Chapter 15

Note: This contains spoilers for the next story in this series.

Artwork by Dunggay Arts. Thank you so much 🤍
-

Just as the students were reminiscing their magical experiences in prom, our final requirements began to pour in. Hindi pa namin napag-uusapan ni Enrique ang tungkol sa nangyari at kung tutuusin, hindi ko alam kung kailangan pa ba dahil wala namang nagbago sa pakikitungo niya sa akin.

"For your final requirement, you will be writing a research paper. Count one to five!"

Akmang aalis si Yari sa kinauupuan nang pandilatan siya ng teacher namin. She pouted and stayed still.

"Three..." labas sa ilong niyang pagbilang.

"Four, Ma'am."

"Five!"

"One..."

The counting continued until the last student at the back.

"Okay, yung group 1 dito kayo maupo. Group 2 sa kabila, same set up with 3 and 4. Group 5 sa likuran na kayo."

Yari is still mumbling under her breath as she picks up her bag and stalks her group. Napailing naman ako. Hindi niya gugustuhing maka-group ako sa research dahil hindi naman ako kasing-talino ni Lulu o kasing-sipag ni Raya. For sure magiging pabigat lang din ako sa kung sinong magiging ka-grupo.

"Ma'am, ang daya! Nasa iisang grupo lang dalawang honor students!" Narinig kong reklamo ng isa naming kaklase habang hindi pa nakakaupo.

"And? Don't make me repeat what I said, Baclaran! Sit down or I'll mark you absent!"

Napalingon tuloy ako sa tinutukoy ng kaklase ko. Enrique is in the same group with our top 2 student, Sheila. Sa kanilang lima ay halos walang tapon dahil lahat ay matatalino. I swallowed and faced my own groupmates.

"Basketball tayo mamaya?" Rinig kong bulong ng groupmate ko.

"Ge, ikaw humiram ng bola sa sports office, ah?"

Sinimangutan ko ang dalawa. Ako lang ang nag-iisang babae sa grupo na ito. Kinakabahan pa ako dahil dalawa sa groupmates ko ay mahilig mag-basketball at um-absent. Ang natitirang dalawa naman ay hindi nakikinig sa guro namin at walang pakialam sa lahat ng klase.

"Okay, pick your leader and then write down your names on a ¼ sheet of paper. Submit it to me."

Nagsitinginan lahat ng mga ka-grupo ko sa akin. Tinaasan ko sila ng kilay.

"Perez, ikaw na ang leader." Ani Jack.

"Huh? Bakit ako? Bobo ako!" Depensa ko naman.

"Sige na, gusto mo bang si Denver ang leader?" Natatawang tanong ni Jack sabay hampas sa ulo ng katabi niya.

"Tangina mo, walang mangyayari sa research natin kapag ako ang ginawa niyong leader."

"Sige na, Perez. Ikaw na."

I swallowed hard. Sa pagkakaalam ko ay hindi ako makaka-graduate ng highschool kapag hindi ko maipasa ang research. I already took the entrance exams at La Salle and passed. Ini-expect ng Tita ko na mage-enroll ako ng Psychology sa susunod na school year.

Hindi ko pwedeng ibagsak 'to.

"Sige, penge ako papel."

Nagtinginan ulit ang mga ka-grupo ko sa isa't isa. I sighed out loud.

"Ano, wala rin kayong papel?" Hindi ko na maitago ang iritasyon sa boses ko.

"Papel daw, oy!" Nagsisikuhan pa sila kaya mas lalong nag-init ang ulo ko. Tahimik akong tumayo at dumayo sa grupo nila Yari.

"Pahingi ako papel." Nakasimangot kong wika sa kaibigan.

She glanced at me and then back to my groupmates. I saw her grimacing.

"Malas mo," bulong niya sabay abot sa akin ng papel.

Hindi ko na pinansin ang sinabi sa akin ni Yari dahil sa totoo lang, iyon din ang nasa utak ko. I glanced at Enrique's group with envy. Lahat sila ay proactive at matatalino. Alam kong magiging sisiw lang ang research sa kanila. Samantalang ako...

"You also need to assign an assistant leader for the group, class!" Pahabol pa ng teacher namin. "And then the rest are group members..."

Bumalik ako sa upuan at isinulat ang mga pangalan namin. Halos wala pang gustong maging assistant leader sa kanilang apat kaya mas lalo akong na-bad trip. Ang saya-saya ko pa kanina pero ngayon mukhang nanganganib na ang tyansa kong maka-graduate. Gusto ko nalang maiyak habang iniisip ang susunod na araw kung kailan magsusulat na talaga kami.

