Chapter 64
Chapter 64
[Jillian's POV]
"Dali na Ayesha. Gisingin mo na si Zyron. Gusto kong makausap ang taong tinutukoy ni Cassandra na magtataksil sa akin."
Unti-unting lumapit si Ayesha sa harap ni Zyron at inihrapang niya ang katawan niya rito.
"Alam mo na pala ang lahat, Jillian. Pero hindi mo ako mapipigilan. Kung hindi mo papanain si Zyron, ikaw ang papatayin ko, Jillian!"
"Hindi naman pwede yun," sabi ni Cupid at itinaas niya ang bago niyang pana na gawa ni Hephaestus. "Hindi ko hahayaang saktan mo ang pamangkin ko."
Sumeryoso lalo ang itsura ni Ayesha at itinaas niya ang palad niya. Nakita kong may bola ng ilaw na kulay asul ang lumutang sa palad niya.
Diniinan ko ang hawak sa pana.
"Ayesha, kasing bilis ng pana ko ang mahika mo," sabi ni Cupid. "Ang panang hawak namin ni Jillian ay gawa sa mahika ng mga Furies. Pagka-bumaon ito sa'yo, ikamamatay mo 'to."
"Hindi ako natatakot sa inyo!" sabi ni Ayesha. "Akin si Zyron. Hindi niyo na siya kailanman mababawi sa akin!"
"Simula nang pumayag kang maging apprentice ng aking ina ay natanggalan ka na ng karapatan sa mortal na iyan!" sigaw ni Cupid. "Oo, mali ang aking ina na patayin ang lalaking mahal mo. Ngunit iniligtas naman siya ulit ni Zeus at binigyan ng pangalawang pagkakataon sa katauhan ni Zyron. Pero wala ka pa ring karapatan sa kanya, Ayesha!"
"Tinanggalan niyo ako ng karapatan noon! Babawiin ko lang iyon ngayon!"
"Tandaan mo, kusa mong tinanggap ang pagiging Goddess mo. Ginusto mo rin iyon kaya wag mo sa amin isisi ang lahat. Minsan hinangad mo rin magkaroon ng walang kapantay na kapangyarihan!"
"Ayesha, itigil mo na 'to," mariin kong sabi. "Pakawalan mo na si Zyron at West. Hindi ka mananalo sa amin ni Cupid, Ayesha!"
Ngumisi si Ayesha.
"May mga alas pa ako."
Bigla kaming may narinig na isang nakabibinging ungol sa hindi kalayuan na na parang nanggagaling sa isang lobo.
Bumilis ang pintig ng puso ko at parang hindi ako makahinga. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko.
Ilang oras pa lang simula nang malaman kong part goddess ako. Kung tutuusin, pwede ko pang i-consider ang sarili ko bilang isang mahinang mortal.
Pero ngayon, kailangan kong lakasan ang loob ko. Bawal matakot. Baka pag pinangunahan ako ng takot, pare-pareho kaming mamatay rito.
No. Kahit ikamatay ko basta mailigtas ko sila. They deserve it. Both West and Zyron. Hindi ako makakapayag na may magsasakripisyo sa kanila.
Bigla kaming nakarinig ng malakas na tili ng isang babae. Nanlaki ang mata ni Cupid.
"P-Psyche--!!"
"Gutom ang alaga kong lobo. Ano kaya ang lasa ng asawa mo, Cupid."
"Ayesha--!"
"Cupid, puntahan mo si Psyche."
"Pero Jillian--!"
"Kailangan mong iligtas ang asawa mo. Wag kang magalala, magiging okay lang ako."
Naramdaman ko ang pag-hinga ng malalim ni Cupid.
"Babalikan kita agad, Jillian."
Sinulyapan ko siya at nginitian ng bahagya.
"I know. Go, save your wife!"
Tumango siya at tumakbo papunta sa pinanggagalingan ng ingay.
Ibinaba ni Ayesha at kamay niya.
"Ngayon Jillian, makakapagusap na tayo ng maayos."
"Aayos lang ang paguusap natin kung ibabalik mo sa akin ni West at Zyron."
"Jillian, alam kong mahal na mahal mo si West. Ito na nga, binibigyan na kita nang pagkakataong makuha siya ng walang hadlang. Hayaan mo na si Zyron."
"Hindi mo ako madadaan sa ganyan Ayesha. Oo mahal ko si West pero hindi ko kayang pabayaan si Zyron sa'yo."
"Bakit Jillian? Matapos nang ginawa niya sa'yo! Katulad ko rin si Zyron. Gagawin niya ang lahat makuha lang ang gusto niya. Ang buong akala niya ay kay West ka nakatadhana. Pero wala siyang paki kung aagawan niya ng tadhana ang kapatid niya! Ba't hindi ka na lang magpaka-selfish at kunin mo ang lalaking para sa'yo?! Hindi mo na rin naman magagawang mahalin pa si Zyron dahil siya na mismo ang nagpahina ng koneksyon niyo!"
