Chapter 12



"Tangina ni Ivo, umagang-umaga, inutangan ako!" Litanya ni Karlo bago inilapag ang bag niya sa lamesa namin.

Yari looked up from her notes. "Para saan daw?"

"May bibilhin," he sighed. "Akala ko talaga bilyonaryo ang kumag na yun tapos tini-test lang ang loyalty natin..." natawa si Karlo sa pinag-iisip. "Akala ko lang pala!"

Napailing nalang din ako. We've been jogging for two weeks and I could already see some improvements on my stamina. Ivo advised me to hydrate my body the night before so I could prolong my endurance. Hindi na rin ako masyadong napapagod kapag naglalakad kami ni Enrique patungong eskwelahan.

"Alam ba ng Tita mo?" Pasimpleng tanong sa akin ni Karlo nang maupo sa tabi ko.

Dahan-dahan akong umiling. "Hindi ko pa sinasabi... may problema kasi sa opisina nila. Ayoko na munang dumagdag. Atsaka, dalawang linggo pa lang namang nanliligaw ang tao."

Karlo nodded. We were all cramming to study for our third quarter exam. Kasunod nito ay ang prom night kaya excited ang lahat. A few more months, and we will graduate high school.

"Karlo, pahiram ako ng Filipino textbook mo," ani Yari sabay hila ng bag ni Karlo patungo sa gawi niya. Nang buksan niya ito ay kumunot ang noo niya. "Kaninong panyo 'to?"

Napatingin ako sa kaibigan. Inilabas niya ang kulay pink na panyo at may mga maliliit pa na bulaklak sa dulo nito. Karlo stiffened next to me.

"Akin ba 'to? Wala naman akong naaalala na—"

"Akin yan!" Kaagad na hinablot ni Karlo ang panyo at isiniksik sa bulsa niya. Sinamaan niya ng tingin ang kambal.

"Sa'yo? Pinagloloko mo ba ako? Ayaw mo sa mga pambabaeng mga gamit—" natigilan si Yari at napatingin sa kaniya. "Teka... huwag mong sabihing may girlfriend ka na?"

"Wala ka na dun," supladong sagot ni Karlo.

"Seryoso ka ba?!" Hinampas niya ang lamesa at tinitigan din nang masama ang kapatid. "Sinong baliw ang papatol sa'yo?!"

"Guys..." I looked between them helplessly. Kapag talaga nag-aaway silang magkapatid ay halos hindi na ako makasingit. "Kailangan pa nating mag-aral."

"Lulu, ikaw ba yan?"

I rolled my eyes. Lately, I've been feeling guilty about myself. Enrique is a consistent honor student, despite juggling numerous jobs and committing to ROTC duties. Napagsasabay niya lahat ng iyon kahit bakas sa katawan niya ang sobrang pagod. Minsan ay napapagalitan pa ng guro kapag nakakatulog sa klase o di kaya'y hindi pinapapasok kapag late siya sa panghapong klase namin.

Samantalang ako... I feel like a rotten, spoiled child. Nagt-trabaho si Tita para makapag-aral ako. Binibigyan pa ako ng allowance. Wala akong part-time job kaya dapat ay mas maraming oras ang iginugugol ko sa pag-aaral pero hindi man lang ako honor student o ano.

From my first year of high school up until now, all I cared about is to pass and get over it.

I didn't want to achieve anything in life. I just wanted to go with the flow... but seeing Enrique, a hardworking person like him who ended up liking someone like me tugged something inside of me.

"Iniisip ko, kapag nagtapos ako ng college, magt-take ako ng master's degree. Kung isasabay ko sa trabaho ay baka abutin ako ng tatlong na taon pero ayos lang... saka mag-p-proceed ako sa Ph.D. Program. Sa tingin niyo, kaya ko yung abutin bago ako mag-30?"

"'Te, kalmahan mo naman. Third year high school ka pa lang..." biro ni Yari.

Seryoso namang tumingin sa akin si Karlo. "Magiging doctor ka?" His voice hinted with pride as he asked me.

I shrugged. "Iniisip ko lang ang magiging future ko."

