Chapter Sixteen

Chapter Sixteen

NANG makaalis ang landlady ay agad na napawi ang ngiti niya at bumalik siya sa realidad.

Kahit kailan ay hindi na magiging kasing tamis ng mga ngiti ni Aling Fina ang magiging ngiti niya kapag dadating ang mga susunod pang Pasko at Bagong Taon. Wala na siyang rason para magsaya at mag-look forward pa dahil alam niyang magpapalungkot lang iyon sa kanya.

Kinuha niya ang kape at naupo sa mesa. Sinawsaw niya doon ang toasted bread na hindi niya naubos kaninang almusal. Iyon na lang ang panghapunan niya tutal naman ay tinatamad siyang magluto ng kahit ano.

Umaabot pa sa pandinig niya ang mga boses ng mga kapit-bahay niyang excited na raw sa pagpatak ng alas dose upang kumain ng masasarap na handa at magbukas ng mga regalo.

Malungkot siyang napabuntong- hininga.

"Isipin mo na lang ordinaryong araw lang 'to, Sherin..."

"Sa may bahay ang aming bati, Merry Christmas na maluwalhati..."

Napatingin siya sa labas ng bahay dahil sa mga batang nagka-caroling.

"Ang pag-ibig pag siyang naghari...araw-araw ay magiging Pasko lagi..."

May isang grupo pala ng mga bata na kumakanta sa harap mismo ng bahay niya.

"Ang sanhi po ng pagparito--"

Napahinto sa pagkanta ang mga bata nang itaas niya ang kamay niya upang patigilin ang mga ito. Ayaw niyang nakakarinig ng Christmas song sa totoo lang.

"Ang gaganda naman ng boses niyo, mga bata," nakangiti niyang sabi sabay dukot ng limampong piso sa bulsa ng shorts niya at iniabot sa batang babaeng pinakamalaki sa mga ito. "Pagpasensiyahan niyo na at 'yan lang ang kaya ni Ate, ha?"

"Thank you po, Ate! Merry Christmas po!" tuwang-tuwang sabi naman ng mga ito at nagsialisan na.

Isinara naman niya ang pintuan at binalikan ang kape niya.

Mukhang matutulog na lang siguro siya nang maaga mamaya.

ALAS DOSE NG hating-gabi, araw ng Pasko, dinig na dinig ni Sherin ang naghalong mga Christmas songs na pinapatugtog at mga boses ng mga kapitbahay niyang nagsasaya habang naroon naman siya sa paanan ng kama niya, nakasalampak sa sahig habang nakatiklop ang mga tuhod at hawak-hawak ang kanilang family picture.

"Mommy ko..." paulit-ulit niyang sabi habang walang patid sa pag-agos ang kanyang mga luha.

Parang binawasan ng dalawang dekada ang edad niya sa inaasta niya nang mga sandaling iyon. Hindi naman siya ganoon noong mga huling labing anim na Pasko sa buhay niya. Ewan ba niya at ngayon pa siya nagkaganoon.

Hindi niya alam kung gaano katagal na siya sa ganoong posisyon. Hanggang ngayon ay naririnig pa rin niya ang katuwaan ng mga kapitbahay niya.

Nahiling niya na sana ay matapos na agad ang kasiyahan ng mga kapitbahay niya.

Napapisik siya nang biglang bumukas ang pinto ng silid niya at basta na lang pumasok si TJ. Sa kabila ng pagkagulat ay nakuha pa niyang pahirin ng kamay ang mga luha.

"TJ? B-bakit ka nandito?"

"Bakit ka umiiyak?" sa halip ay tanong nito at umuklo sa harap niya.

"Bakit ka nga nandito?"

"Bakit ka nga umiiyak?"

"Lagi naman akong umiiyak, eh," sagot niyang kaagad na nagbaba ng tingin.

"Hindi mo ba alam na kanina pa kita tinatawagan?"

