Chapter 1
"Time's up, kindly pass your papers everyone."
Napamura ako sa isipan nang marinig ang boses ng guro namin. Naputol kaagad ang tensiyon ng long quiz namin at biglang umingay ang klase. Kanya-kanya nang kompara ang mga kaklase ko ng mga naging sagot nila.
"Settle down, please! Settle down!" Nalunod lang ang boses ni Ma'am dahil wala namang nakikinig sa kaniya.
"Beh, anong answer mo sa number eight?"
Nagulat ako nang biglang lumitaw ang mukha ni Yari sa harapan ko. Sa harapan siya nakaupo dahil letter 'C' ang apelyido habang nasa bandang likuran naman ako dahil nagsisimula sa letter 'P' ang apelyido ko.
"Ang bilis mo, ah? Nag-teleport ka ba?" Sarkastiko kong tanong sa kaniya habang inaayos ang notebook ko.
"Sige na! Anong sagot mo?!" Niyugyog pa niya ako kaya napairap ako.
"Plate Tectonics Theory."
"Shit! Sabi ko na nga ba! Nakaasar, ampota!" Sunod-sunod niyang pagmumura.
"Hoy, marinig ka ng Lolo mo." Siniko ko siya. "Makapagmura ka, ah."
Inirapan lang ako ng kaibigan at nameywang. "Eh sa essay? Anong sagot mo?"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa tanong niya. "Ha?! May essay?!"
"Oo, hindi ka ba nakasagot—"
"Ma'am An! Wait! Kulang po ang sagot ko!"
Tumawa nang malakas ang babae sabay hila sa akin. Pati mga kaklase ko ay napalingon sa akin dahil sa lakas ng boses ko.
"Biro lang, oy! Walang essay!" Tawang-tawa pa rin siya.
"Gago ka ba?! Ibalik kita sa Nanay mo, eh!"
Parang gusto kong suntukin si Yari nang mas lumakas pa ang tawa niya. Pati ang katabi ko ay nakitawa na rin nang mapagtanto niya ang nangyari. Hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Lintek! Akala ko talaga may essay! Alanganin na nga ang grades ko sa Araling Panlipunan, bagsak pa ako sa long quiz!
Hindi pa rin humuhupa ang tawa ni Yari habang naglalakad kami patungo sa canteen. Rinding-rindi na talaga ako pero kung ako ang nasa posisyon niya ay matatawa rin ako. Ang tanga ko siguro tingnan kanina dahil sa biglaang pagsigaw ko. Di bale na, hindi naman ako demure sa paningin ng mga kaklase ko. If anything, I am the class clown. Iyan ang gawain ng mga babaeng hindi kagandahan at hindi sexy, diba? Ang magpatawa.
Nawala lang ang ngiti ni Yari nang makasalubong namin ang kambal niya, si Karlo. Kasama niya ang mga kaibigan at may hawak na bola ng volleyball. She made a face at him which her twin brother rolled his eyes at. Parang aso't pusa ang dalawang 'to kapag nagkikita sa hallway dahil hindi naman sila classmates.
"Sa bahay din ba, ganun kayo? Nagbabangayan?" Tanong ko sa kaniya habang nakapila kami.
"Oo, pangit nun, eh!"
"Kambal mo yun." Paalala ko sa kaniya.
"Ako yung magandang kambal." She scoffed and glared at the guy who pushed on her. Tulakan talaga dito sa canteen lalo na't isang oras lang ang break namin at sobrang daming estyudante. Nag-aagawan pa kami sa ginang-gang at lumpia dahil iyon ang madaling maubos.
"May lumpia pa!" Nilingon ko si Yari. "Hati tayo?"
"Sige." tumango kaagad siya at naglabas ng bente. Ibinigay ko kaagad sa tindera ang pera bago pa ako maunahan ng iba sa likuran. Yung ibang estyudante, hindi na pumipila at sumisingit nalang para makaalis kaagad! Nakakainis, amoy-pawis pa!
Ibinalik ko ang sukli ni Yari pagka-upo namin sa lamesa. Tatlo bente ang lumpia kaya hinati namin ang isang buo. Tig-isa't kalahati kami.
"Alam mo bang napatalsik na yung MAPEH teacher na inireklamo ng estyudante niya dahil manyak daw?" Kaswal kong tanong sa kaniya.
