Chapter Six
CHAPTER SIX
"MAY LAKAD ka, apo?" tanong ni Celeste nang mapasukan siya nito sa silid niya habang naglalagay siya ng mga damit sa backpack niya.
"May pupuntahan lang po bukas at baka Sunday na 'ko makabalik. Okay lang naman po sa inyo 'yon, 'di ba, Lola?"
"Sino naman ang kasama mo? Si TJ ba?"
Sinulyapan lang niya ang lola niya at pagkuwa'y isinara ang backpack.
"O-opo."
"Masyado ka na yatang napapalapit sa binatang iyon, hija. Magsabi ka nga ng totoo, umiibig ka na ba sa kanya?"
Napatitig siya rito at pagkuwa'y nagbaba rin ng tingin.
"Lola, sabi ko naman sa inyo magkaibigan lang kami, 'di ba? H-hindi ko siya pwedeng mahalin."
"Tama dahil makakasagabal lang siya sa pagsalba sa kompanya natin."
Isinara niya ang aparador niya at pagkatapos ay naupo siya sa kama niya.
"Bakit niyo nga pala ako pinuntahan dito? May gusto po ba kayong sabihin?"
Umupo naman si Celeste sa tabi niya.
"Gusto ni Aurelio na nandoon ka kapag ginanap na ang auction para i-announce sa mga tao ang engagement niyo once maipanalo na niya ang bid."
Gusto niyang masuka pagkarinig sa pangalan ng negosyante.
"S-sige po. Kung 'yon po ang gusto ninyo," sagot niyang hindi tumitingin dito.
"Iyon lang. Mag-iingat ka sa lakad mo bukas. Good night, Sherin."
"Good night din, Lola. I love you." Lumapit siya sa abuela at niyakap ito nang mahigpit.
"I love you, too, apo ko."
"HELLO, my lady."
Iyon ang nakangiting salubong sa kanya ni TJ nang bumaba ito sa kotse. Sinundo siya nito mismo sa labas ng bahay nila. Napangiti rin siya nang makita ang ayos nito. Nakasuot lang ito ng kulay gray na sando, puting walking shorts at puting sneakers.
"Hi, you look good," tugon pa niya.
"Ikaw din."
Siya naman ay nakasuot lang ng puting printed shirt, maong na shorts and flip flops. Ganoon lang ang ayos nila dahil sa club house ng pamilya nito sila pupunta.
"Tara na."
Kinuha naman nito ang bag niya at inilagay sa backseat.
"Siyangapala, hindi na natin masosolo ang lugar kasi pupunta rin si Jervey kasama ang date niya," sabi pa ni TJ habang nasa biyahe na sila.
"Okay lang 'yon. Tingin ko mas masaya kung marami tayo," nakangiting sagot niya.
"Hindi rin. Mas gusto ko pa rin kung solo kita."
"Bakit mo nga pala ako naisipang yayain sa club house niyo?"
"Tinatanong pa ba 'yan? Siyempre, quality time with you. Ayaw mo ba niyon?"
"Siyempre, gusto. Thank you, TJ, ha?"
Kumindat ito sa kanya sa rearview mirror.
"I love you," dagdag pa niya.
"Uh," he groaned."Bakit ngayon pang nagda-drive ako?"
Natawa naman siya.
HINDI naman inabot ng kalahating oras ang naging biyahe nila sa club house nina TJ. Kaagad siyang namangha pagpasok pa lang nila. May malaking bahay-tuluyan doon at maraming punong-kahoy sa paligid. Napaka-relaxing sa mata ang view ng malawak na swimming pool at may pavillion pa.
"Hindi ako makapaniwala, Detective. Nasa panganib na nga ang buhay ko tapos nakuha mo pa 'kong dalhin dito?!"
Naagaw ang atensiyon nila ni TJ sa dalawang taong bagong dating habang nakatayo sila sa pavillion. Napalingon sila kay Jervey at sa kasama nitong babae na hindi maipinta ang mukha.
"Sa tingin mo ba dadalhin kita rito kung sa tingin ko hindi ka ligtas? Pag ako naubusan ng pasensiya sa 'yo, ako mismo ang magtu-turn over sa 'yo sa mga gustong pumatay sa 'yo," ganti naman ng binata na salubong ang kilay na halatang kanina pa nagtitimpi.
