Chapter Fifteen

Chapter Fifteen

WALA SILANG kibuan hanggang sa magsimula ang presentation na ginawa ni TJ sa mga board members ng T Corporation. She didn't get the chance to watch him dahil hindi naman siya kailangan doon pero naghintay lang siya sa labas at lihim na nagdadasal.

"Okay ka lang ba, Sheng?" tanong sa kanya ni Trinny na isa rin sa mga empleyado doon.

Nakatayo kasi siya sa tabi ng cubicle nito.

"O-oo. Kwan, hindi lang ako mapakali sa nangyayari sa loob. Sana okay lang si T--si Sir," sagot niya habang magkadaop ang mga palad.

"Kaya naman pala. Ano ka ba? Si Sir pa!"

Alanganin siyang ngumiti.

"Tama ka nga. Teka, CR lang ako, ha?"

Pagbalik niya ay nakita niyang nagsisilabasan na ang mga board of directors sa conference room.

Nahigit niya ang paghinga. "Tapos na?"

Gusto niyang malaman kung ano ang naging resulta pero nagdahan-dahan lang siya sa paglapit dahil hindi pa niya nakikitang lumabas sina Jeric at TJ.

Saktong malapit na siya sa pinto nang lumabas si Jeric.

"Mr. Trias."

"Hi, hija. It's good to see you again," nakangiti namang bati ng ginoo.

"O-oo nga po, eh. Good to see you rin po."

"I'll go ahead."

"Ingat po kayo, Sir."

Hinabol pa niya ng tingin ang papalayong ginoo bago pumasok sa loob ng conference room upang kamustahin si TJ. Nakita niya itong nakatalikod sa direksiyon niya habang nakahawak ang isang kamay sa mesa.

"TJ?" malumanay na pagtawag niya. "H-how did it go?"

Napakaseryoso ng mukha ng binata nang humarap sa kanya. Bigla namang kumabog ang dibdib niya.

It's okay, TJ. I'm still here for you--

"I did it!" biglang sabi ng binata at gayon na lamang ang pagsilay ng ngiti sa mga labi nito.

Napamaang siya. "What?"

"You're right!" at basta na lang siya nitong hinapit sa beywang. "Tama ka. I made it. Uncle was so impressed about my presentation."

"Oh, I'm so happy for you, TJ!" masayang sabi naman niya at parang maiiyak siya sa idea na nagbunga ng maganda ang pagpupuyat nila. "Congratulations! I knew it!"

Yumakap siya kay TJ nang mahigpit.

"Thanks for your help, Sherin. Hindi ko 'yon magagawa kung hindi dahil sa tulong mo."

"Wala 'yon, ano ka ba? I'm just so happy for you."

Hinawakan siya ni TJ sa baba at basta na lang siyang hinalikan sa mga labi.

"We need to celebrate!"

"Yeah, I think so," sang-ayon naman niya. "Pero hindi mo ba ipapaalam kay Katrina 'to?"

"Saka na. She can't answer my calls, anyway. Tara na," at nagsimula na itong magligpit ng mga ginamit nito kanina.

"Tara."

Dumiretso sila sa pent house at nagbukas ng bote ng champagne si TJ.

"Ngayon nakakahinga ka na nang maluwag," nakangiting ani Sherin habang binubuhusan ng binata ang baso niya.

"I'm just so happy."

"Tiyak na proud na proud sa'yo ang mga magulang mo."

"They always tell me that."

Iniangat naman niya ang baso. "Cheers."

"Cheers," tugon naman ni TJ at tinungga ang baso.

"Hey, dapat pauwi na 'ko mga ganitong oras," pagkuwa'y sabi ni Sherin.

"Not yet. Magdi-dinner pa tayo," sabi naman ni TJ.

"Dinner?" takang ulit naman niya.

"To celebrate, why?"

"Hindi mo na 'ko kailangang isama. Uuwi naman ako, eh."

"Sa condo ko na lang."

"Kagabi hindi rin ako umuwi, TJ. Ayoko namang mag-isip ng kung ano ang landlady ko. Kayo na lang ng fiancée mo."

"Sa bahay mo na lang kung ganu'n," pero sa halip ay mungkahi ng binata.

Napakurap siya. "What?"

"Come on. Magdinner tayo sa bahay mo."