"Wow, ngayon lang ata kita narinig na magkwento tungkol sa future mo, ah?" Yari teased once more. "Support ako d'yan. Mabuti naman at nakita mo na ang passion mo..."

Hindi ko nasagot ang kaibigan. I wouldn't say it's my passion. I'm just trying to make the most of my degree. Pinag-aaral ako ni Tita nang walang kapalit kaya naman gusto kong suklian ang lahat ng mga nagawa niya sa akin balang-araw.

I used to be a dreamer. I would imagine all the possibilities and all the futures I would end up with. I had my whole life ahead of me when I was still young and naive. But when my brother died, he took those dreams with him.

Nawalan ng saysay mangarap dahil ang taong pinagsisikapan ko para sa kinabukasan ko ay wala na para masaksihan iyon.

Isa pa, kung magiging kami man ni Enrique, gusto kong tingnan kami ng mga tao bilang pantay at walang kung anong pagkukumpara. I want to be deserving of him because he's way out of my league. Para sa sarili ko, para sa kaniya, para sa kapatid ko at mga mahal ko sa buhay...

My cheeks burned in embarrassment with the thoughts that filled my head. Tama ang sinabi ni Yari, Avery! Kalmahan mo lang! High school ka pa, sobrang dami pa ng pwedeng mangyari sa'yo. Dalawang linggo pa lang nanliligaw ang tao, na-inspire ka na agad na ayusin ang future mong binalewala mo ng iilang taon!

"CR lang ako," paalam ko sa mga kaibigan. Nagdala ako ng panyo dahil balak kong hugasan ang mukha para kumalma ako. Nagtungo ako sa pinakamalapit na CR kaso nang makita kong may mga estyudanteng naglilinis doon, umikot nalang ako sa kabila.

Walang masyadong gumagamit ng CR sa likod ng gym dahil malayo ito at minsan ay tinatambayan pa ng mga nagc-cut ng klase. As expected, no one was around when I entered. Malinis pa rin naman dahil walang masyadong gumagamit.

I washed my face while trying to empty my head. Kung talagang gusto kong bumuti ang kinabukasan ko, kailangan kong maipasa itong third quarter exams. I shouldn't dare to think about master's and P.h.D programs when I couldn't even pass my high school exam!

Pinapatuyo ko ng panyo ang mukha nang makarinig ako ng boses sa labas. Mga lalaki iyon na nag-uusap. Napabuntong-hininga ako. Sinasabi ko na nga ba, talagang tambayan ito ng mga estyudanteng magc-cut ng klase.

"—hina mo kasi, 'pre! Dapat pinilit mo..."

"Gago, mapagkamalan pa akong manyakis."

"Eh manyakis ka naman talaga! Kaya mo lang naman niligawan si Avery dahil malaki ang boobs niya!"

I froze when I heard my name. Sinundan iyon ng mga tawanan. Hindi ko maigalaw ang paa ko habang nakikinig sa usapan nila.

"Maghanap nalang tayo ng iba. Hindi rin naman kagandahan ang isang 'yon, maganda lang ang katawan niya..."

"Parang college na, ano? 'Tamo, kapag nag-college yan, hahabulin yan ng mga lalaking hayok sa sex!"

"Nililigawan daw siya ni Enrique..."

I tried to calm myself. Alam kong dalawang beses lang kaming nagkausap ni Cris pero alam kong siya ang may-ari ng boses. Kahit na nanghihina ako sa mga naririnig, nilakasan ko ang loob kong sumilip sa kanila. There were five of them. Si Cris, tatlong lalaki na mukhang mga third year pa ata... at si Ramjay.

Hindi ako makapaniwala habang nakatingin sa kaniya. Isn't he Enrique's best friend? What is he doing here, hanging out with these guys? Seryoso ang mukha niya habang nakikinig sa usapan nila.

"Andaya! Si Enrique pa ata makakauna sa kaniya..."

Hindi ko na matiis ang usapan nila kaya agad na akong umalis. Mabilis ang hakbang ng mga paa ko habang patulo na ang mga luha ko.

I can't believe him!