"Gawin mo nang malaman ng mga kliyente mo na sayang lang ang perang binabayad nila sa 'yo! You're so impossible! How dare you call yourself a detective!"
"Magpasalamat ka na lang kaya, 'no, Miss Llandres?"
Magsasalita pa sana ang babae pero napansin na sila nito kaya agad itong tumahimik at tila nahihiyang nagyuko.
"Nag-aaway ba kayo, guys?" tanong ni TJ sa dalawa.
"Hindi," mabilis na chorus ng dalawa at halos tapunan ng tingin ang isa't-isa.
"This is Cielo Llandres. Isa siya sa mga witness ng kasong hawak namin and she's under protection program," pakilala ni Jervey.
"Protection? Hindi ba basta magandang babae delikado sa 'yo, Jervey?" biro naman ni TJ.
"Hi, I'm Sherin and this is TJ, Jervey's cousin and my boyfriend."
Nang sulyapan niya si TJ ay gayon na lamang ang ngiti nito.
"H-hello, I'm Cielo. Sorry about what happened a while ago," kiming tugon naman ng dalaga.
"Trust Jervey kapag sinabi niyang safe ka rito," sabi naman ni TJ.
"Tara na, pumasok na tayo sa loob," singit ni Jervey at hinawakan sa siko si Cielo.
Agad namang pumiksi ang huli."Kaya kong maglakad sa sarili ko!"
Pero hindi naman yata nakikinig si Jervey at hinila pa rin ang dalaga. Nagkangitiang sumunod naman sila ni TJ sa mga ito papasok ng bahay.
AGAD silang umakyat sa ikalawang palapag ng bahay at pumasok sa isa sa mga silid na nandoon.
"This is where we'll stay for the mean time," ani TJ.
Agad namang naupo si Sherin sa malaki at malambot na kama habang pinagmamasdan ang kabuuan ng silid.
"Maganda ang silid na 'to, TJ. Gusto ko dito," nakangiti niyang sabi.
"That's good."
Matapos maisara ang pinto ay tumabi ang binata sa kanya.
"Ano ang gusto mong gawin? Gusto mo bang magswimming agad?"
"Mamaya na siguro. Mas gusto kong kumain kasi kaunti lang 'yong kinain ko sa agahan kanina." Napahawak pa siya sa tiyan niya.
"Sige, sasabihan ko ang mga katulong na magluto kung gano’n."
"Hindi mo ba 'ko ipagluluto?"
"Pwede bang mamayang dinner na lang?"
"Sige na nga. And thanks for taking me here, TJ."
"Don't mention it," tugon naman ng binata at pinulupot ang isang braso sa beywang niya."Anything for the woman I love."
Mariin siyang napapikit nang halikan siya nito sa noo. Hindi talaga siya nagsisisi na sumama siya rito. Sa ganitong paraan man lang ay masulit niya ang mga pagkakataong makakasama niya ito bago man lang siya magpakasal sa iba. Masakit iyon para sa kanya dahil kay TJ pa lang siya nakaramdam ng ganoong saya pero kapag naiisip naman niya ang napakalaki nilang utang ay nakakaramdam siya nang sobrang guilt. Ganoon nga talaga siguro kapag nahahati ka sa pamilya at sa personal na kaligayahan.
"CIELO?" tawag niya mula sa labas ng silid na tinutuluyan naman nito at ni Jervey. Kadugtong lang ng silid ng mga ito ang sa kanila.
Agad namang bumukas ang pintuan ng silid.
"Yes, Sherin?" anitong may pinapahid na kung ano mula sa mga mata. Sa tingin niya ay umiyak ito sa dahilang ito lang ang nakakaalam.
"Nasaan si Jervey?"
"N-nasa baba na yata."
"Tara bumaba rin tayo. Nagugutom kasi ako. Kulang 'yong kinain ko kanina sa almusal."
"Buti ka pa may kinaing kaunti. 'Yong mongoloid kasing Jervey na 'yon basta na lang akong sinugod sa apartment ko. Kanina pa nga ako gutom, eh."
Nagkatawanan naman sila.
"Kung gano’n halika na."
Isinara naman ni Cielo ang pinto at umabrisete sa braso niya.
"Gusto na kita, Sherin," nakangiting sabi pa nito.
Habang pababa ng hagdan ay nagkwento ng ilang mga bagay sa kanya si Cielo tungkol sa sarili nito. Isa raw itong fashion designer at dalawang taon ang tanda nito sa kanya. Lumabas sila ng bahay dahil doon nakahanda ang almusal sa pavillion. Nakita rin nila doon si TJ na naghihintay.