Nanlaki ang mga mata ni Yari sa narinig. "Avery!" Saway niya sa akin.
"Bakit? Yung ang pinag-uusapan sa student office, eh. Akala ko magm-meeting talaga kami kahapon tapos pinagt-tsimisan lang pala nila si Sir."
Napailing ang kaibigan. "Kahit na! Ang creepy ng teacher na yun. Sinend-an niya nga ako ng text, eh."
"Talaga? Halos lahat ng babae sa klase natin tinext niya, ah?"
"Pati ikaw?"
Umiling ako. "Duh! Hindi naman ako type nun. Hindi naman ako kagandahan—"
"Avery!" Nanlisik ang mga mata ni Yari. "Ano na namang pinagsasabi mo?!"
I pouted. I could hear my insecurities screaming inside of me. Hindi ko lang matiis dahil si Yari ay may halong Intsik kaya naman mala-porselana ang kutis niya. Maganda din siya at matangkad. Dahil palagi kaming magkasama, ikinukumpara ako ng mga tao sa kaniya. Gatas at kape daw. Siya ang gatas, ako ang kape.
Hindi naman bago sa akin 'to. Nagpapasalamat nga ako at hindi gaanong katindi ang pambubully sa akin ngayong highschool kumpara noong elementary pa lang ako. Overweight ako at loner. Ngayon lang ako nabawasan ng timbang kaya naman kahit papaano ay may kumakausap pa sa akin. Tabachoy, taba, sumo, at kung anu-ano pa. Lahat na ata ng palayaw na maisip ng mga bata ay natanggap ko na.
"So, ano? Tanggal na talaga siya? Hindi na siya babalik dito sa St. Agnes?" Tanong ni Yari habang hinahalo ang gulaman niya.
Tumango ako. "Pamangkin pala ng gobernador ang estyudante. Parang natanggalan ata ng lisensiya..."
"Talaga? Deserve."
Napailing ako sabay subo sa kinakaing lumpia. Kahit maraming tao ang nagsasabing talagang pumayat at gumanda na daw ako, hindi pa rin ako makapaniwala. Siguro dahil lumaki akong puro masasakit na salita ang naririnig sa mga tao kaya naman nanirahan na ito sa utak ko. Nahihirapan akong maniwala sa mga taong totoong pumupuri sa akin dahil baka pinagt-tripan lang naman ako.
"Rinig mo ba? May mga fourth year daw na nagkaka-crush kay Ivo!"
"Huh? Sa lalaking iyon?"
Tumawa nang malakas si Yari. "Kaya nga! Kung alam lang nila..."
Hindi ko rin naman masisi ang mga estyudanteng nagkakagusto sa kaibigan namin. Matangkad, may hitsura, at mabango pa. Loko-loko lang talaga. Maamo ang mukha niya pero kapag nakausap mo na parang asong-ulol kung makapagsalita! Atsaka, patay na patay yun kay Sereia. Impossibleng mapansin niya ang mga nagkakagusto sa kaniya.
"Ang sikat na ni Ivo dito, 'no? Parang kahapon lang kaka-transfer niya pa!"
"Oo nga. Pretty privilege." Biro ko pero alam ko namang totoo iyon. Bagong salta pa lang si Ivo pero alam na ata ng lahat ang pangalan niya. Lahat gustong maging kaibigan siya. I doubt someone knows my name despite being a student officer for three years. Kung kilala man nila ako, ako yung babaeng officer sa student council. There's nothing else that I am known of.
Bumalik kaagad kami sa classroom namin para sa pang-hapong klase. Nakakainis dahil inilipat nila ang Filipino subject sa ganitong oras! Talagang nakaka-antok at nakakatamad magparticipate lalo pa't ang hina ng boses ng guro namin.
"Panitikan... ito ay nagmula sa salitang "pang-titik-an" na ang ibig sabihin ay literatura o mga akdang nagsusulat..."
Ano daw? Tiktik?
Hinila-hila ko ang buhok ko para agawin ang sarili sa antok. Nanganganib na nga ang grado ko sa Araling Panlipunan, hindi pwedeng hanggang dito ay bagsak din ako! Nakakahiya na!