Cris seemed like a genuine person to me. Alam kong masyadong maikli ang panahong pinagsamahan namin para akalaing mabuti siyang tao pero iyon ang ipinakita niya sa akin. I was a fool to believe him!

Hindi kagandahan... maganda lang ang katawan... hahabulin ng mga lalaking hayok sa sex?

Tuluyan na akong napaiyak. I know I've been thinking about these things myself pero ang sakit pala kapag narinig mo mismo sa ibang tao. Sino ba naman ako para akalaing totoong nagkakagusto sa akin ang mga lalaki?

"Avery...?"

Kaagad kong pinalis ang luha nang makarinig ng boses. I blinked away the remaining tears and turned to see Raya. She had a concerned look on her face.

"Ayos ka lang?"

I nodded quickly. "A-Ayos lang! Ano... nanghilamos kasi ako kaya... kaya basa ang mga mata ko."

It was such a lousy excuse but she still nodded. Awkward akong nag-iwas ng tingin mula sa kaibigan.

"Gusto mong juice?"

"Huh?"

"Ililibre kita..." nakangiti niyang wika. She didn't even wait for my reply and gently took my arm. "Tara."

Nagpatianod lang ako sa kaibigan. Itinext ko si Yari na dalhin ang bag ko sa classroom kapag nag-bell na dahil baka matagalan ako rito. Wala namang tao sa canteen dahil hindi pa namin lunch break kaya mabilis kaming nakabili ng juice.

Inabot ni Raya sa akin ang plastic cup na may lamang grape juice. Mango naman ang in-order niya.

"Halos hindi na kita nakikita... busy ba kayo? Ilang buwan nalang, graduate na kayo." Nakangiti niyang wika.

I nodded and took a sip of my juice. "Medyo lang. Pagkatapos ng exam, prom na. Sasali ka?"

Raya shook her head. "Hindi ata... wala naman kaming budget para d'yan. Atsaka, third year pa lang naman ako. Pwede pa akong sumali kapag fourth year na."

Napanguso ako. I'm sure Ivo would be sad if he hears that she wouldn't attend the prom.

"For sure kukulitin ka nila na um-attend," komento ko pa.

She laughed a little. "Panigurado 'yan..."

Raya didn't ask me what made me cry, and I was thankful for it. Hindi ko pa yata kayang pag-usapan iyon gayong durog na durog ulit ang confidence ko mula sa natuklasan. Umalis lang ako sa canteen nang mag-bell na. Nakasimangot naman akong sinalubong ni Yari.

"'San ka galing, ha? May boypren ka rin?"

Gulat akong napatingin sa kaniya pero mas lalo akong nagulat nang biglang tumikhim si Enrique sa likuran! Ni hindi ko man lang napansin ang lalaki!

"Nag-text ako..." pasimpleng wika niya bago nagtungo sa sariling upuan.

I turned to Yari. "Nakita ko lang si Raya," maikling paliwanag ko.

Sinilip ko muna ang cellphone habang naghihintay sa mathematics teacher namin. Enrique sent me a couple of text messages. Hindi rin kasi kami sabay na pumasok sa eskwelahan kanina dahil may isa siyang part-time job na inabot ng madaling araw. I insisted for him to get some sleep first before heading to school. Sumunod naman.

From: Tatay ni Chuchay

Nasan ka? School na ako.

From: Tatay ni Chuchay

Are you studying? Wala din dito si Karylle.

From: Tatay ni Chuchay

You must be studying. Kita tayo mamaya?

I took a deep breath before replying to him. Inalis ko na muna sa isipan ko ang gumugulo sa akin at nag-focus na lamang sa klase. Enrique also mentioned that he's going to bring Chuchay with him. It made me happy.

"Avery, 'kila Raya tayo mamaya?" Tanong sa akin ni Yari nang matapos ang klase.

Umiling kaagad ako. "May plano ako mamaya."

She scoffed. "Hindi pupunta si Karlo kasi andun sa girlfriend niya tapos pati ikaw?! Ha! Nagbago na talaga kayo..." she placed her hand dramatically on her chest.

