Chapter 10


"Sigurado ka na ba?"

"Opo, Tita."

"BS Psychology in La Salle is just a suggestion. Alam mong hindi kita pipigilan kung anong kurso man ang gustuhin mo." Malumanay niyang wika sa akin.

"Ayos lang, wala naman akong gusto," biro ko pero totoo naman talaga.

The immature part of me was glad when she picked a course for me to study in college. That way, I don't have to deal with it myself. Ngayong nasa huling taon na kami ng high school, palagi nang napag-uusapan kung anong kurso ang kukunin sa college o kung saan unibersidad papasok.

The endless talks of college drained me, and I must admit... it was also pressuring me. Para sa katulad kong walang pangarap, talaga namang nakaka-pressure dahil requirement na pala ito bago ang graduation.

"Uhm, Avery... hindi naman sa nanghihimasok ako pero nag-away ba kayo ni Enrique?"

"Huh?"

"Hindi na kayo nagpapansinan, eh." Tumawa si Yari sabay sulyap sa akin. She looks nervous.

I sighed out loud. Hindi ko nga alam kung anong meron kami. Isa lang ang sigurado ko ngayon... noong nakita ko siyang kasama ang mga kapatid at Nanay niya, alam kong sa dami nila ay wala akong magiging lugar para sa buhay niya. Ang dami na niyang bagahe, dadagdag pa ba ako?

"Kasi kung sure na walang kayo ni Enrique, ipapakilala na kita sa kaibigan ko."

"Ano?" Kinunutan ko siya ng noo.

She grinned at me widely. "May crush ata sa'yo ang ka-team ko sa volleyball. Nakita ka daw niya sa intramurals, nung nagbabantay ka sa basketball game."

I rolled my eyes. "Gwapo ba yan?"

"Oo! Gwapo!" Humalakhak si Yari. "Hindi siya kasing-talino ng Enrique mo pero pwede na rin..." she shrugged. "Mayaman din yun. Papakilala kita, ha?"

Tumango nalang ako para tantanan na ng kaibigan. Nang ma-kompleto kami ay naglakad na kami patungo sa bahay nila Raya. Gusto nilang mag-movie night dahil biyernes naman ngayon at walang klase bukas.

"Parang hindi ko na kayo napapansin ng ROTC  commander mo, ah?" Bulong sa akin ni Celeste. Nagulat ako nang bigla niya akong tinabihan sa paglalakad. "Break na kayo?"

Inismiran ko ang kaibigan. "Wala namang kami, paano magb-break?"

"Ghinost ka ba?"

"Hindi, ah!" Tanggi ko kaagad. Kung alam mo lang, Cel!

Humagikhik siya ng tawa. "Sige, sabihin mo lang sa akin kung na-ghost ka. May mga tips ako para mabilis maka-move on."

I grunted and walked away from her. Naiinis lang ako dahil pilit ko na ngang kinakalimutan ang lalaki, ayaw pa akong tantanan ng mga kaibigan ko! Buti nalang talaga hanggang ngayon ay wala pa ring kaalam-alam sina Ivo, Raya, at Lulu. Lulu must be getting hints, but she's keeping her mouth shut. Hindi ko na kakayanin kung silang lahat ay aasarin ako kay Enrique.

He's been distant with me lately. I would be a fool to deny that I don't miss him. Lalo na ang mga ibinibigay niya sa aking pagkain! But I can't demand from him because we are not in a relationship and from what he said, he's shouldering the finances of his family.

"Nandun mamaya si Cris sa laro namin," ani Yari habang excited na isinusubsob ang mga notebook sa bag niya. "Sama ka?"

I hesitated for a bit. Nilingon ko pa ang upuan ni Enrique pero wala naman siya doon. I sighed and nodded.

Yari gave me a knowing smile but didn't say anything. Si Tita naman ang magluluto ngayong gabi kaya ayos lang na ma-late ako ng uwi. Sa field daw sila maglalaro ngayon kaya naghanap nalang ako ng pwestong mauupuan habang pinapanuod sila.