"Use the rest of the class period to come up with three research titles. Bukas, we will discuss how to write an introduction."

Binalingan ko ang mga ka-grupo.

"May suggestions ba kayo...?"

"Saan?"

"Sa research topics, Jack. Nakikinig ka ba?"

"Hindi, eh. Ano ba yun?"

It took all my willpower not to strangle my groupmate. Ngumiti nalang ako sa kaniya at ipinagpatuloy ang pagsusulat sa mga pangalan nila. Ngayon pa lang ay parang gusto ko na itong burahin!

"Just submit your papers to the office. I have to go. Be quiet, okay?" Our research teacher said before leaving the classroom.

"Tara, gago, baka maunahan pa tayo sa bola!" Ani Jack sabay dampot sa bag niya.

I cleared my throat. "Kailangan pa nating mag-isip ng mga research topics."

Kumunot naman ang noo ni Denver. "Wala naman si Ma'am, eh. Bukas nalang tayo magpasa!"

Sinamaan ko ng tingin ang lalaki. "Hindi. Hindi pwede. Kailangan natin 'tong tapusin ngayon!"

"Ikaw na gumawa n'yan, Perez. Ikaw naman ang leader!"

Bago pa ako makapagsalita ay umalis na ang dalawa sa grupo. Natulala ako sa sobrang gulat.

"Psst!"

I turned and saw Yari staring at me with a worried look on her face.

"Ayos ka lang?" She mouthed.

Dahan-dahan akong tumango at ibinalik ang tingin sa papel. Ang dalawa ko namang natitirang ka-grupo ay mukhang walang pakialam. Natutulog pa ang isa sa kanila!

Ibinaon ko ang galit ko at sumabay sa ibang mga kaklase na lalabas para magtungo sa library. Sumunod naman ang mga ka-grupo ko pero hindi ko alam kung tutulong ba sila o matutulog lang din doon.

"Tingnan niyo yung mga past research papers ng graduates natin para magka-idea kayo kung anong gagawin..." I instructed them.

None of them were listening. Iniwan lang nila ako sa table at nagkunwaring pupunta sa mga shelf. Napabuntong-hininga ako. Ayokong lingunin ang ibang grupo na mahinang nag-uusap dahil paniguradong maiinggit lang ako sa teamwork nila.

A shadow fell over me. Alam ko na kaagad na si Enrique iyon dahil kabisado ko na ang amoy niya. Walang imik siyang naglapag ng maliit na tsokolate sa lamesa ko kaya napalingon ako sa kaniya.

"Relax, you're so tense..." he whispered.

Sumimangot lang ako sa lalaki pero binuksan ko pa rin ang tsokolate at pasimpleng kinain. Baka mapagalitan pa kaming dalawa dito kapag nakita nilang kumakain kami sa loob ng library.

I saw him chuckling to himself as he went over to his group's table. Medyo kumalma naman ako kaya ibinaling ko ang tingin sa papel.

Ako na mismo ang gumawa ng research titles namin. Siniguro kong lahat ng proposed topics ay may kaunting kaalaman man lang ako dahil mukhang mag-isa ko lang gagawin ang research na 'to.

I blinked back my own tears and blamed myself. I was so lenient and incompetent throughout these years! Ni hindi man lang ako nag-aral nang mabuti! How will I do this on my own? Hindi ako matalino para akuin ang lahat ng gagawin sa research na 'to.

But seeing my group mates' attitude... I think I have no choice.

"Perez, hindi ako matalino, ah? Pwede bang mag-ambag nalang ako para sa print at pancit canton tapos isulat mo pangalan ko sa research paper natin?" Tanong sa akin ni Adam. Patapos na ako sa research topics namin nang magising siya mula sa pagkakatulog. Si Jack naman, kumuha lang ng mga research papers at itinambak sa akin tapos naupo nalang.

"Hindi rin ako matalino, Adam." Tipid kong sagot sa kaniya.

He chuckled. "Patay tayo d'yan. Babagsak ata tayo sa research..."

Hindi ko siya pinansin dahil baka magkatotoo pa ang sinabi niya! Inulit-ulit ko ng basa ang isinulat kong research topics. Finally, I reached out to Yari and asked for suggestions. Wala naman akong makukuhang matinong sagot mula sa mga ka-grupo ko.

"The impact of mental health to the negative performances of high school students..." she scanned the paper with a serious look on her face. "Pero parang mas gusto ko 'tong the attitude of high school students towards speaking and learning English in academic environments!"