"Yari—"

"Mag-cool off tayo! Ayokong makipag-usap!" Pagd-drama pa niya at tuluyan nang lumabas ng classroom.

Napailing nalang ako at tinapos ang pagliligpit sa gamit ko. A shadow fell over me while I was furiously stashing my pens inside my pencil case. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Enrique.

"Hi..." nahihiya kong imik sa lalaki. I'm a bit wary that our classmates would see us but most of them had gone out.

"Tara?" Malumanay niyang tanong.

Tumango ako at isinukbit ang bag sa balikat.

"Ako na magdadala."

"Huh? Huwag na! May kamay pa naman ako, atsaka may bag ka ding bitbit!"

"Ayos lang."

I hesitated for a bit but then I gave in. Pagod din ako at alam kong maglalakad ulit kami patungong freedom park.

"Sige..."

"Pwede bang dumaan muna tayo sa computer shop?"

"Bakit? May assignment ba tayo?" Nagpapanic kong tanong. Wala kasi akong maalala!

He smiled at me. "Ic-check ko lang ang PMAEE passers."

My mouth formed an 'o' shape. Kaagad akong tumango.

"Sige ba! Excited ako para sa'yo, for sure pasado ka!"

Enrique just chuckled as we headed out of the gate. His hands were full with the books. Isinilid ko ang sariling kamay sa bulsa ng palda at binalingan siya.

"Kung makakapasa ka... eh di sa Baguio ka mag-aaral?"

Enrique nodded.

I went silent again. Eh kung makakapasa naman ako, sa Maynila ako mag-aaral. Hindi naman kalayuan ang Baguio at Maynila, diba? But he will live in the academy. Magkakaroon ba sila ng home privilege kung nagkataon? I heard that military training is rigorous and challenging. May naririnig pa nga akong nagh-hazing sa loob mismo ng academy. It made me worry.

"Anong iniisip mo?"

"Iniisip ko na ambilis ng panahon. Malapit na tayong mag-college..." bulong ko.

"Mabilis nga," he chuckled lightly. "Okay ka na ba sa kursong kukunin mo?"

I nodded. Alam ko namang hindi basta-basta iyong isi-nuggest ni Tita kung alam niyang hindi ko iyon mapakikinabangan pagdating ng panahon. Besides, I really can't think of anything to fit for myself. Mas kilala pa niya ako kesa sa sarili ko. Sana kapag pinag-aralan ko na ang sikolohiya ay unti-unti ko ding makilala ang sarili...

Dahil uwian ng mga estyudante ay halos walang bakanteng unit sa computer shop. Naghintay pa kami ng iilang minuto ni Enrique bago kami nakakuha ng unit.

"Ikaw na maupo." Aniya habang nilalagay ang mga libro namin sa gilid ng monitor.

"Huh? Hindi naman ako ang magc-check!"

"Sige na..."

Napanguso nalang ako at sumunod. Wala kasing bakanteng upuan bukod dito sa unit na kinuha naman kaya nasa likuran ko siya. He leaned closer to reach for the mouse. Amoy na amoy ko ang pabango niya sa ganitong posisyon. He smelled like wood sage and sea salt.

Naduduling ako sa monitor na sobrang lapit sa mukha ko dahil pilit kong idini-distansiya ang sarili mula sa kaniya. Pati paghinga niya ay naririnig ko rin. Pumirme nalang ako habang nagl-load ang website ng PMA.

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY
Fort General Gregorio H del Pilar, Baguio City

OFFICIAL LIST OF SUCCESSFUL EXAMINEES
PMA ENTRANCE EXAMINATION 2009

My eyes darted towards the monitor. Dahan-dahan siyang nag-scroll patungo sa letter C applicants.

APPLICANT # 3019231227 CABRERA, ENRIQUE JACOB

"Pasado ka!" Napatayo ako sa sobrang gulat at tuwa nang makita ang pangalan niya. Nasa likuran ko lang siya kaya nabunggo ko pa ito nang tumayo ako. "Pasado ka, Enrique!"

"Teka, hindi ko makita..." natatawa niyang wika habang sinisilip ang monitor.

