Chapter Seventeen
CHAPTER SEVENTEEN
"OKAY KA lang ba diyan, Sheng? Nag-i- enjoy ka naman ba?" maya't mayang tanong sa kanya ni Aling Fina.
"Opo, Aling Fina. Maraming salamat po sa pag- iimbita sa 'kin dito, ha?" nakangiting sagot naman niya.
Nasa bahay siya nito nang dumating ang media noche at kasalo na nga niya ang buong mag- anak ng landlady niya. Maliban na lang sa padre de pamilya ng mga ito dahil matagal nang OFW ang asawa ni Aling Fina.
"Alam mo namang hindi ka na iba sa aking bata ka."
"Ate, kain ka pang pansit. Si Nanay ang nagluto niyan, nilagyan niya ng mani!" sabi naman ng bunso nitong si Peter na nasa anim na taong gulang na.
"Maraming salamat, Peter. Alam mo paborito ko nga ang pansit," sabi niya at bahagya pang kinurot sa pisngi ang batang katabi.
"Isipin mo na lang na kami ang pamilya mo para naman hindi ka malungkot ngayong bagong taon," sabi pa ng ginang.
"Marami pong salamat," sabi niya at agad inalis ang namuong bara sa lalamunan niya.
Sabay pa silang napatingin sa pintuan nang may marinig silang katok.
"Fiona, 'nak, ikaw na nga ang magbukas," utos naman ni Aling Fina sa panganay nitong anak.
"Sige po." Mabilis itong tumayo at agad na tinungo ang pintuan.
Si Sherin naman ay nagpatuloy sa pagkain.
"Ate Sheng, ikaw daw ang hinahanap," nangingiting sabi ni Fiona pagkuwan.
Bahagya pang kumunot ang noo niya sabay tayo nang mapagtanto ang lalaking nakasunod sa likod nito.
"TJ."
"Nahuli yata ang boyfriend mo, hija, ah?" nanunuksong sabi naman ni Aling Fina.
"Happy New Year po sa inyo. Nakaistorbo ba 'ko?"
"Ay, hindi, hijo. Upo ka, upo ka."
Mabilis na tumayo si Aling Fina at ipinaghila ng upuan si TJ sa tabi ng dalaga.
"Halika, sumabay ka sa 'min. Mabuti na lang dumating ka."
Napabalik naman sa pagkakaupo si Sherin at manghang nakatitig lang kay TJ na naupo sa tabi niya.
"What, why am I here?" tanong nito na tila ba nabasa ang iniisip niya.
"B-bakit nga ba?"
"Akala ko kasi mag- isa ka na namang magsi- celebrate. I'm glad hindi kita nadatnang umiiyak."
Kimi siyang ngumiti. Ang totoo masaya siya sa mga sandaling iyon. Ang akala kasi niya ay si Katrina naman ang makakasama nito.
"Wala ka bang balak sumali sa kanila do'n sa labas?" tanong sa kanya ni TJ habang nakatayo sila sa may pintuan ng bahay niya habang pinapanood nila sina Aling Fina na nagpapailaw sa bakuran ng mga ito kasama ang iba pa nilang mga kapit- bahay.
"Okay na 'ko dito kasama ka," nangingiting sabi naman niya.
"Nalulungkot ka na naman ba?"
"Hindi na masyado. Alam ko sa sarili ko na okay na 'ko. Makakaya ko 'to. Ako pa."
Kinuha naman nito ang isang kamay niya at hinalikan ang likuran ng palad niya.
"Come here," at ikinulong siya ng binata sa mga bisig nito.
Agad naman siyang humilig sa dibdib nito.
"TJ..."
Basta na lamang bumalong ang luha sa mga mata niya. He was holding her in his arms without her asking.
"Simula ngayon ayoko nang makita kang nalulungkot," he told her.
"I promise."
"Good."
Hinalikan pa siya nito sa noo at sa mga labi.
