman siya dito.

"Itong folder na 'to ang naglalaman ng mga papeles na kailangang pirmahan ni Sir TJ," tukoy nito sa asul na folder."Ito namang dilaw, mga kontrata 'to na kailangan muna niyang basahin pagkatapos ililista mo ang mga bagay na gusto niyang ipabago o idagdag. Ikaw din ang magre-revise hanggang sa aprubahan niya."

"Okay, 'yong asul kailangang pirmahan, 'yong dilaw babasahin muna," napatangong sabi niya.

"Good. At ito nga palang planner ipapamana ko na lang sa'yo." Kinuha nito ang isang notebook na kasing laki ng lesson plan at may kakapalan ang itim cover na nakapatong sa mesa at iniabot sa kanya."Diyan ko inilalagay ang mga meetings and appointments ni Sir TJ sa araw-araw. Ang kailangan mo lang i-remind iyon sa kanya nang mas maaga para hindi magkaproblema sa iba pa niyang appointments."

"Okay, tatandaan ko."

"At Sherin, 'wag mong kakalimutan na ipagtimpla si Sir ng kape kapag dumadating siya, ha? Gusto niya ng black at maraming asukal. Kapag naman inutusan ka niyang bumili ng lunch, gusto niya 'yong chicken and tuna salad at dapat sa ThomJen mo lang bibilhin."

"Bakit doon?" naintriga naman niyang tanong.

Alam niya ang restaurant na iyon. Ilang kanto lang ang layo niyon sa kompanya nila. Ilang beses na niyang naririnig ang restaurant na iyon pero hindi pa niya nasusubukang kumain doon.

"Si Sir TA kasi ang may-ari niyon, 'yong nakababata niyang kapatid," nangingiting sagot ni Patty.

"You mean si Thew Angelo?"

"Yup! At kaya 'ThomJen' kasi pinagsamang pangalan ng mga magulang nila. Ang cute, 'no?"

Tumango-tango ang dalaga."I think so. Thanks, Patty."

"Mabait na boss si Sir TJ, 'wag kang mag-alala."

"Bakit ka nga pala magre-resign if you don't mind?" tanong pa niya.

Iniangat ni Patty ang kaliwang kamay at nakita niya ang suot nitong singsing.

"Magpapakasal na kasi ako at gusto ng fiancé ko na maging full-time housewife at Mommy ako. I'm already three months pregnant. Alam mo na." Kumindat pa ito sa kanya.

"I see. Salamat para dito, Patty. Gagawin ko ang lahat para maging kasing efficient mo 'ko. Best wishes na rin, ha?"

"Oh, thank you, Sherin. Gusto sana kitang imbitahan sa kasal ko kung hindi lang ako taga-Davao. Doon kasi gaganapin ang kasal, eh."

"Sayang naman."

"'Yong ibang mga bagay na dapat mong matutunan malalaman mo rin naman kapag nagtagal na kaya wala kang dapat ipag-alala. Ang totoo ito lang ang ipinunta ko dito. Good luck, ha?" Tumingin ito sa suot nitong relo."Malapit na palang dumating si Sir TJ. Kailangan ko nang umalis at ikaw na ang bahala dito simula ngayon. Alagaan mo siya, ha?"

"Tatandaan ko," napangiti niyang tugon.


BLACK AT maraming asukal. Nang lumabas na siya ng maliit na kitchen dala ang tasa ng kape ay kakaupo pa lang ni TJ sa upuan nito.

"G-good morning, Sir. Your coffee," sabi niya at inilapag ang tasa sa mesa nito.

Nang tumingin siya kay TJ ay nakatingin naman ito sa damit na suot niya. Nakaramdam agad siya ng pagkailang.

"Did you wear that dress intentionally?"

"H-hindi. Huli ko na lang napansin na ito pala ang suot ko--"

"Ano naman 'tong mga 'to?" tukoy nito sa mga folders sa mesa.

"Um, kwan, ang sabi sa 'kin ni Patty mga pipirmahan mo raw 'yong nasa asul na folder na 'yan tapos 'yong nasa dilaw naman kontrata na kailangan mong mabasa at baka may gusto kang baguhin."

"Ano'ng schedule ko ngayong araw na 'to?"

"Teka, sandali." Dali-dali siyang lumapit sa isang mesa na binakante ni Patty kung saan niya iniwan ang planner. Binuklat niya iyon at hinanap ang kasalukuyang date at bumalik sa mesa nito."Mamayang ten meron kang meeting sa mga bagong shareholders sa conference room at mamayang twelve naman meron kang..." Napakurap siya nang mabasa ang kasunod."M-meron kang lunch date with Katrina."