Gumilid ako para tuluyan niyang makita ang pangalan. I was trapped in his arms, my heart beating so wild. Siguro sa pinaghalong saya, excitement, at kaba. When he finally saw his name, a small smile touched his lips.

"Hanapin din natin ang pangalan ni Ramjay..."

"Congrats, Enrique!"

Tumawa lang ito at pinaupo ulit ako dahil naglilikot na ako sa sobrang saya. I feel so proud of him! Ang dami-dami nilang nag-entrance exam at isa siya sa nakapasa!

Nang makita ang pangalan ng kaibigan ay pinicture-an niya iyon at nagbayad na sa computer shop. Bitbit niya ulit ang mga libro ko nang magtungo kami sa freedom park.

Miyerkules ngayon ay wala ring gaanong tao bukod sa iilang turista na nagpapa-picture sa loob.

"Malapit lang ang bahay namin dito," ani Enrique nang mailapag ang bag ko sa tabi. "Dito ka muna. Dadalhin ko si Chuchay."

I nodded. Mabilis na naglakad paalis si Enrique. Sobrang tahimik ng lugar. Huni lang nga mga ibon at panaka-nakang tawanan ng mga turista ang naririnig ko. Ang ganda at ang lusog tingnan ng mga bulaklak nila. Pati ang mga kahoy na upuan ay malinis. Talagang na-maintain nila ang lugar na ito.

But even with the peaceful environment, Cris' conversation with his friends echoed inside of my head once more. Tulala akong nakatingin sa kawalan habang iniisip kung anong dapat kong gawin sa natuklasan.

What if Enrique also thinks the same? Na baka kaya niya ako nililigawan dahil iba ang habol niya sa akin?

But he wouldn't be the kind of man who thinks like that! Sa ilang buwan ko siyang kilala, alam kong hindi magagawa ng lalaki iyon.

Even so, my insecurities are gnawing at me from the inside. Hindi ko maiwang hindi mag-alala. At some point, I even considered putting an end to our courtship.

Pero gusto ko siya... gustong-gusto ko siya.

He is very determined and hard-working. Napaka-mature niyang mag-isip kahit high school pa lang kami! Kahit na nahihirapan at walang gaanong tulog ay ni minsan, hindi ko siya narinig na nag-reklamo. High school pa lang siya kaya malamang nahihirapan siyang kumuha ng matinong part-time job kaya kung anu-ano ang ginagawa niya para kumita ng pera. Nagbubuhat ng sako ng bigas at niyog, nagbabantay sa palengke, naghuhugas ng pinggan, at minsan ay nagiging waiter din. He did all of these things efficiently and without a word of complaint.

Even with his busy schedule, he still manages some downtime to be with me. Sinisigurado niyang kumakain ako nang maayos at palaging binibigyan ng pagkain. Alam kong kapos siya sa pera kaya natutuwa ako kahit na mga biscuit o di kaya'y maliliit na tsokolate lang ang naibibigay niya. I'm sure he also paid a hefty amount for those review materials. And who can tell what he's like at home? Sigurado akong malaki din ang responsibilidad niya sa bahay, sa Nanay niya, at sa mga kapatid niya.

My train of thoughts were interrupted with a loving bark from our dog. Napatayo kaagad ako nang makita si Chuchay. Mabilis na tumakbo ang aso sa akin. Sa likod niya naman ay si Enrique. He changed into a pair of jeans and white shirt.

"Chuchay! Na-miss kita! Na-miss mo ba ako?!" Tuwang-tuwa at paulit-ulit kong hinalikan ang noo ni Chuchay. Funny how I was almost drowning in my depressive thoughts just a moment ago but now that she's here, everything is alright with the world. "Ang laki-laki mo na!"

"Talaga?" Enrique tilted his head, staring at her. "Hindi ko masabi. Palagi kasi kaming magkasama."

Napanguso ako sa narinig. Buti ka pa, Chuchay, palagi mo siyang nakakasama!

"Ang daya..."

