Chapter 65
Chapter 65
[Jillian's POV]
Kasabay ng malakas na pagtawa ni Ayesha ang pagbagsak ng katawan ni West sa harapan ko.
Nangiginig akong lumapit kay West.
Nakapikit ang mata niya at may dugo sa gilid ng bibig niya.
Na b-blangko ang utak ko. Ayaw nitong i-process ang mga nangyayari sa paligid.
Hindi 'to totoo. Hindi. Namamalik-mata lang ako. Please. Hindi si West ang lalaking nasa harap ko. Please tell me na hindi si West ito.
"Ano Jillian? Masarap ba sa pakiramdam ang mawalan ng minamahal ha?" sabi ni Ayesha. Ang saya saya ng tinig niya.
"Ganyang-ganyan ang naramdaman ko ng kunin nila sa akin ang lalaking pinakamamahal ko! Ngayon naiintindihan mo na ako Jillian, hindi mo na ako masisisi kung bakit ako nagkakaganito!"
Naramdaman ko ang paginit ng compass na nakasabit sa leeg ko. Para akong namanhid. Hindi ko na maramdaman ang mga sugat na natamo ko.
Iisa na lang ang nasa isip ko.
Papatayin ko si Ayesha.
Hindi ako makakapayag na lalabas ako ng kwebang 'to na humihinga pa siya.
She killed West. She killed the man I love.
Wala na akong paki kung ano ang mangyayari sa akin. All I know is that I need to kill her.
I will kill her.
Naglakad ako papalapit kay Ayesha. Ang init ng compass ay parang naglalakbay sa buong katawan ko.
"Pinatay mo siya," halos pabulong kong sabi habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa mata ko. "Pinatay mo si West! Pinatay mo siya!"
Ngumisi siya sa akin, "oo Jillian. Pinatay ko ang lalaking mahal mo! Wag kang mag-alala, magkikita pa rin naman kayong dalawa sa kabilang buhay!"
Umayos ng tayo si Ayesha. Namumutla na siya gawa ng pagkaka-daplis ko ng pana sa tagiliran niya. Pero kahit ganun ay nakukuha pa rin niyang makagawa ng ball of lights sa palad niya.
Nakaramdam ako ng init palad ko. Isang enerihiya. Naramdaman ko ang pagdaloy ng mahika mula sa compass hanggang sa palad ko.
Inilahad ko ang kamay ko at nakita kong may nakalutang na asul na ball of light dito.
Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Ayesha.
"P-paanong nakagawa ka niyan?!"
"Papatayin kita."
Napa-atras si Ayesha at hinawakan niya sa leeg ang walang malay na si Zyron.
"Pag pinatamaan mo ako niyan, madadamay siya!"
Hindi ko inintindi ang sinasabi niya. Tuloy tuloy akong naglakad palapit sa kanya. Nanginginig pa rin ang buong katawan ko.
Si West.... Si West..
Hindi ko matatanggap 'to. Habang buhay kong dadalhin 'to.
Ayaw tanggapin ng puso't isipan ko na wala na siya. Ang bigat bigat sa dibdib. Para akong unti-unting pinapatay. Para akong nalulunod. Ang hirap huminga.
Papatayin ko si Ayesha!
Itinaas ko ang palad ko. Nakita kong itinulak ni Ayesha si Zyron palayo sa kanya at napaatras siya sa akin.
"J-Jillian.... Please... pwede nating pagusapan 'to."
"Magagawa mo pa bang ibalik ang buhay niya?!"
Hindi umimik si Ayesha. Nanlalaki lang ang mata niya habang nakatingin sa akin. Kita ko sa expression niya na hindi siya makapaniwalang gagawin ko 'to.
At kahit ako, hindi ako makapaniwala na buong buo ang loob ko na patayin ang babaeng nasa harapan ko.
She killed the man I love. Walang kapatawaran ang ginawa niya.
Ibabato ko na sana ang ball of lights sa direksyon ni Ayesha ng biglang may yumakap sa akin mula sa likod at pinigilan ako.
"Jillian! Please wag!" dinig kong sabi ni Cupid.
"Bitiwan mo ako Cupid! I will kill her! I need to kill her!!"
"Wag mong gagawin yan Jillian! Magiging full goddess ka. Hindi mo pwedeng gamitin ang kapangyarihan mo!"