"Ano sa tingin mo? Pinagpipilian ko yang dalawa, eh."

"Parehong magandang topic pero parang mas relevant ata itong first. Atsaka, diba Psychology ang kukunin mo sa college? Magandang topic 'to kapag nagkataon. Makakapag-aral ka in advance!"

I nodded and stared at the paper once again before deciding which one to include in our proposed titles. Bumalik ako sa upuan at ipinakita sa groupmates ang ginawa.

"Baka may iba pa kayong suggestions?"

"Okay na yan, kahit ano na d'yan..." pabalang na sagot ni Adam.

I took a deep breath and nodded. I don't have a lot of patience to begin with. Are they really going to test it?

Inutusan ko ang dalawa na ipasa ang papel sa opisina ng guro namin. Parang labag pa sa loob nila na inuutusan ko pero pinalagpas ko nalang iyon. When they left the library, I breathed out loud.

That was so draining.

"Baka pwede mong kausapin si Ma'am, talagang unfair na ganyan ang mga ka-grupo mo..." narinig kong wika ni Yari pagka-upo sa tabi ko.

Pinag-isipan ko ang sinabi niya hanggang sa makauwi kami. Napaka-unfair naman talaga pero ano pa bang magagawa ko? Hindi naman ako ang pumili ng sarili kong groupmates! Nagkataon lang talagang sila ang naging ka-grupo ko.

Kinabukasan, maaga dapat ako sa eskwelahan dahil sa text na natanggap mula sa student council president namin. May emergency meeting daw kaming mga officers bago magsimula ang first period. Nag-text ako kay Enrique na baka hindi ako makasabay sa kaniya pero nagulat ako nang makitang naghihintay ang lalaki pagkalabas ko ng boarding house namin. Suot niya ulit ang ROTC uniform dahil mukhang may formation sila ngayong umaga.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kaagad sa kaniya. "Ang aga-aga, eh! Nag-text ako sa'yo, diba? Natulog ka ba?" sunod-sunod kong tanong nang makita ang mukha nito.

He let out a small smile. "Natulog ako, Avery. Huwag kang mag-alala."

Pinigilan ko ang sarili na simangutan siya. Kung natulog nga siya, alam kong iilang oras lang iyon! Bakas sa mukha niya ang pagod. Anong oras na ba siyang natapos kahapon sa trabaho niya? Nag-meeting pa sila ng groupmates niya para sa research paper nila kaya alam kong pagod na pagod siya!

"Nag-aalala na ako para sa'yo..." bulong ko habang naglalakad kami. "Masyado mo nang inaabuso ang katawan mo."

He let out a soft chuckle. "Okay pa ako, Avery. Nagpapahinga naman ako kapag bakante..."

The sun's rays were still soft in the morning light. There was a thin mist hanging above the rice field as we walked by. I could even hear the birds chirping their cheery songs as if to motivate the tired farmers.

"Ang ganda talaga ng La Union..." bulalas ko habang nakatingin sa kawalan. I will never get tired of this view.

Enrique turned to me and nodded. "Maganda nga..."

Hindi ako umimik nang maalala ang prom night namin. Sinilip ko ng tingin ang lalaki pero agad din iyong binawi nang makitang nakatingin siya sa akin.

"Kung nagda-drive tayo, baka nabangga ka na." Sita ko sa kaniya.

He chuckled. "Buti wala akong sasakyan, diba?"

I sighed. "Gusto mo bang pag-usapan ang tungkol sa..." I trailed off and cleared my throat. "Iyong sa prom?" Halos bulong na iyon nang lumabas sa bibig ko.

Enrique rubbed the back of his neck. "Tungkol nga pala dun... sorry, masyado ata akong padalos-dalos. Ayaw kong isipin mo na binabastos kita—"

"Hindi, hindi ganun, Enrique!" Kaagad kong pinutol ang sasabihin niya. I've gone through this over my head a thousand times since that night and I wasn't expecting him to say something like this!

We fell into silence as we continued to walk. I took a deep breath and faced him again.

"First kiss ko yun..." I confessed.

Bakas ang gulat sa mukha niya nang mapatingin sa akin. The way his red lips parted reminded me of that night again! Iniwas ko ang tingin dahil nararamdaman ko na naman ang mga labi niya sa akin. Alam kong namumula na ako ngayon kaya mas lalo akong kinabahan.

"Talaga?" His voice was soft by then.