Enrique chuckled and sat next to me. Hindi namin siya pwedeng pakawalan dahil hindi naman amin 'tong lugar at baka matakot pa ang ibang turista kapag nakitang may asong patakbo-takbo sa loob ng park.

"Kumusta siya? Hindi niya naman kinakagat ang mga kapatid mo?"

Umiling si Enrique. "She's very gentle with my siblings, actually." He rubbed the back of his neck and smiled shyly. "I'm not sure if it's a girl thing, but they really get along so well..."

She started licking my hand even though I have no treats to give her. Napalingon ako kay Enrique nang may kinuha ito mula sa bag niya. Akala ko ay para kay Chuchay iyon pero nagkamali ako. He held out a small enamel keychain of a rose.

"Para sa 'kin?"

"I still can't afford to buy you real roses..." he placed the keychain on my palm. I smiled when it shone brightly under the soft rays of the sun. "Alam kong may nabibili naman na tingi-tingi sa palengke pero ayokong ibigay yun sa'yo... tingi-tingi. You deserve a bouquet."

"Ayos lang, 'no!" Sabi ko kaagad kahit na dinadaga ang dibdib ko sa sobrang saya. "At least ito, hindi nalalanta!"

Kinuha ko ang bag at ikinabit ang keychain. Kulay itim ang bag ko at walang kahit na anong design kaya naman eleganteng tingnan ang keychain na nakasabit roon.

"See? Madadala ko pa kung saan-saan!"

"Nag-iipon talaga ako para makabili ng bulaklak kaso nakita kong may nagbebenta ng luma nilang review material kaya..." he trailed off.

"Ayos lang talaga, Enrique!" Mabilis kong saad. "Sabi ko naman sa'yo, diba? Hindi issue sa 'kin 'to!"

He nodded and we fell into a comfortable silence. Chuchay curled under my feet. I chuckled and started rubbing her belly.

"Hindi ko alam kung ako lang 'to pero... ang lungkot mo ngayon. May problema ba?"

Natigilan ako at napatingin kay Enrique. So, he noticed? I tried to appear jolly in front of him dahil iyon naman ang nakasanayan niya. Isa pa, dapat naman talaga akong maging masaya para sa kaniya dahil nakapasa siya sa PMAEE.

"Wala naman..."

"Pwede mo namang sabihin sa akin kung may problema ka," malumanay niyang wika. "Hindi ko alam kung makakatulong ako sa problema pero... makikinig ako."

Tumango lang ako. Even to my friends, I don't share all about my doom thoughts and insecurities. Nakakahiya. They all have real problems while I'm getting affected when someone calls me fat. Kahit na sabihin nilang hindi totoo, kahit na aluin nila ako... iba pa rin ang nakatanim sa isipan ko.

"Ako na muna ang aayos ng problema ko ngayon," desidido kong wika sa kaniya. "Pero kapag may problema ulit ako sa susunod, and'yan ka naman, diba?"

He chuckled. "I'm always here."

"Sige, sa next problem ka na. Hindi ka naman pala aalis," biro ko.

It was such a nice feeling to just be sitting with him as we watched the sun set. We were young, naive, but still content with what we have right now.

I was at peace... iyon ang palagi kong nararamdaman sa tuwing kasama ko siya. He had been consistent with me for the days that followed. Nawala na nga sa isipan ko iyong sinabi ni Cris at hindi na rin ako nagtangkang komprontahin siya tungkol dun.

Not until it started haunting me back.

I could feel the tension inside the classroom as soon as I entered. May kumpulan ng mga estyudante sa likuran pero hindi ko yun pinansin. Ang mga mata ko'y nakapako kay Enrique. Katabi niya si Ramjay at sa harap naman nila ay ang guidance officer namin.

"Okay, let's go to my office..." narinig kong wika ng guidance officer.

Kumunot ang noo ko nang magbulong-bulungan ang mga kaklase ko. Yari entered the room and immediately went to me.

"Anong nangyayari?"

Yari looked at me seriously. "May hazing daw na naganap kahapon sa likod ng eskwelahan. Ang sabi nila, may binugbog na estyudante si Enrique at ang iba pang ROTC officers..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top