Umiling ako, "wala akong paki Cupid! Wala na akong paki kung ano ang mangyari sa akin! She killed West! She killed him!!"
"Jillian!"
I tried to push him away pero ang higpit ng pagkakayakap ni Cupid sa akin. Ayaw niya akong pakawalan. Nanghihina na ako. Pinanlalambutan ako ng tuhod.
Narinig ko ang tawa ni Ayesha mula sa malayo.
"Wow Cupid, kaya mo palang maging concern! Bakit wala kang ginawa ng panahong kinuha ako ng iyong ina?!"
Tinignan ni Cupid si Ayesha.
"Hindi ka niya kinuha. Kusa kang sumama sa kanya."
"Dahil pinangakuan niya ako ng kung anu-ano!"
"Pinangakuan ka niya ng kapangyarihan na talaga namang ibibigay niya sa'yo kung hindi ka umalis! Hindi mo pwedeng isisi lahat sa amin ang bawat maling desisyon na nagawa mo!"
Humarang si Cupid sa harap ko. Ngayon ko lang napansin na his clothes are soaking of blood. Nanginginig din ang mga binti niya na parang any minute ay bibigay na siya.
Lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang asawa ni Cupid na si Psyche. Walang malay pero wala ring galos sa katawan.
Pero si Cupid...
"Pareho na tayong nanghihina Cupid. Pero sa lagay mo na yan, hindi mo ako kakayaning talunin," ngiting-ngiti na sabi ni Ayesha.
Hindi sumagot si Cupid pero kita ko ang napahigpit ang paghawak niya sa kanyang pana.
I tried to stand up pero naramdaman ko ulit ang sakit ng hita ko dahil sa malaking sugat na natamo ko.
Nakita kong palaki nang palaki ang ball of light sa palad ni Ayesha. Ramdam ko ang panghihina ni Cupid.
Pero isang bagay ang hindi ko inaasahang mangyari.
Mula sa likod ni Ayesha, nakita kong sinaksak siya ni Zyron ng pana ni Cupid.
Nanlaki ang mata ni Ayesha. Nakita kong may lumabas na dugo mula sa bibig niya. Unti-unti siyang natumba.
"B-bakit...?" tanong niya kay Zyron nang makita niya na ito ang sumaksak sa kanya.
"Tama na Ayesha," mariin na sabi nito.
May bumagsak na luha galing sa mata ni Ayesha.
"Gusto lang kitang makasama. Katulad ng dati. Katulad nung hindi pa sila dumarating sa buhay natin.." hinang-hina na sabi nito.
"Hindi na ako sa'yo simula ng pinili mo ang kapangyarihan."
Napapikit si Ayesha habang tuloy-tuloy ang pagbagsak ng luha sa mata niya.
"Patawad, mahal..."
Biglang nag-liwanag ang buong katawan niya at sa isang iglap lang ay naglaho na ito.
Napaluhod si Cupid.
"Wala na siya..."
Napayuko ako at nilingon ko si West. Pagapang akong lumapit sa katawan niya at hinawakan ko ang kamay niya.
Ang lamig lamig na nito. Kulay papel na ang labi niya. Wala na rin kulay ang balat niya.
Pinunasan ko ang dugo sa gilid ng labi ni West gamit ang daliri ko. At hindi ko na napigilan ang pag hagulgol ng iyak. Ipinatong ko ang ulo ko sa dibdin ni West. Pilit ako umaasa na marinig ko ang tibok ng puso niya o maramdaman ang paghinga niya.
Pero hindi. Wala.
Isa na lamang siyang malamig na bangkay.
At ang sakit sakit sakit.
Hindi ko kaya. Ayokong tanggapin ito.
"West naman eh. Bakit ka naman ganyan!!"
Naramdaman kong may tumabi sa akin at nakita ko si Zyron. His eyes are full of tears.
Iniharang ko ang katawan ko sa harap ni West.
"Wala kang karapatang hawakan o tignan siya!" sigaw ko rito.
"Jillian..."
"Bakit wala kang pakielam kay West ha? Buong akala mo nakatadhana ako sa kanya pero nakuha mo pa ring gawin yun! Bakit ang selfish selfish mo ha? Zyron! Bakit?! Hindi mo alam kung gaano ka kahalaga kay West. Nung panahong inamin mo sa kanya na gusto mo ako, siya lumayo sa akin dahil pinapahalagahan niya ang mararamdaman mo! Samantlang ikaw!!"
