Chapter 2



"Last year, may nagsuntukang mga second year pagkatapos ng basketball game. Hindi na pwedeng maulit iyon dahil talagang mawawalan ng tiwala ang mga estyudante sa student council..."

Siniko ko si Lulu na matiyagang nagsusulat sa notebook niya kahit hindi naman siya ang secretary namin. First-year representative siya ng student council pero sa kaniya palagi hinihingi ang minutes of the meeting dahil siya lang naman ang matiyagang nakikinig sa student president namin.

"Ano?" Bulong niya pero nakatingin pa rin sa president namin.

"Kilala mo si Enrique? Yung ROTC officer?"

Tumango siya. "Oo, yung palaging nasa gate, diba? Sinong hindi makakakilala dun? Diba ka-year mo yun?"

Tumango din ako. "Pero hindi ko alam kung aling section siya."

"Section Rizal."

"Galing mo, beh. Paano mo nalaman?"

"Andaming may crush sa kaniya sa section namin. Yung mga babaeng gusto ng mas matanda sa kanila at hindi natatablan ng alindog ni Ivo ay sa kaniya nagkaka-crush."

"May alindog ba si Ivo?"

Naghagikhikan kaming dalawa kaya sinamaan kami ng tingin ng president. Agad naman akong nag-iwas ng tingin habang si Lulu ay nahihiyang bumalik sa pagsusulat.

"Avery at Lulu, kayong dalawa ang maglilinis ng office pagkatapos ng meeting."

Aangal sana ako pero minabuti ko nalang manahimik dahil na-badtrip ata ang president sa amin. Tumango nalang ako at nginitian ang iba pang mga officer na ngayon ay nakatingin na din.

Late na kaming natapos sa meeting kaya late din kaming makakapagsimulang maglinis. Paniguradong wala na ding ibang estyudante sa labas maliban sa mga athlete na nagp-practice para sa darating na intramurals.

"Ikaw kasi! Tsini-tsimis mo ako!" Paninisi ni Lulu habang nagwawalis sa loob.

"Wala namang gaanong lilinisin dito, eh. Walis-walis lang tayo nang konti tapos sibat na." Nginisihan ko ang kaibigan.

"Ayoko! Mamaya magalit ulit sa atin ang president no!"

"Goody-goody," I teased her.

"Sira-ulo." Ganti niya naman.

Nagtawanan kaming dalawa bago bumalik sa paglilinis. Inayos ko ang mga files na nagkalat sa lamesa habang si Lulu naman ay lumabas para itapon ang basura. Mayamaya ay nakarinig ako ng yapak ng mga paa.

"Ambilis mo naman, si superman—" natigilan ako nang makitang hindi si Lulu ang nasa pintuan kundi si Enrique. Natulala ako saglit. Ngayon ko lang ata siya nakitang naka-uniporme. Puro kasi fatigue uniform o di kaya'y type B ang nakikita kong suot niya.

Mukha siyang model ng eskwelahan namin. Matangkad at saktong-sakto ang sukat ng uniporme sa kaniya. Ang linis ding tingnan. Tumawid ang tingin ko sa mga braso niya nang maalala ang sinabi ni Yari kahapon. Ngayong hindi na siya naka-long sleeves... totoo nga ang balita! Maugat...

He cleared his throat, making me jump.

"A-Ano?"

"Totoo ata ang sinasabi ng kaibigan mo kahapon..."

"Na?"

Hindi niya ako sinagot. Pumasok siya sa office at may inilapag na envelope sa lamesang inaayos ko.

"Na ano?!" Pangungulit ko sa kaniya. Wala akong matandaan na sinabi ng kaibigan ko kahapon! Sinong kaibigan ba?!

He just smirked boyishly at me. Nakakainis naman! Bakit kapag sina Ivo o Karlo ang gumagawa nito, ang sasagwa tapos pag siya parang hihimatayin na ako sa kilig? Ni hindi ko nga alam kung anong ibig sabihin ng pag-smirk smirk niya na yan!