"Cris! Dito!"

Napalingon sa amin ang lalaking tinawag ng kaibigan. He even panicked a little when he saw Yari was with me. Nag-aalangan itong lumapit sa akin.

"May surpresa ako sa'yo!" She said with shining eyes and pointed at me. "Tada!"

Siniko ko si Yari. Cris and I looked at each other awkwardly.

"Cristopher, si Avery, pero kilala mo naman, diba?" She laughed. "Avery, si Cristopher. Libero namin."

"Hi," tipid akong ngumiti at inabot ang kamay sa kaniya. His entire face is turning red, or he must be reacting to the heat. Namamawis pa ang kamay niya nang inabot sa akin.

"H-Hello..."

"Manunuod sa atin si Avery, Cris. Galingan mo, ah?"

Hinila ko ang buhok ni Yari para tigilan na niya ang lalaki. Para kasing mahihimatay na 'to, eh! He nodded like a puppy and immediately ran to the team. Yari laughed.

"Alam mo, kapag di ako nakapasa sa UP, magiging professional matchmaker nalang ako."

"Good luck sa magiging kliyente mo..." I murmured.

"Tanga, ikaw ang unang kliyente ko!" She laughed like an evil witch before going to her team.

Naupo ulit ako sa damuhan. Hindi naman bago sa akin na nanunuod ng laro ng kambal. Tinaasan pa ako ng kilay ni Karlo nang makita ako.

"Anong ginagawa mo dito? Crush mo ko?"

"Tumigil ka, babatuhin kita ng sapatos." Banta ko sa kaniya.

Tumawa ang lalaki at inilapag ang bag niya sa tabi ko. "Diba dapat dun ka nakatingin?" Ngumuso sa malayo si Karlo kaya sinundan ko ang tingin niya.

ROTC cadets are having their formation on the other side of the field. They usually do their accounting at the end of every week. As usual, Enrique is leading them. Nahagip din ng tingin ko ang kaibigan nitong si Ramjay na nasa pinakauna ng linya.

Um-absent ito noong nakaraan para i-take ang PMAEE sa Baguio. Some other students took the test, too. Wala sana akong pakialam eh kaso yun ang palaging usapan sa classroom namin.

Kaagad kong inalis ang tingin mula sa kaniya at pinilit ang sariling manuod ng game. Di tulad ng chess ni Raya, naiintindihan ko naman ang laro. Masasabi ko ding magaling si Cris bilang libero ng grupo nila. Yari is the wing spiker of the team and has scored multiple points with her powerful hits. I grimaced while watching her hand hit the ball. No wonder it freaking hurts when she hits me! Ginagawa akong bola ng kaibigan!

"Tanga-tanga kasi ng middle blocker ng kalaban!" Masayang wika ni Yari nang matapos ang laro at nanalo sila. It was just a friendly game but she was so happy about it. Karlo is on the other team. Siya din ang middle blocker nila.

Tumikhim si Cris kaya napatingin ako sa kaniya. "Gusto mong kumain?"

"Libre mo? Sige ba! Wooo!" Sumagot si Yari para sa akin kaya hindi na ako nag-abala pa.

"Avery?" Cris looked at me with permission in his eyes.

Dahan-dahan naman akong tumango. He smiled politely and went to get his bag. Naka-akbay si Yari sa akin ngayon pero ang mga mata ko nama'y naroon pa rin sa mga ROTC officer. Actually, dalawa nalang sila ni Ramjay na nag-uusap ngayon. He had already dismissed his cadets earlier.

"Miss mo na?" Bulong sa akin ni Yari.

Kaagad akong umiling. "Hindi. Miss ko na ang aso, hindi ang may-ari."

"Asus! Nakikipagkita ka lang ata para makita din si Enrique, eh."