"BAGAY SA'YO."
Hindi niya naiwasan ang ma- conscious sa paraan ng pagtitig sa kanya ni TJ. He was referring to the gray dress she's wearing na pinatungan niya ng puting blazer at puting sandals. Iyon ang regalo sa kanya ng binata noong Pasko. Hawak- hawak na niya ang tasa ng kape nito nang pumasok si TJ at iyon agad ang salubong nito sa kanya.
"S-salamat," kimi niyang tugon at inilapag sa mesa nito ang kape. "Naisipan kong isuot na agad. Paulit- ulit na lang kasi ang mga sinusuot ko araw- araw, eh," pabiro pa niyang dagdag.
Nginitian naman siya ng binata bago humakbang papunta sa mesa nito.
"Teka, sandali lang," pigil pa niya at inayos- ayos ang kwelyo at kurbata nito. "Hayan, okay na. Sa susunod i-double check mo kung maayos ba 'yong suit mo, okay?"
"I'm sorry. Thanks, my lady."
Nagulat pa siya nang kintalan siya nito ng halik sa mga labi.
"Ikaw, ha," aniyang namula at hinawakan ang magkabilang pisngi nito. Napakunot-noo pa siya. "Mainit ka, TJ."
"I'm always hot," he said matter-of-factly.
"No, mainit ka talaga. Look," at pati leeg nito ay kinapa niya. "May sakit ka ba?"
"Medyo nilalagnat lang. Kanina lang 'to paggising ko."
"Eh bakit ka pa pumasok?"
"Pwede naman akong magpahinga dito sa opisina, eh. Tsaka mas okay dito, may mag-aalaga sa 'kin." Nginitian pa siya nito nang makahulugan.
"Uminom ka na ba ng gamot?"
"Yeah."
"Good."
No, it's not, Sherin, kastigo naman ng utak niya. You're acting like you're still the girlfriend. Ano ka, masokista?
"SURPRISE!"
Pareho silang napatingin ni TJ sa pintuan nang bigla iyong bumukas at iniluwa ang napakagandang si Katrina.
"Katrina."
Pinanood niya si TJ na tumayo mula sa mesa nito at sinalubong ang dalaga.
"I missed you, fiancé!" malambing na sabi ng huli at hinalikan sa mga labi ang binata. "Na-miss mo ba 'ko?"
"O-of course. Kailan ka lang dumating? Bakit hindi mo man lang ipinaalam sa 'kin?"
"Edi hindi na surprise 'yon! TJ, na-miss talaga kita nang sobra. Sorry kung hindi man lang tayo nagkasama during the holidays. Nag-extend kasi kami ng mga friends ko sa Milan, eh. I hope hindi ka nagtampo sa akin."
"Of course not. I actually had a great holiday."
"That's good!"
Kasi magkasama kami, anang isip ni Sherin at muli siyang nagpakaabala sa harap ng computer.
"Bakit ka nga pala napasyal dito? Sana nagpasabi ka man lang," narinig pa niyang tanong ni TJ.
"Because I can't wait to tell you about this Half- Filipino, Half- Italian wedding coordinator na nakilala ko sa Italy!"
Lihim siyang natigilan sa sinabi ni Katrina. Wedding coordinator daw.
"W-what about it?"
"I've seen her latest projects. Magaling talaga siya and guess what, nagkaroon na siya ng maraming clients na Hollywood couple! Gusto kong samahan mo 'kong i-meet siya. May branch siya sa mall at bagong bukas lang 'yon."
"Pero marami akong kailangang tapusin ngayon. Hindi ba pwedeng sa ibang araw na lang?"
"I told her we'd meet her as soon as makabalik na 'ko ng Philippines, eh. Ayoko namang mapahiya sa kanya. Gusto ko talagang siya ang mag-organize ng kasal natin six months from now. Sige na naman."
Pakiramdam ni Sherin ay sumikip na naman ang silid na iyon para sa kanila.