Kapag hindi ka maganda, kailangan mong bumawi sa pagiging matalino o pagiging patawa. Hindi naman ako matalino kaya trying hard nalang akong nagpapatawa sa mga kaklase ko pati na rin sa student office. Ang dali rin kasing utu-utuin ng mga kaklase ko, eh. Kahit ang corny ng joke, tumatawa pa rin. Siguro plus points ako sa delivery? O talagang nakakatawa lang ang mukha ko? Hindi ko alam!
"Iilan sa kahalagahan ng pag-aaral ng panitikang Pilipino ay ang mabatid ang kaugalian, tradisyon at kultura, maipagmalaki ang mga manunulat na Pilipino, at mabatid ang akdang Pilipino...may makakapagsabi ka kung sinu-sino ang dalubhasang manunulat na Pilipino sa panahon natin ngayon?"
"Ma'am!"
Napalingon sa akin ang guro pati ang mga kaklase ko nang bigla akong nagtaas ng kamay.
"Binibining Perez?"
"C.R. lang po ako..."
Sinimangutan niya ako. "Sige."
Kaagad akong tumayo at mabilis na lumabas ng classroom. Talagang makakatulog na ako kung hindi ako tatayo! Minata pa ako ni Yari habang papalabas ako. Alam na alam ng babae na excuse ko lang yun para gisingin ang sarili ko. Isa pa, nasa dulo ng building ang C.R. kaya naman hindi magtataka si Ma'am kung matatagalan ako.
Dahil talagang hindi naman ako naiihi, naglibot-libot lang ako sa field namin. Tirik na tirik ang araw kaya napagod kaagad ako. Dumapo ang tingin ko sa mga CAT at ROTC officers na naroon sa gate, nag-aabang ng mga late na estyudante para embargo-hin ang mga I.D. nila.
"Avery!"
Babalik na sana ako ng classroom namin nang marinig ko ang tawag ng pamilyar na boses. Kumakaway at tumatalon-talon pa ang matangkad na bulto ni Ivo mula sa gate habang nakaharang naman ang dalawang ROTC officers sa harapan niya.
"Late ba 'tong lalaking 'to?" Naiinis kong bulong habang mabilis na naglalakad patungo sa gate.
"Avery! Avery!" Sigaw-sigaw ni Ivo habang papalapit ako sa kaniya. Gusto ko siyang batuhin ng sapatos dahil nakatingin na tuloy sa akin ang mga officers pati ang ibang late na estyudante sa likuran sa lakas ng boses ni Ivo.
"Ano?" Tinaasan ko ng kilay ang lalaki.
"Gusto nilang kunin ang ID ko!" Pagsusumbong niya na parang bata.
"Shunga ka ba? Late ka, eh. Malamang kukunin ID mo!" Pambubuska ko sa kaniya.
"Officer ka diba? Tulungan mo ako, oy!"
Napahimas ako sa ulo sa kahihiyan. Rinig na rinig iyon ng ibang mga estyudante! Baka akalain nila, balasubas akong student officer! Hinila ko sa gilid si Ivo at hinampas ang dibdib niya gamit ang ID niyang ayaw ibigay.
"Ano ka ba?! Pinapahamak mo ako! Tatakbo pa ako sa susunod na eleksyon!"
"Sige na, ngayon lang 'to, promise!" He grinned like a puppy. Kamukha niya ang golden retriever ng tita ko.
"Wala akong magagawa d'yan, Ivo. Ibigay mo nalang ang ID mo dahil baka dagdagan pa nila ang violation mo!"
"Hindi pwede! Paglilinisin nila ako ng gym mamaya para makuha ang ID ko. Paano ko maihahatid si Raya?!"
"Ay, boyfriend?" Inirapan ko siya. "Huwag mag-asal boyfriend hangga't wala pang label, ah? Ang torpe-torpe mo, paano mo magiging girlfriend si Raya—"
"May problema ba dito?"
Naputol ang pag-uusap naming dalawa nang nilapitan kami ng lalaking ROTC officer. Napataas ang kilay ko dahil ngayon ko lang ata nakausap ang officer na 'to. Siya ang Staff Sergeant ng mga ROTC sa pagkakaalam ko. Pamilyar ang mukha niya sa akin dahil palagi ko namang nakikita sa flag ceremony and he had a loud commanding voice during the formation of cadets.
Kagaya ng iba, naka type-A uniform siya, combat boots, kulay puting gloves, red armband, at may suot na berdeng beret. Bumagay sa seryoso niyang mukha ang beret. Matangkad din. Kasing-tangkad ata ni Ivo. Magka-kulay kami ng balat pero ang lakas ng hatak ng lalaking ito.