Hindi ko na sinagot si Yari at kinuha na din ang bag ko. We were both civil towards each other when meeting up. Sa isang buwan ay tatlong beses kaming nagkikita. Minsan ay hinahayaan niya akong ilakad si Chuchay tapos babalikan ko nalang kung saan siya nakaupo.

Wala namang ligawan na nangyari but for some reason, I feel... rejected.

Nakasimangot na sumunod sa amin si Karlo nang lumabas kami.

"Ano? Sa isawan tayo?"

Cris made a face. "Hindi ako kumakain ng street foods."

Nagkatinginan ang magkapatid. "Ah, ganun ba? Hindi ko alam! So, san mo gusto?"

"Sa Tropical Hut nalang tayo."

Napamura ako sa isipan dahil alam kong mapapamahal kami doon! Tinitipid ko na nga ang baon ko dahil nag-ambagan kami ng pang-regalo ni Lulu noong birthday niya tapos ngayon ay magpupunta pa sa Tropical Hut!

"Sige, sige. Okay lang sa'yo, Avery?" Yari asked.

Being the people-pleaser that I am, I nodded. Nagc-crave pa naman ako ng betamax at kwek-kwek ngayon. Napasulyap ako kay Yari nang bigla niya akong siniko sa tagiliran.

Papagalitan ko na sana ang babae nang makita kong naglalakad sina Enrique at Ramjay patungo sa amin. They were still talking, but his eyes drifted to me as soon as they reached our spot.

"Enrique, ikaw pala!" Yari happily said.

He nodded and looked at me again. Tapos lumipat ang tingin niya sa katabi ko, si Cris. Nasa likod naman si Karlo. It must've been my imagination but I saw him scowling before he turned to his friend.

"Uuwi na kayo?" Pagdadaldal naman ni Yari. Wala pa kasing tricycle kaya hindi pa kami makaalis dito.

"Kakain muna kami dito," si Ramjay ang sumagot para sa kaniya. Nagtataka itong tumingin sa akin pero wala namang sinabi.

"Sige, dito muna kami..." paalam niya nang may makitang paparating na tricycle.

Cris tried to pay for my food when we arrived at the Tropical Hut but I immediately refused. Nakakahiya sa tao dahil kakakilala pa lang namin!

He tried to talk to me but I couldn't relate to him. Ang hirap maka-relate sa mga mayayaman kasi. Sobrang layo ng pagitan naming dalawa. May driver daw siya na susundo sa kaniya mamaya pagkatapos namin dito. Mayroon silang mga negosyo sa Maynila at malaking palayan dito sa San Juan. Only child lang siya kaya napagbibigyan kung ano ang mga gusto niya. Ipinagtataka ko lang kung bakit nasa public highschool siya gayong napakayaman naman ng pamilya niya.

"Hindi mo bet si Cris, 'no?" Tanong sa akin ni Yari habang pauwi na kami. Cris offered to take me home but I refused once again and told him I am more comfortable walking with my friends.

I sighed. "Halata ba?"

"Slight lang naman. Akala ko si Raya ang kasama namin kanina, eh!" She joked.

"Kung si Raya yun, malamang hindi na niya pinansin si Cris," singit naman ni Karlo. "At least nakikipag-plastikan ka pa sa tao."

"Paano kung manligaw sa'yo? Bet na bet ka nun, eh!" Si Yari naman. "Tapos kapag binasted mo, baka hindi siya makapagfocus sa laro! Paano ang team ko?!"

Karlo pushed his sister's face away from me. Seryoso niya akong tiningnan.

"Ano, Avery? Ayaw mo ba talaga sa kaniya? Ako na ang kakausap."

Umiling kaagad ako. Hindi naman sa ayaw ko sa lalaki... hindi lang talaga ako interesado sa kaniya. And it would hurt him if he hears this from other people. Dapat lang na ako ang kumausap sa kaniya. It would depend if he decides to pursue me or not... sana hindi.