Umiling-iling siya. Hindi talaga niya alam dahil nakapatay ang cellphone niya tutal naman ay walang mag-aabalang umalala sa kanya sa araw na iyon.

"Tumayo ka." Kinuha nito ang mga kamay niya at inalalayan siyang tumayo. "Tell me, bakit ka umiiyak?" tanong nitong hinawakan siya sa magkabilang pisngi.

"D-dahil hindi ako masaya...naiinggit ako sa kanilang lahat. Ang saya-saya nila...tapos ako, heto..."

Kinabig siya ni TJ at ikinulong sa mga bisig nito.

"It's okay, Sherin."

"No, TJ, it's not. It will never be, kahit ano pang gawin ko."

"Don't be so hard on yourself. Nandito ako para samahan ka. Tahan na."

"Ang tagal na naming hindi nagsi-celebrate ng Pasko. Nakalimutan ko na kung ano ang pakiramdam."

"Sabihin mo kung bakit, makikinig ako," ani TJ at masuyong hinaplos ang buhok niya.

"December 24...dapat magsi-celebrate kaming apat na magkakasama ng Pasko sa bahay. Nasa abroad pa si Mom dahil may kailangan pa siyang tapusing script sa special episode ng isang show sa US pero nangako siyang before midnight kasama na namin siya. Excited akong ipakita sa kanya 'yong Santa costume ko no'n. K-kaya lang..." Pumiyok pa siya. "...hindi siya nakarating, eh. Nagcrash 'yong eroplanong sinasakyan niya. Hindi siya nakaligtas...hindi niya nakita ang regalo ko para sa kanya. Hindi na namin uli siya makakasama."

Lalong lumakas ang paghikbi niya. TJ on the other hand remembered the incident sixteen years ago. Naging laman kasi iyon ng mga news hanggang sa nagbagong taon.

"Hindi naman ako ganito ka-emosyonal kapag dumadating ang Pasko simula noong mamatay si Mom, eh. Hindi pinaramdam ni Lola na wala na akong ina, lalo niyang ibinuhos ang buong atensiyon niya sa 'kin. Pero ngayong pati sila ni Dad nawala na rin sa 'kin, pakiramdam ko parang kahapon lang nangyari ang lahat."

Patuloy lang sa paghaplos si TJ sa buhok niya at nagpatuloy din siya.

"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nila akong iwang mag-isa. Hindi ba nila alam na nakakapagod maiwan?"

"Do you think gusto ka nilang nagkakaganyan?" he asked her.

"Kung gano'n bakit nila ako iniwan?"

"Tama na, Sherin."

"Hirap na hirap na 'ko..."

"Nandito ako. Hindi kita iiwan."

"Sinasabi mo lang 'yan kasi naaawa ka sa 'kin."

"That's not true."

Hinawakan siya ni TJ sa magkabilang pisngi at pinahid ang mga luha niya gamit ang mga hinlalaki nito.

"I will always come for you."

Pagkatapos ay masuyo siya nitong hinalikan sa noo. Nang tumigil siya sa pag-iyak ay dinala siya nito sa sala at pinaupo. Napansin niya ang ilang malalaking kahong nakapatong sa mesa at ilang paper bag.

"P-para saan ang mga 'yan?" takang tanong niya.

"Christmas presents for you," sagot naman ni TJ nang tumabi sa kanya.

"Galing sa'yo lahat nang ito?"

"Not really."

Kinuha ni TJ ang mga regalo at ibinigay sa kanya. May tatlo iyon. Nang tingnan niya ang unang box ay nakalagay ang pangalan ni Jervey sa card na may simpleng pagbati mula dito. Napangiti naman siya sa thoughtfulness nito. Ang pangalawang box ay walang card kaya in-assume niyang iyon na ang galing kay TJ. Nagulat naman siya sa nakita niyang pangalan sa pangatlong box-- Eugenio Dominguez. Galing sa family lawyer nila na si Attorney Dominguez. Pakiramdam niya ay may kung ano'ng humaplos sa puso niya. Kung paanong naiabot nito kay TJ ang regalo ay hindi na niya binalak alamin.