Hindi niya nagustuhan ang naging reaksiyon ng puso niya sa ideyang may iba nang dini-date si TJ. Naiinis siya sa sarili niya dahil do'n. Bakit ngayon pa niya nakuhang magselos kung magkaganoon nga?

"'Yon lang ba?"

"Oo, 'y-yon lang."

Nang damputin nito ang asul na folder ay tahimik siyang bumalik sa mesa niya. Napatitig siya sa blangkong monitor sa harap niya at pagkuwa'y napabuntong-hininga. Mukhang mas mahihirapan siyang supilin ang damdamin niya para kay TJ kaysa ang pag-aralan ang responsibilidad bilang bagong sekretarya nito. At sino nga ba ang Katrina na ito?


ILANG sandali lang ay tinawag siya ni TJ. May ipinapabago ito sa kontrata at kailangan niyang i-type uli iyon. Kinailangan pa niyang ilista ang mga sinabi nito para matandaan niya ang mga eksaktong detalye dahil limitado lang ang mga impormasyong kayang maabsorb ng utak niya.

"Ito lang po ba, Sir?" tanong niyang napa-adjust sa salamin at pinasadahan ng tingin ang mga nakasulat sa steno pad na naiwan ni Patty sa drawer ng mesa.

"Bakit namumugto ang mga mata mo, Miss Falcon?"

Nang tumingin siya kay TJ ay titig na titig ito sa kanya. Nakaramdam agad siya ng pagkailang at inayos-ayos ang reading glasses niya.

"W-wala ito, Sir. Nagpupuyat kasi ako lately." Tinalikuran na niya ito at agad na pinaandar ang computer.

"Ay, shit," mahinang mura niya nang sunod-sunod ang mga typographical errors niya dahil nasisira ang concentrations niya sa simpleng bagay na ginagawa niya. Kailangan na naman niyang i-high light ang salita upang burahin.

"Something wrong, Miss Falcon?" tanong naman ni TJ na abala sa pagtapos ng kung ano mang ginagawa nito sa laptop at huminto lang para tanungin siya.

Napaayos siya ng upo."W-wala, Sir. Kwan, naninibago lang ako."

Ibinalik na muli nito ang atensiyon sa ginagawa nito. Napagalitan naman niya ang sarili.


"TAPOS na ba ang ginagawa mo?"

Napapisik si Sherin nang marinig si TJ na magsalita sa tabi niya. Hindi man lang niya namalayan ang paglapit nito.

"Um, kwan, tapos na siya. Actually, kaka-save ko lang," parang balisang sagot niya.

"Good."

"A-ano ang susunod kong gagawin?"

"Ipa-print mo 'yan mamaya at babasahin ko ulit."

"Mamaya pa?"

"Oo dahil sasamahan mo 'ko sa meeting ko ngayon."

Napatingala siya rito."K-kailangan kong sumama?"

"Oo. You're my secretary, remember? You don't expect me to write the minutes myself, do you?" nakataas ang kilay na sagot ng binata.

Nag-init ang pisngi niya. How stupid of her.

"I'm sorry."

"Kunin mo na ang mga gamit ko at sumunod ka sa 'kin."

Tinalikuran na siya ni TJ at tuloy-tuloy na lumabas ng pinto. Tumayo naman siya at lumapit sa mesa nito. Kinuha niya ang mga folders at ipinatong sa laptop at binuhat iyon palabas ng opisina at sinundan ito.

"In fairness mabigat, ha."


"PAKILAGAY na lang diyan," utos nito.

Sila pa lang ang nasa loob ng conference room. Ipinatong naman niya ang laptop at ang mga folders sa mesa at wala sa loob na nasapo ang braso. Pinanood niya si TJ na magset up ng projector at ilang sandali pa ay naka-display na sa white sheet ang presentation na ginawa nito. Hindi niya mapigilan ang mamangha kahit sa simpleng bagay na ginagawa nito.

Ilang sandali pa ay unti-unti nang nagsidatingan ang mga magpa-participate sa meeting na iyon na pawang mga kaedad lang yata ni TJ. Ilan sa mga ito ay may mga kasama ring sekretarya. Inihanda naman niya ang clipboard niya na pagsusulatan niya ng mga idi-discuss sa meeting na iyon. Ang totoo ay kinakabahan siya. Sana lang ay magawa niya iyon nang tama nang hindi naman siya mapahiya sa binata.

"Obviously, pinaghandaan mong mabuti ang meeting na ito, pinsan," narinig ni Sherin na sabi ng isang good-looking na lalaki na nakasuot ng magarang coat.

Hindi niya mapigilan ang magtanong sa sarili. Kung pinsan ang tawag nito kay TJ, malamang ay kapatid ito ni Jervey dahil ang huli lang naman ang kilala niyang pinsan nito. Isa pa ay malaki naman ang pagkakahawig nito kay Jervey.