"Nasaan si Jervey?" tanong ni Cielo.
"Nasa loob pa yata. Kinailangan daw niyang tumawag sa opisina, eh," sagot naman ni TJ.
"Kumain na tayo. Mukhang susunod naman si Jervey, eh," sabi naman niya.
"Kahit hindi na siya sumunod. Kasalanan naman niya kung bakit ako nagugutom ngayon," ani Cielo at agad na naupo.
"AYON, doon ko nalaman na front lang pala ng boss ko 'yong fashion show para sa mga illegal drug transactions nila. Nakita ko 'yong ginagawa nila and then there's Jervey na akala ko isa lang sa mga ordinaryong models na kinuha para irampa 'yong mga damit. It turned out na he's undercover pala. Imagine that? Ang alam ko lang nagtatrabaho ako para buhayin ang pamilya ko and then sa isang iglap lang nanganib na ang buhay ko."
Hindi nila naiwasang pagkwentuhan ang dahilan ng kani-kanilang pagpunta doon sa club house lalo na ang kay Cielo.
"Nakakatakot naman pala ang sitwasyon mo," ani Sherin na hindi maitago ang pangangamba sa boses.
"Pero mas natatakot ako para sa pamilya ko. Ayokong madamay sila rito dahil mababaliw ako kapag nangyari 'yon."
"Kaya nga kailangan mong magtiwala sa 'min para mabilis naming mareresolba ang kaso," ani Jervey na katabi nito.
"Lalo pa't ikaw ang naatasang magbantay sa 'kin, malabo 'yon," pakli naman ni Cielo."Kung may choice lang sana ako, eh."
"Kaso nga wala so now you're stuck with me. Tsaka ano'ng malay mo, ma-stuck ka rin pati dito sa puso ko," nakangisi pang sabi nito.
Gayon na lamang ang disgust sa mukha ni Cielo pagkarinig sa sinabi nito. Hindi lang iyon, sinuntok pa niya ang binata sa braso!
"Ouch!"
"Sigurado ka bang isa kang detective at hindi drug addict?!"
Hindi naman nila napigilan ni TJ ang matawa.
"Nakita mo na ang ginawa nito, pinsan? Kahit si Mama hindi ako pinagbubuhatan ng kamay, siya lang!" reklamo ni Jervey na sapo ang balikat.
"Kung wala lang grasya sa harap ko hindi lang 'yan ang aabutin mo!" hindi papaawat na asik ng dalaga.
"Tanggapin mo na, Jervey. Ipinanganak na ang magiging katapat mo," wika naman ni TJ na natutuwa sa nangyayari kay Jervey.
"Ano'ng katapat ang sinasabi mo?"
Maya-maya pa pagkatapos nilang kumain ay nagkayayaang magswimming ang magpinsan. Ang dalawang babae naman ay nagpaiwan at kumain ng mga prutas na inihanda sa kanila.
"You actually trust, Jervey, don't you?" tanong pa ni Sherin habang nagbabalat ng dalandan.
"Oo naman. I have to. Kaya lang imbes na safety, sakit ng ulo ang nakukuha ko sa kanya. Ang daming sabit na klaseng lalaki. Nakakaloka." Napahawak pa si Cielo sa sentido.
"What do you mean?"
"Kasi naman 'yong mga obsessed na girlfriends niya, take note girlfriends, ha, gusto akong balatan ng buhay. Alam mo 'yon, ano ba ang meron sa lalaking 'yon?"
"Akala ko ba hindi playboy si Jervey?"
"Basta gusto ko nang matapos 'to para bumalik na sa normal ang buhay ko."
Pero para kay Sherin what Cielo feels towards Jervey is beyond that.
"Matagal na ba kayo ni TJ?" tanong pa nito.
"Actually, hindi. Bakit mo naman natanong?"
"Wala naman. Feeling ko kasi perfect kayo para sa isa't-isa, eh. Nakakainggit ang chemistry niyo."
Ngiti lang ang sagot niya. Kung alam lang nito ang totoo. Kung gaano niya kabilis na minahal si TJ ay ganoon din kabilis niya itong iiwan.
"GUMAWA ng bonfire si Jervey sa likod-bahay, halika."