Itinukod niya ang isang braso at bahagyang inilapit ang katawan sa akin. I swallowed a gasp when his breath tickled my ear.

"Hulaan mo..."

"Gago ka ba?!" Hinawakan ko ang kamay ko dahil baka masuntok ko pa ang lalaking ito. Kaagad akong umatras dahil inaasar na ata ako nito. Tama nga dahil ang laki ng ngisi sa mukha niya habang nakasandal sa lamesa.

"Dadalhin ko sa vet si Chuchay ngayong sabado para sa bakuna niya."

"Nagpunta ka lang ba dito para manghingi ng sustento?!"

"Pwede kang sumama kung gusto mo."

Nawala kaagad ang simangot sa mukha ko. My face lit up. "Talaga?"

He nodded. "Hindi pa siya gaanong sanay sa akin. Umiiyak din siya sa gabi."

"Itabi mo kayang matulog?"

"Do you think that would work?"

"Siguro? Tagalog, please. Nasa Pilipinas tayo." Paalala ko sa kaniya.

He chuckled. Wala namang masama kung nage-english siya, eh kaso ang lalim ng boses niya at ang sarap pakinggan. Kung anu-ano ang pumapasok sa isipan ko kapag naririnig ko siyang mag-english kaya huwag nalang!

Nabulabog kaming dalawa nang makarinig ng ingay sa ma pintuan. Lulu was panicking, trying to pick up the metal trash can she just dropped.

"S-Sorry! Akala ko walang tao rito... baka nakakadisturbo pa ako..." she said sheepishly.

Umirap ako sa ere. "Lulu, si Enrique. Enrique, si Lulu."

"Hi. Madaming may crush sa'yo sa section ko."

Enrique turned to her, then he turned to me. "Classmate ba kayo?"

"Ka-year tayo, no! Bata pa yan. Huwag kang magtatangkang landiin yan..." sabi ko kaagad.

Lulu laughed, putting the trash can back and forth into the ground. Para na siyang tanga na hindi alam ang gagawin ngayong nakita ang lalaki. May crush din ba siya dito? Paano iyong poging basketball player?

"Ano nga palang ginagawa mo dito? Hindi ka naman officer, ah?"

"May inutos lang sa akin," he gestured to the envelope. "Ibigay ko daw sa president niyo."

"Ay, umuwi na ang president namin."

"Iiwan ko nalang 'to dito." He stood and stared at me.

"Ano?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi ba tayo magkikita mamaya?"

Namula ang mga pisngi ko sa kaswal niyang pag-tanong! Pati si Lulu ay nanlaki ang mga mata.

"B-Bakit tayo magkikita? A-Akala ko ba Sabado pa?" Nautal-utal na ako habang si Lulu naman ay minumura na ako sa likod kahit na walang lumalabas na salita sa bibig niya.

"Busy ka?"

I nodded quickly. "Oo, busy ako! Hindi ako pwede mamaya!"

"Sige." tumango si Enrique. "Alis na ako."

"Bye! Come again!" Pahabol ni Lulu habang lumalabas ang lalaki. Nang makaalis na siya, kaagad niya akong sinugod.

"Akala ko ba hindi mo kilala ang lalaking iyon?!" Sigaw niya sa akin.

"Wala akong sinabing hindi ko kilala, 'no! Hindi ko lang alam ang section niya kung hindi mo pa sinabi sa akin kanina!"

"Ano yun?! Bakit kayo magkikita mamaya at sa sabado?! Close kayo?" sunod-sunod niyang tanong habang niyuyogyog ako. "Alam mo bang maraming mah-heartbroken sa klase ko kapag nalaman nilang hindi na available si Enrique?"

"Parang tanga, Lulu." Inalis ko ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin. "May custody kami sa isang aso na inampon ko slash niya. Magkikita kami sa sabado dahil may papabakunahan ang aso. Hindi kami close, kahapon ko lang siya nakilala."

"Hindi close pero nagc-co-parent ng aso? Dinaig niyo pa mag-ex!"

"Eh hindi ko madala ang aso sa bahay namin!" Reklamo ko. "Alam mo naman si Tita, diba?"