"Dapat lang, Jeremy. Ayokong mapahiya sa Daddy niyo ni Jervey. Eighty million is eighty million."

"Makukumbinse kaya tayo ni TJ na mag-invest, ha, Haylee?" tanong naman ng isa ring lalaking naka-coat sa katabi nito habang kapwa nakaupo sa tapat niya. Malakas ang pagkakasabi nito at halatang ipinarinig talaga nito iyon sa binata. Weird lang dahil unang beses niyang nakarinig na tinawag sa babaeng pangalan ang isang lalaki.

"Kahit kailan hindi pa 'ko binigo ni TJ, Johenn," sabi naman ng tinawag nitong 'Haylee' na bakas sa gwapong mukha ang kumpiyansa.

How come TJ knew all of these gorgeous guys?

"Aren't you Sherin Falcon?"

Napapisik siya nang may nagbanggit sa pangalan niya. Awtomatikong napatingin siya sa tinawag ni TJ na 'Jeremy' kanina.

"Y-yes?"

"I thought full ownership ang claim ni TJ sa kompanyang 'to. May shares ka rin pala rito?"

Nagbaba siya ng tingin.

"Nagkakamali ka. Nandito lang ako dahil ako ang bagong sekretarya ni Mr. Aguirre."

She caught a glimpse of the exchange of glances between the three men.

"Really?" ang lalaking tinawag na 'Johenn'.

"You haven't told me something, have you?" si Haylee, eyeing TJ suspiciously.

"Shall we start now?" TJ snapped.

"I'm just in time then?" sabat ng isa pang gwapong lalaking pumasok sa pintuan.

"His royal highness is having his grand entrance as usual," ani Johenn na tumaas-baba pa ang kilay.

"Shut up, Johan Henrick. Buong araw akong nagbiyahe, hindi kagaya mo."

He definitely has a foreign blood in him dahil sa accent ng Tagalog nito. Matapos makipagkamay kay TJ ay inukopa nito ang silya na nasa tabi ng dalaga.

"Hi, gorgeous," sabi nito sa kanya kaya napapisik na naman siya.

"Simon James."

Pareho silang napatingin kay TJ.

"What?"

"You don't mess up with what's mine."


NAHILOT NI Sherin ang sentido nang makabalik na sila sa opisina ni TJ. Masasabi niyang naging successful ang presentation na iyon ng binata sa mga kaibigan nito kaya lang ay humaba ang diskusyon kaya dumami ang kailangan niyang i-take down. Hindi lang iyon, nagsisimula na ring kumalam ang sikmura niya.

"I'll be back at one-thirty," sabi ni TJ na hawak ang susi ng kotse nito.

May lunch date pa nga pala ito. Lalo tuloy sumama ang pakiramdam niya.

"Okay, Sir," pabuntong-hiningang tugon niya at nasapo na naman ang sentido.

Narinig na lang niya ang pagsara ng pinto. Ilang sandali pa ay inabot niya ang bag at naglabas ng biskwit. Dahil nagtitipid siya at tinatamad nang bumaba para bumili ng lunch ay iyon na lang ang pagtiya-tiyagaan niya.

Nabitin ang pagsubo niya nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Haylee.

"Hey, where's TJ?" tanong nito.

"Um, kakaalis lang niya, Mr. De Vera. May lunch date siya with...Katrina." Na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya kilala.

"Really? We're supposed to have lunch together, kaming lima. Hang on, is that your lunch?" Sa biskwit niya ito nakatingin.

Nahiyang ibinaba niya ang biskwit at awkward na ngumiti.

"I'm on a diet."

"Ah, women. How about a decent lunch with me then?"

She shook her head and smiled politely.

"Salamat na lang, Mr. De Vera. Marami pa 'kong tatapusin dito."

"Some other time maybe?"

"Sure," sabi na lang niya.

Ilang sandali pa ay mag-isa na muli siya.


"HAY, KAMA ko, na-miss kita!"

Agad siyang dumapa sa kama niya pagdating na pagdating niya. Napagod talaga siya at nanlalagkit pa ang pakiramdam niya. Kahit hindi kasing lambot ng dati niyang kama ang higaan niya ngayon ay na-appreciate na rin niya ito.

"Na-miss mo ba 'ko, ha? Alam mo ngayon lang ako napagod nang ganito sa buong buhay ko. Salamat naman at magkakasama na uli tayo."

Inabot naman niya ang picture sa tabi ng kama niya at hinaplos iyon.

"I had a very tough day, Mom, Dad, Lola. But you know what? I'm happy I survived it. Well, dapat lang dahil dito na iikot ang buhay ko ngayon. Tulungan niyo po akong malampasan 'to, ha? Ginagawa ko 'to para sa inyo. Tandaan niyo mahal na mahal ko kayo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top