Chapter Four
CHAPTER FOUR
"HINDI ba businessman ka? How come at masarap kang magluto?" tanong pa ni Sherin habang pinagsasaluhan na nila ang isang chicken dish na hinanda ni TJ para sa kanila.
"Well, Dad loves to cook for our Mom. Iyon na ang nakalakihan namin ng kapatid ko. Nag-enroll kami sa isang cooking school when we were in high school and then na-realized ni Thew na gusto niyang maging chef. Ako naman, masaya na 'kong hindi ko na kailangang umasa sa deliveries sa lahat ng oras. Why, mas gusto mo ba ng mga lalaking magaling magluto?"
"Hmm, why not?" napakibit niyang sagot."TJ, how old are you, if you don't mind?"
"Bakit, ilang taon ba 'ko sa tingin mo?"
Pinaningkit ni Sherin ang mga mata na tila inaalisa ang mukha ng binata.
"I think mas matanda ako sa 'yo. Twenty-five na kasi ako and you look like--"
"I'm already thirty, my lady."
"Oh?" gulat na aniya."You're thirty and you're not yet married?"
"You see, there's a big difference between a thirty year-old man and a thirty year-old woman. I supposed you know what I mean."
"I think so. Ikaw ba nakailang girlfriends na?"
"Nakailan?" amused na ulit ng binata."Hindi kasi ako ang tipo na gumagawa ng listahan ng mga babae. Gusto kong gayahin si Dad na si Mom lang ang una at tanging babaeng minahal kaya ayokong manligaw ng babae kapag hindi ako sigurado na siya na nga."
"You mean hanggang ngayon wala ka pang nakikita?"
"Gano’n na nga."
"Pero pa'no mo naman malalaman kung 'yong babae, 'yon na nga 'yon?"
"I'll just know. Kapag may sparks."
"Sparks?" she repeated giggling.
"May nakakatawa?"
"Ikaw! TJ, wala pa 'kong nakikilalang lalaking naniniwala sa signs and sparks."
"And you think that's funny," he said with a smirk.
"No, don't get me wrong, TJ. Ang totoo napa-flatter nga ako dahil nakilala ko ang isang kagaya mo. I think that's cute of you," naaaliw pang sabi ni Sherin.
"You think so?"
"Oo naman! I actually concluded na ang mga dinadala mo dito sa condo mo, hindi mo naman ginagawang girlfriend kaya exempted silang lahat sa listahan mo. Just kidding."
TJ showed his boyish smile that surprisingly warmed her heart.
"More wine?" alok pa nito.
"Sure."
Pagkatapos niyon ay isang chocolate mousse cake naman ang naging dessert nila.
"Sigurado ka, hindi mo kailangan ng tulong?" tanong niya nang nililigpit na ni TJ ang mga pinagkainan nila.
"Hindi na. Mamaya ko na lang 'to huhugasan. Nabusog ka ba?"
"Oo naman." Iniangat uli niya ang wine glass at uminom."Lahat ba ng mga babaeng naka-date mo ipinagluluto mo?"
"Hindi."
"Kung gano’n pala ang swerte ko," napangiting pang sabi niya.
"Well, I found you special." Umikot ito sa gilid niya at kinuha ang kamay niya.
"Really?"
"Gusto mong sumayaw?"
"What?" she asked with a giggle."Pero wala namang music, ah?"
"Does it matter?"
Inalalayan siya nitong tumayo at dinala malapit sa sala. Iniwan siya nito sandali upang sindihan ang iba pang mga scented candles na nakakalat sa sulok ng unit nito, only making it more romantic. Hindi niya napansin ang mga kandila nang dumating siya kung hindi pa sinindihan ang mga iyon ni TJ.
"Shall we, my lady?"
Napangiti siya at inabot ang kamay dito. Ikinawit nito ang kanang kamay niya sa balikat nito habang ang kaliwang kamay naman nito ay humapit sa beywang niya. Ang mga natitira pa nilang kamay ay pinaghugpong nila. Then they started swaying slowly.
Matangkad na mama si TJ kaya naman umabot lang siya sa balikat nito. Malaki rin ang pangangatawan nito kaya kayang-kaya siya nitong durugin ng mga braso nito kung tutuusin pero sa halip ay napaka-gentle nito sa kanya.
Hindi na naman niya napigilan ang pagkabog ng dibdib niya. Kailan pa kaya siya masasanay sa presensiya nito? Or tama lang bang masanay siya sa presensiya nito?
"You're a good dancer," nakangiting komento pa ni TJ.
"Ah, t-thanks. Madalas kasi akong isayaw ni Dad nang ganito noong buhay pa si Mom. Ngayon ko nga lang na-realize na grabe pala talaga ang pagluluksa ni Dad nang mawala siya. Kung kailan...kung kailan wala na rin siya." Sa sinabi ay nakaramdam na naman siya ng lungkot."I missed them both, TJ."