Lulu sighed. "Si Chuchay ba yan?"

"Wala naman akong ibang asong inaalagaan." Paalala ko.

"Bakit hinayaan mo siyang kunin si Chuchay? Paano kung salbahe pala siya? Hindi mo pa kilala, diba?"

I looked at my shoes, sighing. "Siya ang nagbayad sa dog pound para makalabas si Chuchay."

Lulu gasped. "Na-dog pound si Chuchay?!"

"Okay na nga, nasa bahay na siya nila Enrique. Kaya ako pumayag kasi mukha namang matinong lalaki."

She smirked at me. "Crush mo lang, eh."

Inirapan ko si Lulu sabay kuha sa bag ko. "Marunong akong lumugar pagdating sa pamimili ng mga crush, 'no. Masyadong out of league ang lalaking iyon."

"Yiee!"

"Tsaka, huwag mo muna 'tong ipaalam sa kanila. Ayokong inaasar-asar ako nila Ivo kay Enrique."

"Bakit? Kasi baka magkatotoo?"

"Kasi baka masuntok ko sila kapag napikon ako," isinukbit ko ang strap ng bag ko sa balikat sabay baling kay Lulu. "Tara na, madilim na, oh."

Lulu couldn't wipe the stupid grin off her face while we were heading out of school. Kumbinsedo ang babae na may "something" sa aming dalawa ni Enrique. Hindi ko siya pinansin at hindi ko rin sineryoso ang panunukso niya dahil kahit na magunaw ang mundong ito, alam kong hindi ako ang tipo ng babaeng magugustuhan ng mga katulad ni Enrique.

Of course, he'd pick someone from his league. Maganda, matalino, maputi, at slim. Iyon naman ang society standards, diba? Ang maganda ay para lang sa gwapo. Tsaka, bakit ko ba iniisip ang mga bagay na 'to gayong may papalapit akong exam? Lagot ako kay Tita kapag may nabagsak akong kahit anong subject!

Kung noon ay hindi ko napapansin si Enrique sa gate, ngayon sa tuwing pumapasok ako sa eskwelahan ay hindi ko namamalayan ang sarili kong hinahanap siya. Tinatanguan niya lang ako kapag nagkakasalubong kami. Na-a-awkward-an ako kaya naman pinili kong pumasok nang maaga dahil alam kong tatambay lang naman siya sa gate para sa mga late na estyudante.

Pagdating ng sabado, nagpaalam ako kay Tita sa lakad ko.

"Pwede naman, pero singilin mo muna ang boarder sa second floor bago ka umalis. Tatlong araw nang late ang renta nila."

Tumango ako at pumasok sa kwarto ko. Maliit lang iyon dahil si Tita naman ang nasa malaking kwarto at exhaust fan lang ang meron ako mula sa aircon niya. Walang cabinet sa loob kaya lahat ng mga damit ko ay nasa ibabaw ng bunk bed. Tinutupi ko lang nang maayos para hindi gaanong magulo tingnan.

Nag-pantalon lang ako at itim na blouse. Hindi ko magawang magsuot ng shorts kahit saan dahil natatakot akong baka halata ang mga stretch marks ko. Napakarami nun lalo na sa binti ko. Itim din palagi ang suot ko dahil sabi ni Tita, nakakapayat daw yun tingnan. Itinali ko lang ang buhok ko dahil mainit at naglagay ng pulbo. Sa Bayanihan Public Vet daw kami magkikita ni Enrique kaya doon na din ang diretso ko.

"Avery, kunan mo na din ng allowance mo ang ibibigay nilang renta. Aalis na ako," paalam ni Tita habang nagli-lipstick sa sala. Sinipat niya ako ng tingin at ngumiti. "Alam mo, ang mature mo nang tingnan."

"Dahil sa katawan ko?"

She chuckled and shook her head. "Ayan ka na naman. Alam mo bang maraming babae ang pinapangarap ang hinaharap mo?"

"Tita! High school pa lang ako!" Pinandilatan ko siya.