Palagi akong nakamasid kay Enrique kaya ako ang unang nakapansin na palagi na siyang nali-late sa klase namin. It was so out of character for him. Ang alam ko ay inaalagaan niya ang grado niya dahil balak niyang pumasok sa Philippine Military Academy pagka-graduate namin. Hindi pwedeng bumaba ng 85% ang general average niya. I doubt it'll go even lower because he's been a consistent honor student since our first year.

"Avery! May naghahanap sa'yo!" Sigaw ng kaklase ko. Natigil ang daldalan naming dalawa ni Yari nang tawagin ako. Inaasahan kong si Ivo ang bubungad sa akin sa pintuan dahil na-mention ng lalaki nitong nakaraan na hihiramin niya daw ang libro ko sa Filipino.

"Cris?" I tried to hide my disappointment when I saw him, and my heart sank when I saw the big bouquet of flowers on his hand.

"Good morning, Avery..."

Napatingin ako sa mga bulaklak. Ito ata ang unang pagkakataon na may magbibigay ng bulaklak sa akin pero bakit... bakit hindi ako masaya? Mas tumitibok pa ang puso ko nung binigyan ako ng mineral water ni Enrique noong intramurals.

"Uhm... para sa'yo..."

I nodded and accepted the flowers. I murmured a thank you. I don't know what else to say upon seeing him so shy and embarrassed in front of me.

"Nanliligaw ka ba?" Mahina kong tanong sa lalaki.

"Kung pwede sana..."

Nilingon ko si Yari na kaagad nag-iwas ng tingin. Dahil hindi ko naman kaklase si Cris, walang naglakas loob sa mga kaklase ko na asarin ako dahil hindi naman nila kilala o ka-close ang lalaki.

"Ano kasi, Cris..." I hesitated for a bit. Napaka-corny ba kung sasabihin ko sa kaniyang study first muna? Paano kung manligaw sa akin si Enrique tapos malalaman niya? Baka hampasin niya ako ng bulaklak! "Pwede ba tayong mag-usap mamaya?"

His eyes shone with hope and it breaks my heart even more. Ayokong basted-in siya bago ang first period namin! Baka um-absent pa 'to sa klase nila o ano!

"Sige, san mo gustong kumain?"

"Hindi na kailangan!" Pagtanggi ko kaagad. Itinuro ko ang gate sa labas kung saan mayroong waiting shed. "Hihintayin kita dun pagkatapos ng practice game niyo."

Cris nodded and excused himself. Saka pa nag-ingay ang mga kaklase ko nang makaalis siya.

"Ikaw, Avery, ah! Ambilis mo maka-move on kay Enrique! Wala na kayo?"

"Avery, ang haba ng hair!"

Yari was grinning from ear to ear. Inilapag ko ang bulaklak sa desk at sinamaan siya ng tingin.

"Sino ang iibigin ko? Ikaw ba na pangarap ko, o s'ya bang kumakatok sa puso ko?"

"Hahampasin kita," babala ko sa kaniya.

Hindi naman niya ako pinansin at nagpatuloy sa sintunadong pagkanta.

"Oh, ano'ng paiiralin ko, isip ba o ang puso ko? Nalilito, litong-litong-lito! Sino'ng pipiliin ko, mahal ko o mahal ako?"

I sighed out loud. Hindi ko alam kung saan itatago itong bulaklak dahil pagkalaki-laki! Nag-panic kaagad ako nang makitang papasok ng classroom si Enrique.

His steps slowed down when he saw me with the flowers. Enrique was openly staring at me as if my classmates wouldn't notice, and I'm just melting down like butter in my seat. Wala naman siyang imik at nagpatuloy din sa paglalakad hanggang sa makaupo sa silya niya.

"Seselos si bebe mo..." bulong naman ni Yari.

Hindi ko nilingon si Enrique. Natatakot akong makita kung ano man ang maging ekspresyon ng mukha niya. I don't want to assume that he still likes me. After all, it's been months...

Sa waiting shed na ako naghintay pagkatapos ng klase. Pinagtitinginan pa ako ng ibang mga estyudante dahil sa dala kong bulaklak. I even overheard a conversation that depleted my confidence that's already been shattered.