"Excuse me, Sir. I think tapos ko na lahat ng pinapagawa niyo sa 'kin," singit niya.
"Great. You can take your break now," kaswal na tugon naman ni TJ.
"Or pwede ring ikaw na lang ang sumama sa 'kin!" mungkahi naman ni Katrina at maluwang ang ngiti nito sa kanya.
Napamaang naman siya at nagpalipat- lipat ang tingin sa dalawa. Nanghagilap ng palusot ang utak niya.
"Miss Katrina, baka kasi..."
"I promise mabilis lang tayo. Hindi tayo gagabihin. Sige na naman, Sherin. Please, please, please?" Pinagdikit pa nito ang mga palad at binigyan siya ng tinging mahirap tanggihan.
"TINGNAN mo 'to, Sherin, ang gaganda ng mga wedding gowns, 'di ba?"
Hindi na mabilang ni Sherin kung pang-ilang catalogue na ang ipinakitang iyon ni Katrina sa kanya. Magkatabi sila nito sa couch ng opisina ng sinasabi nitong kakilala nitong sikat na wedding coordinator na nakaupo naman sa tapat nila.
"O-oo nga, ang gaganda nila," sabi naman niya.
Hindi niya kilala ang mga nakalagay na pangalan ng mga designers na hindi Pilipino at sa totoo lang ay hindi pasado sa simple niyang panlasa ang karamihan sa mga iyon.
"Sa tingin mo kaninong gawa ang susuotin ko?"
"Nakita mo na ba ang mga designs ni Miss Sandy?" sabi naman niya.
"Oh, 'yong Tita ni TJ? Hindi pa, eh. I never got the chance. Kasi naman sa labas pa 'ko ng bansa nagpapa-couture."
"Sana subukan mong tingnan minsan. Well, suggestion lang naman ang akin, Miss Katrina."
"You know what that's an awesome idea!" sabi naman ni Katrina na nagliwanag ang mukha. "Para naman mapalapit din ako sa ibang mga relatives niya. I usually get intimated by his Mom kasi, eh."
"Si Miss Jennica?" takang aniya. Bakit naman mai-intimidate dito si Katrina? "Ang bait-bait nga niya, eh."
"Buti ka pa nasasabi mo 'yan. Ako kasi may feeling ako na hindi siya boto sa 'kin para kay TJ, eh."
"Hindi totoo 'yan, Miss Katrina."
"Palibhasa ipinilit ko lang ang sarili ko sa anak niya," ani Katrina at malungkot na ngumiti.
Lihim na natigilan si Sherin sa sinabi ng dalaga. Gusto niyang malaman kung paano nito nasabi iyon but then wala naman siya sa posisyon.
"Nagda-drama ba kayong dalawa diyan?" untag naman ni Illona, ang wedding coordinator na nasa early thirties na nito pero bata pa ring tingnan.
Napangiti naman silang dalawa.
"Sorry, dear," ani Katrina. "So okay lang ba if iba ang kunin kong designer ng wedding gown ko?"
"Oo naman. If that could make my client happy."
Nagpaalam siya sa dalawa na maglalakad-lakad muna dahil marami pa ang pag-uusapan ng mga ito. Natagpuan niya ang sariling mag-isang nakaupo sa isang coffee shop habang wala sa loob na pinapanood ang mga pagparoo't parito ng mga tao sa mall. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga.
Hindi siya makapaniwalang sinasamahan niya ang babaeng pakakasalan ng lalaking mahal na mahal niya. Iyon na ba ang sinasabi nilang katangahan sa pag-ibig?
"Sherin?"
Tila natauhan siya nang may marinig na tumawag sa pangalan niya. Nang tingnan niya ang kaharap niya ay nakaupo na si Aurelio sa katapat na upuan.
"M-mister Gaston."
"Kamusta ka na? Alam mo bang pinahanap pa kita pero dito lang pala kita makikita?"