"P-pero wala akong matinong pagkain do'n. Puro instant ang mga kinakain ko. Nakakahiya naman sa'yo."

"Bumili na lang tayo gaya ng kagabi," persistent namang mungkahi ni TJ.

"TJ--"

"Halika na."

"TJ--"

"Sino bang boss dito?"

NANG TUMULOY sila sa gate ay nakasalubong pa ng dalawa si Aling Fina na mula sa kung saan.

"Sheng, hija, dumating ka na pala!"

"Magandang gabi po, Aling Fina," bati niya.

"Boypren mo pala 'yang gwapong mamang nandito rin noong nakaraan?" nangingiting tanong pa nito habang nakatingin kay TJ.

She glanced at TJ guiltily. "Ah, kwan po, Aling Fina--"

"Kamusta po kayo? Ako po si TJ," sabat naman ng binata at nagmano sa ginang.

"Kawaan ka ng Diyos, anak. Ako si Fina, landlady nitong batang 'to. O siya, papasok na 'ko para makapaghapunan na kami."

"Sige po, Aling Fina," magalang namang tugon ng dalaga at hinawakan sa braso si TJ saka hinila.

"Mukha namang mabait ang landlady mo," sabi ni TJ habang sinususian niya ang kandado ng pinto.

"Ah, oo. Kaya nga maraming occupants ang nagtatagal sa kanya kasi maunawain din siya kapag katapusan na ng buwan. Alam mo na para maningil sa upa."

Kaagad silang pumasok nang tuluyan na niyang mabuksan ang pinto.

"Tsaka pasensiya ka na kung akala niya boyfriend kita. Palabiro rin kasi 'yon, eh."

"Let her think that way, I don't mind."

Kinuha niya ang paperbag kay TJ at iminuwestra ang sala. "Upo ka muna."

Mabilis niyang inihanda ang pagkain at nagpasyang magpapalit na lang kapag tapos na silang maghapunan.

"Ready na ang pagka--'oy."

Awtomatiko siyang napatingala sa direksiyon ng ilaw nang biglang dumilim sa buong kabuhayan. Brownout.

"What happened?" narinig niyang tanong ni TJ.

"Brownout. Sandali maghahanap lang ako ng kandila," sabi naman niya at kinapa ang cellphone na nakapatong sa mesa saka pinailaw.

Pumasok siya ng kwarto niya at dumiretso sa cabinet. Doon nakatago ang mga kandila. Buti na lang at naisipan niyang bumili ng marami kahit hindi naman madalas ang brownout doon.

"A candle light-dinner, what can you say?" pabirong aniya matapos maitayo ang kandila sa mesa.

"This is better," sabi naman ni TJ na nasa tabi na niya.

"Let's eat."

Noong mga unang araw niya sa bahay na iyon at nang mag-brownout ay nag-panic talaga siya. Hindi niya alam kung bakit natakot siya bigla sa dilim dahil hindi naman siya ganoon dati. Pakiramdam niya ay para siyang binabangungot nang gising. Wala siyang ginawa kundi ang sumiksik sa isang sulok ng kwarto niya habang nanginginig at ang tanging ilaw lang niya ay ang kanyang cellphone dahil hindi pa siya nakakabili ng kandila noon.

Pagkatapos niyon ay sinanay na niya ang sarili at kahit papaano ay hindi na siya masyadong nanginginig. At ngayong kasama niya si TJ nang mga sandaling iyon, pakiramdam niya ay okay pa rin ang lahat.

"Okay ka lang?" tanong ni TJ habang kumakain na sila.

"Y-yeah. Bakit mo naman natanong?"

"You look a bit tense."

Sinikap niyang ngumiti. "Bigla akong nanibago sa brown out. Hindi naman kasi ako ganito ka takot dati, ewan ko ba."

"Mag-isa ka na lang kasi ngayon."

"Okay lang. Hindi naman 'to madalas nangyayari, eh."

Kahit tapos na silang kumain ay hindi pa rin bumabalik ang kuryente kaya naman umupo lang sila sa mahabang upuang kawayan.

"Um, TJ?" aniya matapos ang ilang sandaling katahimikan na namagitan sa kanila.

"What?"

"Kailan mo balak umalis?"