"I shouldn't have brought that up. I'm sorry," apologetic namang sabi ng binata."Nalungkot ka tuloy."
Pilit namang ngumiti ang dalaga."Wala ka namang kasalanan. Madrama lang talaga ako."
"Ayoko talagang nakakakita ng magagandang babae na nalulungkot."
"Ikaw din, magaling kang sumayaw," pag-iiba na lang ng dalaga.
"Hindi naman."
Napasinghap siya nang bigla na lang siya nitong inikot.
"Hey!" anas niya nang mapahawak siya sa dibdib nito.
"Sorry," nakangising sabi ni TJ at nahigit niya ang paghinga nang bumaba ang tingin nito sa mga labi niya."I wonder what your lips taste like."
Napalunok siya."T-TJ..."
"Tasted like wine I think?"
His voice has turned husky that it brought shivers to her system. And her heart, it feels like it's in her throat already.
"Or tikman ko na lang kaya para malaman ko? Magalit ka kaya?"
Napapikit siya at halos bulong na lang ang mga salitang lumabas sa bibig niya.
"Go ahead and kiss me."
Hinawakan naman ni TJ ang baba niya at naramdaman niyang lalo siya nitong idinikit sa katawan nito.
Ilang sandali pa ay naramdaman na niya ang mga labi nito sa kanya. Awtomatikong napakapit siya sa leeg nito nang maramdaman niyang nanginig ang mga tuhod niya dahil sa epekto ng mga halik nito. Iyon ang unang pagkakataon na nahalikan siya kaya naman sa umpisa ay nakikiramdam lang siya hanggang sa natagpuan na lang niya ang sariling tumutugon at hanggang sa naging malalim at mapusok na ang halik na pinagsasaluhan nila.
A moan escaped from her throat. Walang salitang pinangko siya ni TJ at ipinasok sa silid nito habang magkahinang pa rin ang kanilang mga labi. Ibinaba siya nito sa malambot na kama at kaagad na pumaimbabaw sa kanya upang ipagpatuloy ang halik. His hands started to explore her body at hindi niya mapigilang mapakislot.
Hinawi nito ang straps ng dress niya at hinalikan naman siya sa leeg. Napaigtad siya at napasabunot sa buhok nito.
"Let me peel you off of this."
Kinapa nito ang zipper sa likod niya. In one swift movement, naka-underwear na lang siya, leaving her breasts fully exposed. Pulang-pula na siya nang mga sandaling iyon pero naikubli iyon nang kadiliman dahil ang tanging tanglaw nila ay ang mga nakasinding kandila na nasa labas ng silid.
"Beautiful," puno ng paghangang usal ng binata habang pinagmamasdan ang kabuuan niya.
Napasinghap siya nang maramdaman ang bibig nito sa isang dibdib niya habang ang kabila naman ay minamasahe ng isang kamay nito. Napakapit siya sa bedsheet habang pinipigil ang pagkawala ng ungol sa bibig niya. She was fully aroused now.
Lumayo lang nang bahagya ang binata sa kanya para tanggalin naman ang mga saplot nito. She can make out of his perfect body through the lights coming from the outside of the room. Muli ay hinalikan siya nito nang maalab at hinuli ang kanyang mga mata.
"Tell me you want this, too," halos pabulong nang sabi nito.
Kung dahil iyon sa ininom niyang alak o kung dahil sa lihim niyang paghahangad na maangkin nito ay ayaw na niyang mag-abalang alamin pa.
"TJ," anas niya habang habol ang paghinga."I-I trust you..."
Hinalikan muli siya nito habang ang isang kamay nito ay walang kahirap-hirap na inabot ang drawer at naglabas ng isang maliit na pakete.
NAGISING siya sa ingay na nanggagaling sa kusina. Wala na si TJ sa tabi niya at nang i-adjust niya ang sarili sa head board ng kama ay napangiwi siya sa munting kirot na naramdaman niya sa ibabang bahagi ng katawan niya. Hinawi niya ang buhok na napunta sa mukha niya at bumaba ng kama. Binuksan niya ang closet ni TJ at kumuha ng asul na T-shirt at towel saka pumasok sa banyo nito.
Matapos suklayin ang buhok ay pinuntahan niya ito sa kusina. Nadatnan naman niya itong nakaharap sa kawali na may suot lang na boxers at puting apron. Nang gumawa ng tunog ang ginawa niyang pag-upo sa stool ay saka lang siya nito napansin.
His hair is wet and he looks refreshing.
"Gising ka na pala. Magandang umaga."
He leaned across the table and gave her a smack on the lips.
"Good morning," tugon niya at kiming ngumiti.
"Kamusta ang tulog mo?"
"Mabuti naman." Ang totoo it was more than that. She just can't find the exact word to describe it.
"Halata ko nga. Kaya nga hindi na kita ginising, eh."
"Pinakialaman ko ang cabinet mo. I hope you don't mind."
"Why would I?" Hinarap na nitong muli ang niluluto at kumuha ng pinggan."I'm almost done, kaunting tiis na lang."