"Erm... wala. Ibibigay na ng kaibigan ko ang ID niya dahil late siya at iyon ang nararapat!"
Binalingan ng tingin ng officer namin si Ivo. Masama tuloy ang tingin niya habang hinuhubad ang ID at padabog itong ibinigay sa officer.
"Sana masaya ka na." Ivo hissed.
"Anong sinabi mo?" may himig ng pikon ang tono ng officer habang nakatingin kay Ivo nang seryoso.
"Ay, hindi po ikaw ang kausap ko, Sir." Itinuro niya ako. "Si Avery Felicia Perez ng student council. Diba may klase ka? Ba't narito ka sa labas? Kunin mo din ID niya!"
"Gago ka ba?! Tinawag mo ako! Ang lakas-lakas ng boses mo—"
Napalingon ako sa officer nang bigla nalang kaming tinalikuran na para bang hindi siya interesado sa pagbabangayan naming dalawa ni Ivo.
"Sungit." I scoffed.
"Narinig ko yun." Mahinahon niyang wika.
Namula ang mga pisngi ko sa hiya. "S-Si Ivo ang kausap ko, officer!"
"Talaga?" He smirked. Inilahad niya ang kamay kay Ivo na kaagad hinigh-five ng kaibigan ko.
"Manghihiram lang ako ng ballpen." He sighed. "Isulat mo dito pangalan mo sa logbook."
"Ay, gagi. Sorry."
Napailing ako dahil sa kahihiyan para sa aming mag-kaibigan. Seryoso lang na nakatingin ang officer kay Ivo habang isinusulat nito ang pangalan. Chineck niya lang ito saglit at tinanguan si Ivo.
"Punta ka sa gym mamayang alas-kwatro."
Nanlulumong tumango si Ivo at lumapit sa akin.
"Badtrip, baka maunahan na naman ako ng Lenard na iyon mamaya..." bulong-bulong ni Ivo habang naglalakad kami sa lilim.
"Ay, may pa-contest?" Inirapan ko ang kaibigan. Sobrang halata naman na crush niya si Raya pero wala naman siyang ginagawang aksyon. Isa pa, napaka-dense ng kaibigan namin. Impossibleng alam niyang baliw na baliw si Ivo sa kaniya mula nung first year pa lang sila!
"Alam mo, dapat sinulot mo ang officer kanina, eh! Para saan pa't may kaibigan ako sa student council?!" Paninisi ni Ivo sa akin.
Sinuntok ko siya sa braso. "Baliw ka ba?! Atsaka, sa tingin mo type ako ng lalaking iyon? Ang gwapo-gwapo niya!"
"Kaya nga." Tumango-tango si Ivo. "Pinagpapawisan din ako kapag mainit pero hindi siya hindi dugyot tingnan."
Humagikhik ako. "Team dugyot tayo."
Inakbayan ako ni Ivo. "Di bale, kapag walang gustong magpakasal sa iyo kapag korenta ka na at binasted ako ni Raya, pakakasalan kita, Avery. Team dugyot forever."
"Ew!" Itinulak ko kaagad siya palayo. "Dun ka nga at baka makita tayo ng mga fan girls mo. Ayoko nang ma-bully, ano!"
Tumawa lang si Ivo at inihatid muna ako sa classroom namin bago siya pumunta sa sariling silid-aralan. Sa sobrang tagal ng detour ko sa "C.R." ay muntik pa akong ma-late sa pagsusulit ni Ma'am. Buti nalang at hindi niya napansin ang pagpasok ko dahil nakatalikod at nagsusulat pa siya sa blackboard ng instructions.
"Ano 'to? Multiple choice? Essay?" Bulong ko sa katabi ko habang hinahalughog ang bag ko kung may natitira pa akong papel.
"San ka nag-CR? Sa Mars?" Inirapan ako ng katabi ko sabay abot ng ¼ sheet of paper sa akin.
"May nabangga lang akong gwapo sa gate kanina." Panloloko ko sa kaniya.
Dahil sa pagiging mabunganga ko ay nasita pa kami sa likuran ng guro namin. Kaagad kong tinikom ang bibig at nag-focus nalang sa quiz namin kahit na wala naman akong narinig sa lecture kanila. Puro stock knowledge ang sagot ko sa quiz dahil essay naman kaya nakalusot pa rin.