Kakatapos lang nilang maghapunan nang puntahan siya nito sa kwarto nila. Kakapalit lang niya ng pantulog na pajama at maluwang na t-shirt.
"Kailangan pa ba nating sumali sa kanila? Hindi ba pwedeng hayaan na lang muna natin silang makapagsarili para makapag-usap sila nang masinsinan para magkasundo silang dalawa?"
"I just thought you would want to stay outdoors. Magtatagal pa naman ang dalawang 'yon dito. Hindi gaya natin."
"Matulog na lang tayo."
Nang sumampa na siya sa kama ay sumampa rin si TJ.
"Sa tingin mo hahayaan kitang matulog?"
"TJ, seryoso 'to." Yumakap siya sa binata at humilig sa dibdib nito."Gusto ko ganito lang tayo."
"Pero gusto kitang halikan buong gabi," ani TJ na sinimulang haplusin ang buhok niya.
"Please, TJ. Let's just stay this way."
"Ikaw na nga ang bahala."
"GOOD morning, sleeping beauty. Time to get up now."
Napaungol si Sherin at nag-unat ng mga braso. Namulatan niya si TJ na nakaupo sa gilid ng kama. Mamasa-masa pa ang buhok nito mula sa shower.
"Good morning, too," napangiting tugon niya at napaupo sa kama."You could have just kissed me if you want to wake me up, though."
"Hey, bakit ba hindi ko naisip 'yon?" anang binatang natampal ang noo.
"Nagugutom na agad ako."
"You can take a shower at dadalhin ko na lang dito ang agahan natin."
"What? Hindi ba tayo sasabay kina Jervey at Cielo?" takang tanong niya.
"Actually, wala pa akong nakikita isa man sa kanila na lumabas ng kwarto nila."
Ano kaya ang nangyari sa bonfire ng dalawa?
"Sige, bibilisan ko na lang ang pagshower."
"ANG AKALA ko magbo-bonfire tayo kagabi. Bakit hindi kayo bumaba ni TJ?" tanong sa kanya ni Cielo habang nasa likuran sila ng bahay.
Paraang maliit na park iyon. May malagong damuhan, benches at malalaking bato. Naiwan pa ang mga natirang kahoy at abo mula sa bonfire sa tapat ng bench na inuupuan nila habang kumakain sila ng salad na niluto ni TJ.
"Sorry. Tinamad na kasi ako at inantok kaya niyaya ko na lang si TJ matulog," napangiti niyang sagot."Okay lang naman siguro kahit kayo lang ni Jervey kagabi."
Nakita ni Sherin na namula si Cielo.
"Ang totoo nagkaroon kami ng chance na makapag-usap nang masinsinan kagabi. Iyong tipong seryoso, iyong hindi kami nagbabangayan."
"Mas nakilala mo ba siya nang lubusan?"
"Somehow. Ang totoo nabawasan nang kaunti ang imbyerna ko sa kanya. Nang kaunti lang, ha."
Nagkatawanan pa silang dalawa.
"Huwag niyong sabihing maggi-girl talk na lang kayo diyan buong araw?"
Pareho silang napatingin kay Jervey na nakasuot lang ng shorts at basang-basa na ang katawan. Malamang ay sa pool ito galing.
"Okay naman kami dito, ah?" ani Cielo at tiningnan siya."'Di ba, Sherin?"
"Oo nga naman, Detective."
"'Wag nga kayong KJ diyan. Tara, swimming tayo. Kung hindi kayo marunong pwede ko kayong turuan. Isang kiss lang ang kailangan," nakangisi pang sabi ng binata.
Agad namang sumimangot si Cielo.
"No need to bother, Mr. Trias. Mas gusto ko pang humalik sa palaka baka sakaling maging prinsipe pa 'yon."
"Miss Llandres, hindi ba halik ang tawag sa pinagsaluhan natin kagabi?"
Hindi napigilan ni Sherin ang pagpapakawala ng tawa nang makitang pinanlakihan ito ng mata ni Cielo.
"Paputukin ko kaya 'yang mga labi mo sa kadaldalan mo? You kissed me first!"
"But hey, you kissed me back!" buong pagmamalaking ani Jervey at napameywang.
Napatayo si Sherin at kumumpas sa hangin.
"Alam niyo, guys, magswimming na lang tayo para lumamig 'yang mga ulo niyo."
"Tara na nga, Sherin," sabi naman ni Cielo na napatayo at umabrisete sa braso niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top