"Take your time," napangalumbabang sabi niya habang naaaliw na pinanood ang pagmamaniobra nito sa kusina.
"SHERIN, say 'ah'."
Napasimangot ang dalaga nang ilapit sa kanya ni TJ ang kutsara nitong may fried rice at ham.
"Ano namang kalokohan 'yan, TJ?"
"Just open your mouth."
"Ginagawa mo naman akong bata, eh."
"Ayaw mo?" may bahid ng pagdaramdam na anito.
Napamaang siya. Nangungonsensiya pa yata ito.
"Naku-corny-han ako, eh."
"Tayo lang naman ang nandito, eh. Sige na, Sherin, please."
Nang mag-puppy eyes ito ay natawa siya. Kaya kahit nag-aalangan ay ibinuka niya ang bibig upang tanggapin ang isinubo nito.
"Oops." Napahawak pa siya sa bibig para hindi kumalat ang kanin.
Bakit mas masarap yata ang isinubo nito sa kanya?
"Good girl!" ani TJ na malapad ang ngiti.
"Good girl ka diyan," pakli naman niya matapos lumunok at uminom sa kape niya.
Tapos kumuha uli ng panibagong isusubo sa kanya ang binata.
"Heto pa. Damihan mo ang kain, ha?"
"TJ naman!"
"Don't turn me down, my lady. Baka umiyak ako. Mahirap akong patahanin so think again."
Hindi niya napigilan ang mapahagikhik.
"Thomas Aguirre, Jr."
"What?"
"Ibang klase ka."
SIYA ANG nagprisintang maghugas ng pinggan nang matapos silang kumain. Si TJ naman ay pumasok ng silid nito para magbihis. Hinuhugasan na niya ang mga kamay niya nang bigla siyang yakapin ng binata sa beywang mula sa likuran.
"TJ naman!" anas niyang napahawak sa dibdib niya.
"Mamaya ka na umuwi," anitong ipinatong ang mukha sa kanang balikat niya at inamoy ang buhok niya."O 'di naman kaya dito ka na lang habang-buhay."
Kumawala siya dito upang harapin ito.
"Hindi naman yata pwede 'yon. Ikaw, hindi ba kailangan mong magreport sa opisina niyo?"
"Tinatamad ako, eh. Para ngang...para bang ayoko nang umalis sa tabi mo?" anitong hinapit ang beywang niya at idinikit pa ang noo nito sa kanya.
"Tumigil ka nga," pakli naman niya kahit ang totoo ay kinilig siya."Kung tutuusin kakakilala lang natin sa isa't-isa, TJ, pero nagtiwala agad ako sa 'yo. Ibinigay ko pa ang sarili ko sa 'yo."
"Iniisip mo bang pagkakamali lang 'to?"
"Hindi nga ba?"
"Wala akong pakialam, Sherin. Ang alam ko lang, gusto kita at gusto kong nasa tabi lagi kita."
"Hindi kaya naaawa ka lang sa 'kin dahil wala akong ibang matakbuhan?"
Hinawakan nito ang baba niya at hinuli ang mga mata niya.
"Napag-usapan na natin 'to, 'di ba? Alisin mo na 'yan sa isip mo."
"Sorry."
"Huwag ka na munang umalis, okay? Ako na lang ang maghahatid sa 'yo sa inyo."
"Dito lang tayo? Ano naman ang gagawin natin dito?"
Ngimisi si TJ nang makahulugan.
"Ano sa tingin mo?"
"YAYA Esther, si Lola po ba dumating na?" tanong niya nang salubungin siya ng mayordoma sa sala pagdating niya.
"Hindi pa po, Señorita, eh. Baka pauwi pa lang po. Siyanga po pala, pumunta dito si Attorney Dominguez kanina. May iniwan siya para kay Doña Celeste. Ipinatong ko po do'n sa mesa sa study niya."
"Sige po, maraming salamat."
Agad niyang tinungo ang hagdan at dumiretso sa study ng Lola niya. Hinanap niya ang tinutukoy ng mayordoma at nakita naman niya ang isang brown envelope. Naupo siya sa silya nito at binuksan iyon. Siguro naman ay hindi magagalit ang Lola niya kapag tiningnan niya ang laman niyon.
Ilang mga papeles ang nandoon at nang basahin niya at sinubukang intindihin ay pawang mga halaga ng pera ang nandoon. Nagulat siya nang mapagtantong iyon ang kabuuan ng utang na naiwan ng kanyang ama na kailangan nilang bayaran. Marahil ay pinakiusapan ng Lola niya ang kanilang abogado na ayusin ang kabuuuan ng kanilang mga pagkakautang sa ilang bangko.
Natutop niya ang bibig nang suma tutal ay nagkakahalaga iyon ng one hundred-twenty million! Papaano nila babayaran ang ganoon kalaking halaga? Kaya bang solusyunan iyon ng kanyang Lola nang mag-isa?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top