"Alam mo bang in-embargo ng mga officer ang ID ni Ivo kanina?" Pagbabalita ko kay Yari habang nagwawalis kami pagkatapos ng klase.
"Bakit?"
"Late. Inangasan pa niya yung staff sergeant." Napailing ako. "Teka, kilala mo ba yun? Ang gwapo, eh."
"Si Enrique ba?"
"Enrique who?"
"Matangkad, moreno, buzz-cut tapos palaging nakasimangot?"
"Hmm..."
"Siya lang ang gwapo sa ROTC officers."
"Yun nga!" Pumalakpak pa ako.
Napailing si Yari saka itinuloy ang pag-aayos ng bag niya. "Crush mo? Masungit yun, eh."
"Hindi, ah! Crush agad?! Kakakilala ko palang sa tao, eh."
"Nakalaro ko na yun ng volleyball. Naiinis ako kapag siya ang nagsi-serve kasi ang lakas palagi ng palo. Pero yung ugat sa mga braso niya, beh..." Yari giggled like a school girl. "Andaming nagkakagusto sa lalaking iyon. Mukha na daw siyang college at ang mature tingnan!"
I shrugged. "Hindi ko naman siya gusto. Curious lang. Bagay sa kaniya ang fatigue uniform niya."
"Bagay sa kaniya lahat dahil gwapo siya." Yari corrected me. "Balita ko matalino din daw. Nese ye ne eng lehet."
Tinulak ko ang nakaka-asiwang mukha ni Yari nang magsimula na niya akong asarin. Bakit naman ako magkaka-crush sa taong malabong mag-crush back sa akin?! Isa pa, naka-survive naman ako ng first year at second year na walang crush kaya dapat ituloy-tuloy ko na!
"Yang crush-crush na yan ang sumisira sa buhay natin, eh. 'Tamo, si Ivo, parang ulol..."
"Ay, pansin mo din? Crush niya si Raya no?"
"Buong mundo ang nakakaalam bukod sa kanilang dalawa." I sighed. "Hayaan mo na sila, malalaki na yun."
"Gusto mong asarin muna si Ivo bago umuwi? Nasa gym siya ngayon, nagpupunas ng bleachers."
"Sige ba!"
Dali-dali kaming pumunta ni Yari sa gym. Mukhang marami atang na-late kanina dahil andami naming nakikitang nagwawalis, nagpupunas ng bleachers, at nagm-mop sa stage. Kaagad naming hinanap si Ivo na napapaligiran ulit ng mga kaibigan niya.
"Primitivo!" Sigaw ni Yari.
"Oy!" Kumaway sa amin ang kaibigan at nagpaalam muna saglit sa kausap bago bumaba para salubungin kami. "Anong ginagawa niyo dito?"
"Moral support." Nginisihan ko siya.
"Kasalanan mo pa rin 'to, kung sana sinulot mo ang officer kanina, hindi ako nagpupunas ng bleachers ngayon!"
Yari gasped. I was about to make a comment about her overreacting but I ended up gasping as well. Bigla nalang lumitaw sa likuran ni Ivo ang officer, si Enrique.
"Ikaw na naman..." bumuntong-hininga ang lalaki nang makita ako.
I frowned at him. Nakaka-offend ang pabuntong-hininga niya, ha! Nakakasira ba ako ng araw niya?! Itong bunganga kasi ni Ivo, napakapahamak!
"Officer, wala akong sinasabi, ah? Itong kaibigan ko 'tong mabunganga! Dagdagan mo violations niya!"
"You should be violated, too." He said in a serious tone.
"Huh?! Bakit ako nasali?! Hindi naman ako late, ah!"
Hindi niya ako pinansin at binalingan si Ivo.
"Bumalik ka na sa pwesto mo, Escarra, at sabihin mo sa tropa mo na mamaya na ang tsismisan. Maglilinis pa kayo ng storage room."
"Sir, Yes, Sir!" Sumaludo pa si Ivo sa kaniya bago dali-daling umakyat pabalik ng bleachers.
"Uhm, Enrique! Hi! Kaibigan ko nga pala, si Avery..." ani Yari sabay tulak sa akin.
"Alam ko."
"Huh?!" I swatted Yari's hands away. Sinamaan ko ng tingin ang kaibigan.