"T-thank you so much, TJ. Hindi ko in-expect na mag-aabala kang dalhin sa 'kin ang mga 'to." Mabilis niyang pinahid ang luhang pumatak.

"What did you eat tonight?"

"Actually, wala. Tinamad kasi ako."

"Kung gano'n pala tamang-tama lang na nagdala ako ng pagkain." Tumayo si TJ at kinuha ang paperbag na kinalalagyan ng pagkain.

"Ako na lang ang bahala diyan," pigil naman niya at napatayo.

"Tulungan mo na lang ako."

Kung ano man ang tumatakbo sa utak ni TJ at sinamahan siya nito nang mga sandaling iyon, nagpasasalamat talaga siya nang sobra.

"IKAW ba ang nagluto nito?" tanong niya matapos ng unang subo sa kanya ni TJ ng apple tuna salad.

"How'd you know?" amused na tanong naman nito.

"I just know."

Kahit masarap naman ang mga inu-order nila sa restaurant ng kapatid nito ay malalaman at malalaman pa rin niya kung sino ang nagluto ng pagkaing matikman niya.

"Eat," sabay umang sa kanya ni TJ ng kutsara.

Imbes na ibuka ang bibig ay napatitig siya sa gwapong mukha nito.

"Nagluto ka pa talaga para lang sa 'kin? Bakit, TJ?"

"Bakit hindi?"

"Si Katrina na ngayon ang girlfriend mo at hindi ako. Mas pinili mo pang makasama ako kaysa sa kanya?"

"She's not here. Nasa abroad na naman siya at kasama niya ang family niya. Ikaw, mag-isa ka. Mas kailangan mo 'ko."

Mapait siyang ngumiti. "Aminin mo na, TJ. Naaawa ka lang naman sa 'kin, 'di ba?"

"Kapag sinabi kong mas gusto kitang makasama hindi ka rin naman maniniwala, 'di ba?" anitong pasimpleng ibinalik sa pinggan ang kutsara.

"TJ..." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng binata at hinuli ang mga mata nito. "Napatawad mo na ba 'ko? Napatawad mo na ba 'ko sa ginawa kong pang-iiwan sa 'yo? Hindi ka na ba galit?"

Imbes na sumagot ay kinuha nito ang mga kamay niya at hinalikan ang magkabilang palad niya.

Pagkatapos ay tiningnan siya nito sa mga mata.

"Hindi na 'ko galit sa'yo. Kahit kailan hindi ako nagalit sa'yo kahit iniwan mo 'ko. Naiintindihan ko ang desisyong ginawa mo."

Naiyak na naman siya. "T-talaga?"

"Oo."

"Salamat!" sabay yakap niya dito. "Maraming-maraming salamat. Hindi mo lang alam kung gaano mo napagaan ang loob ko."

"Pwede bang 'wag ka nang umiyak? Madi-dehydrate ka sa ginagawa mong 'to, eh. Look at you, hindi ka na kasing ganda ng dati," ani TJ at hinagod ang likod niya.

Pagak siyang tumawa.

"Hindi naman talaga ako maganda, eh. Kapag itatabi ako kay Katrina magmumukha lang akong basahan."

"I'm just joking."

"Totoo naman, eh. At ang swerte-swerte niya. Ako ang dapat na sa posisyon niya ngayon kung pumayag lang akong magpakasal sa'yo. Aaminin ko sa'yo, nagsisisi ako. Naiinggit ako kay Katrina. Ako dapat ngayon ang pakakasalan mo. Masayang-masaya sana ako. Siguro hindi miserable ngayon ang buhay ko. Hindi sana ako ngayon nalulungkot nang ganito. Nagsisisi ako dahil alam kong hindi na 'ko makakahanap ng katulad mo."