"A-ano'ng ibig mong sabihin?" tanong niya at bigla siyang nakaramdam ng discomfort dahil sa presensiya nito.
"Sa'n ka na ngayon nakatira?"
"M-may tinutuluyan akong apartment. Hindi malayo sa pinagtatrabahuan ko."
"Yeah. I've heard na nagtatrabaho ka na ngayon sa dati niyong kompanya. It must be really insulting for your father and Doña Celeste na inaalila ka ng bagong may-ari niyon."
Nakuyom naman niya ang kamao na nasa ilalim ng mesa. Si Aurelio mismo ay iniinsulto na siya base sa pananalita nito.
"I don't care. Ang mahalaga lang naman sa akin ay mabayaran ko si TJ dahil sa ginawa niyang pagbayad sa natitira naming utang," kaswal na tugon niya ay sa totoo lang ay kating-kati na siya na itaboy ang lalaki sa harap niya.
"But I'm sure hindi ka masaya sa trabaho mo. Hindi na ako magtataka kung miserable na ang dati mong marangyang buhay."
"Of course, that's not true," mariing sabi niya at matalim na tiningnan si Aurelio. "Masaya ako sa ginagawa ko dahil kahit papaano ay nagkakaroon ako ng silbi sa kompanya kahit hindi na namin pagmamay-ari iyon."
Bukod pa doon ay nagkakaroon siya ng maraming pagkakataon na makasama ang lalaking mahal niya kahit pa nga malapit na itong maikasal sa iba.
"Pwedeng-pwede ka namang bumalik sa dati mong buhay, Sherin," ngising-asong sabi ni Aurelio.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ng dalaga nang mapatitig dito.
"Pwede ka pa ring magpakasal sa akin kahit na hindi ako nagtagumpay na bilhin ang kompanya ninyo."
Her jaws dropped kasabay ng pagsitayuan ng mga balahibo niya sa katawan.
"That's ridiculous," hindi napigilang pasaring niya.
"Bakit hindi? Kaya kitang ibalik sa nakasanayan mong buhay, iyong nakukuha mo lahat ng gusto mo at may magsisilbi sa iyo. Hindi lang iyon, magkakaroon ka uli ng hawak sa dati ninyong kompanya dahil may balak akong mag-invest doon. Isipin mo na lang ang mga benepisyong makukuha mo kung papayag ka sa gusto ko."
Nang nagtaka itong hawakan ang pisngi niya ay kaagad siyang umiwas.
"Thanks but no thanks," matatag na sabi niya. "Hindi naman ako inutil para umasa sa ibang tao masolusyunan lang ang mga problema ko. Iyon ang insulto sa pamilya ko. Sa iba mo na lang ialok 'yang gusto mo, Aurelio."
"Ito ang calling card ko sakaling magbago ang isip mo," anang lalaki at may inilagay na maliit na papel sa harap niya.
Hindi naman siya nag-abalang bigyang-pansin pa iyon at itinulak pabalik sa kaharap niya.
"Hinding-hindi na magbabago ang isip ko, Mr. Gaston. I'm afraid nagsasayang ka lang ng oras mo. Good bye." Tumayo na siya at tuloy-tuloy itong tinalikuran.
Marahas siyang nagbuntong-hininga. Sa lahat naman ng mga taong pupwede niyang makita.
"Sherin."
Pabalik na siya sa office ni Illona nang marinig niya ang pagtawag ni TJ. Nanggaling ito sa direksiyon ng fountain area.
"TJ."
"Ang sabi mo babalik kayo kaagad ni Katrina pero maggagabi na. Dapat nakauwi ka na, 'di ba?"
"Kasi, um, marami pa silang pinagdidiskusyunan ni Miss Illona kaya bumaba muna ako dito. Ikaw, bakit ka nandito?"
"Iyon na nga, eh. Sinusundo kayo."
"Tara sabay na tayong bumalik sa second floor."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top