"Yiee! Ba't alam mo pangalan niya? Crush mo kaibigan ko, 'no?"
"Nahulog niya ang ID niya kanina."
"HUH?!"
Kaagad kong kinapa ang ID ko at napagtantong wala nga iyon! Isinilid ni Enrique ang kamay sa bulsa ng uniform at inilabas ang ID ko.
"Ay! Akala ko pa naman love story na..." si Yari.
"S-Salamat!"
Tumango lang si Enrique sa akin, pati si Yari ay tinanguan din bago kami tinalikuran dalawa. Bahagya pang nanginginig ang mga kamay ko habang binabalik sa plastic cover ang ID ko.
"Totoo ang tsismis, masungit ka." Bulong ko kay Yari habang inaayos ang ID ko.
"Diba sabi ko sa'yo? Wala atang social life ang lalaking yan, eh! Lahat takot sa kaniya."
Napailing nalang ako. He was commanding other officers at the gym, looking so stern and manly. Hindi siya mukhang high-school. Because we were talking so loud, he shot us an authoritative look so Yari and I quickly scrambled out of the gym.
Kinita na din namin sina Raya, Lulu, at Celeste sa labas para kumain ng isaw at kwek-kwek. Nanghihiram pa ng pera sa akin si Celeste eh ako rin naman walang pera!
"Wala si Ivo?" Tanong kaagad ni Karlo pagkarating niya.
"Late siya kanina. Naglilinis ng gym."
Natawa si Karlo sa narinig. "Seryoso ba? Loko talaga ang lalaking 'yon."
Pagkatapos kumain ay nagpabalot ako ng dalawang isaw kay Manong. Inasar-asar pa ako ni Karlo nang makita iyon.
"Oy, ano yan, Avery, ha? Akala ko ba diet ka?"
"Baon ko 'to pauwi!" Inismidan ko siya.
Tumawa lang ang lalaki at hinayaan ako. Tulad ng dati, inalok niya ulit akong sumakay sa sasakyan nila dahil madadaanan naman nila ang boarding house kung saan kami nakatira pero tumanggi ulit ako.
"May pupuntahan ako."
"Sinong pupuntahan mo? Napapadalas na yan, ah? Secretly married ka ba, yung gaya ng sa Wattpad?" Sunod-sunod na tanong ni Celeste.
"Baliw. Hindi 'no!"
"Yieee! Si Avery mamaya tinatago mo lang pala ang asawa't anak mo..."
Siniko ko na si Karlo dahil nakakapikon ang asar niya! Nang-aasar din naman ako pero kapag si Karlo ay nagiging iyakin talaga ako, eh!
"Ako na muna maghahatid sa'yo, Raya. Wala si Ivo..." narinig kong wika ni Lulu.
"Tama, tama! Kami na maghahatid sa iyo!" Dagdag pa ni Celeste.
Nagpaalam na ako sa kanila at sumakay ng tricycle patungong sementeryo. May kalayuan ang sementeryo galing sa eskwelahan kaya sa kanto lang ako binaba ni Manong. Binaybay ko ang palayan hanggang sa makita ang bakal na gate ng pampublikong sementeryo. Buti nalang at hapon na ngayon, hindi gaanong mainit.
Bumili muna ako ng sampaguita sa batang nagtitinda sa labas bago ako pumasok. Kabisado na ng mga paa ko ang daan patungo sa pakay. Nang makarating ako roon, napangiti ako nang makitang naroon pa ang huling bulaklak na ibinigay ko. Marahan ko iyong inalis at pinunasan ang puntod gamit ang panyo ko.
"Pasensiya ka na, ah? Sampaguita lang muna ngayon. Hindi pa ako binibigyan ni Tita ng allowance, eh." Bungad ko sa kaniya.
Dahil wala namang upuan ay sa puntod niya mismo ako naupo. Marahan kong inilagay ang sampaguita sa krus ng puntod niya at pinagmasdan kung paano ito bahagyang tangayin ng hangin.
"Kumusta na? Kung ako tatanungin mo, ayos lang... yung mga kaibigang sinabi ko sa iyo? Akala ko noong una pinagt-tripan lang ako pero hanggang ngayon ay sumasama pa rin ako sa kanila. Gumagaan ang loob ko kapag kasama ko sila kahit na puro baliw naman," bahagya akong humalakhak. "Lalo na si Ivo at Celeste. Hindi ko alam kung saan ipinaglihi ang dalawang yun ng mga Nanay nila, eh!"