She laughed, her beach waves bouncing off her shoulders. Mukhang bagong perm na naman si Tita dahil hindi naman ganun ka-ganda ang volume ng buhok niya noong nagdaang linggo.

"Pero yung sabi ko sa'yo, ha? Bawal muna boyfriend. Alam kong maraming lalaki ang aaligid sa'yo dahil chicks—"

"Tita, alis na! Aalis na din ako! Bye!" Pinutol ko na kaagad ang sasabihin niya dahil alam ko kung saan na naman ito patungo. Ni minsan ay hindi ko kayang paniwalaan ang mga sinasabi ni Tita tungkol sa katawan at hitsura ko. Hindi ko alam kung sinasabi niya lang 'to para pabutihin ang loob ko o kung dahil pamangkin niya ako.

Umakyat muna ako sa taas para singilin ang renta ng dalawang boarders namin. Mag-live-in ang nasa studio unit habang mga college student naman ang nasa kabila. Iyong babae ang sumagot sa akin pag-katok ko sa pinto nila.

She sighed upon seeing me. "Pwede bang kalahati nalang muna? Alam mo namang wala pang trabaho ang partner ko, eh. Kakatanggal niya lang sa trabaho niya."

Hindi na ako nakipagtalo sa kaniya dahil halos buwan-buwan naman nagpapalit ng trabaho ang partner niya. I could see the stress in her eyes as she shuffled for the remaining bills in her wallet. Nakasimangot niya itong inabot sa akin.

Pinuntahan ko na din ang kabilang unit at buti naman ay nakapagbayad sila ng buo. Isinilid ko sa bag ko ang pera at lumabas na para mag-abang ng tricycle. Dahil hindi naman kami nagpalitan ng number ni Enrique, wala akong ideya kung naroon na siya sa vet ngayon. Natagalan pa ako dahil kung saan-saan pa inihatid ni Manong ang ibang pasahero niya at dumaan pa sa gasolinahan.

Tanaw ko mula sa sliding door ang matangkad na bulto ni Enrique. Nakaupo siya sa bench nila habang si Chuchay naman ay nakaupo din sa sahig, sa gitna ng mga hita niya. I went inside and smiled at him.

"Hi! Kanina ka pa?!"

"Ito po yung nanay," ani Enrique sabay turo sa akin.

The vet chuckled. "Ikaw pala ang hinihintay. Hindi alam ni Sir kung kailan ang birthday ni Chuchay."

"Ay, hindi ko rin po alam! Kinupkop ko lang siya..."

"Ah, pwede naman kayong gumawa nalang ng birthday niya. Kung ako ang tatanungin, nasa dalawang taon na si Chuchay. Hinihintay lang namin ang resulta ng blood test niya para makita kung normal ba bago siya bakunahan."

I nodded and crouched in front of Chuchay. Kulang nalang ay dambahin niya ako sa sobrang likot at saya nang makita ako. She keeps on licking my face and wagging her tail. Napansin kong kulay pink and harness pati ang tali niya na hawak ngayon ni Enrique.

"Binilhan mo na pala siya ng tali?" Tanong ko.

He nodded. "Pangalawa na niya 'to. Nginatngat niya ang isa kahapon."

I laughed. She seems to be doing very well.

"So... kailan birthday niya?"

"August 3..."

"Bakit August 3?"

"Kasi yun yung araw na inuwi ko si Chuchay sa bahay."

I bit my lower lip. Iyon din ang araw na nakita ko siya sa sementeryo at nakausap.

"Sige... ganun nalang."

Natahimik kaming dalawa habang naghihintay ng resulta ng blood test. Bumukas ang sliding door at may pumasok na babaeng may dalang poodle na maliit. She seemed to be in a sour mood but her face lit when she saw Enrique. Akala ko nga magkakilala sila pero hindi naman umiimik ang lalaki.

"Ang cute! What breed?" She asked, patting Chuchay's head.

"Aspin." Tipid na sagot ni Enrique.