"Hangga't hindi pa bumabalik ang kuryente dito."

Natigilan siya. "H-huh? Paano kung matagalan?"

"Edi matatagalan. Basta hindi kita iiwan."

"Eh pa'no kung bukas pa?"

"Edi bukas ako aalis. Basta hindi kita iiwang nag-iisa dito."

"TJ...malaki na 'ko."

Pero ang totoo ay nata-touch siya dahil sa concern na ipinapakita ni TJ sa kanya. Para lang silang katulad ng dati.

"Hindi mo naman kailangang magtapang-tapangan, eh."

Hindi niya alam ang sunod na isasagot. Tama si TJ. Nagtatapang-tapangan lang siya dahil wala naman siyang ibang maaasahan bukod sa sarili niya.

Itinaas niya ang mga binti at niyakap ang kanyang mga tuhod.

"Kailangan kong magtapang-tapangan," sa huli ay sabi niya. "I have no one beside me anymore. Ang meron na lang ako ngayon, malaking-malaking utang." Pagkatapos ay napabuntong-hininga siya.

"Sherin--"

"Thank you, TJ, ha?" sansala niya. "Kung hindi mo 'ko binigyan ng pang-unawa at pagkakataon baka sa mental na 'ko pinulot dahil nasiraan na 'ko ng bait."

Kinuha nito ang kamay niya at pinisil.

"Sabihin mo lang sa 'kin kung hindi mo na kaya."

Tumawa siya nang mapakla. "Ano ka ba? Hangga't hindi mababawasan ang utang namin hinding-hindi ako susuko, 'no."

"Seryoso ako. Kung may gusto ka magsabi ka lang sa 'kin."

Napabuga siya ng hangin dahil sa pagsikip ng dibdib niya. Pakiramdam kasi niya anumang oras ay iiyak siya.

"K-kakayanin ko 'to, maniwala ka. Um, TJ?"

"What?"

"Pwede bang payakap? Kahit ten minutes lang."

Hindi sumagot ang binata. Hindi naman niya mabasa ang ekspresyon nito dahil hindi niya maaninag nang maayos ang mukha nito.

"O-o sige, kahit five minutes na lang."

Hindi pa rin sumagot ang binata at nanatili lang itong hawak ang kamay niya.

"Eh five seconds? Kailangan na kailangan ko lang talaga ng magpapagaan sa loob ko ngayon, eh."

Nang wala pa rin siyang makuhang sagot mula dito ay napagalitan niya ang sarili. Baka naman labas ang bagay na iyon sa mga bagay na pwede niyang hingin mula kay TJ.

"S-sige, kalimutan mo na lang sinabi ko."

"Kaya mo pa ba talaga, Sherin? Please be honest to me," sa halip ay sabi nito.

Nakagat niya ang ibabang labi. Kaunting udyok na lang maiiyak na siya at ayaw niyang mangyari iyon lalo na sa harap ni TJ.

"Kaya ko pa, s-siyempre. Ako pa."

Pagkatapos ay bigla na lang siyang ikinulong ni TJ sa mga bisig nito at niyakap siya nang mahigpit. Nakasubsob siya sa dibdib nito habang nakapatong ang mukha nito sa ulo niya.

"Kahit buong gabi kitang yayakapin basta't makakapagpagaan sa nararamdaman mo walang problema sa akin. Kung gusto mo namang umiyak wala ring problema sa akin. Sabihin mo lang, Sherin."

She hugged him back as she closed her eyes and inhaled his scent.

"Okay na 'ko dito, TJ. Sa ngayon okay na 'kong yakap-yakap mo lang. Pakiramdam ko safe na 'ko, wala nang ibang makakapanakit sa 'kin."

Hindi lahat ay totoo sa sinabi niyang hindi siya nagsisisi sa pagtanggi niya sa alok na kasal ni TJ. Dahil tiyak niya, kung sinuot lang niya ang singsing na inialok nito noon ay hindi sana siya nakakaramdam ng ganoon katinding kalungkutan na nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.

Pwede kaya niyang hingin na sana ay siya pa rin ang mahal ni TJ?

"ANO, SHENG, pantay na ba?" tanong sa kanya ng mga kapwa niya empleyado na sina Elmo at Pancho na kapwa nasa tigi-isang hagdan sa magkabilang sulok ng hall habang nagkakabit ng Christmas decorations.