Nagpatuloy pa ang kwentuhan ko hanggang sa lumamig na ang hangin. Nang makitang papalubog na ang araw ay pinagpag ko na palda ko at tumayo.
"Sige, alis na ako, ah? Sa susunod ulit. Sana nagustuhan mo ang sampaguita..."
Tinahak ko na ang daan palabas habang hinahanap ang asong pinapakain ko dito sa tuwing bumibisita ako.
"Chuchay! Chuchay!" Tawag ko sa alaga. Hindi ko maitago ang pag-aalala sa boses ko dahil nung huling punta ko dito sa sementeryo ay wala siya. Asong-kalye naman si Chuchay kaya hindi ko ini-expect na magpi-pirme siya sa lugar na ito lalo na kung wala siyang mahanap na pagkain.
Nakarinig kaagad ako ng mabibilis na yapak ng mga paa patungo sa akin. Napangisi ako nang mapagtantong alam na niya talaga ang pangalan niya. Agad akong dinamba ng aso nang makita.
"Hi, Chuchay!" Masaya kong bati sa kaniya. "May pasalubong ako sa iyo..."
Inilabas ko ang biniling isaw mula sa bag ko kaya mas lalong naging excited si Chuchay. Inalis ko muna ang barbeque stick at hinimay ang isaw para hindi na siya mahirapang kumain. Inilapag ko ito sa harapan niya.
"Sana kumain ka ngayong araw. Wala pa kasi akong allowance eh. Yan na muna..."
Chuchay just wagged her tail happily while eating. Nakakabasag ng puso dahil kahit ilang buwan ko na siyang pinapakain ay payat pa rin siya. Nakikita ko ang marka ng tadyang sa katawan niya. Hindi naman siya mabalahibong aso kaya klarong-klaro kung gaano siya kapayat. May sugat din siya sa paa at may fungi ang tainga niya. Pinipilit ko namang linisin pero iba talaga kapag nadala ko siya sa bahay.
Nakaupo lang ako sa harapan ni Chuchay habang kumakain siya nang makarinig ulit ako ng mabibigat na yapak ng mga paa. Kaagad akong napalingon at nagulat nang makita si Enrique. He's still in his uniform. Bakas din ang gulat sa mukha niya nang makita ako. I tilted my head.
"'No ginagawa mo dito?"
He stared at me, then glanced at the dog.
"Aso mo?"
"Depende..." Walang kwenta kong sagot sa kaniya.
Kumunot ang noo niya sa sagot ko. Natawa ako. Napaka-seryoso talaga ng lalaking ito! Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya. Hindi gaya nila Karlo at Ivo na alam mong sa mga mukha pa lang nila ay puro hangin lang laman ng utak.
"Pinapakain ko lang," pagkaklaro ko.
Nang matapos kumain si Chuchay ay inabandona na niya ako at dali-daling lumapit kay Enrique habang kumakawag ang buntot. Dinamba pa niya ang lalaki pero dahil sa tangkad at kisig nito ay wala lang sa kaniya ang aso. Ni hindi man lang gumalaw pero inilagay niya ang kamay sa ulo ni Chuchay.
"OMG! Magkakilala kayo?!" Tumayo ako habang manghang nakatitig sa kanilang dalawa.
"Kinuha ko siya sa dog pound."
"Sa dog pound?!" Napasigaw ako sa nalaman.
He flinched at my voice. "Hindi mo kailangang sumigaw. Nandito lang ang kausap mo."
"P-P-Pero... dog pound! Paano siya napunta sa dog pound?!"
"Hindi ko rin alam." He sighed. "Hindi ko na siya nakikita dito kaya nagpunta ako sa dog pound at binayaran ko."
Muli ay nabasag ang puso ko sa narinig. Tatlong araw lang akong hindi nakakabalik dito tapos ganito na pala ang nangyari! Chuchay seemed so happy and oblivious of what we are talking about. Ang alam lang niya ay narito ang mga taong nagpapakain sa kaniya.
"Hindi ko alam..." bulong ko.
"Iuuwi mo ba sa inyo?"
"Sino? Ikaw?" Naguguluhan kong tanong.