"Tama nang iyak, Shai. Makakahanap ka din ng iba... tingnan mo nga si Ate oh, hindi naman kagandahan pero nakatanggap ng bulaklak. Ikaw pa kaya? Marami pang lalaki r'yan!"

I sighed. I was once again reminded of how unattractive I am. Siguro ay bulag itong si Enrique at Cris. If people see us together, I will probably get judged again. Nasanay na rin naman ako pero hindi ibig sabihin na hindi na masakit...

"Avery..."

I was expecting to see Cris but instead, Enrique showed up. O siguro'y nadatnan lang ako dito. Mukhang pauwi na ata ang lalaki. He's wearing a white plain shirt pero ang pants niya ay galing sa set ng fatigue uniform niya. Nakasukbit ang bag niya sa balikat. It looks heavy... paniguradong nagdadala siya ng extrang mga damit para makapagpalit ng uniform o di kaya'y dumidiretso siya sa part-time jobs niya.

"Ikaw pala!" Tipid akong ngumiti sa kaniya. "Uuwi ka na?"

Tumango si Enrique. Pinasadahan niya ng tingin ang bulaklak na nakapatong sa bag ko.

"Manliligaw mo?"

I quickly shook my head. "Hindi siya nanliligaw sa akin!" Mabilis kong saad. Sobrang bilis din ng tibok ng puso ko. I calmed myself first before offering an explanation. "Gusto niya pero... kakausapin ko siya ngayon para sabihing ayaw kong magpaligaw."

Enrique tilted his head, looking at me. "Bakit?"

"Kasi... kasi hindi ko naman siya gusto. Paaasahin ko lang ang lalaki..." umakyat lahat ng dugo ko sa mukha kaya nag-iwas na ako ng tingin.

"Hindi mo man lang siya bibigyan ng chance?"

"Hindi."

"I see..."

Natahimik kaming dalawa ni Enrique. I could already see Cris walking towards our way. I quickly turned to him.

"May gusto akong iba." Desidido akong nakatingin sa kaniya.

His brows furrowed.

"May gusto akong iba, Enrique." Pagkaklaro ko sa kaniya.

"I'm not sure I want to hear that..." he mumbled. "Seeing you with a suitor is already too much for me."

Napaka-slow naman ng lalaking ito! Dinaig pa ang internet connection namin sa library!

"Alam mo, kapag may nagsasabi sa akin na gusto nila ako, hindi ako naniniwala kasi wala namang kagusto-gusto sa akin..." litanya ko.

Enrique looks like he's about to protest, so I held up a hand.

"Hindi ako kagandahan, hindi pa ako matalino... nag-aaral lang ako para pumasa, hindi para maging top sa klase. Wala akong pangarap sa buhay. Maarte pa ako tapos ang corny minsan ng mga jokes ko!"

Now that I've said it out loud, I felt a pang of self-pity slicing through my heart.

"Hindi kita maintindihan, Avery..." mahina niyang wika.

Nanginginig ang mga kamay ko kaya pinisil-pisil ko ang mga daliri bago ko siya nginitian nang matamlay.

"Naiintindihan ko ang mga dahilan mo, Enrique. O siguro hindi. Wala naman ako sa posisyon mo... I might hate myself for saying this but...but I wish even without the money, you'd still pursue me..."

Napa-awang ang bibig niya sa narinig. Sakto namang pagdating ni Cris sa waiting shed. Lito itong napatingin sa aming dalawa.

"Avery...?"

Matamlay kong kinuha ang bag ko at ang bulaklak. Nginitian ko si Cris.

"Tara, dun tayo..."

He still looks so confused but he nodded and went along with me. Hindi pa man ako nakakahakbang palayo ay naramdaman ko na ang kamay ni Enrique sa balikat ko. When I turned to him, my heart almost dropped.

"Sorry, 'pre, mag-uusap muna kami ni Avery..."






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top