Sumenyas siya ng dalawang thumbs up. "Perfect na perfect, guys!"

Kailangan na nilang matapos ang pag-aayos sa function hall ng Falcon Corporation para sa gaganaping Christmas Party ng lahat ng mga executives at mga empleyado bukas ng gabi.

"Ayos!" sabi naman ng dalawa at nagkanya-kanya sa pagbaba.

"I think that's enough."

Awtomatiko siyang napaharap sa likuran niya nang marinig ang boses ni TJ.

"S-sir!"

"Magpahinga ka na. You already looked exhausted."

"Okay lang. Malapit na rin kaming matapos."

"It's almost lunch time. Halika na, kumain na tayo."

Sumunod na rin siya kay TJ nang maglakad ito palabas ng hall at tinungo ang direksiyon ng elevator.

"Um, Sir?" sabi pa niya.

"What?"

"Pwede bang 'wag na lang akong um-attend ng Christmas Party bukas?"

"Bakit naman?"

Nang bumukas ang elevator ay kaagad silang sumakay.

"Wala kasi akong nabiling bagong damit, eh. Hindi niyo naman siguro kakailanganin ang serbisyo ko bukas tutal party lang naman 'yon."

"Damit lang ba ang problema mo?"

"At tsaka mukhang magkakasakit yata ako."

"Ibibili kita ng damit at may gamot ako do'n sa pent house," kaswal na sagot ni TJ.

Napakamot siya sa kilay niya.

"Eh...tinatamad pa rin akong pumunta, Sir. Nakakahiya naman kung kayo pa ang sasagot ng ultimo isusuot ko."

"Sabi ko naman sa'yo magsabi ka lang, 'di ba?"

Nakagat niya ang ibabang labi.

Ang totoo ayokong makita kayo ni Katrina na magkasama, sabi niya sa sarili niya.

Nabalitaan kasi niya na dadalo at magiging date ni TJ bukas ng gabi ang fiancée nito.

"Sige, kung ayaw mo talaga hindi na kita pipilitin," sa huli ay sabi ni TJ.

"Salamat, TJ."

THE DAY AFTER the Christmas Party ay siya namang araw ng bisperas ng Pasko. Kung ano'ng ikinasigla ng mga tao sa paligid niya ay siya namang tamlay ni Sherin. Wala siyang ganang lumabas ng bahay o bumangon man lang sa kama niya.

Wala siyang planong maghanda para sa Noche Buena dahil mas gusto niyang tipirin ang pera niya. Wala siyang dinaluhang simbang gabi at hindi rin siya nag-abalang maglagay ng kahit na ano'ng maliit na parol. Hindi naman siya ganoon noong may pera pa sila. Siguro nga ay isa iyon sa mga bagay na nagbago sa pamumuhay niya nang hindi lang niya namamalayan.

"Sheng, hija."

Nagtitimpla siya ng kape niya sa kusina nang marinig niya ang tawag ni Aling Fina sa labas at gabi na iyon.

"Aling Fina," aniya nang patuluyin ang ginang. "Napunta po kayo?"

"Merry Christmas, hija! Tsaka advance Happy New Year na rin sa'yo, ha?"

"Naku, M-merry Christmas din po sa inyo, Aling Fina," tugon niya at pilit na ngumiti.

"Kung wala kang balak mag-celebrate mag-isa, welcome na welcome ka sa bahay mamayang Noche Buena. Sali ka sa 'min, marami kaming handa!" tuwang-tuwang sabi pa nito.

"Naku nahiya naman po ako," aniyang na-touch sa pag-aabala ng landlady niya.

"Huwag ka nang mahiya. Paskong-pasko na, eh. Ikaw talaga." Marahan pa siyang pinalo nito sa balikat.

"Maraming-maraming salamat po talaga. Hayaan niyo kapag hindi ako nakatulog nang maaga dadaan ako sa inyo."

"Aasahan ko 'yan, ha?"

"Opo, Aling Fina. Maraming salamat po ulit!"

"Basta ikaw, hija. O sige, tatapusin ko lang 'yong niluluto ko at marami pa ang kasunod niyon."

Napangiti naman siya.

"Merry Christmas po ulit!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top