Nawala ang ngiti sa mukha niya. "Aspin lang pala? Bakit pinapa-vet pa..." natatawang wika nito.

"Baka gusto mo ding ipa-check ang ugali mo sa vet, te! Ang sama, eh!" Hindi ko na napigilan ang sarili.

She looks taken aback. Nagpabaling-baling ang tingin niya sa akin at kay Enrique. Hindi ko nilingon ang lalaki dahil nahihiya ako sa kung ano mang reaksyon niya. Nag-aasal kalye ako ngayon pero hindi naman kasi pwedeng lait-laiitin niya si Chuchay dahil aspin siya!

"She's right."

I froze when I heard his voice behind me. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa braso sa lalim ng boses niya. The girl scoffed and walked out. I glanced at Enrique, who looks so pissed.

"Sayang naman, mukhang crush ka pa ata ni Ate," I let out a lame laugh.

His eyes turned serious. "Hindi ko siya type."

Guguluhin ko pa sana si Enrique pero binalikan na kami ng vet sa labas, hawak ang isang papel.

"So far, okay naman ang resulta ng blood test. Minor nutrient deficiency lang pero sabi niyo nga, asong-kalye si Chuchay kaya expected na iyon. Bibigyan nalang natin siya ng vitamins para suportahan ang kalusugan niya. Negative din siya sa distemper at parvo."

I nodded, feeling hopeful. Buti naman at walang sakit na nakuha si Chuchay sa dalawang taon niyang palaboy-laboy sa kalye. Ngayong napaliguan na din siya ni Enrique, mas tumingkad ang pagka-brown ng balahibo niya at ang sigla ding tingnan ng mga mata niya.

Enrique held her gently while the vet administered the vaccine. Nakatayo lang ako at nanunuod sa kanilang dalawa. Parang mag-ama talaga! The girl earlier keeps on glancing at him. Kawawa naman si ate, type pa ata si Enrique pero hindi naman interesadong lumandi ang lalaking ito.

"Ako na ang magbabayad! Nakakahiya naman sa'yo, mukhang andami mo nang nagastos mula nang iuwi mo si Chuchay," alok ko kaagad pagkatapos nila.

"Sigurado ka?"

"Oo naman!" Masigla akong nagpunta sa counter para humingi ng total breakdown at muntik na akong mapaiyak nang makita ang bayarin.

"750 pesos po sa blood test, 450 sa bakuna, tapos itong mga vitamins niya ay 2,800 lahat. Bale apat na libo lahat."

Parang gusto kong bawiin ang sinabi ko kay Enrique habang ipinapaliwanag ng lalaki kung para saan ang mga bitamina at kailan ipapaiinom sa kaniya. Mangiyak-ngiyak pa ako habang inaabot ang pera dahil isang buwang allowance ko yun! Ibig sabihin, wala akong kakainin sa buwan na ito. Hindi ako pwedeng manghingi kay Tita dahil baka mapagalitan na ako at hindi rin niya alam ang tungkol kay Chuchay.

I took a deep breath and pasted a smile on my face when I turned to them.

"Ayos na! Bayad ko na lahat!" Nag-thumbs up pa ako sa kaniya kahit bahagyang nanginginig na ang mga kamay ko.

He nodded and patted Chuchay's head. Sabay kaming lumabas ng clinic.

"Gusto mo?"

Mabilis akong tumango nang ipahawak niya sa akin ang tali ni Chuchay. Hindi naman siya katulad ng golden retriever ni Tita noon na nanghihila. Kalmado lang siyang naglalakad at pa-amoy amoy sa dinadaanan. Huminto siya para umihi sa may puno habang nakatingin kaming dalawa sa kaniya.

"Ang awkward..." bulong ko.

Kaagad nag-iwas ng tingin si Enrique kaya natawa ako. Babae kasi siya kaya kakaiba ang pamamaraan ng pag-ihi niya kumpara sa lalaking mga aso. We stood awkwardly for a couple of seconds after she was done.

Binaybay namin ang lilim ng mga punong-kahoy hanggang sa makarating sa malapit na park. May ibang mga aso din doon na inilalakad ng mga amo nila kaya napagpasyahan naming ilibot nalang din si Chuchay.