Lumuhod sa harapan ko si Zyron.
"I'm sorry. I'm so sorry! I'm really really really sorry!"
Tuloy tuloy rin ang pag agos ng luha ni Zyron. Katulad ko, humahagulgol din siya ng iyak habang paulit-ulut na humihingi ng tawad sa harap ni West.
Bakit hindi na lang ako ang namatay?
"Hiram lang ang buhay na 'to," sabi ni Zyron. "Natatandaan ko ang lahat ng nangyari noon sa amin ni Ayesha. Niligtas ako ni Zeus pero dahil tinangka kong pumunta sa Mt. Olympus, ang parusa niya sa akin ay sa susunod kong buhay, maalala ko pa rin lahat nang nangyari sa akin noon. Nung makita ko ulit si Ayesha, nagtiwala ako sa kanya kasi akala ko nagsisisi na siya sa pagiwan niya sa akin. Akala ko tinutulungan niya ako para makabawi sa kinahantungan ko noon. I never thought na ganito pala ang plano niya..."
Iniwas ko ang tingin ko kay Zyron.
"Hindi na maibabalik ang buhay ni West sa kwento mong yan. Wala nang saysay ang pagsisisi mo, Zyron."
Nagulat ako nang biglang hawakan ni Zyron ang magkabilang pisngi ko at tinitigan ako sa mata.
"Hiram lang ang buhay na 'to, Jillian."
"Z-Zyron.."
"Mahal na mahal kita, Jillian. Sobra. At oo naging selfish ako dahil ayoko na ulit mawalan ng minamahal. And I'm really really sorry dahil doon. Ang gusto kong mangyari ay maging masaya ka. I'll be happy too."
Hinalikan ako ni Zyron sa noo and then humiwalay siya sa akin at humarap kay West.
"Z-Zyron..? Anong pinaplano mo?"
Hinawakan ni Zyron ang braso ng kapatid niya at nagulat ako nang biglang nagliwanag ang paligid nila.
"Z-zyron?! Anong nangyayari! Zyron!!"
Naramdaman ko ang mga braso ni Cupid sa balikat ko.
"Cupid! Cupid si Zyron!!!"
Iniharap ako ni Cupid sa kanya at kita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"Cupid?"
Napayuko si Cupid.
"I'm sorry Jillian."
"A-anong nangyayari?!"
Nilingon ko ulit si Zyron at West. Nakatingin sa akin si Zyron and he's smiling.
"Be happy."
Pagkasabi niya nun ay bigla na lang siyang nawala.
And West starts breathing again...
~*~
Ibinalik ang ayos sa lahat. He removed West's memory. Pinalabas niya na car accident ang nangyari kay Zyron.
Sa kabilang banda naman, bumalik na si Cassandra sa pamilya niya.
Katulad ng ginawa ni Cupid kina West, binura niya sa alaala ng mga kamag-anak at kaibigan ni Cassandra na namatay siya.
Naalala ko, habang ginagawa ni Cupid lahat nang 'yon, nakatulala lang ako habang tuloy tuloy pa rin ang pagbagsak ng luha sa mata ko.
I'm happy that West is alive. But at the same time, hindi ko maitatago ang grabeng sakit na naramdaman ko nang i-sakripisyo ni Zyron ang buhay niya para kay West.
Akala ko kaya kong pigilan ang premonition ni Cassandra. Na kaya kong baliktarin ang sitwasyon.
Akala ko kaya ko silang iligtas dalawa.
Mas pipiliin ko pang ako ang mag sacrifice para sa kanila.
Ang hirap pala kapag ikaw ang naiwan. Ang sakit. Ang hirap hirap huminga.
At mas dobleng sakit kada naiisip ko si West. Ano kaya ang nararamdaman niya sa pagkawala ng kapatid niya.
Wala siyang idea sa totoong nangyari.
It will kill him kapag nalaman niya ang totoo.
"Jillian."
Napa-angat ang ulo ko at nakita ko si Cupid na nag-aalalang nakatingin sa akin.
"How's Psyche?"
"Ayos na siya. May malay na rin siya."
Tumango ako.
"Salamat sa pag gamot mo sa sugat ko," sabi ko kay Cupid.
Naupo si Cupid sa tabi ko at pareho naming pinagmasdan ang paligid ng garden niya.
"I was able to tend your physical wounds pero nalulungkot akong isipin na hindi ko mahilom ang mas malalim mong sugat."