Bago pa ako makasagot kay Ayesha ay bigla na lang lumindol ng malakas kaya pareho kaming napatumbang dalawa.
My heart skipped a beat.
Sana walang nangyayaring masama kay Cupid. Please, Cupid mag-iingat ka.
Nang huminto ang malakas na paglindol, hindi na ako nagdalawang isip pa. Agad akong tumayo at pinakawalan ko ang panang nasa kamay ko.
Kaso nakita agad ito ni Ayesha at gumulong siya paalis sa kinalulugaran niya kaya hindi siya tinamaan ng pana.
Tumayo si Ayesha at tumawa nang malakas.
"Paano ba 'yan Jillian, wala ka nang pana. Paano ka na ngayon?"
Muli niyang itinaas ang palad niya at nakita ko na naman ang kulay asul na ball of light sa ibabaw nang palad niya. Bigla niya itong ibinato sa akin at laking pasasalamat ko dahil nakailag ako. Tinamaan ng ball of light ang malaking bato na nasa tabi ko at nakita ko itong naging abo.
Shit.
"Ang lakas ng loob mo na paalisin si Cupid. Tingin mo kaya mo akong labanan? Sino ka ba? Anong laban mo sa akin?"
Hindi ako umimik. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Sa peripheral vision ko, nakikita ko ang pana ni Cupid na tinira ko para sirain ang invisible barrier ni Ayesha. Onti lang ang layo nito sa akin. Kaya ko 'tong abutin.
Kaya lang alam kong mas mabilis ang ball of light ni Ayesha kesa sa pagtakbo ko.
Shit shit shit.
What should I do?!
"Tulungan mo ako Jillian at hahayaan kitang mabuhay."
"Manigas ka diyan."
Agad pinakawalan ni Ayesha ang asul na ball of lights at naramdaman kong dumaplis it ko sa braso ko. I let out a cry of pain. Ang init ng braso ko. Parang nasusunog. Ang sakit. Sobrang sakit!
Napatumba ako.
"Pwede naman kitang patayin Jillian para tuluyan nang mawala ang koneksyon niyo ni Zyron. Katulad nang kung paano ko pinatay si Ana para maiduktong ko ang kapalaran mo kay West."
Tinignan ko ng masama si Ayesha. Nanginginig ang buong katawan ko.
Siya ang dahilan kung bakit nawala agad si Ana. Si Ayesha... siya ang may kagagawan...
"Ngayon Jillian, tutulungan mo ako o mamamatay ka?"
Napansin kong halos nasal likuran ko na ang arrow. Onting stretch na lang maabot ko na ito. Pero hindi dapat mapansin ni Ayesha kaya naman dinistract ko siya.
"Hindi mo ako papatayin Ayesha. Kailangan mo ang tulong ko. Kahit mawala ang koneksyon namin ni Zyron, hindi mo maiduduktong ang kapalaran niya sa'yo."
Tumawa nang malakas si Ayesha.
"Jillian Jillian Jillian...wag mong kalilimutan na madaling gayumahin ang mga mortal."
Nahawakan ko na ang pana at itinago ko ito sa likuran ko.
Unti-unti akong tumayo at nginitian ko si Ayesha.
"Bago mo siya magayuma, papatayin muna kita."
Agad kong isinalang ang pana at pinakawalan ito. Kahit na nakailag si Ayesha, nadaplisan pa rin ang tagiliran niya kaya naman napaluhod siya.
Nakita ko ang gulat sa mga mata niya.
Alam kong dapat ibaon ang pana para mamatay ang isang imortal. Pero makaka-cause pa rin ito ng malaking damage sa katawan nila kung madadaplisan ka nito.
"Tama na Ayesha. Talo ka na. Itigil mo na 'to. Hindi mo na magagawang lumaban."
"Hayop kayong lahat!!"
Bigla ulit yumanig ang buong kweba kaya naman napatumba ulit ako. Nagbagsakan ang malalaking bato sa ulunan ko at bago pa ako makailag, may isang matalim na bato ang tumama sa hita ko.
Napasigaw ako ng malakas.
Umiikot na ang paningin ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
Sa braso ko na tinamaan ni Ayesha ng ball of lights. Sa hita ko na hindi ko na maigalaw dahil may naka-tusok na matalim na bato.
Naka-aninag ako ng pulang ilaw.
Napatingin ako sa direksyon ni Ayesha at nakita ko na kahit hinang hina na siya, may mahika pa rin siya.
"Sa ating dalawa, ikaw ang mamatay Jillian."
Pinakawalan ni Ayesha ang pulang ilaw patungo sa direksyon ko.
Pero bago pa ito tumama sa akin, may biglang yumakap sa akin at siya ang tinamaan ng mahika ni Ayesha.
"J-Jillian..."
Kitang-kita ko ang panlalaki ng mata niya. Kita ko kung paano lumabas ang dugo mula sa bibig niya at unti-unti siyang napapikit at tumuba sa harapan ko.
Hindi ako makahinga.
Hindi.
Hindi pwede.
Bakit.
HINDI PWEDE.
"WEST!!!"
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top