"Anong gagawin mo pagkatapos nito?" Tanong ko kay Enrique para basagin ang katahimikan.

"Part-time job."

"Talaga? May part-time job ka? Akala ko ba may formation ang mga ROTC kahit sabado?"

"Linggo." He corrected. "Tuwing sabado lang ang part-time job ko, o kung kailan ako kailangan."

"Anong trabaho mo?"

"Taga-hugas ng pinggan. Waiter. Depende."

"Wow, ang independent naman!" I couldn't help but gush at him. May naririnig naman akong mga kaklase na nagtatrabaho na sa murang edad pero hindi ko pa rin ma-imagine kung gaano kahirap na pinagsasabay nila ang trabaho at eskwela gaya ng lalaking ito. Matinding disiplina talaga ang kailangan.

Naupo kami sa pabilog na upuan sa gitna ng parke. May fountain sa likuran kaya naman wiling-wili si Chuchay at sinusubukang laruin ang umaagos na tubig.

"Uhm... naisip kong ipakapon si Chuchay pagdating ng panahon. Kasi diba, babae siya... baka mabuntis. Mahirap na!"

He nodded. "Kung yan ang gusto mo."

"Ayoko namang mag-alaga ka ng maraming tuta. Para kitang iniwanan ng isang dosenang anak!" Biro ko.

Enrique flinched. Mas lalo akong natawa. Tinatablan naman pala ng mga biro ang lalaking ito, eh!

"Para mong sinasabi na—"

"Avery!"

Napatayo ako sa gulat nang marinig ang pangalan. Nanlalaki ang singkit na mga mata ni Karlo habang nakatingin sa aming dalawa. Naka-shorts at sando ang lalaki, may wristband na suot at may hawak na bola ng volleyball.

"Karlo!" Mabilis akong tumayo at nilapitan siya. "Tamang-tama, pautangin mo ako!"

"Ano?!" Nagpabaling-baling ang tingin niya sa aming dalawa ni Enrique. Hinila ko siya palayo.

"Wala na akong pera, pautangin mo ako..."

"Ano munang ginagawa mo kasama ang classmate ko?"

"Classmate mo yan?!"

"Kingina, hindi mo ata alam kung aling section ako, eh." Reklamo ni Karlo. "Tapos uutang ka? Kapal ng mukha, ah."

I pouted. "Eh lumilitaw ka lang naman sa hallway. Tsaka, usap-usapan sa mga teacher na hindi ka daw magf-fourth year dahil puro volleyball ka daw!"

"Hindi, ah!" Tanggi naman niya.

"Sige na. I-explain ko sa'yo lahat ngayong Monday. Hahanapin kita sa classroom niyo, ah! Nakasalalay sa'yo ang lunch ko sa buwan na ito!"

Karlo shook his head and walked away. Kinawayan niya lang si Enrique at hindi na lumapit pa. Bumalik naman ako sa pwesto namin.

"Iuuwi ko na si Chuchay," aniya sabay sulyap sa relong nasa palapulsuhan. "Magt-trabaho na din ako."

"Ay, sayang naman. Sige, mag-iingat kayong dalawa."

"Pinagsasabi mo?"

"Huh?"

"Ihahatid kita." Desidido niyang wika.

"Ano? Bakit pa? Huwag na, oy! Malapit lang naman yung sa amin—"

"Ihahatid kita, Avery."

"Sabi ko nga! Tara, ano pang hinihintay natin?! Go, go, go!" Malakas kong wika dahil kinakabahan na talaga ako.

"Ang ingay mo," reklamo ni Enrique.

"Huwag kang mag-alala, hindi mo naman ako makakasama habambuhay! Tiisin mo lang sa tuwing gusto kong makita ang anak ko." I continued joking at him.

"Anak mo?" Tinaasan ako ng kilay ni Enrique.

"Eh ano ba dapat?"

"Anak natin." Diretso niyang sagot saka naunang maglakad.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top