Dahan-dahan akong tumango. "Sa iyo din ba?"

Napasimangot ako nang umiling si Enrique. Hindi na rin ako nag-abalang tanungin kung sino dahil baka masaktan pa ako. Malamang hindi ako ang first kiss niya! Someone as good-looking as him must've had his fair share of girls in the past. Hindi ko lang siya napapansin noon dahil alam kong hindi naman siya magkaka-interes sa akin kaya wala akong kaalam-alam kung nagkaroon ba siya ng nobya o ano.

"Galit ka?" Sinilip niya ang mukha ko nang hindi ako magsalita pagkatapos ng ilang minuto.

Kaagad akong umiling. "Ba't naman ako magagalit? Wala naman akong magagawa, 'no! Ano, magta-time travel tayo para agawin ko ang first kiss mo?" Pabalang kong sagot sa kaniya.

He chuckled upon seeing my reaction. "If you like..."

Kung makasagot naman ang lalaking ito, akala mo may time machine siya!

The worn-out waiting shed in front of our school came into view. I sighed inwardly. Parang ang bilis-bilis palagi ng oras kapag kasama ko ang lalaking ito.

"Avery..." he called.

Napalingon ako sa kaniya nang marinig ang pangalan.

"I'm sorry for taking your first kiss just like that, I should've known better. Hindi rin porke't hinalikan kita, matatapos na ang panliligaw ko. Don't feel pressured to say yes... because I'm still waiting to wait until you're ready." He dropped his gaze to the ground as his cheeks began to burn. "And, uh... until then, I p-promise not to kiss you again."

A sly smile touched my lips when I saw this side of him. Ibang-iba sa Enrique na nakilala ko at nakasanayan ng marami. He seldom lets his guard down and when he does, I'm always grateful to be around to see it.

I gave him a nod to reassure him that everything's fine. Mukhang nawala na rin naman ang kaba sa mukha niya pagkakita sa naging reaksyon ko. Sabay na kaming naglakad hanggang makapasok sa gate.

Noon ay nahihiya pa ako sa tuwing nakikita kami ng mga estyudante na magkasama, dala na rin ng takot na baka husgahan ulit ako pero unti-unti na din akong nawalan ng pakialam sa sasabihin nila. I just know that I feel comfortable being seen with him in the school and I want to pat myself on the back for slowly regaining my confidence again.

Nagpaalam na ako sa kaniya at dumiretso sa office. Lulu is already there and a couple of officers. Naupo ako sa tabi ng kaibigan.

"Anong meron?"

"May namatay na fourth year student kagabi..." bulong sa akin ni Lulu.

I nodded in understanding.

"Okay, listen up! Kagabi ko lang natanggap ang text na ito kaya alam kong biglaan. Kailangan nating magsulat ng letter para i-announce mamaya sa flag ceremony. Tapos iisa-isahin natin ang classroom para sa abuloy. Makakatulong 'to sa pamilya nila Jazmine."

After our meeting, we attended the flag ceremony. Our student president read the letter out loud after the program.

"As of yesterday, our brightest star, Jazmine Villucio, passed away at the age of 16. Friends and classmates, it's with heavy hearts and great difficulty that we announce the passing of Jazmine from Section Aquino. She passed away last night surrounded by her loved ones. We want to ask for your help in any amount that came from the bottom of your hearts. It is the donation that will be given to the family to help for the assistance of different expenses in the said burial."

Pagkatapos ng flag ceremony, hinanap ko kaagad si Yari. Kanina pa ako nagt-text sa kaniya pero hindi sumasagot ang kaibigan. Wala naman siyang sinabi kahapon na mag-aabsent siya kaya nagtataka ako. I was assigned to collect the donations in the fourth year building while looking for her.

"Yari!" binilisan ko ang paglalakad nang makita siyang nakaupo sa manggahan. Karlo was with her, his head lowered. "Gaga ka! Kanina pa kita hinahanap—"

Natigilan ako nang lingunin ng kaibigan. Her eyes were red and watery, as if she's about to cry at any given moment.

"Anong...?"

Napalingon ako kay Karlo. It's my first time seeing him cry. His eyes were bloodshot and his lips were still quivering. May hawak siyang kulay rosas na panyo. Kaagad akong lumapit sa kaibigan.

"Anong nangyari sa inyo?" nag-aalala kong tanong.

Yari gently pulled me back. Napatingin ako sa kaniya. She shook her head gently.

"Iyong namatay na estyudante... girlfriend yun ni Karlo."

-
End of Part I

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top