"Sherin--"

"I'm sorry, TJ. Sinabi ko lang ang nasa loob ko. Hindi mo kailangang magsalita because in the first place, hindi mo naman dapat naririnig 'to. Mahal na mahal lang talaga kita kaya hindi ko kayang kalimutan ang nararamdaman ko para sa'yo. Sorry..."

"Tama na."

"Pasensiya ka na talaga. Nakakahiya ako, alam ko."

"Lumalamig na ang pagkain, tahan na."

Bahagya siya nitong inilayo dito at pinahid na naman ang mga luha niya.

"Gusto kong ubusin mo lahat ng 'to, maliwanag ba?"

Tumango- tango naman siya.

"ANO'NG oras ka uuwi?" tanong niya habang pareho na silang nakahiga sa kama at nakakulong siya sa mga bisig nito.

"Gusto mo na ba 'kong umalis?" sa halip ay tanong ng binata.

"Hindi. Alam mo namang hindi na kita nakakasama nang ganito. Kung pwede nga lang sana..." Hindi na niya itinuloy ang sasabihin niya.

"Kung pwede nga lang sana ano?" susog naman ni TJ.

Alanganin siyang ngumiti habang nag-iinit ang mga pisngi niya.

"Kung pwede nga lang sana ganito na lang tayo habang- buhay."

Mariin siyang napapikit nang suklayin ng isang kamay nito ang buhok niya.

"You reminded me of my Mom. She's always been a hopeless romantic." Nahimigan niya ang ngiti sa tono ni TJ kaya napangiti na rin siya.

"I've always been right. She's very wonderful." Tapos ay napahikab siya.

"Matulog ka na at kailangan na kita bukas sa opisina."

"Good morning, TJ," sabi niya at lalong sumiksik sa binata.

"Good morning, my lady."

"HEY, I have something for you," sabi sa kanya ni TJ habang abala siya sa harap ng computer niya at kakabalik naman nito sa opisina.

"Ano naman?" tanong niyang hindi man lang nag- aangat ng tingin. Kanina pa siya abala dahil pinapa- rush iyon ni TJ sa kanya.

"Tingnan mo kaya muna? Come on, take a break."

"Pero 'di ba kailangan na kailangan mo 'to--"

Naputol ang sasabihin niya nang makita niyang may hawak itong chocolate mousse cake. Agad naman siyang natakam. Tiyak niyang sa ThomJen's iyon galing. Katulad na katulad kasi niyon ang ibinigay nito sa kanya noong birthday niya.

"Did you just say you got something for me? 'Yan na ba 'yon?"

"Kung gusto mo lang naman at kung may plano ka pang magpahinga. We got the whole day, anyway. Walang masama kung titigilan mo muna 'yan."

Tumayo naman siya at ngingiti- ngiting lumapit dito.

"Patikim nga niyan," sabi niya at kumuha gamit ng hintuturo niya saka isinubo sa bibig. "Masarap."

"Halika na kung gano'n."

"Sige." Hinawakan siya ni TJ sa kamay at hinila papuntang pent house.

"HERE," anang binata sabay abot sa kanya ng kutsara.

Nasa kusina sila at hindi na sila nag- abalang kumuha ng platito dahil hindi rin sila nag- abalang i-slice iyon.

"Tataba na talaga ako sa ginagawa mong 'to," napangiti pang sabi ni Sherin.

"That's my goal, obviously."

"Thank you, TJ. Thank you, basta thank you talaga."

"Eat," sabi naman ng binata at sinubuan siya.

"TJ..."

"Please."

"Hanggang kailan mo 'ko tatratuhin nang ganito? Alam mo bang natatakot ako na baka masanay na naman ako?"

Alam kasi niyang sa bandang huli, siya lang din naman ang masasaktan.

"Much better."

She stared at him as if he's impossible.

"Alam kong gwapo ako kaya ganyan ka na lang makatingin pero pansinin mo naman sana 'tong pagkain."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top