"Ang aso, Avery." He sighed. "Ang aso."
Namula ang mga pisngi ko sa sinabi niya. Eh sa hindi ko na-gets!
"Atsaka, hindi lang siya 'aso' no! May pangalan siya..."
"Oh? Ano?"
"Chu...chay..." nahihiya kong wika. Hindi ko naman alam na may ibang makakaalam ng pangalan niya kaya iyon ang pinili ko pero ngayong sinasabi ko na sa ibang tao, ang sagwa palang pakinggan!
"Chuchay." He chuckled.
"Huwag mo nga akong tawanan! Eh ikaw, may pinangalan ka ba sa kaniya?"
Umiling si Enrique. Humupa na ang excitement ni Chuchay at ngayo'y nakatingala nalang sa lalaki. Her brown ears slowly lowered back.
"Hindi ko siya pwedeng iuwi. Nakikitira lang ako sa boarding house ng Tita ko..."
"Pwede ko siyang iuwi?"
My heart sank at his question. Nakilala ko lang si Chuchay dahil palagi siya dito sa sementeryo tuwing bumibisita ako. Kung gayon pala ay hindi ko na siya makikita...
"Uhm..."
"Pwede mo naman siyang bisitahin."
Napatingin ako kay Enrique nang marinig ang pag-aalangan sa boses niya. He's rubbing the back of his neck and looking away. It might be the first time I saw him getting shy over something.
Kung ganito ako ka-gwapo, anong ikakahiya ko?
"Talaga?"
"O pwede ko siyang dalhin dito. Palagi ka ba dito?"
I nodded. "Naks! Parang co-parenting, ah?"
He must've cursed under his breath, I couldn't catch it. But his cheeks were also burning red and he looked more embarrassed than ever.
I smirked. Hindi naman pala gaanong ka-seryoso ang lalaking ito.
"Paliguan mo si Chuchay. Takot pa siya sa ibang mga tao kaya kung may kasama ka sa bahay, huwag mo munang ipalapit sa kaniya. Gusto niya ng isaw pero alam kong nakakasama sa kalusugan niya. Kung pwede... dog food sana... magbibigay nalang ako ng ambag ko kapag may allowance na ako."
He nodded. Chuchay perked up upon hearing her name.
"Medyo mataas na din ang kuko niya kaya gupitan mo. Nagpapagupit yan ng kuko. Narito pa nga ata sa bag ang panggupit ko..." hinalughog ko sa bag ang binili kong nail cutter para kay Chuchay at inabot sa kaniya. "Ang sakit kasi ng kuko niya kapag dinadamba ako, eh."
"Salamat." Ani Enrique pagkatanggap ng nail cutter.
Lumapit ako kay Chuchay at hinawakan ang magkabilang pisngi nito.
"Magkakaroon ka na ng bahay, Chuchay! Magpakabait ka doon, ah? Hindi pa kami close ng Daddy mo pero huwag kang mag-alala, palagi pa rin tayong magkikita dito..."
Tahimik lang si Enrique habang kinakausap ko ang aso. Naiiyak ako dahil hindi ko na siya basta-bastang makikita pero masaya din naman ako dahil magkakaroon na talaga siya ng totoong bahay. Hindi na ako mag-aalala araw-araw kung kumain na ba siya o may nangyaring hindi maganda sa kaniya. She wouldn't fight for her life every single day.
Sabay kaming naglakad ni Enrique palabas ng sementeryo. Nakasunod naman sa amin si Chuchay sa likuran. Gusto ko sanang tanungin kung bakit siya narito pero mukhang personal ata kaya hindi nalang ako nag-abala.
"Uhm, dito na ako. Patungo akong Taboc, eh." Wika ko sa kaniya.
He nodded and pointed in the opposite direction. "Sa Santo Rosario ako nakatira."
"Sige," binalingan ko si Chuchay at hinalikan ang noo nito. "Bye, Chuchay! Pakabait ang bebe ko, ha?" sinulyapan ko si Enrique. "At Enrique?"
"Ano?"
"Salamat." I gave him a genuine smile.
He just nodded. Walang kahirap-hirap niyang binuhat si Chuchay. She whimpered upon seeing me walk away.
I sighed as I looked back into my past memories.
Kung hindi ako nagpunta ng sementeryo noong araw na iyon, ibang-iba ang naging buhay ko ngayon...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top