Hindi ako umimik. Hindi ko kayang pagusapan ang mga nangyari.
"Pero syempre hindi ko naman hahayaang masaktan ka ng husto. Pinangako ko na magiging masaya ka 'di ba? Tutuparin ko na."
Bigla akong napaayos ng upo at gulat akong tumingin kay Cupid. Ang bilis ng pintig ng puso ko.
Bakit parang hindi maganda ang pakiramdam ko rito?
"Anong pinaplano mo?"
He smiled at me sadly.
"I'm really happy na nakilala ko ang pamangkin ko. Well, kahit mukhang magka-edad tayo at mas bagay na mag pinsan. But really Jillian, salamat sa lahat ah?"
"Cupid! Don't tell me---!"
"Oo. Buburahin ko ang alaala mo."
"Pero Cupid! Ayoko!" umiling ako at nagsimula na namang mamuo ang luha sa mga mata ko. "I still want to remember you! Please! You're the only family I have! Please!"
"You still have your dad Jillian and he loves you very much. Kaya hindi siya makalapit sa'yo ay dahil sa sumpa. Pero isa sa mga usapan namin ni Aphrodite iyon. Pag nagawa kong maayos ito nang hindi humihingi ng tulong sa kanya ay aalisin na niya ang sumpa sa ama mo at hindi ka na niya tatangkain na kuhanin."
"Cupid naman!"
"You'll be happy. Don't worry. Kayo ni West---kayo nang lalaking nakatadhana sa'yo. Darating ang araw na magiging masaya kayo. Pangako 'yan."
Ipinatong ni Cupid ang kamay niya sa ulo ko at bago ko pa matabing ang braso niya, nawalan na ako ng malay.
~*~
[Cupid's POV]
Napabuntong-hininga ako habang inaayos ko ang pagkakahiga ni Jillian sa kama niya. Ang sakit ng braso ko. Ang bigat naman kasi ng pamangkin ko na ito eh. Sana maisipan niyang mag diet para sa susunod na pagkikita nila ni West eh sexy na siya. Naturingang apo ng goddess of beauty at pamangkin ng god of love eh mukha naman siyang piglet.
Tinignan ko ang mukha ni Jillian at nakaramdam ako ng kalungkutan.
Sayang hindi na niya ako maalala pagkagising niya. Nakakalungkot din naman kasi napalapit talaga ako sa kanya. Inaamin kong sobrang naging masaya ako sa mga panahong nakasama ko ang pamangkin ko na ito.
Para akong nagkaroon ng best friend noon. Isang nilalang na nakakaintindi sa akin. Isang taong kahit anong mangyari, magtitiwala at magtitiwala sa akin.
Bago pa ako maging emosyonal masyado ay lumabas na ako ng kwarto ni Jillian. Nakita ko naman ang asawa kong si Psyche na nagaantay sa akin.
Nilapitan niya ako at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.
"Magiging ayos lang siya," sabi niya sa akin.
Tumango ako, "I know she will. Pamangkin ko 'yan eh."
Napangiti si Psyche at nakita ko na naman ang sugat sa kanang pisngi niya. Sabi ni Psyche kagagawan ito ni Ayesha.
I traced the scar using my finger.
"Patawad mahal. Patawad nahuli ako sa pagligtas sa'yo. Ang sakit isipin na napabayaan kong saktan ka ni Ayesha ng husto."
"Cupid, niligtas mo pa rin ako. Ayun ang mahalaga. Magkasama na tayo."
I caressed her cheek and I leaned forward to give her a kiss.
"I love you," bulong ko sa kanya.
"I love you too, Cupid."
Humiwalay siya sa akin at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
"Uwi na tayo? Miss ko na ang anak natin."
Tumango ako.
"Uuwi na tayo."
At sa susunod na bumalik ako sa mundong 'to, sisiguraduhin ko nang walang hahadlang kay West at Jillian.
To be continued...
Aly's Note:
Guys! May collaboration story kami na sinusulat ngayon ni Aril_Daine! (Author ng Sadist Lover, Fake Lovers, Hello Neighbor, etc...) Nakapost din dito yung collab story namin sa Wattpad! Baka trip niyo basahin. Title: Black Stone: Sapphire ... Doon po nakapost sa account na ginawa namin. Username, "Ariloony" Hehehe. Thank you! :D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top